Soulmate (part 1)

Background color
Font
Font size
Line height

Where in nagso-soul searching si Karina sa isang probinsya ng magtagpo ang landas nila ni Winter. Isang babaeng takot sa responsibilities.







_________________________










Nagpagulong-gulong na ako sa higaan habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga ko.

Sino ba itong nasa katabing kwarto na sobrang ingay? Utang na loob! Alas onse na ng gabi.

"Tama na yan inuman na..woooooh!"

Napatayo na naman ako at padabog na lumapit sa dingding na nagsisilbing harang sa pagitan ng kwarto ko at ng nasa kabilang nagco-concert.

Malakas na pinagpapalo ko ang dingding sending my message sa kabilang room. Gusto ko lang na tumahimik kung sino man syang kanina pa malakas na nagpapatogtog at kumakanta.

Unang gabi ko palang sa lugar na to minamalas na agad ako. Minalas na nga ako kanina sa terminal. Mali lang naman yung jeep na nasakyan ko kaya ako napunta sa baryong to at nagti-tiyaga sa rest house na to. Pinagtiyagaan ko na kasi nga mura at sabi nung nag magandang loob na tumulong sa'kin kanina na okay naman itong baryo at kung naghahanap daw ako ng pwedeng pasyalan meron daw sila ditong falls na maganda at dinarayo rin ng mga tourist. Actually may kagandahan rin naman itong rest house. Di ko lang masyadong ma appreciate kasi nga wala ito sa plan ko.

Tinanggap ko nalang na sira na yung actual plan ko for my soul-searching agenda.

Nabalik ako sa reality ng malakas na kumalampag yung dingding. Nagsalubong ng sobra ang mga kilay ko. Nananadya ba ang nasa kabilang kwarto? Napa-brush up ako ng buhok sa inis.

Ang sabi ni ate Rosalie kanina mabait naman daw yung nasa kabilang kwarto. Dalawa lang nga raw kaming nandito ngayon sa rest house dahil halos kakaalis lang ng ilang mga bakasyonista na nag stay din dito.

Ang sabi nya peaceful sa rest house na to.

Asan yung sinasabi nyang peaceful?!

Malakas na kinalampag ko ulit yung dingding at katulad ng kanina kinalampag lang din ito ng nasa kabila.

Wala na. Yung natitirang patience ko.

Wala na.

Inis na lumabas ako ng kwarto ko at mabilis na tinungo yung kwartong katabi.

Galit na kumatok ako sa pinto.

Humanda ka talaga sa'kin kung sino ka man.

"Hoy!" sigaw ko dahil naka ilang malalakas na katok na ako pero hindi parin nito binubuksan ang pinto.

"Utang na loob gusto kong matu—log..."

Fck.

Ang ganda.

"Hiiiii!" nakangiting bati nito sa'kin.

Umiling ako. Shaking unnecessary thoughts sa isip ko.

Umayos ka Karina. Hindi ito ang oras para sa ganyan.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaharap kong babae.

May kaliitan, maputi, cute, ang ganda ng mga mata.

Maganda nga.

Mariing napapikit ako.

Ito na nga, titigil na.

"Gusto mo ng juice?" alok nito sabay abot sa'kin nung hawak-hawak nyang bote ng T-ice.

Agad naman akong napasilip sa loob ng kwarto nya. Malakas na music galing sa speaker at nagkalat na mga bote at plastic ng junk foods. Napaka unhealthy.

Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko na naka extend parin ang kamay sa harap ko habang hawak ang bote ng bwas na T-ice. Papikit-pikit na rin ito.

Napakamot nalang ako ng ulo.

She's wasted.

Mahinang tinulak ko pabalik yung kamay nya. She immediately hug the bottle at nakangusong tinignan ako.

Napakurap-kurap nalang ako ng bigla nya akong pagsarhan ng pinto.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng malakas na kalabog. Naging alert ako bigla. Galing yun sa loob ng kwarto nya.

"Miss?" sabi ko habang kumakatok sa pinto nya.

Walang sumasagot.

Unsure of what to do napahawak ako sa doorknob. Nagulat ako dahil hindi ito naka lock. Nagda-dalawang isip pa ako kung dapat ba akong pumasok.

She's a stranger. I'm a stranger to her.

Bahala na.

When I opened the door nagulat ako ng makita sya malapit sa pinto.

Nakadapa.

I closed the door at agad na lumapit sa kanya.

"Miss?" I said tapping her shoulder.

I groaned.

She's knocked out.

Napatingin ulit ako sa loob ng kwarto nya. Puro bote ng beer at pinagkainan ng junk foods. Yung bote na hawak nya kanina ay nasa sahig na. Tumayo ako at lumapit sa speaker na nasa bedside table nya at pinatay ito.

I heard her groaned mumbling a few words.

Napabuntong hininga nalang ako bago ulit lumapit sa kanya. I slowly and carefully lifted her. My god, she's so light.

Maingat ko syang inihiga sa kama nya. Inabot ko yung blanket nya at kinumutan sya. Malamig pa naman sa lugar na to.

"What now?" I asked myself habang nakatingin sa babaeng tulog na tulog sa kama nya.

