Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

01/31/19


RECKLESS
Chapter 11:


"What happened to your lips, Kuya?"

Automatic na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses kung saan nakita ko si Keira na nakatayo sa harap ni Dash at pinagmamasdan itong mabuti.

Lumingon sa gawi ko si Dash pero agad ding nagbawi nang tingin dahil sinundan ni Keira ng tingin ang tinignan niya. Maging ako ay mabilis nagbawi ng tingin sa magkapatid at naglakad palapit kila Zeke.

Ganoon na lamang ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang may ideyang pumasok sa isip ko dahil sa tanong na iyon ni Keira kay Dash.

The metallic taste from his lips last night. Could it be...

"Ano nga, Kuya? Kung wala ka lang girlfriend iisipin kong nakipaghalikan ka kay Ate Skye, eh." Sabay tawa ni Keira.

"I accidentally bit it last night." Rinig kong sagot ni Dash. "And Skye's a friend. Don't put malice between our relationship. Doon ka na kay Ran." Rinig ko pang sabi ni Dash sa kapatid.

"Oh, Cara? Namumula ka. Ayos ka lang ba?" Zeke asked. "Baka naiinitan ka?" Aniya pa na hinila ako sa tapat ng kaniyang anino para hindi ako maarawan.

"Kaninang ako tumatapat sa anino mo, pinapaalis mo ko. Kapag si Cara naman ayos lang. May favoritism kayong lahat!" Reklamo ni Jem.

"Wala kasi siyang boyfriend kaya kami ang nag-aalaga sa kaniya unlike you na ang daming boyfriend." Ani Zeke na inakbayan na ako palapit sa mga puno ng niyog para makasilong.

"Kapanget mo Zeke Monroe! Mukha kang paa!" Natawa ako sa sigaw ni Jem. Nang lingunin ko si Zeke ay nakangisi rin ito.

"Mga baliw." Komento ko. "Bakit kasi 'di mo pa ligawan?"

"Bakit kasi hindi ka pa magpaligaw?" He said while giving me a strange look.

Natameme ako ng ilang saglit bago ako tumawa ng malakas at hinampas siya sa braso. Ang awkward kasi lalo na at iba yung tingin niya.

"Aray ha? Nagiging mapanakit ka na rin. Huwag ka nga kasing nagdididikit sa Jemellie na 'yun." Saka niya ako tinalikuran para lapitan si Ran.

Si Ran...

Nagkatinginan kami. The look in his eyes are telling me that we're not really okay. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na ang mga nangyari and even though I wanted to make things right, hindi pala ganoon kadali when it involves your feelings...

...and their feelings.

Iyong akala mo ganoon lang kadali pero hindi pala. Ang daming dapat i-consider.

I sighed as I continue walking towards Zeke and Ran. It was past two in the afternoon when we received a call from Mr. Kho that Skye, Cerys and Sean needs to come back immediately. Kaya heto tuloy kami, biglang nag pack up.

"You look stressed, Cara Ty." Inirapan ko si Zeke. Parang kanina lang ay wala siyang sinabing kung ano, ah!

"Don't stress her out, Zacheus." Mahina ngunit may pagbabanta ang tinig ni Ran.

Hindi siya nakatingin sa akin o kahit kay Zeke. Sinabi niya iyon habang nag-aayos pa rin ng gamit nila ni Keira.

He's being so... so cold again.

"Look who's talking?" Ani Zeke sa parehong tono.

Nagkatinginan sila na tila nagsusukatan ng tingin. Tila walang gustong magpatalo. Kitang kita ko ang pagtatagis ng bagang ni Ran at ang pagkuyom ng kamao niya.

"What are you trying to say? That I'm stressing her out, is that it?" Na sinagot lamang ni Zeke ng isang kibit-balikat.

"Who knows?"

"Kambal! Ang sabi ni Kuya Dash dito daw ako sa'yo..."

Ice breaker talaga itong si Keira kahit kailan. Pero kahit siya ay natigilan nang makitang tila nagkakainitan na iyong dalawa kaya kaagad niyang hinila si Zeke.

"Alam mo ikaw Zeke, napaka-pasaway mo. Bakit hindi ka tumulad kay Kuya Theon?"

"Eh bakit ka nanghihila?"

"Basta." Hila niya pa rin kay Zeke na tila wala namang pake kung saan man siya dalhin ni Keira. Kaladkarin talaga.

Ang nangyari tuloy, naiwan kaming dalawa ni Ran doon. Akmang aalis siya nang pigilan ko siya. Kasi kung kaya niya akong tiisin, ako hindi.

"Ganito nalang ba tayo, Ran?" Hindi na ako nag abalang itago 'yung sakit kasi para saan pa? Simula palang kagabi na tinalikuran niya ako, hindi na talaga nawala iyong bigat sa dibdib ko at parang hindi na yata gagaan ang pakiramdam ko. Parang habang tumatagal, lalo lang kasing bumibigat iyong dalahin ko.

Ano ba kasi'ng nagawa ko at nagkakaganito ang buhay ko?

"What do you want?" His tone was cold at it's breaking me gently.

"Nasaan na iyong Kieran na kaibigan ko?" Mabilis na pumatak iyong luha sa isa kong mata na mabilis ko ring pinalis.

"An opposite sex can never be friends, Cara."

Napalunok ako at natigilan. Parang kasing biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niyang iyon. I waited for him to continue. Gusto kong mag explain siya; gusto kong ipaliwanang niya iyong sinabi niyang iyon sa akin kasi ayoko mag-conclude. Parang sa mga nangyayari sa akin ngayon, ang gusto ko nalang ay isampal sa akin ang katotohanan. Iyong walang paligoy-ligoy. Iyong deretsahan na agad.

