Chapter 23

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
Chapter 23

This is my fourth day in Hacienda Cervates. I am learning to enjoy everything in the hacienda especially horseback riding. Marunong na ako huwag lang ang pagpapatakbo ng sobrang mabilis. But Sean never let me ride alone just like today.

"Alam mo, nahihirapan na 'yung kabayo. Kung lumipat ka na kaya?"

"This is a thoroughbred, Cara. Wala lang sa kaniya ang bigat natin lalo na at ang liit mo." Aniyang may bahid ng ngiti. Masaya siya kapag nilalait ako. Itim talaga ang budhi ng isang' to, eh!

"E, di dun nalang ako kay Princess Tralala." I really like that horse. Sobrang ganda niya na parang sinabotahe ang pangalan. Puting-puti at may kahabaan ang mane na may ilang tirintas. Si Pumpkin daw ang may gawa noon.

I know that Sean is doing this for two reasons, una ay para sa kaligtasan ko at ang pangalawa ay para kay Dash na malimit naming makita na nakasunod sa bawat galaw namin.

"Wow! Masyado mo namang minamaliit ang height ko. Five three kaya 'to. Five three!"

"And I'm more than a feet taller." He grunted nang sikuhin ko. "Your lover's looking at us again, Caramel. Should we kiss for a better show?" Bulong niyang hindi ko masyadong naintindihan dahil sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo kaya nilingon ko siya na hindi ko dapat ginawa.

"What—"

Nalunod ang anumang sasabihin ko nang sakupin ng mga labi ni Sean ang mga labi ko. It really surprised me because he never make some bold moves like this in the past!

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at tumatakbo ang kabayo at sa takot na rin na baka mahulog kami.

Hindi ko alam kung kailan natapos ang halik. Naramdaman ko nalang na hinigit ni Sean ang renda ng kabayo hanggang sa huminto kami sa mapunong bahagi ng hacienda.

"Nasaan na tayo?" Because I've never been on this part of their hacienda. O, parte pa ba talaga ito ng hacienda?

"This is the virgin part of the hacienda. Ayaw ipagalaw ni Lola for some reason and I don't know why the horse brought us here."

"Okay but why did you kissed me like that, Sean? Nababaliw ka na ba!?" Instead of answering me, bumaba lang siya sa kabayo at tiningala ako. Halata pa rin iyong pasa sa gilid ng panga niya na ayaw niyang sabihin kung saan niya nakuha.

Sean looked at me and extended his hand to caress my lips.

"Don't worry. I feel nothing about the kiss." aniya sa blangkong ekspresiyon.

Sinabunutan ko siya ng may halong gigil at sa kasasaway niya sa akin ay nahulog ako sa kabayo at bumagsak sa kaniya.

"Aah! Shit! Ang bigat mo na pala." Kunwa ay reklamo niya habang nakahiga sa masukal na lupa. "Nadurog yata ang abs ko."

Alam ko naman na hindi siya nasaktan talaga dahil bukod sa naging dahan-dahan ang pagkatumba namin ay makapal na mga tuyong dahon ang binagsakan niya.

Bumangon ako at hinawi ang buhok na tumabing sa aking mukha. "Ganoon? Mabigat ako?" Tanong ko habang nakaupo sa tiyan niya. "Eh, kung totohanin ko kaya ang pagdurog sa abs mong sinasabi?"

"This position is good, Caramel but I'd rather do it with someone else. Pero kung gusto mo akong tikman ay puwede rin naman. Hindi naman ako madamot." He was grinning but his hawk-like eyes are giving me warning.

I was about to get up off Sean when I heard him talked behind us. Napigil ang akmang pagtayo ko at napalingon sa pinagmulan ng tinig.

"Your father's looking for you, Sean."

Atop of a magnificent white horse is the almighty Dashiel Telpace on his cowboy hat, ripped upper body, tight maong pants and that brown leather boots.

His skin was a bit darker than before. Sa kanila talagang magkakapatid ay si Dash ang maituturing na moreno kung ikukumpara sa mga kapatid. At ngayong tulad ko ay ilang araw na rin siya sa hacienda kaya lalong nagkakulay ang balat niya.

And he has tattoo on his shoulder!

"You're drooling, Cara." Bulong ni Sean kasunod ng isang mahinang palatak bago kami tumayo. Tapos ay sinuri ako at nang masigurong wala namang nangyari sa akin mula sa pagkakabagsak ay binalingan si Dash.

"It must be urgent for you to personally deliver the message." Ani Sean na mabilis na nakasampa sa kabayo.

"Sean!" Tawag ko sabay hawak sa binti niya nang palakarin na niya ang kabayo.

"You've always wanted to ride Princess Tralala, right? Now is your chance." Tukoy nito sa kabayong kinalululanan ni Dash.

"You can ride the horse but not the cowboy." pahabol pa niya.

I always wanted that magnificent white horse. Pero ang sabi ni Sean ay hindi ito kasing safe ng ibang kabayo na sakyan lalo na sa kagaya kong baguhan.

