Chapter 22

Background color
Font
Font size
Line height

RECKLESS
Chapter 22

"Mommy, I just learned to ride a horse and it was really fun! We had our lunch in the nippa hut near the river and there's a lot of small fish like baby fish!" Pagkukwento ni Niel. May ilang letra pa siyang nao-ommit kapag mabilis ang bigkas lalo na at mas bihasa siya sa Mandarin.

Masayang masaya ang anak ko na hindi niya namamalayan na chinese words na ang lumalabas sa bibig niya. Natawa ako at kinalong si Niel saka hinagkan sa leeg at kili-kili.

"Ang bango-bango naman ng baby ko." Hinalik-halikan ko pa siya ulit doon na umani ng hagikgik. My little bun is very ticklish.

"What did he said, Tita?" Isang batang babae ang sumulpot sa gilid namin. Sa tantiya ko ay nasa pito o walong taong gulang na.

"Hey pumpkin!" Si Sean na kinarga ito at hinalikan. "This is my niece, Cara. She's innocent when it comes to Chinese thing. Ayaw ng tatay niya. Baka daw ipakasal pagdating ng araw."

"But my tatay is so pogi and macho, Tito unlike you." The little girl held Sean's face. "You are so masungit."

"I'm pogi and macho, too. Can't you see?"

Natawa ako sa kanila habang ang anak ko ay patuloy sa pagkukwento gamit ang chinese.

"Baby, speak english or practice your tagalog." I pinched his cute little nose. "Nasaan ba ang pantali mo ng buhok?" Mahaba kasi ang buhok ni Niel. I let it grow for Sean.

"Nasa kabayo po." Sagot niya and I couldn't helped but smile. Slang magtagalog ang anak ko and it sounds so cute.

"Kabayo? Did you tie it's mane?" I ask, combing his hair with my fingers.

"Yes, mommy." He giggled. "It's cute and I only did it to know it was her."

"You should have given her a name."

"I did. I named her Sailormoon."

I burst out laughing as I looked at Sean who's glaring at me. Alam na alam niya kung bakit ako tumatawa but I stopped myself after a few seconds dahil baka gumanti siya.

Kinabukasan, inilibot ako ni Sean sa buong Hacienda Cervantes. Iyon ang unang pagkakataon na nakarating ako sa hacienda nila. Ang akala ko noon ay hacienda lang ang tawag pero literal pala talaga iyong hacienda.

Mayroon silang ekta-ektaryang taniman ng buko, tubo, mais, mangga at may parte ng hacienda na puro hayop naman ang mayroon tulad ng baka, kambing, tupa at kabayo. May parte rin ng hacienda na mararating lang gamit ang kabayo kaya ngayon ay angkas siya ni Sean habang si Niel ay naiwan sa mansion kasama ang magulang ni Sean.

"Damn! And you will inherit all of this! You're one lucky anime character, Sean Endy—" napatili ako ng patakbuhin niyang bigla ng mabilis ang kabayo. Sa huli, nauwi iyon sa tawa dahil alam ko kung bakit niya iyon ginawa. Napabilis tuloy ang pag-uwi namin at ang ngiti sa mga labi ko ay unti-unting nabura pagkakita ko kay Dash kausap ang tatay ni Sean.

"Should I kiss you for a good show?" Sean whispered before he maneuver the horse near the stable.

Nalagpasan na namin sila Dash pero ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa amin. O baka naman napa-paranoid lang ako?

Sa kaiisip ko, hindi ko namalayang nakababa na pala si Sean sa kabayo. Kung hindi pa niya ako inabot para ibaba ay baka nalunid na ako sa kaiisip.

I tugged on Sean's shirt. "Makikita niya si Niel!" I burst out while we're heading back to the mansion. Si Sean ay may bitbit pang isang kaing ng mangga at ni hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha.

"So?"

"Ano'ng 'so'?" Hinatak ko pa lalo ang damit niya para pigilan siya sa paglakad o pabagalin man lamang ang lakad niya. "Hindi pa puwede, alam mo iyan."

