Chapter 18

Background color
Font
Font size
Line height

04/07/19


RECKLESS

Chapter 18:


Pagdating ko sa bahay namin ay ibinaba ko lang ang mga gamit ko at dumiretso na ako sa ospital. Ang sabi sa akin nila Kuya Hans, malubha na raw si Papa and all he wanted is to see me with Niel.

Abot-abot ang kaba ko habang nasa daan.

When I arrived at the hospital, lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko sa dalawang kadahilanan.

Of all hospitals, bakit kailangang sa Telpace Medical Hospital pa? I know it is one of the most advance hospital in the Philippines but I'm sure that there still a lot to choose from.

"Bakit dito?" I asked Seb. Hindi ko na siya kinu-kuya ngayon dahil sa ginawa niyang kagaguhan five years ago.

"Malapit, eh." Kibit balikat niyang sagot habang iginigiya ako sa tamang silid.

Pagdating namin ay nadatnan namin roon si Kuya Hans kasama ang asawa na ang laki na ng tiyan. Pangatlo na nila iyon ni Ate Aira at ang sabi ay iyon na ang huli pero hula ko, baka tumatlo pa ulit sila. And I'm so happy for Kuya Hans. Si Seb lang naman talaga kasi ang gago.

Si Papa agad ang hinanap ng mga mata ko pagpasok pero wala siya sa kama kaya nangunot ang noo ko. For someone so sick... parang hindi ba dapat ay nakahiga lang at nagpapalakas?

"Si Papa?"

Tila nagulat pa sila Kuya na naroon ako. Tumingin siya kay Seb na nasa tabi ko lang and from my peripheral vision, I saw Seb shrugged his shoulders. Hindi ko nagugustuhan ang kutob ko rito kaya nameywang ako sa kanila.

"Tapatin niyo nga ako." I even arched my brow when I turned to Seb. Bwisit pa rin ako sa ginawa niya. A lot of things could have happened if he didn't do what he did back then. "Nasaan si Papa?"

"Lumabas. May bibilhin daw." Ani Ate Aira.

Sabay na napakamot ng ulo si Kuya Hans at Seb habang ako, parang gusto ko ng sumabog sa inis. Seriously? What's wrong with my family?

I was glaring at them when Papa arrived. Tumatawa-tawa pa siya na akala mo walang sakit. Teka, meron nga ba? From the looks of it, it seems like I was fooled by them!

Biglang nawala iyong ngiti ni Papa nang makita niya ako. Napatikhim siya at ibinagsak ang mga balikat bago may kabagalang lumakad papunta sa kama niya.

"Mabuti naman at nakauwi ka na? Ang akala ko ay hihintayin mo muna akong mamatay bago ka bumalik dito, eh." Aniya habang naglalakad at nang makaupo na sa kama ay nagpatuloy. "Kamusta ang flight mo? Si Niel?"

"Okay naman po and Niel's at home." Diretso kong sagot habang mataman siyang pinagmamasdan. "I want to talk to your doctor, Papa."

Napaangat ng tingin sa akin si Papa. He eyed Kuya Hans and Seb, tila nag-uusap sila ng mata sa mata sa mismong harapan ko at doon pa lang, alam ko ng may mali talaga sa nangyayari.

I sighed deeply before turning to Seb. Sa lahat kasi, siya iyong pinakagago nga kaya alam kong kung may mapipiga man ako sa kanilang tatlo ay si Seb na iyon. Kasi nga, gago siya and I still hated him for what he did. Isang taon ko rin siyang hindi kinibo noon but because he's my closest, hindi ko rin natiis. Iyon nga lang, I created a thin barrier between us.

"Pa! Sabihin mo na kasi! Ako na naman ang maiipit. Hirap na hirap na 'ko sa kasungitan nitong bunso mo. Kung hindi ko lang 'to kapatid, sinapak ko na iyan, e." Reklamo ni Seb kila Papa.

Binira ko siya sa braso at pinanlakihan ng mata. "Ano nga kasi?"

"Aray, ha?! Napunta ka lang sa bansa ng mga Intsik naging mapanakit ka na." Reklamo niyang parang bata. "Walang sakit si Papa. Ulcer lang. Nasipon kasi. Ayun, nawalan ng ganang kumain dahil wala raw siyang panlasa tapos ayan, inatake ng ulcer."

