Chapter 17

Background color
Font
Font size
Line height

03/23/19


RECKLESS
Chapter 17:


"He's sleeping soundly. He's fine here. We can go back outside since there is someone monitoring the guest rooms. Kung magising man ang bata, makikita agad."

Yeah. I thought to myself.

Monitoring, huh? Perks of being rich.

Pero kunsabagay, lahat naman sa subdivision ay may kani-kaniyang monitoring room. Ang higpit ng security nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit. I just know that it is because of Hunter and Archer's twin little sister.

Then, he walked past me. Nanatili akong nakatayo roon habang pinakikinggan ang papalayo niyang yabag. Nang huminto iyon ay kinabahan ako ng husto.

I missed my bestfriend but I guess, we can never go back to what we were before.

Wala na kasi talaga. Sinira ko na iyong magandang samahang mayroon kami. Hindi ko man ginusto pero wala na akong magagawa.

"Cara,"

Tama ang hinala ko. Kaya nang maramdaman kong lumakad siya pabalik ay huminga na ako ng malalim bago siya hinarap. Wala naman kasing patutunguhang maganda kung iiwas o tatakbo ako palayo. Darating at darating din naman kami sa puntong ito kaya bakit pa ba kailangang patagalin?

Nakakapagod na rin kasi at nakaka-stress.

Pero hindi ko inasahan na sa pagharap ko ay naroon na siya. Sa isang iglap, hawak na niya ako — forcing a kiss on me as he pinned me on the wall of the hallway with just enough strength.

He kissed me, not too hard but enough to make my knees turn into jellies.

Nanlaki ang mga mata ko at sa pagkabigla ay hindi ko man lang nakuhang pumalag. I let him kissed me the way he wanted to but I didn't responded to his kisses kahit pa nga tila pilit niya akong pinatutugon.

For the past four years, I've never seen him date anyone nor kissed someone. I know he had his fair share of flings pero wala talaga akong nakita kahit na isa.

Kaya ngayon ay hindi na ako magtataka na kaya niyang gawin ang ganito.

I closed my eyes shut as tears started to pool on it; clenched my fists on my sides; stops my heart for beating so fast until everything became numb.

Nakakapagod.

Pagod na pagod na ako sa ganitong sitwasyon. Almost three months ago, okay na okay pa ang lahat tapos biglang ganito na. Sa isang iglap, parang hinagupit ng bagyo ang pagkatao ko.

Seconds turns to minutes. Baka nga mas matagal pa.

From my lips, his kisses travelled down to my neck and back until he stops and cupped my face as he planted a soft kiss on my forehead and hugged like he never did before.

"I'm sorry." He whispered before he let go of me and leave.

Nang masiguro kong wala na siya ay noon ko lang iminulat ang mga mata ko.

Napaupo ako sa sahig at noon ko lang pinakawalan ang kanina ko pang pinipigil na iyak.

I cried hard, not minding that I'm on somebody's house. Wala na rin akong pakialam kung may makakakita man sa akin dito but lucky enough, natapos at napagod ako sa kaiiyak ng walang nakakakita o nakakarinig sa akin.

Tumayo na ako at bumaba. Siguro ay uuwi nalang ako ng walang paalam at doon na lang ako sa likod dadaan pero bago pa ako tuluyang makababa ng ikalawang palapag ay nakaramdam ako ng pagsakit sa puson ko kasunod ng isa pa at isa pa.

May nagliliparang scenario ang nabuo sa isipan ko pero isa man sa mga iyon ay ayokong paniwalaan. Kaya sa pagsigid na panibagong sakit na ngayo'y mas matindi ay hindi ko na napigilan ang mapasigaw lalo na at nang tignan ko ang mga hita ko ay dinadaluyan na iyon ng pulang likido.

I saw Blake and Ran rush towards the stairs from the kitchen. Si Blake ay mabilis na tumakbo paakyat habang si Ran ay nanatiling nakatayo sa bukana ng hagdan at nakatingin lang sa akin. Tulala.

Nanginginig ang mga tuhod ko pero pinilit kong hindi mapaupo hanggang sa isang bisig ang kumuha sa akin at maingat akong kinarga.

"Get the car!" Sigaw ni Dash na ngayo'y madilim ang anyo.

I looked at him. Inabot kong pilit ang mukha niya hanggang sa mahawakan ko ang pisngi niya.