"From the very beginning I never wanted us to be friends but you were too focus and hard to yourself. It was like you're living not for yourself but to please your family. Pakiramdam ko, masyado ka ng mahihirapan kung isisingit ko pa iyong sarili ko so I decided to just stay by your side. That way, no one will court you because I was there." He sighed.

"Always." He added.

Iyong puso ko, parang sasabog na sa lakas ng kabog. Nanlalamig na din 'yung mga palad ko. Hindi ko kailanman naramdaman na may ganitong klaseng pagtingin sa akin si Ran.

"Bakit... hindi ka sumubok?" I asked kasi paano kung sinubukan niya? He was my crush back then. I really, really like him. Kahit naman ngayon ay ganoon pa rin pero hindi na kasing tindi ng dati.

Maybe because I diverted my feelings for him to someone else — to Blake. Kasi kay Blake, alam kong safe ako.

"I don't wan't to distract you from studying and I'm fine being with you everyday. Parang tayo kasi kapag ganoon kahit hindi. And when I decided to finally court you because we're about to graduate, things got fucked up."

Namulsa siya at bahagyang yumuko bago ako muling tinignan. His blue eyes we're so clear yet lonely.

"Bakit si Kuya pa? Mas madali sanang tanggapin kung si Blake nalang talaga because I can completely compete with him. I'm not saying that my brother's not a good man because he is and that I can't compete with him. He's too good. Masyado na siyang mataas para maabot ko at malampasan para sa'yo. Pero kahit naman hindi siya ganoon, wala na rin naman akong magagawa." He said as his eyes lowered its gazed to my tummy.

I already know what he meant by his last six words and somehow, mayroong kirot akong naramdaman.

"Ran..." I trailed off and reach for his hand. "I like you then and I know na hindi ko dapat ito sinasabi sa'yo ngayon kasi there's no point on telling you this. Pero gusto kong malaman mo na once upon a time, iyong pagkagusto mo sa akin ay nagkaroon ng katugon. Only that we didn't find it out."

He looked at me like he never did before.

Parang sinaktan ko lang siya ng mas matindi dahil sa mga binitiwan kong salita. But I was too scared that time that I decided to hide my feelings towards him instead of showing it. Babae pa rin ako at naniniwala ako na tayong mga babae, hindi dapat tayo ang lumalapit o unang nagpapakita ng motibo sa mga lalaki. Because if we do, they might take advange of it... of us.

Napiling siya at ngumiti. Pero hindi naman umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. It saddens me more.

"I thought you like Blake?"

"Yes." Deretsahan kong sagot sa kaniya. "Pero ikaw iyong una kong nagustuhan. It's just that," I sighed. Ang hirap mag explain kapag ganitong kumakabog iyong dibdib mo. "Feeling ko kapag ginusto kita, kapag itinuloy ko at hindi ko pinigilan iyong nararamdman ko, iisipin ng iba na wala akong utang na loob dahil pinag aral na nga ako ng parents mo tapos susulutin pa kita."

"Damn it, Cara! Why do you care so much about other people's opinion?"

I was surprised by his sudden outburst. Napatitig lang ako sa kaniya na ngayon ay namumula ang mukha.

"Hindi ba pwedeng iyong sarili mo nalang ang isipin mo?"

Nang hindi ako makasagot ay naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Tinalikuran din niya ako pero hindi siya umalis dahil pagkatapos lamang ng ilang saglit ay hinarap na niya akong muli. This time, he looks so calm and composed like nothing happened earlier while here I am, still trying to make my heart calm.

"Can't it be me, Cara?"

"Kieran..."

"Do you like my brother," he paused at kitang kita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. "... romantically?" Pagtatapos niya sa tanong habang ako, hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin.

Takot na akong makasakit at masaktan. One word from me and a lot of things will surely happen. So I stayed quiet even though I badly wanted to tell him the answer that I don't feel anything for his brother aside from fear.

Fear.

Yes. I'm afraid of Dashiel because he is someone so formidable and intimidating. Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin at pukawin sa akin lalo na at sa mga mata pa lamang niya na kung kung tumitig ay napakalalim ay hindi na ako mapakali.

Tapos ngayon, kung bibigyan ko ng sagot si Ran, iisipin niyang pinagsamantalahan ako ng kapatid niya which is not a good thing dahil hindi ganoon ang nangyari. We became a victim of that party, bringing the both of us in this situation.

"Ran—"

"I get it." Putol niya sa akin. "You don't need to explain anything to me because I will never understand how it all happened or maybe, I don't want to understand."

Nagsimula ng tumulak ang mga kasama namin papunta sa dalawang chopper. Tinatawag na rin kami nila Jem at nang lingunin kong muli si Ran ay hawak na niya ang mga bag namin.

Napanguso ako. He was always like this. Ang ugali niyang ito ang una kong nagustuhan. He will never let the girl he's with to carry anything when he's around.

"You're too sexy to pout. Don't do that again." Aniya na tila ba normal lang na sabihin iyon sa akin. Tapos ay lumakad na siya.

Nag-init ang mukha ko at napahawak ako sa aking mga pisngi. Mainit iyon kaya sigurado akong namumula ang mukha ko.

"One more thing, Cara." Aniyang huminto sa harap ko. "I want you to run to me when things got messed up with my brother. Mangako ka na sa akin ka pupunta kapag may nangyaring hindi maganda."

His eyes were pleading kaya kahit isang kasinungalingan, tumango ako bilang sagot.

You are reading the story above: TeenFic.Net