Napasabunot nalang ako. "Pinauwi ninyo ako from China kasi kung magsalita kayo parang ang lubha ni Papa tapos ulcer lang pala?" Parang gusto kong maloka. "Papa naman!"

Sumeryoso si Papa at nilapitan ako. "Ayoko kasi na naroon ka. They are your family, too but you're always alone. Kung nakita mo lang ang sarili mo noong bago ka roon, baka pati ikaw ay naawa sa sarili mo. Palagi kang mag-isa. Bumalik lang ang sigla sa mga mata mo nang dumating si Niel." Papa sighs deeply as he guided me to sit on his bed.

"Okay lang naman ako. Okay na rin ako doon."

"Pero masaya ka ba?"

"Papa —"

"Hindi ka maaaring magtago habambuhay, anak." Ani Papa at tinapik ako sa balikat bago tumayo.

"Umuwi na tayo. Sebastian, bayaran mo ang bill ko nang makaalis na tayo. Wala ng silbi ang pagtambay natin dito dahil narito na si Cara."

I looked at them. Sila Kuya Hans at Ate Aira ay nagsimula ng magligpit habang si Seb ay panay ang reklamo na kesyo bakit daw siya ang magbabayad, wala naman daw siyang pera. Napapailing nalang talaga ako but I missed them lalo na ang kaingayan sa bahay.

I looked at Papa. He seems well aside from the fact that his eyes looks sad.

Ako ba ang dahilan? Ilang ngiti pa ba ang aagawin ko mula sa mga taong mahalaga sa akin?

Buong biyahe pauwi ay walang kibo si Papa. Sa bahay ay wala sila Kuya Jace at Niel kaya ang mga anak lamang ni Kuya Hans at ang isang kasambahay ang naroon na siyang nag-iingay. Maging si Mama ay wala rin.

Nang makita kong dumiretso si Papa sa kwarto niya ay sinundan ko ito. From behind, I hugged him like I never did before. I was never a sweet nor a good daughter to him. Magmula nang dumating ako ay nagulo ang buhay ni Papa and I wonder what could have happened if I didn't came to his life?

"I'm sorry, Papa. I wasn't planning to run away like this but my situation pushed me to be like this... to be this coward."

Pumihit si Papa at niyakap ako. I felt him kissed the top of my head as he caressed my back. Nangilid ang mga luha ko pero pinilit kong huwag iyong tumulo.

All these years all I did was cry and I think, I had enough I should stop now.

"Do you have plans on telling him?" Papa asked after a deep sighs. His voice was so gentle and I know from that that I am home...

... for real.

"If we cross paths and everything was fine between us, I mean, the situation and the environment, then I guess I will, Papa." Diretso kong sabi kahit na parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba isipin pa lamang na magkakaharap kaming dalawa. "Pero sana, huwag muna ngayon."

Inaya ako ni Papa na maupo. He was staring at me intently while caressing my long hair. Halos umabot na iyon sa aking beywang at tulad ng dati ay ang dulo lamang ang mamula-mula at kulot. Iyon lamang ang similarity namin ni Papa kaya talagang hindi ko pinaputol ang buhok ko.

"Kung hindi ngayon, kailan pa? Bakit hindi ka nalang dito manirahan muli, anak? Puro barako kami rito sa bahay. Si Sebastian, hanggang ngayon ay sakit pa rin sa ulo. Ang mga pamangkin mo ay puro lalaki. Kung hindi namatay ang anak mo, babae kaya siya?"

"Papa..." ayoko ng isipin iyon pero ayoko rin kalimutan. Hinding hindi ko kakalimutan. Sa puso ko, isa siyang magandang batang babae na may asul na mga mata, mapupulang pisngi at kulot na buhok. I even named her Cashielle — kombinasyon ng pangalan naming dalawa. It was really an angel's name, binago lamang ang spelling.

Bumuntong hininga si Papa. "Pag-aasawahin ko na nga lang si Sebastian at baka sakaling tumino." Biro ni Papa. I know, he's trying to lighten the mood.

Yumakap akong muli kay Papa habang magkatabi kaming nakaupo at saka nagsalita.

"Pero Pa, hindi ko pa rin nakakalimutan na niloko ninyo ako para lang umuwi rito sa Pilipinas." With that, I felt Papa tense. Napangiti ako.

"Sorry, Cara. Hindi ka kasi namin mapauwi at iyon na lamang ang naisip kong paraan."

