Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

01/27/19


RECKLESS
Chapter 10:

Nakabilog kaming lahat sa harap ng bonfire na ginawa nila Blake. Napansin ko na bihasa talaga sila sa pamumuhay sa Isla because in a short period of time, they manage to gather some woods and create a bonfire. Mayroon din kaming fresh from the ocean na mga isda na silang mga lalaki rin ang humuli.

Kung hindi lang talaga sila looking sosyal, iisipin kong laki sila sa hirap, eh. I mean, hindi sila takot madumihan. Even though they're arrogant, mas nangingibabaw naman iyong good sides nila na hindi madaling makita.

I stood up. Nilingon naman ako ni Jem at Blake. I was sitting in between them.

"Going somewhere?" Blake asked casually.

"Kuha lang ako ng shirt. Medyo malamig na." Pagdadahilan ko kahit hindi pa naman talaga malamig. Ayoko lang na magkasakit. Kailangan kong mag doble ingat lalo na at hindi ko na solong pag-aari ang katawan ko.

"Oh!" Sabay hubad ni Blake ng shirt na suot niya at iniabot sa akin. "Ito nalang para di ka na bumalik sa villa. Medyo malayo at madilim rin kasi ang daan."

"Hindi. Okay lang naman—"

"There." Aniya nang maisuot sa ulo ko ang shirt niya. He even ruffles my hair as he smiled and I was left no choice but to wear his shirt completely. Grabe lang. Para akong naka-bestida sa haba.

"Yiee! Ang sweet naman ni kuya." Primrose commented as she giggles.

Umani pa kami ng ilang tuksuhan mula sa kanila pero iyong ngiti ko, sobrang pilit na pilit na dahil iba iyong tingin na ibinibigay sa akin nila Dash at Ran.

When the sun finally sets, doon na nagsimula ang ingay nila. I know how party goers they are but none of them had gone wild since I knew them... siguro, ngayon palang na kami-kami lang ang narito sa Isla.

"Oh my gosh! The best ka talaga sa ganito, Zeke." Jem said while holding a glass of I don't know what. Basta si Zeke ang may gawa at kahit ano pa iyong pinaghahalo-halo niya ay walang may paki dahil masarap naman ang kinakalabasan.

"Here." Abot sa akin ni Zeke ng isang basong may laman ng inumin na ginawa niya.

Medyo hesitant ako pero tinanggap ko na rin. Hindi ko nalang iinumin. Ayoko lang maka-offend.

"Patikim nga." Sabay hablot ni Ran sa akin ng inumin at inisang lagok iyon. "Pwede na." Aniya pa sabay alis na parang napadaan lang talaga.

Sobrang nalulungkot ako sa nangyayari sa amin ni Ran. He's the closest one to me and yet, ganito ang nangyayari. I don't want this and yet, wala akong magawa kasi alam ko naman na sinira ko na yung kung ano'ng mayroon kami.

I felt so down the whole night kaya noong wasted na silang lahat at sobrang kukulit na, pumunta nalang ako sa may duyan na nakita ko kanina sa may bukohan. Medyo madilim sa parteng iyon dahil medyo malayo na sa kung saan kami nag bonfire.

I sat there, contemplating. Sobrang bigat talaga sa dibdib ko na iyong taong palagi kong kasama ay iniiwasan ako ngayon. Ang hirap-hirap at sobrang nakaka-down. It was like I betrayed him for some unknown reason.

"Baby, 'yung Tito Ran mo, galit sa akin. Pero 'wag ka mag-alala kasi sobrang bait naman niya. Mas mabait siya sa daddy mo kaya sana, paglaki mo, maging mabait ka rin, ha?"

I know, mukha akong tanga sa pagkausap sa baby ko kahit na kung tutuuisin ay hindi pa nga siya nagfo-form as a human being sa loob ko. But still, he's still my baby. He is alive.

"Do you really like my brother that much?"

"Dash!" Bigla akong napatayo sa duyan pagkarinig ko sa boses niya. I just know it was him kasi siya lang naman ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Iyong timbre ng boses niya, I think, iyon ang palaging nagpapakaba sa akin. Para kasing bawal akong magkamali sa tuwing kausap ko siya or I wasn't allowed to talk back at him.

"Whatever feelings you have for my brother, forget it, Cara." He demanded.

Maiintindihan ko pa kung nakikiusap siya pero nainis lang ako kasi parang inuutusan niya ako at pinapangunahan pa.

"Ano ba'ng alam mo? Wala ka namang alam sa kung ano'ng mayroon sa amin ni Ran." I hissed at him. Nakakainid kasi. "Iwan mo 'ko. Ayokong makita ka."

But the almighty Dashiel Luis Telpace remains standing in front of me. Parang wala lang sa kaniya na naiinis ako; na ayaw ko siyang makita o makausap man lang. He stood there, looking at me like I wronged him.

"Let's go back to the villa."

"Mag-isa ka!" Tinalikuran ko na siya. Ayoko talagang nakikita o napapalapit man lang kay Dash. Kumukulo iyung dugo ko kapag ganitong naiinis na ako tapos siya, sobrang composed pa rin.

I heard his footsteps behind my back so I stops from my tracks and looked back at him with my dagger eyes. Hindi ko alam kung nakikita niya iyong klase ng tingin na ibinibigay ko sa kaniya pero sana ay oo.

I looked at him from head to toe and back — na sana, hindi ko ginawa kasi nainis lang ako lalo na wala akong maipintas man lang sa lalaking ito!

