Chapter 1

Background color
Font
Font size
Line height

11/14/18


RECKLESS
Chapter 1


2 months later...

Nagmamadali akong maglakad papunta sa next class nang makasalubong ko si Ran. Kasama ni Ran ang kakambal na si Keira na kabaligtaran ng ugali nito at si Blake na parang pancit canton ang buhok. As usual, iningusan na naman ako ni Keira bago ako lagpasan.

Akmang lalagpasan ko si Ran nang mahuli niya ang isa kong braso.

"Hey... are you alright?" Kunot-noo niyang tanong.

"Yes. Pero male-late na ako sa next exam ko. Mamaya nalang. Bye!"

But knowing Ran, hindi talaga niya ako hinahayaang maglakad na mag isa. Pero hindi lang naman niya sa akin iyon ginagawa kundi maging sa iba naming kaibigan. And when I said friends, iyon lang talagang ka-close.

"Okay na 'ko rito. Salamat sa paghatid." Pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko, his hands on his pocket as he looked down on me. Ang tangkad kasi. No wonder na indemand sila sa mundo ng fashion at modeling. I mean, iyong family business nila ay akmang-akma sa personalidad nilang lahat.

The Telpace Family isn't that big but their family is very well-known in the field of medicine, modeling and fashion designing.

Walang tapon sa pamilya nila. Kapag humilera na iyong mga lalaki, maglalaway ka nalang talaga at hindi ka makakapili ng basta-basta.

"Bakit na naman?" Buti nalang wala pa yung prof namin na panot. Ang higpit pa naman ng isang iyon. Palibhasa matandang binata.

"You don't look fine to me, Cara. You're pale. Did you even sleep? Ang laki ng eyebags mo." This time, he's frowning.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wow! Thank you sa panlalait, ha? Ikaw na gwapo at matalino. Di mo kasi nararamdaman ang nararamdaman namin na average – rather normal lang ang utak." Inirapan ko siya bago talikuran. Bakit kasi ang talino ilang magkakapatid? Lalo na iyong kuya nilang menopausal.

"I'll wait here."

Hindi ko nalang pinansin. Hindi naman iyon marunong makinig at over-protective pa. Dinaig pa niya ang mga kuya ko.

Pag-upo ko, ang mapanuring tingin agad ni Sarrah ang bumungad sa akin. Konti nalang talaga at isasalaksak ko na sa baga niya si Ran, eh.

"Hindi ka ba talaga nililigawan ni Kieran? As in hindi talaga?" Bulong niya.

"Alam mo, unli ka. Magbalat ka na nga lang ng patatas, Sarrah." Inirapan niya ako pero ngumiti rin kalaunan.

She's one of those girls who goes gaga over Ran. Di ko naman sila masisisi kasi once in my life, naging tulad din nila ako hanggang sa makilala ko si Mr. Pancit Canton.

"Cara, sabay na tayo mag-lunch?" Kalabit sa akin ni Sarrah pagtalikod ng prof namin.

Most of the girls here in our school only talk to me because they wanted to get close to Ran and his perks. Ran is nice so as the others but they don't talk much kapag mayroong iba na nakahalo sa amin.

Hindi ko nga alam kung paano nasama ang isang dukhang katulad ko grupo nila, eh. I mean, I am nobody compared to them. Scholar lang kaya ako ng mga Telpace and to think na average student lang naman ako kaya kailangan ko talagang sumubsob sa pag-aaral.

"May part time pa akong pupuntahan. Baka on the way na rin ako kumain. Next time nalang, Sarrah." I bid her goodbye before exiting the room.

True to his words, Kieran really waited for me. Agad siyang lumapit at kinuha g mga libro kong dala. He shoved it inside his bag like what he used to do then walks beside me.

"You have a part time?"

I nodded. Kagat ko kasi yung pantali ng buhok ko. Basta ko nalang itinali iyon ng mataas bago nilingon si Ran.

"Sa'yo muna iyang mga gamit ko. Kunin ko bukas." Tapos naman na ang exams kaya hindi ko na kailangang mag aral mamayang gabi.

"Ihahatid na kita."

I waved my hand. "Hindi na. Malapit lang naman dito yung part time ko. Isang sakay lang."

He was about to argue with me when Keira came. Bigla nalang siyang pumasan kay Ran at hinalikan ang kakambal sa pisngi – leaving a mark from her red lipstick. Napangiti ako lalo na nang sobrang nalukot ang mukha ni Ran.

"Kuya's waiting at the parking. Lagot ka." Ani Keira sa kapatid bago bumaba sa likod nito at burahin ang bakat ng lipstick sa pisngi ni Ran.

"Kuya Dash? Why?"

Keira said something long but my mind went to frenzy upon hearing their brother's name. I can't clearly remember what happened 'that' night but I know I was with him when I lost Ran.

Kasalanan nung drug sa mga inumin iyon!

Hindi lang ako ang nabiktima. Marami kami at ang ilan nga ay nanatili la sa ospital. Mabuti na lamang talaga at hindi ako hayok sa alak dahil kung marami akong nainom, baka sa ospital din ako nagpalipas ng ilang araw at gabi.

"Ihahatid na kita. Hindi ka pa naman late. I'll just talk to Kuya."