Princess Tralala's a brat. Was Sean's exact words.

"Dash?"

"Fine. Go ahead. I'll take care of your fianceé." Sarcastically, he said while his eyes were on me. Sadyang binigyang diin ang huling salita.

Yumuko si Sean ng kaunti sa akin para bumulong. "This is a virgin land, do not stain this with adulterated act."

Nag-init ang buong mukha ko. Pero ang balak kong pagganti kay Sean ay tinangay na ng hangin nang patakbuhin nito ng mabilis ang kabayo at maiwan kami roon ni Dash ng kami lang.

Napatingin ako kay Dash na noo'y nakatingin rin pala sa akin. His deep-blue eyes met mine and for a moment, I thought I was back to the times when we were still together, having my monthly check ups, eating together... O di kaya ay sa pagkakataong pinapakita niya ang bersiyon ng Dashiel Telpace na hindi alam ng iba.

The scar on his forehead was still there and he looks so proud flaunting it unlike before. His eyes were sharper and deeper. Parang isang tingin mo palang, gusto ka ng lunurin. His nose and lips were still the same but because of the visible stubble, his jaw became more defined.

Nag-iwas ako ng tingin at nagsimulang humakbang palapit. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kabahan ng ganito. Sa bawat paghakbang ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bago pa man ako tuluyang makalapit ay bumaba na siya ng kabayo habang hawak ang renda niyon.

Nang makalapit ako ay walang tanong-tanong na hinawakan ako sa beywang para isampa kay Princess Tralala ng walang kahirap hirap.

Naka-long-sleeved ako pero ibinuhol ko iyon sa bandang tiyan. Tinernuhan ko lamang ng isang sexy maong shorts at brown boots na hanggang ankle kaya ramdam na ramdam ko ang init ng palad ni Dash na humawak sa beywang ko kanina at ngayon naman ay halos nakapaloob na ako sa mga bisig niya dahil nasa likuran ko siya!

"Saan kayo pupunta dapat ni Sean?" bulong niya na hindi pa rin pinapatakbo ang kabayo. Sa halip ay marahan lamang na lumalakad.

Katanghaliang tapat pero nananayo ang balahibo ko dahil sa sobrang lapit niya. I could almost smell his manly scent and his breath.

Kalma, Cara. Si Dash lang iyan.

"Maglilibot sana. Ang sabi niya ay may maliit na talon at batis sa loob ng hacienda. Doon kami pupunta...sana." naapikit ako sa sarili kong boses. It was soft and very feminine. Kabaligtaran kapag si Sean ang kasama ko.

"Bumalik na tayo. Sa ibang araw na lang namin pupuntahan." dugtong ko at itinuon ang atensiyon sa malambot na buhok ni Princess Tralala.

Nang hindi kumibo si Dash ay inakala kong babalik na nga kami pero laking gulat ko nang patakbuhin niya ng mabilis ang kabayo. Sa gulat ay napahawak ako sa braso niya at napasandal sa kaniyang dibdib habang mariing nakapikit.

Nang magmulat ako ilang minuto ang makalipas ay nasa harap na kami ng batis. Sa di kalayuan ay ang maliit na talon.

Para sa katulad kong nagkaisip at lumaki sa siyudad ay kamangha-mangha ang makakita ng ganito.

The scenery was very serene. Panay puno ang nakapalibot sa paligid. Sa gilid ng talon ay may ilang halamang namumulaklak ang tumubo at ganoon rin sa mga puno at gilid ng batis. Sa kabilang bahagi ay may maliit na kubo na tila pahingahan. Mayroon pa iyong maliit na lamesa sa labas at upuang gawa sa kawayan. Pero mararating lamang ang kubo kung tatawirin ang batis.

Nang bumaba si Dash ay mabilis akong sumunod, halos patalon ang ginawa kong pagbaba bago manghang lumapit sa batis.

"Ang linaw ng tubig." hinubad ko ang boots para subukang lumusong sa mababaw na parte. Nang lingunin ko si Dash ay nakita kong itinatali niya ang kabayo sa isang puno kaya nagpatuloy ako sa paglusong.

May mga maliliit na isda pa akong nakikita. Sa sobrang aliw ko sa tubig at mga isda ay nawala ba sa isip ko si Dash. Hinubad ko ang suot at itinira lamang ang itim na tube at shorts bago ako pumunta sa mas malalim na parte. Ang plano ko'y tawirin ang batis para makarating sa kubo sa kabila pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng biglang lumalim ang tubig.

Malalim sa gitna!

Mula sa hita ay naging halos hanggang beywang na ang tubig. Then, I heard a splash. Nag lingunin ko ang pinanggalingan ay nakita ko si Dash sa tubig malapit sa talon.

Did he dived from the top of the falls?

Isipin pa lamang niyang tinalon nito ang ganoon kataas ay kinikilabutan na siya.

Hindi ko na siya pinagtuunan pang muli ng pansin at ipinqgpatuloy ang paglakad sa tubig. Bakit ba kasi hindi ako natutong lumangoy?