Naka-maong shorts siya na may butas malapit sa tuhod, sa left. Hindi ko alam kung style ba iyon o ano pero bagay kasi. Tapos tinernuhan lang niya ng white v-neck shirt na medyo hapit sa dibdib while wearing a gray cup na nakapabaligtad ang suot kaya kitang-kita ang buong facial features niya — iyong makapal na kilay na kamukha ng sa tatay nila, ang matangos niyang ilong na parang ang sarap kagatin, iyong mga labi niya na kamukha ng sa mommy nila na sobrang unusual ng pagka-red at iyong mga mata niya na hindi ko man makita ngayon ay alam kong kasing lalim ng dagat kung tumingin.

Lahat ng iyon ay kinaiinisan ko.

"Done checking me out?" Aniya saka namulsa.

Iningusan ko siya at bumalik ako sa duyan para maupo. "Ayokong makipag-usap sa'yo, Dashiel. Gusto kong mapag-isa."

He stared down at me while still wearing that boyish aura. "Must be hormores."

"Ano?" Ulit ko kasi may ibinulong siya.

Nagkibit-balikat lang si Dash. "I'll go ahead, then. Mag ingat ka nalang sa ahas o sa gagamba dito sa — "

Tumili ako at tumakbo sa kaniya because the moment he said the word 'gagamba' ay may nalaglag na kung ano sa balikat ko kaya napatakbo ako palapit sa kaniya.

"Tanggalin mo! Tanggalin mo! Tanggalin mo!" Sabi ko habang nakakapit sa damit niya.

Dash laughed and it echoed in the whole place. Tapos ay niyakap niya ako. Iyong tipo ng yakap na nakaipit iyong kamay ko sa pagitan naming dalawa at wala akong magagawa kung hindi ang magreklamo. Hindi kasi ako makapalag!

"God, Cara. You're driving me insane." Maya-maya ay bulong niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Tanggalin mo na kasi!" I hissed at him because I swear, I felt something cold touched my shoulder.

Shoulder? But I'm wearing Blake's shirt. Paanong naramdaman ko ang lamig.

"There's nothing on your shoulder. It's just a drop of water from the coconut leaves. Kung hindi mo kasi napapansin, umaambon na." Paliwanag niya na hindi pa rin ako pinapakawalan.

Gusto kong magreklamo pero gusto ko rin ang init na nanggagaling mula sa kaniya. Para akong sisiw na nakahanap ng init sa katauhan ni Dash. At para akong tanga kasi sarap na sarap ako ngayong yakap niya ako samantalang kanina, kung tarayan ko siya ay ganoon nalang.

"Niloloko mo ba ako?" I asked while looking up at him.

He looked down on me. "No."

"Eh ba't mo 'ko niyayakap?"

He arched on of his brow. One day talaga kikilayan ko 'tong si Dash. Ang kapal ng kilay tapos medyo salubong pa.

"Don't you want this?"

"Ha?" Naguluhan ako kaya iyon lang ang nasabi ko pero hindi pa nga ako nakakapag isip ng maayos ay naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"How about that?" Na tinugon ko na naman ng isang 'ha?' na nakakainis. "How about this?" He then planted a kiss on my lips.

Hindi iyon peck lang! His lips lingered on my cold lips as he kissed me lightly that makes my knees trembled.

Like, oh my gosh!

He kissed me!

He just kissed me!

"You didn't pushed me so I guess, I should make it right." His right hand cups my face before he lowered his head to me, claiming my lips in a not so light yet not so gentle kiss that put me in a daze.

He was kissing me tapos ay para akong tuod na nakatayo lang sa harapan niya, letting him do whatever he wants.

"Close your eyes, babe and follow my lead." He whispered as he held me closer to his body.

Tila nahihipnotismong ginawa ko ang sinabi niya; I closed my eyes and mimicked the movement of his lips as I held on to his shirt like my life's depending on it.

Kung hindi lang talaga niya ako hinapit sa beywang kanina ay malamang na napaupo na ako dahil sobrang nanlambot ang mga tuhod ko.

Dash' lips was soft and warm and had a taste of liquor with a little bit of metallic taste. Weird.

"Damn, Cara." Napadilat ako nang marinig kong magsalita si Dash. I can smell his breath because our face were only inches apart. Halos magkabungguan na nga ang mga ilong namin.

Napakurap-kurap ako habang nakatitig lang sa kaniya. His eyes... it was mesmerizing like the ocean with the reflection of the moon.

Sobrang... nakakalunod.

His thumb caressed my lips lightly before planting another kiss. "As much as I wanted to kiss you here where no one can see us, I can't. The rain's starting to pour and I can't risk your health and the baby's."

Noon ako tila natauhan. Tinangka kong umatras dahil sobrang lapit namin pero hindi ko nagawa dahil nakapulupot pa rin ang isa niyang braso sa aking beywang.

"I... don't want this." I gulped and bit my lower lip when his faced hardened. "I don't want us to happen."

Umunat siya sa pagkakatayo at inalis sa beywang ko ang kanyang braso hanggang sa mahagip ang isa kong kamay.

"Okay." He told me as he takes off his cap and put it on me. "Now let's hurry before the rain starts to pour heavily." Walang emosyon niyang sabi at nagsimula ng maglakad pabalik sa villa.

Hindi nalang ako nagkomento pa. I decided to stay quiet because every time I'm with him and we're talking, walang magandang lumalabas sa bibig ko.

I stared at our hands and it looks good.

His hand was big and with long slender finger and kinda rough. The veins on his arm tells me that he's not the happy-go-lucky guy. Well, madalang ko lang naman talaga siyang makita. He's still a stranger to me and I let him kissed me!

Not only that because he's the father of my child!

I should be thinking about Ran but my mind got invaded by this high and mighty Dashiel Telpace and I don't like it a bit.

I don't like the feeling he is making me experience. It was frightening yet... exciting.

You are reading the story above: TeenFic.Net