Kinurot ko siya sa tagiliran at tinignan ng matalim. "Hindi magandang biro iyon, Papa! Last na ninyo iyon, ha?"

Natawa siya at tila nabawasan ng ilang taon ang itsura.

"Ang pogi mo Papa kapag ngumingiti. Nakakainis lang kasi kamukhang kamukha ka ni Seb."

"Kaya nga napaibig ko ang Nanay mong nuknukan ng suplada, eh. Kung hindi lang talaga ako pinikot ng Mama mo ay baka —"

"Ano, Carlos? Sige, ituloy mo at tutuluyan na talaga kita!"

Pareho pa kaming nagulat ni Papa sa pagsulpot ni Mama. Kaagad akong tumayo para yakapin siya.

Sa lumipas na limang taon, nakuha kong intindihin si Mama Linda and I was thankful for having her.

Sinabi niya sa akin noong nasa China sila at dinalaw ako na sobra siyang nalungkot sa nangyari sa akin dahil pakiramdam daw niya ay nagkulang siya bilang ina sa akin. She explained to me why she was so strict at iyon nga ay dahil nag-iisa akong babae sa pamilya at karamihan pa sa mga kaibigan ko ay lalaki.

At lahat nga ng kinatatakutan niya ay nangyari.

"Mama," I said while still hugging her.

"Tama na ang yakap. Kamusta ang biyahe ninyo? Si Niel? Dito na ba kayo mamimirmihan?"

"Maayos naman po. Si Niel ay kasama ni Kuya Jace and about your last question, Mama, hindi ko pa po napag iisipan. Naroon na po kasi ang buhay ko... ang trabaho ko. Maging ang mga naipundar ko ay naroon din."

"Ibenta mo at dumito ka na." Ani Papa.

"Carlos!" May halong pagbabanta ang boses ni Mama.

"Linda!" Panggagaya ni Papa kaya pinalakihan siya ni Mama ng mga mata.

Natawa ako. "Pag iisipan ko po ang suggestion ninyo, Papa. If everything turns right, I might consider staying here for good." kahit na natatakot ako. Pero hindi ko na iyon idinugtong.

"Si Aurea, papayag kaya?" Ani Mama.

"Tiyahin lang siya, ama ako."

"Siya ang legal guardian. Bayag lang inambag mo!"

And so they argue non-stop again. Pakiramdam ko talaga ay tumatanda silang dalawa ng paurong. Iniwan ko silang nagtatalo pa rin. Pagbaba ko sa sala, naroon na sila Kuya Jace at Niel. Sinalubong ako ng yakap ni Kuya at ginulo ang buhok ko kaya sinimangutan ko siya.

It's really nice to be back home. There's no place like home, sabi nga. Pero habang narito ako sa Pilipinas ay hindi ko mapigilan ang hindi mangamba.

For the past five years, ang daming nangyari at nagbago. Wala na akong balita sa mga naiwan kong kaibigan dito sa Pilipinas because I deactivated all my social media accounts. Hindi ko na rin sinubukang makibalita though ang ilan sa kanila ay ilang beses kong nakitang laman ng pahayagan at telebisyon.

I am happy for them lalo at sa maiksing panahon ay nakagawa na sila ng ingay sa industriyang kinabibilangan nila. Pero minsan, hindi ko maiwasan na isipin na sana, kasama nila ako habang unti-unti kaming nagtatagumpay.

I wonder if they can still remember me? Kamusta na kaya sila? Nakaka-miss lalo na ang mala-pancit canton na buhok ni Blake, ang walang katapusang pagtatalo ni Zeke at Jem, sila Ran... kamusta na kaya?

Pero mrahil ay hindi na nila ako naaalala. Sino ba naman ako, hindi ba?

But then, there's Sean Kho — the only connection I have to them. Iyong nag-iisang tao na paminsan-minsan ay nagpapaalala sa akin na maraming naghihintay sa akin dito sa Pilipinas na sa kabila ng lahat, kahi iniwan ko sila sa ere, they still have this little hope that we will see each other again. Besides, Sean was always with them for the past couple of years kaya alam kong may ideya na sila kung anong buhay ang mayroon ako ngayon.

Thanks to Sean. Please, note the sarcasm.

I just have no idea if they knew what Sean and I have. Si Sean kasi ang mapapangasawa ko.

A Chinese tradition. A business transaction.



*****

A/N: NIEL (Ni-yel) not Neil (Nil).

You are reading the story above: TeenFic.Net