Without thinking, I nodded my head. Nang hilahin ako ni Ran ay para lamang akong robot na sunud-sunuran sa kaniya. Nang malapit na kami sa parking lot ay muli kong inilugay ang mahaba kong buhok para matakpan ang mukha ko kahit papaano.

Hindi na ako lumapit ng husto pagdating sa parking. Good thing is may isang malaking puno ng acacia na may bench sa ilalim ang malapit roon.

"Dito nalang ako. Hintayin kita." Sabi ko at ngumiti. Hinila naman siya kaagad ni Keira.

Pinanood ko lang silang tatlo mula rito sa malayo. Hanggang dito lang naman kasi talaga ako. Hanggang tingin nalang sa kanila.

Keira kissed Dash at tulad ni Ran ay nalukot din ang mukha nito.

"Stop wearing lipstick, Kei." Sita ni Dash sa kapatid na ngumuso lang. "You're still young."

"I'm twenty-two na kaya."

Iyong boses ni Dash na malalim na tuwing naririnig ko ay para akong ipinaghehele. Iyong masungit niyang mukha na hindi nakakasawang tignan, his angled jaw, prominent nose and that broding blue eyes makes me wonder how deep can he stare at someone.

I inhaled deeply. Hindi dapat ako magpaapekto. Hindi naman siya ang gusto ko. Nagkataon lang na siya ang naroon noong panahong 'may tama' ako.

Mas lovable pa rin si Mr. Pancit Canton sa kaniya! Sa lahat ng aspeto, mas lamang si Blake para sa akin. I'm comfortable with him though naroon iyong kaba kasi nga may feelings ako sa kaniya na dati naman talaga ay wala. It just developed over our encounter. Kaya masasabi ko talaga na natututunan ang pagmamahal.

Yes. Si Blake Iglesias iyong gusto. Kahit mukhang pancit canton iying kulot niyang buhok, wala akong pakialam. He's strict and snob but playful at the same time. Siguro normal nalang sa kanila ang maging istrikto dahil may mga kapatid silang babae na pinoprotektahan.

"Mom's worried, Ran. Maging si Tita Ems ay hindi yata nakatulog kagabi. Don't you fucking do that again." Rinig ko pa rin ang boses ni Dash. Nakakainis lang kasi maingay naman iyong ibang estudyante malapit sa akin pero naririnig ko pa rin iyong boses niyang masungit.

"Uh-huh! You're staring at the Telpace brothers."

Napapiksi ako nang biglang magsalita si Zeke at umupo sa tabi ko. Humikab pa siya. Halatang kagigising lang samantalang alas onse na!

"Kakagising mo lang? Sarap buhay, huh?" Please, note the sarcasm. Ang alam ko kasi, ten minutes away lang ang condo nilang magkapatid from school.

"Yeah." Sabay hikab niya ulit at ginulo ang medyo basa pang buhok, pinapatuyo. "So which one?" Nginuso niya pa sila Ran at Dash.

"Wala. Ikaw kaya ang gusto ko." I even smiled then lean my head on his shoulder.

"Gutom ka na naman, Cara." Ginulo niya iyong buhok ko tapos sabay kaming natawa.

Nasa ganoon kaming tagpo nang tawagin ako ni Ran. Wala na si Keira. Sumabit na siguro sa kuya nilang menopausal.

"Cara,"

"Tara na?" Umayos na ako pero bago ako tumayo ay tinapik ko muna sa pisngi si Zeke. "Una na kami, bebe boy." And he frown which made me laugh even more.

Ran and I stays in silent while on the road. Sabi ko kasi ay medyo masakit ang ulo ko kaya pumikit nalang muna ako hanggang sa nakatulog na talaga ako ng tuluyan.

"Ano ba'ng – "

"Miss Cara Cruz?" Isang nurse ang bumungad sa akin.

"Cara nalang po. Ang pangit kasi kapag pinagdugtong." I smiled at the nurse kahit na nagtataka ako kung bakit ako nasa ospital.

Ngumiti iyong nurse. "Okay."

"Uhm... bakit po pala ako narito? Sino'ng nagdala sa akin?"

"Si Mr. Telpace po. He instructed us to run some test on you and the results just came out, Miss Cara."

Magtatanong pa sana ako ulit ng biglang pumasok ang isang doctor. Agad akong napaayos ng upo nang nakilala ko ito.

"Good afternoon po."

Dr. Axl Telpace smiled then turned to the nurse beside him. Kaagad namang lumabas iyong nurse. Tapos ay lumapit siya sa kama ko at naupo sa gilid.

"Do you have a boyfriend, Cara? We will not get mad if you and Ran are together."

"Po?" Parang biglang nag-hang iyong utak ko sa tanong niya. Why is he asking me that all of a sudden?

"You're pregnant, Cara."

Napanganga ako.

Kung kanina, nag-hang lang iyong utak ko, ngayon naman, hindi ko na talaga ma-process iyong sinasabi niya. What did he said again?

"A-ano po?"

Dr. Axl Telpace sighed slowly then repeated what he said, his blue eyes full of concern.

"You're pregnant, Cara."

You are reading the story above: TeenFic.Net