This time, huminto na siya at tinawag ang isang binatilyong marahil ay anak ng isa sa mga nagtatrabaho sa hacienda.

"Señorito, magandang umaga po."

Tinanguan ito ni Sean. "Pakidala nalang ito Caloy sa kusina. Gagawin itong burong mangga."

"Sean," untag ko nang makaalis na ang binatilyong tinawag nitong Caloy.

"Listen, Cara," bumuntong hininga siya bago ako niyuko para magpantay ang mukha namin. "Niel is my son so there's nothing to be afraid of."

"Paano kung isipin pa rin niya na sa kaniya?" Hindi pa rin mawala sa isip ko ang posibilidad na iyon.

"He's smart. Niel was born on December. You lost your baby on it's third, almost four months old. That was April of the same year, Caramel Ty."

"Natatakot pa rin ako." Bulong ko habang si Sean ay hinawakan ako sa kamay at iginiya na papasok sa loob ng  mansion.

Upon entering the mansion, my heart leaps a beat when I heard his laughter echoing around the living room. And Daddy ni Sean, si Tito Irving ay nakangisi. Pareho silang may hawak na kopita ng alak.

Sa ibang pagkakataon, iisipin ko kung ano ang pinag-uusapan nila samantalang pareho silang matipid magsalita. But I couldn't care to anything anymore but to Dash' presence right now. Iyong isipin pa lamang na narito siya ay parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog.

Mabilis na lumibot ang paningin ko sa paligid. Medyo nakahinga ako nang walang Niel na makita.

"Where's Niel, Dad?"

Muntik ko ng masapak si Sean sa sinabi niyang iyon. At talagang nilakasan pa niya. His father gave him a knowing look and as if in que, Niel emerges from the back door with little pumpkin, giggling.

"Dapat wala kang pusod kasi boy ka."

"But Papa also have a long hair. Si lolo rin."

"Right! My Daddy used to have a long hair too but he cut it short because Mommy used to pull it at night." Said the giggling Little Pumpkin.

Parang alam ko kung bakit ganoon and I almost rolled my eyes on the idea.

"Why?"

"I don't know. Ask your Papa if Tita Cara's pulling his hair at night, too. Lolo!" Tila noon lang napansin ng mga ito na hindi lang sila ang tao sa sala.

"Papa!" Tumatakbong lumapit sa amin si Niel. Sean carried him and pinched his cheek. "Is mommy pulling your hair at night?" Biglang tanong nito. It was an innocent question pero para sa mga matatanda ay kayang-kaya iyong lagyan ng kakaibang kahulugan.

"Yeah." Nakangising sagot naman ni Sean na tumingin pa sa direksiyon nila Dash.

At si Dash?

Kulang ang salitang gulat para i-describe ang itsura niya ngayon. Of course, only few people knew about Niel. Tanging ang pamilya ko lamang at ang pamilya ni Sean ang may alam.

And if he really never left, he should know about Niel. Pero sa nakikita kong reaksiyon niya, wala siyang alam tungkol sa bata at nakahinga ako lalo ng maluwag dahil doon.

"Bakit, Mommy?" Niel pulled me back from my reverie.

"Huh?"

"Why are you pulling Papa's hair at night? Was it fun?"

"Depends on the situation, son. But it's fun when done at night." nakangisi pa si Sean. Akala mo naman...

Natawa na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Si Sean ay kinurot ko sa tagiliran. Nang ibaba siya ni Sean ay tumungo ang mga ito sa gawi nila Dash. Napalunok ako lalo na ng titigan ito ni Dash.

Kung minsan ay gusto ko talagang sabunutan si Sean sa mga pinaggagagawa niya. Favourite niya kasing ilagay ako sa alanganin tulad nalang ngayon.

I remain standing far from them but I could hear their conversation. Si Dash ay nanatili ang tingin sa akin na tila may napakalaking kasalanan akong nagawa sa kaniya.