"I'm sorry." I faintly said to him. "Si baby natin."

Kapag may nangyari sa anak namin, baka masiraan na ako ng bait. Ito nalang kasi talaga ang masasabi kong akin dahil wala akong kahit na ano.

"Fuck! Don't do this to me, Cara."

"Ano'ng nangyayari?"

"Dashiel? What happened to Cara?"

"Oh my God! She's bleeding!"

I heard voices but recognized none. All I know is that I ruined everything – everything around me.

NAGISING AKO NA tila may nagtatalo. Slowly, I opened my eyes and saw my three brothers. Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan nila but the moment they saw me awake, kaagad silang lumapit sa aking kama.

No. This not my bed and from the looks of my surroundings, alam ko na agad kung nasaan ako. Parang gusto kong maiyak sa sobrang takot at pangamba.

"Si Dash?" I asked because surely, he knows the answer to my every question.

Seb cleared his throat. Parang ayokong marinig. Sa kanilang tatlo, Seb was the closest one to me and I know he's heartless.

"He left. We told him you lost the baby and he just left without a word like he's so relieved by that." Tiim bagang na pahayag ni Seb but all I could understand was the fact that I lost our baby.

"But I only said that to see his reaction because that guy looks so hard. Akala mo kung sinong mataas. I didn't know that he will turn his back at us that easily."

My mind went blank. I lost the only one I have. Iyong alam kong hindi ako iiwan. Iyong sana ay pagbubuhusan ko ng atensiyon at pagmamahal. Iyong magiging lakas ko sana sa mga darating na araw.

Wala na. Sa isang iglap, wala na.

And after all the troubles, he just left like that? After all his efforts, he turned his back at me without a single word! Were his efforts and actions towards me was just a pretention? Napilitan lang out of obligation?

Sana hindi nalang niya ipinasok iyong kaniya kung hindi naman pala siya handa sa isang obligasyon!

Ang hirap sa mga lalaki, gusto lang palagi magpasarap! Sawsaw ng sawsaw. Pasok ng pasok. Tikim ng tikim.

"Because you're an asshole, Sebastian! Lahat tayo ayaw sa lalaking iyon na masyadong mataas but you over did it this time. Isusumbobg talaga kita kay Papa." Ani Kuya Jace.

"Sumbungero. Daddy's boy pa rin kahit pwede na maging daddy, huh, Kuya?"

"If I know, dumedede ka pa."

"Oo! Pero hindi na sa bote!"

I just looked at them habang nagtatalo sila o mas tamang sabihing naggagaguhan. I know they're just trying to lighten the mood. And for some reason, hindi ko makuhang manumbat. Ni isang salita ay wala akong masabi.

Tinalikuran ko sila ng higa at pumikit. Kahit ang luha, parang nagsawa na sa akin. Siguro ay ayos na rin ang ganito para makapagsimula ako ng panibago. Ilang araw nalang din naman at graduation na.

"Cara," tawag ni Kuya Hans nang tumahimik sila.

Hindi ako sumagot. Ang sikip na ng dibdib ko. Ayoko nang makarinig pa ng kahit na ano. If I can only shut down myself from everything, I will do it without hesitation... without second thought... without considering what they would feel.

"Someone from the Ty family came to our house earlier," pagpapatuloy ni Kuya Hans. "She's claiming to be your mother's twin. She wanted to bring you to China but of course, we refuse. Pero na sa'yo pa rin ang desisyon."

I felt someone caressed my hair. Maybe it was Kuya Hans. "Rest first. Saka na kayo mag-usap."

"I'll go." Sa napapaos na tinig ay hayag ko. "I'll go with her." Dugtong ko pa. I didn't know that I can be this cold.

Yes. I'm allowed to become like this. I just lost my child. I just lost the only hope I have... the only happiness I could have in this world kaya siguro naman, hindi na kalabisan kung tatakbuhan ko ang lahat ng ito, hindi ba? Siguro naman ay hindi na masama kung sarili ko naman ang iisipin ko.

"Cara —"

"I wanted to rest, Kuya. Tell her I'll go with her after graduation."

When they leave, noon ko naramdaman lahat ng sakit. Parang noon lang nag sink-in sa akin ang mga nangyari lalo na ang pagkawala ng baby ko. Umagos ang luha ko na tila dam na nabuksan.

