Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height

02/16/19


RECKLESS

Chapter 13:


Mukha akong basahan!

Pagpasok ko sa Telpace Modelling Agency, iyon agad ang pumasok sa isip ko.

Every employee was dressed fashionably according to trend. Some are professionally well dressed while I was wearing a plaid navy blue dress and flats.

Why did I even agree on having dinner with Dash in the first place? At bakit ba kasi sinabi ko pang pupuntahan ko nalang siya?

When he called me about fifteen minutes ago, nasa kabilang building lang ako dahil doon nagtatrabaho si Kuya Hans at may pinadala siya sa aking mga papeles na naiwan niya sa bahay. I was there when Dashiel called me for an early dinner that he left me no choice but to agree.

"Hi Ma'am! How can I help you?" Magalang na tanong nang nasa front desk.

"I... ah." I gulped. Sa itsura ko, kapag sinabi kong ang boss nila ang kailangan ko ay baka pagtawanan lang nila ako. So I decided to play safe. "Pinapunta kasi ako dito ni Sir Dash." Kumunot iyong noo ng nasa front desk at tinignan akong mabuti. "Scholar nila ako. May ibibilin yata?" Tumawa ako.

I know, mukha na akong tanga pero anong magagawa ko? Pagdating ko palang, kinain na ako ng insecurities ko.

"Ano pong pangalan nila, Ma'am?"

"Cara po. Caramel Ty." Minsan talaga gusto kong kuwestiyunin si Nanay kung bakit ganito ang pangalan ko eh.

Tila naman nagulat itong kaharap ko. Pero nang makabawi ay ngumiting muli.

"This way, Ma'am." Anitong agad akong iginiya patungo sa gawi ng elevator.

Malapit na kami nang bumukas iyon at iluwa si Dash na tila nagmamadali.

He was holding his coat while his other hand was on his phone, dialling, perhaps? His hair was kinda messy, making him looked like his father. Iyon nga lang, itim na itim at diretso ang buhok niya. His tie is kinda loose, too and his all black outfit gives him a dashing look.

Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Dash. Dashiel. Dashing.

Tila hindi niya kami pansin kaya ako na ang kumuha ng atensiyon niya. Wala naman siguro siyang ibang lakad kung hindi iyong sa amin, hindi ba?

"Dash..." mahina pero alam kong rinig niya dahil halos magkaharap na kami.

He stops and looked at me as he puts his phone down and shoved it to his pocket. He eyed the employee beside me, thanked, then dismissed her professionally.

"I was wondering why you haven't arrived yet knowing you're just a block away. And your not answering your phone." He said as he guided me out.

Nakaalalay siya sa siko ko at hindi ko alam kung yuyuko ba ako sa hiya o aalisin ko ang kamay niya. Ramdam ko kasi ang pasimpleng tingin sa amin ng mga empleyado nila. Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako pumayag o di kaya ay naghintay nalang ako sa kung saan niya gustong kumain.

"Ah. Hindi ko narinig. Naka-silent yata iyong cellphone ko." Mahina kong sagot. Around Ran, hindi naman ako ganito pero sa kaniya? Parang ang hirap magkamali.

"Where do you want to have dinner?"

"Bahala ka na." Sagot ko habang nakayuko pa rin.

Ano bang alam kong kainan maliban sa mga fast-food chains? Wala yata. Pakiramdam ko tuloy minsan, taong gubat ako kapag kasama ko si Dash. He's so intimidating!

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na subukan siyang pakisamahan para sa magiging baby namin. Pero ngayon, parang nagsisisi na ako. Kitang kita ko ang layo ng agwat naming dalawa.

Paano ko nga ba napakisamahan noon si Ran? Sila Blake, Zeke at ang iba pa? Although all of them looks intimidating, once they smiled, nagbabago ang dating nila sa nakakakita. But with Dash, kahit yata humalakhak pa siya ay intimidating pa rin ang magiging dating.

"Cara,"

"Huh?"

He sighs. "Look at me."

"Huh?" Nasa entrada na kami nang sabihin niya iyon. Napatingin tuloy ako sa kaniya ng wala sa oras para lang mapakunot noo ako. Iyong buhok niya kasi...

"When you're walking beside me, don't hang your head low. I don't want to see you looking at your feet the whole time you're..."

Hindi ko na napigilan. I reached out my hand. Hinawi ko ang buhok niyang halos tumatabing na sa mga mata niya, not minding what he is saying.

