Chapter 26 Part 1

Background color
Font
Font size
Line height

A/N: Nawawala kasi yung kaputol so, ito lang muna.


RECKLESS
CHAPTER 26

KANINA KO PA gustong matawa sa mag-ama ko. Dash was trying to get Niel's attention while our son is trying his hardest to get away from his father. Hindi ko alam kung bakit pero may kutob akong kagagawan iyon ni Sean.

He saw me leave Dashiel's room last night. Wala siyang sinabi pero kakaiba ang tingin na ibinigay niya sa akin.

"Hey! Wanna go horseback riding?" ani Dash sa nakatingalang anak.

"Thank you but Papa's on his way to get our horse." na sinabayan niya ng takbo palapit sa akin. Kaagad ko siyang sinalubong at binuhat.

Nagkatinginan kami ni Dash. He has this helpless look on his face while looking at us. Then, he sighs in defeat when he saw Sean emerging with his horse.

Ibinigay ni Sean ang renda ng kabayo kay Caloy para lapitan kami. Si Niel ay bumaba naman sa akin.

"Be careful." pahabol ko nang tunguhin niya ang kabayo.

Tinaasan ko kaagad ng kilay si Sean pagkalapit niya at hinintay na magpaliwanag. He gave me a bored look without saying a thing.

"What did you say to Niel, Sean?" tanong ko sa mahinang tinig.

"Hindi ko gusto ang ginawa niya, Cara. Not in my house. Not in my territory... At hindi rin sa'yo."

Uminit ang mukha ko. I felt guilty kahit wala namang nangyari sa amin ni Dash. Almost... pero hindi natuloy iyon dahil tila nagalit siya sa hindi ko malamang dahilan at basta na lamang akong iniwan papasok sa banyo.

"We just talked!"

"In his room? Yeah, tell me again about it." umiiling na saad niya. Umuklo siya para magpantay ang mga mukha namin. He really is tall. Mas matangkad pa siya kay Dash na sa pagkakaalam ko ay six footer.

"Don't you know? Sa aming lahat, si Dash ang pinakamarupok. He had his first at the age of thirteen, Cara."

Nanlaki ang mga mata ko. When I was at that age, noon pa lang ako tinutubuan ng dibdib!

"Totoo?" he nodded. "And you just lost yours four years ago. Hindi pa sinasadya!"

"Shut up, Caramel!" pulang pula siyang bigla kaya natawa ako ng malakas.

Tinalikuran naman niya ako para lapitan si Niel na kinakausap iyong kabayo ni Sean. Tapos ay isinakay na niya si Niel sa likod ng kabayo bago siya sumunod.

Isang madamang tingin ang ipinukol niya sa akin bago may ibinulong kay Niel na biglang nagliwanag ang mukha.

"Really, Mommy? You're going to give me a little brother soon?" sigaw ni Niel na tila tuwang tuwa.

Nanlaki ang mga mata ko. Nang tignan ko si Sean ay nakangisi na ito.

"And Cara, ipinalipat ko na ang mga gamit mo sa kwarto ko. Mom's coming with your grandfather and Auntie Aurea to talk about our marriage so there's nothing wrong if we're going to share a room." saka tuluyan na silang umalis.

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Tapos ay napatingin ako kay Dash at ganoon na lamang ang naging pagkabog ng dibdib ko nang makita ang galit sa mga mata niya. Kaya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin ay kinabahan akong bigla.

Ano na naman ba ang mangyayari?

Nang malapit na si Dash ay napaatras ako. Akmang aalis na ako ng abutan niya ako at mabilis na hilahin. My body landed on his. Halos nakasubsob na rin ako sa dibdib niya.

Itinulak ko siya at akmang magpoprotesta ng biglang sakupin ng mga labi niya ang mga labi ko.

Shocked was an understatement to describe what I am feeling at the moment. Konti na lang ay aatakihin na ako sa mga pinaggagagawa nila Dash at Sean. They're messing with my emotions and I hate it!

"Ano ba, Dash!"

In broad daylight, he kissed me with everyone to see. I look around and saw three people. Parang wala naman silang nakita dahil patuloy lang sila sa ginagawa.

"You cannot kiss me whenever you want, Dash. Alam ng lahat na fiancé ko si Sean and yet, you dare to kiss me!" halos hindi na bumuka ang bibig ko ng sabibin iyon. Dash and his reckless act...

He just looked at me. Nothing but madness was on his eyes. "I'm going back to Manila and I'm bringing the both of you home, Cara. Both of you." tapos ay tinalikuran na niya ako kaya sinundan ko siya.

"What? You can't decide for us, Telpace!" this time, I was really mad. I don't even care if my voice roared around the Hacienca Cervantes.

"Believe me, Cara I can. I can do anything I want without consenting anyone."

His voice sent chills to my body. Did he just threatened me? Napahinto ako sa lakad-takbong ginagawa ko makasunod lang sa kaniya. I stared at his figure until I couldn't see him anymore.

How did I forget that he is 'the' almighty Dashiel Luis Telpace?

That whole day, I didn't received anything from Dash at all. Kahit isang salita o isang sulyap ay wala. When I tried to talked to him, dinaanan lang niya ako na tila hindi nakita. I was like a thin air he didn't even bother to breathe in... that he'd rather stop breathing than to have me.

Nang sumunod na araw ay nalaman ko nalang din na nakaalis na siya pabalik sa Manila nang gisingin ako ng isang katiwala. It's only past six in the morning! Akala ko ba ay isasama niya kami ni Niel? What happened now to his threat?

Sa isiping iyon ay mabilis akong napabangon at hindi na nag-abalang magsuot man lamang ng roba. Kaagad kong tinungo ang silid ni Niel at ganoon na lamang ang panlalambot ko nang walang Niel na abutan sa silid.


To be continue...

You are reading the story above: TeenFic.Net