At siguro, isang blessing in disguise na rin ang pagdating ni Tita Aurea dahil walang kahirap hirap na nakaalis kami ng bansa. Mabilis na naayos ang papeles ko dahil matagal na pala nila akong hinahanap at matagal na nilang alam na kay Papa ako nakatira.

Sa nakalipas na mga araw ay wala akong kinausap na kahit na sino. Kumain ako kapag kailangan, pumupunta sa school kapag kailangan pero wala akong pinapansin at kinakausap. Itinuring ko ang lahat na tila hangin.

Blake, Zeke, Jem, Sarrah... even Keira. Lahat sila sinubukan akong kausapin pero sa tuwina ay isang malamig na tingin lang ang ibinibigay ko sa kanila. I was hoping that Ran will talk to me. Siguro siya, maaari ko pang kausapin. I wanted to ask him why he did that. Pero sa lahat, it was Dash that I wanted to see pero ni anino niya ay hindi ko nakita.

Walang nakakaalam na aalis ako ng bansa maliban sa pamilya ko.

Sa pag alis ko ng bansa, I was wearing my Chinese name as Caramel Ty. I was adopted by my mother's twin sister even before my mother died. Iyon ang palalabasin. For what reason, hindi ko alam. Wala akong pakialam. But it broke Papa's heart and it sadenned me a lot because if there is one person na alam kong sobrang nagmamahal sa akin, si Papa iyon.

Tita Aurea looks exactly like my mother. Pero hanggang doon na lamang iyon. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ang pagsama ko sa kaniya, ang pag alis ko ng Pilipinas, dahil sa ginawa ko ay mas lalo ko lamang pinahirap ang buhay ko.

Surely, my mother's family were rich but they are not like the rich family that I know back in the Philippines.

Matapobre at masyadong mataas ang tingin sa sarili ng pamilya Ty and I am disgrace to the family. Siguro kahit saang side, iyon na lamang palagi ang role ko — isang sampid. My existence is a disgrace in both sides of my family.

Siguro ganito talaga ang buhay na nakalaan sa akin. I will start from scratch... the hard way. At iyon nga ang ginawa ko. Isinantabi ko ang emosyon and build an armour for myself.

My first three years in China was the hardest. Hindi ako pamilyar sa lugar, sa kalakalan sa paligid, hindi ko alam kung paano makikitungo sa mga tao and I don't even know a single Chinese word!

Naging mahirap sa akin ang maghanap ng trabaho dahil isa sa naging requirements ang kaalaman sa Mandarin and even though Tita Aurea told me that I don't need to work because she can provide for us, hindi pa rin ako umasa.

Sa ngayon ay sanay na ako sa buhay ko rito. Sa loob ng tatlong taong paghihirap, nakaipon ako. After another year, I moved out from Tita Aurea's mansion and bought a condo. Ngayon ay isang taong mahigit na akong namumuhay ng walang ibang kasama maliban sa isang kasambahay.

Madalas ay dinadalaw ako ng mga Ty at may pagkakataong pinupuntahan ako nila Papa at ng mga kapatid ko para mangamusta.

Even though my grandfather is a hearthless tycoon, he still wants me to live nearby so they can visit Niel anytime they want. Si Niel ang unang apo nila sa tuhod at nag-iisang bata, sa ngayon, sa pamilya Ty kaya siguro nang muli nila akong alukin na lumipat ay hindi na ako tumanggi.

The Ty's were living in an exclusive subdivision — the Hyatt Regency. I agreed to live there separately dahilan ng halos pagkaubos ng ipon ko dahil sobrang mahal ng bahay at lupa roon. Hindi ko na masyadong inisip dahil ang mahalaga ay ligtas si Niel dahil hindi biro ang security doon.

"Hindi ka naman masaya rito. Umuwi ka na, anak." Was Papa's words every time he's here. "Miss na miss ko na ang bunso ko."

Gusto ko.

Gustong-gusto ko pero natatakot ako. Pero paano si Niel? Hindi ko siya kayang iwan dito sa Beijing at mas lalong hindi siya pupwede sa Pilipinas.

Going back to the Philippines will only complicate my life but I guess, I can't runaway forever. So when Papa got really sick, I set aside all the fears that I have and went back.

Hawak ang kamay ni Niel, buong tapang akong bumalik sa Pilipinas. I guess, I can't really escape the reality. I need to face it head on.

You are reading the story above: TeenFic.Net