"Damn." Rinig ko pang bulong niya bago hinuli ang kamay ko. "Let's go."

Nasa harap na pala namin ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako at pagkatapos ay mabilis siyang umikot sa driver's seat. We ended up in Tagaytay. As in sa Tagaytay na halos hatakin ko na pabalik si Dash dahil ang layo ng narating namin. Nakatulog lang ako saglit tapos andito na kami?!

"Hoy! Bakit dito? Ang layo-layo na nito." Reklamo ko sa kaniya habang nagpapark siya.

"You let me decide." Sa tono ng boses niya, parang ako pa yung may kasalanan.

"Gagabihin tayo ng uwi nito masyado. Bilisan nalang nating kumain."

"You don't have class tomorrow." He daid and I shot him a glare. "Fine." Tapos pa sinabi pa siyang hindi ko na naintindihan kasi palabas na siya ng sasakyan.

"Ano 'yon? Ano'ng sabi mo?" I even tugged on his sleeves na mabilis niyang inalis at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob. Nang subukan kong hatakin ang kamay ko ay tinignan niya lang ako ng saglit bago hinigpitan ang hawak sa akin.

"Wow." Bulalas ko. Sa pwesto kasi namin ay kita ang bunganga ng Taal lake.

The magnificent Taal lake was glistening under the moonlight. Although there are no stars above, the moon was enough to give the lake a mesmerizing beauty.

Nawala ang inis ko kay Dash. I don't know how long I stared at the lake dahil pagbaling ko ay isini-serve na ang pagkain namin.

"Wow!" I said again, exaggerating it a little bit. "May fiesta ba?" Ang dami kasi niyang in-order. "Ano'ng mayroon? Gutom na gutom lang?" I teased.

Why do I have this hobby of making him frown? Sobrang natutuwa ako kapag salubong ang kilay niya. Isa sa mga rason kung bakit siguro ayokong natatabunan ng buhok ang kilay niya. Isa pa, ang ganda kasi ng kilay ni Dash. Makapal at itim na itim. Maayos din iyon na parang dinrawing lang. And his eyes...

"Birthday ko. Now, eat at baka nagugutom na ang anak ko. You're so thin, Cara." Aniyang parang constipated ang itsura.

Ako, payat? Samantalang nag-gain na nga ako ng weight dahil sa pagbubuntis ko. I ate alot because I'm afraid the baby will get hungry. Tapos ngayon sasabihan niya akong so thin? Ano'ng gusto niya, maging balyena ako sa laki?

But then, it's his birthday. At hindi ko alam iyon!

"Eherm!" I cleared my throat a little bit loud. "Okay. Kain na tayo." It was supposed to be 'happy birthday'. Pero parang ang hirap kasing sabihin.

Tahimik lang kami hanggang matapos. We don't have anything in common kaya wala rin mapag-usapan aside from the fact na hindi naman yata talaga palasalita itong si Dash. At bigla rin akong tinamaan ng hiya kasi nga, hindi ko alam na birthday niya tapos hindi ko pa siya mabati man lang.

Dash excused himself. Sinamantala ko naman iyon para mag-selfie pero saglit lang. Ang ganda kasi talaga ng view. Sayang naman kung walang remembrance.

Pagbalik ni Dash, niyaya na niya akong lumabas para maglakad lakad. He draped his coat on my shoulder pero dahil malaki iyon ay nalalaglag lang.

He stops and faced me. Tapos isinuot na niya ng tuluyan sa akin iyong coat niya at... ang bango lang. Then, we walk side by side. His both hands on his pocket, looking so dashing as ever. Para lang siyang naglalakad sa cat walk. Nakakainis ang genes nila!

At sa katitingin ko sa kaniya, natalisod ako.

"Careful." He said when he catched me before I fall.

Iginiya niya ako sa pinakamalapit na bench. Naupo kami roon at tahimik na pinanood ang pagtatago ng buwan sa ulap at ang muling paglitaw. The deafening silence between us was cut when he sneezed.

"Sorry." Aniya at mabilis na itinago sa akin ang mukha.

Sinilip ko siya habang nakangisi at hindi ko alam kung dahil ba sa pagkusot niya sa ilong niya at paghilamos ng kamay sa mukha kaya siya ngayon namumula pero ano man ang dahilan, natutuwa akong makita siyang ganoon kahit na may pakiramdam na ako kung ano ang totoong dahilan ng pamumula niyang iyon.