Halos nasa dibdib ko na ang tubig at si Dash ay nasa kabila na! Naroon siya sa tapat ng kubo habang pinapanood ako, tila iniintay na makatawid pero hindi yata mangyayari dahil tila may pumulupot sa isa kong paa na kung ano dahilan para mataranta ako at madulas.

Lumubog ako sa tubig at nahirapang makaahon muli. Kung hindi pa dahil sa mga bisig na mabilis pumulupot sa beywang ko ay baka hindi pa rin ako nakakaahon.

Agad akong kumapit kay Dash na tila wala sa sarili habang  sumisinghap. Tila napasukan ng tubig ang ilong ko dahil sa biglaang paglubog.

"Umahon tayo!" sabi ko kasunod ng pag-ubo.

Dash carried me out of the water. Naupo siya sa naroong upuang kawayan habang kalong ako sa kaniyang mga hita. Ang mga braso ko naman ay nakakapit pa sa kaniyang batok.

"There's something in the water!" bulalas ko at itinuro pa ang tubig.

"Baka tuyong dahon lang o balat ng sanga."

"May ahas!" and he just laugh at me kaya tinignan ko siya ng masama at kinurot.

"Aw! That's my nipple, Caramel." daing niya na tila natatawa.

That's my nipple, Caramel.

That's my nipple, Caramel.

Tila ako natauhan sa pagbalik ng munting ala-ala. Napatingala ako kay Dash at noon ko lang namalayan na nakaupo ako sa mga hita niya.

Mabilis akong tumayo para lamang hatakin niya muli pabalik kasunod ng pagsakop niya sa aking mga labi para sa isang mapangahas na halik.

Sinubukan kong kumawala pero ang braso niyang nakapulupot sa aking beywang ay tila kadenang hindi matanggal. Ang isa naman niyang kamay ay nakasuporta sa aking batok kaya wala akong magawa.

Ang halik niyang tila sabik na sabik ay nag-iba ng tempo. Ngayo'y halos hindi na sumasayad ang labi niya sa mga labi ko at tinutudyo tudyo na lamang anv akong labi.

"D-dash," anas ko sa pagitan ng kaniyang mga halik.

Hindi ko na alam kung kailan ako tumigil sa pagpupumiglas. Ang mga kamay ko nakakapit na sa kaniyang batok.

Sa patudyo-tudyo niyang halik, pakiramdam ko'y isa akong bata na sinasabik niya sa isang bagay na gusto ko.

Oo! Gusto ko ang halik ni Dash kaya nang tuluyan siyang huminto ay napaungol ako.

"You want me, Cara. Don't deny it." he said, taunting my lips.

Nagyuko ako ng ulo at kinagat ang labi. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka mapaamin niya ako.

He cups my face with both of his hands as he kissed me again. It was deep but quick, making me want for more. Tila tinatakam niya akong talaga!

"Say it, Cara." bulong niya habang ang labi ay nag-iiwan ng mumunting halik sa aking leeg pababa. At pababa pa.

"Cara,"

"Hmmn..." napakapit ako sa kaniya pagkarinig ng sariling tinig. Sumubsob ako sa kaniyang leeg para itago ang kahihiyan. I even bit his shoulder when I felt him squeezed one of my breast.

"Stop torturing me and just say it, Cara. Say the magic word. Say that you want me, too."

Gusto kong isigaw sa kaniya na siya ang tumigil sa pagpapahirap sa akin pero tila tinakasan na ako ng lakas lalo noong maramdaman kong pumaloob na sa tuot kong tube ang isa niyang kamay.

My nipple immediately hardened at his touch.

"We...shouldn't be doing this, Dashiel." my voice was soft, so soft that I wanted to make sure if it really came from me.

Sa namumungay na mga mata ay sinalubong ko ang sa kaniya. His blue eyes speaks of passion and desire. Tila nag-aapoy ang kaniyang mga mata and his lips was so red that I found myself tasting it, nibbling it.

Then, we shared another hot and passionate kiss. Kung paano niya ako hinalikan ay ganoon rin ang iginanti ko hanggang sa pareho kaming pangapusan ng hininga.

When his kisses went down, doon ko na siya pinigilan.

"We can't, Dash. I am bound to marry Sean."

Tumiim ang mga bagang niya. Matagal niya akong tinitigan bago muling binuhat at walang salitang namutawi sa aming dalawa ng tawin namin ang ilog hanggang sa makarating kami sa kabayo at walang kahirap-hirap akong isinampa. Tapos ay binalikan niya ang damit ko malapit sa ilog at muling ipinasuot sa akin.

Nang makabalik kami sa Villa Cervantes ay ibinaba lamang ako ni Dash sa tapat. Sinalubong naman ako kaagad ni Niel at ganoon na lamang kaba ko nang tumuon sa anak ko ang mga mata ni Dash.

"I'll do something, Cara," aniyang ang mga mata ay nananatili kay Niel bago bumaling sa akin. "Later."

You are reading the story above: TeenFic.Net