"This is my son, Niel. Niel, bless ka sa Tito Dash mo." Rinig kong sabi ni Sean na tila nang-iinis pa.

Mabilis akong tumalikod dahil ayokong makita ang tagpong iyon. Tinungo ko ang kusina at uminom ng tubig. Doon ko naabutan si Cerys na kumakain ng manga sa harap ng bintana habang nakatingin sa labas kung saan may nagpapaligo ng kabayo di kalayuan.

"Si Niel," panimula niya. "Is he really Sean's?" Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "Sorry but I'm still not convinced that there's something going on between you ang my brother. I mean, may anak na kayo pero bakit magkahiwalay ang silid ninyo rito?"

"We're not married, Cerys." Iyon lang ang kaya kong ibigay na sagot. At kung magtatanong pa siya ay may nakahanda naman akong isa pang sagot pero sana ay huwag ng umabot pa roon.

"So? Iisa ang silid ninyo sa Beijing. What's the difference now?"

"Wala tayo sa Beijing." ang tanging naisiagot ko nalang sa kaniya.

"Okay. But no matter what, Niel will forever be my nephew." She smiled at me bago umalis dala ang isang mangkok ng mangga at bagoong.

I sighed. My relationship with Cerys isn't that good since she found out about our engagement years ago. Masyado kasi silang over protective kay Sean sa hindi ko malamang dahilan. But they're polite to me and that's more than enough.

Isang buntong hininga dapat muli ang papakawalan ko ng may humablot sa braso ko na nagpasinghap sa akin kasunod ng paglapat ng likod ko sa isang malamig na bagay na sa tingin ko ay ang ref.

"Dash! What are you—"

"What's with the kid, Caramel?!" Sa nanggagalaiting boses ay tanong niya habang nagtatagis ang mga bagang.

His chest was heaving; eyes were red and the veins on his forehead was telling me how mad he is right now. Namumula rin ang tainga niya hanggang sa leeg at dibdib na masisilip sa nakabukas niyang polo. Maging ang pinong balahibo sa dibdib ni Dash ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.

Paanong hindi kung halos magdikit na kami! And to think na anumang oras ay maaaring may makakita sa amin dito... Sa ganitong ayos na halos yakap na niya ako.

I pushed him but he didn't budge at all.

Sa nakalipas na limang taon, lalo lamang gumanda ang pangangatawan niya. I thought he was busy? How come he still have time to workout?

Ang mga kamay kong tumutulak sa dibdib niya ay tila nagsilbi lamang palamuti roon. It was as if my hands were meant to touch his broad chest... to feel its hardness.

"Did we really lost our child? Did we really lost her? Or was it a boy and that was him?" Bahagya pa niya akong niyugyog and his eyes were watering. It was as if he was about to cry out of anger.

"Dash, I never lied to you." Pero hindi nga ba talaga? Bulong ng isang bahagi ng isip ko.

"Really?" Sarcasm was laced on his voice. "Really, Caramel?"

Malungkot ko siyang tinignan sa mga mata pagkaalala sa nawala naming munting anghel bago siya binigyan ng isang marahang pagtango.

In my heart, the baby we lost was a cute baby girl.

"We didn't really get to know the gender of our baby but in my heart, she was a cute baby girl with curly hair, chubby cheeks and blue eyes like yours, Dashiel."

I paused before giving him the answer that he wanted to hear even though it has long been confirmed that we lost a baby.

"Yes. We really lost her, Dash." Kasunod niyon ay ang pagpatak ng luha niya at pagtalikod sa akin habang kuyom ang mga kamao.

Para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa dibdib habang pinapanood ko siyang lumayo. Gusto ko siyang pigilan... habulin. But all I could do was watch him for now. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan si Dash. Hindi ko alam kung bakit ba niya ginagawa ang mga ginagawa niya.

"I'm sorry." I whispered as I tried so hard to bring back the tears on my eyes.

You are reading the story above: TeenFic.Net