Tumayo na ako at ibinalik sa kaniya ang coat niya saka lumapit sa kabilang bahagi kung saan mas kita ang taal lake. Hindi ko pinansin ang lamig ng paligid. I inhaled deeply as I closed my eyes.

Baby, mabait naman ang daddy mo pero sana, huwag ka sa kanyang magmana ng pagiging tahimik. Ayokong isipin ng tao na snob ka tulad ng akala ko sa daddy mo. Pero alam ni mommy na magiging mabuti kang bata. Ako kaya ang mommy mo. Piping kausap ko sa anak ko.

"What are you thinking?"

Nilingin ko si Dash sa tabi ko. He was leaning on the fence, patalikod sa tinitignan ko. Ang mga siko niya ay nakatukod roon kaya medyo nagpantay ang taas namin.

I tilted my head and avoided his stare. Kahit sa dilim, pakiramdam ko ay malulunod pa rin ako sa mga titig niya kahit na hindi ko maaninag ang kulay ng mata niya.

"Wala. Nag iisip lang ako ng regalo. Kahit hindi tayo close, tatay ka pa rin ng baby ko kaya bibigyan kita sana kaya lang, naisip ko, na sa'yo na yata lahat." I smiled while looking at the moon.

"Kapag sinabi ko ang gusto ko, kaya mo bang ibigay?"

Bumaling ako sa kaniya. "Nagtatagalog ka pala?" Biro ko habang hinahawi ang bangs niya. "Alam mo, mag-wax ka kaya ng buhok para hindi tumatabing sa mga mata mo?" Pero gaya ng dati, hinuli lang niya ang kamay ko at hindi na binitawan pa.

Tinignan ko iyong mga kamay namin. Ang hahaba ng daliri niya at medyo mapula. Mayroon ding manipis na balahibo sa ibabaw ng palad niya sa bandang gilid. The protruding veins in his hand looks so manly. Tila kay sarap hawakan. And his hand was so warm na parang hindi normal.

Umuklo siya bigla kaya napaatras ako. Halos maduling din ako nang pagpantayin niya ang mukha namin at halos magkadikit na. Gamit ang isa niyang kamay na hindi nakahawak sa akin, hinawi niya paitaas ang bangs niya.

"Look closely. The reason why I wear my hair like this is because of that scar."

Indeed. There's a scar, maybe an inch lenght on the upper left corner of his forehead. It's not ugly, though.

"Hindi naman halata at hindi rin naman pangit." Sabi ko sa kaniya at ngumiti na ginantihan niya ng isang kunot noo. "Wait lang. Ganyan ka lang." Saka ko mabilis na kinuha iyong panali ko ng buhok.

"What the fuck—!"

"Hep! Bawal magmura. Maririnig ni baby." Hinatak ko ulit siya para magpantay ang mukha namin saka itinuloy ang pagtali ng buhok niya. Nang matapos ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko para picturan siya pero bago ko pa iyon magawa ay natanggal na niya iyong pagkakatali ng buhok niya at tinalikuran na niya ako.

"Nabadtrip yata, anak." Tawa ko habang hawak ang medyo nakaumbok ko ng tiyan. "Bilang tayo ng one to ten, babalik iyan." Ngisi ko pa habang nakatingin sa papalayong pigura ni Dash.

"One," simula ko.

"Two... three... four," nawala na iyong ngisi ko. "Five... six... seven," I paused. "Pag lumingon anak ang tatay mo at the count of ten, akin na siya."

"Nine," nakangisi na ako sa sarili kong kagagahan. "Ten."

"Cara!" Tawag niya. Tila noon lang niya napansin na hindi ko siya sinundan. Itinago ko ang ngisi at tinalikuran siya. Hindi ko kasi talaga maiwasan.

"Cara," tawag niya ulit. This time, ramdam kong nasa likod ko nalang siya pero hindi pa rin ako lumingon. Hindi ko kasi talaga maialis ang ngisi sa mukha ko.

He sighs. Tila aburido. "Here." He said as he forced me to turn around.

The almighty Dashiel Luis Telpace was on a pony tail and he looks so cute with that plus the smug on his face.

"Stop sulking and do what you want." Aniya sa masungit na boses; tila napipilitan.

Gusto kong ngumiti at sabihing mali siya but decided not to. Sa halip, iba ang sinabi ko.

"Sinusungitan mo ako." I told him though I don't really mind. Sanay na rin naman ako na ganito siya. Kahit naman kasi noon na hindi ko siya nakakausap ay alam ko ng masungit siya sa ibang tao.

"No. I'm sorry. Hindi na."

Sinamantala ko iyon. I motioned him to lower down, ang tangkad niya kasi talaga.

"Side view ka ng konti." Sabi ko pa na ginawa naman niya. Favorite ko na ang side profile niya. Ang ganda ng ilong, labi at mata! Ang perfect. Nakakainis!

"Tingin ka dito ng konti para makita iyong mata mo pero wag kang lilingon." He sighed but did it anyway.

Pinicturan ko siya ng ganoon. Sobrang sungit ng itsura niya lalo na ng mata niya na at the same time ay maganda at nakakalunod. It will draw you to stare and stare at his eyes. But his pony tail is a contrast to his handsome but snob features and I like it that way.

"Okay na. Uwi na tayo. Masyado ng gumagabi." Nauna na akong maglakad kaysa sa kaniya. May ilan kaming nakakasalubong na mga tao. Some of them were looking at us weirdly. Iyong iba ay nakangiti. Hindi ko nalang pinansin.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay wala kaming kibuan pero ramdam ko na nakasunod siya sa likod ko dahil kapag huminto ako ng hakbang ay humihinto rin siya.

Nang marating namin ang kotse at pagbuksan niya ako, noon ko lang napansin na hindi pala niya inalis ang pagkakatali ng buhok niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa kay Dash dahil sobrang sama na talaga ng itsura niya kaya pagsakay niya ay mabilis akong lumapit sa kaniya para alisin ang tali sa buhok niya. Inayos ko na rin ang buhok niya.

"Bakit hindi mo inalis? Kaya pala nangingiti iyong mga nakakasalubong natin." Sabi ko habang inaayos ang buhok niya.

Siya ay nakapikit lang habang ginagawa ko iyon. Napakunot noo ako at tinitigan siya. He was... shivering.

Dinama ko ang noo niya para lang malaman na inaapoy siya ng lagnat. Kaya pala kanina ay iba ang init ng kamay niya.

"Nilalagnat ka."

"I'm fine. We should go."

"Kaya mo pa ba mag-drive? Kung mag-commute nalang kaya tayo?"

"That's too uncomfortable for you." Then, he sneezed once again.

"How about grab?"

"How about the car? I'm fine, Cara. I can still drive." He said, fastening his seatbelt. Ako naman ay tinanggal ko ang sa akin. "What are you doing?"

"Bukas na tayo umuwi. Labas na. Mag-check in nalang tayo para makapagpahinga ka." Then, I glared at him. "Bakit kasi nagyaya ka pang lumabas kung masama na pala ang pakiramdam mo?"

"You haven't greeted me a happy birthday and yet, you're glaring at me like that." Reklamo niya bago lumabas.

Wala kaming kibuan. Hinayaan kong siya ang makipag usap sa front desk para sa kwarto namin habang abala ako sa pag-gawa ng excuse kila Papa.

"Opo, Papa. Bukas din ay makakabalik na kami. Ang sabi kasi ng mekaniko ay wala sila noong piyesang nasira at bukas pa makakabili dahil sarado na ang mga bilihan ng ganitong oras... Opo... Sige po."

"There's only one room left, Cara. Do you still want to check in?"

"May choice ba ako? Wala naman, hindi ba?" Though inside of me, I wanna run. Idadaan ko nalang sa sungit ang kaba ko. Kahit kasi parang harmless si Dash, alam kong hindi naman talaga.

He's still a man. Very young and healthy. Although he's too private, alam ko pa rin na kahit papaano ay may naughty side siya. I know some of his escapades because of Ran and Keira idagdag pa na madalas ako sa kanila at hindi miminsang narinig ko ang reklamo ni Tita Rin tungkol sa mga fling ni Dash.

Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso at iyon ang nalingunan niya sa akin kaya nagbuntong hininga siya na tila problemado. At siya pa talaga ang namomroblema!

"Let's go." Sabay hawak niya sa kamay ko. Sa gulat ko ay isang 'Ha?' lang ang nasabi ko.

You are reading the story above: TeenFic.Net