Nakangiting napailing nalang ako.

Sinimulan kong pulutin yung mga boteng nagkalat at mga basura na nagkalat sa kwarto nya. Nakahanap ako ng malaking plastic bag kaya dun ko nalang nilagay lahat ng kalat. Matapos kong linisin yung kwarto nya ay pinagmasdan ko ulit sya.

Ano kayang nangyari sa kanya? Bigla tuloy akong na-curious as to why she wasted herself like this? Wala sa itsura nya ang pagiging manginginom and it clearly shown sa state nya ngayon.

Tinungo ko na ulit yung pinto.

Finally, makakatulog na ako ng maayos.








Humihikab na tumayo ako mula sa maliit na kama ko. Hindi ganuon kaayos ang naging tulog ko. Salamat sa babaeng nasa kabilang side nitong rest house. Speaking of her. Kamusta na kaya ang pakiramdam nya? Siguradong sakit ng ulo ang unang mararamdaman nya pagka-gising nya.

Hawak-hawak ang isang tasa ay kinuha ko muna yung cellphone ko at chineck kung may signal na ba. Ang sabi ni ateng nagbabantay nitong rest house kahapon ay mag signal sa loob ng kwarto na to particularly malapit sa pinto ng cr.

Wala naman. Kahit isang bar lang, wala talaga. Ba't nga ba ako naghahanap pa ng signal eh soul-searching nga itong ginagawa ko.

Bumalik nalang ulit ako sa bag ko at kumuha ng isang sachet ng energen. Ito lang ang nabili ko kahapon sa may tindahang nadaanan namin.

Ang sabi ni ate kahapon free namang bumaba sa may sala at gamitin ang mga gamit na nanduon bilang kasabay na raw ito sa binayaran ko. They provide basic needs ng mga nags-stay dito. Kumpleto sa gamit ang kitchen nila dito.

Tinali ko lang ang buhok ko naglakad na rin ako palapit sa may pinto. 9 am pa lang naman. Usually mga 11 na ako gumigising pero dahil gusto kong maglibot-libot mamaya eh kailangan kong maghanda ng maaga.

"Palakang bungi!" gulat na sigaw ko. Muntik ko pang mabitiwan yung hawak ko.

Napakurap-kurap lang yung babae na nakatingin sa'kin.

"Sorry." sambit nya at parang nahihiya pa.

Tinignan ko naman sya ng masama.

"What are you doing sa tapat ng pinto ko?" tanong ko habang nakahawak parin yung isang kamay sa dibdib ko.

Nakatingin sya sa'kin at parang naguguluhan kung dapat ba syang magsalita.

Ako naman ay biglaang na conscious sa ayos ko. Pareho naman kaming same parin ang suot simula kagabi pero bakit parang ang dugyot ko compared sa kanya? Sya nga yung na wasted kagabi pero ba't parang ako yung di maayos ang itsura?

Ang unfair.

"A—about kagabi... I'm sorry...f-for causing trouble sayo." sabi nya. Hindi na sya makatingin sa'kin. Nakayuko sya habang pinaglalaruan ang mga daliri nya.

Cute.

Naalala nya na pala yung kagabi. Buti naman ng maging aware sya. Kung ibang tao lang ang kasama nya kagabi baka ay napasabak na sya sa away or worst baka may magawa pa sa kanyang di maganda.

"Okay lang." sabi ko. She immediately looked up at malakas na bumuntong hininga. Para bang gumaan ang pakiramdam nya dahil sa sinabi ko.

"I'm really sorry and thank you for helping me." nagawi ang tingin nya sa hawak ko. "Pwedeng sumabay mag-kape sayo?"

Wala namang kaso sa'kin so, tumango ako. Biglang nagliwanag yung mukha nya.

"Wait kukunin ko lang yung gamit ko."

She didn't wait for my reply. Masayang tinungo nya agad yung pinto ng kwarto nya.

Ito na ba ang sagot sa soul-searching ko? Sya na ba? Ang bilis naman.

Di naman sya nagtagal sa loob. Paglabas nya ay may bitbit syang plastic bag at isang cup.

"Tara sa baba." sabi nya.

Nanguna syang bumaba ng hagdan at nakasunod lang ako sa kanya.

"I'm Winter pala." pagpapakilala nya. Mabilis nya akong nilingon.

"Karina." sabi ko.

"Ang ganda ng name mo."

"Name ko lang?"

Mahinang tumawa sya.

Pati pagtawa nya ang ganda.

Nilagay nya agad sa maliit na mesa yung cup at plastic bag na dala nya.

Kumpara sa nasaksihan ko kagabi. Itong nakikita ko sa kanya ngayon ay malayong malayo sa Winter na may hawak na bote ng T-ice.

"Gusto mo ba ng pancakes?" tanong nya. Pumunta sya sa maliit na kitchen at naghanap ng kung ano-ano.

"Pwede kasing mag-luto dito."

"May ingredients ka ba? Tsaka marunong ka bang mag-luto?" hinarap nya ako and a smug smile formed on her lips.

Okay, papakasalan!

"Ayusin ko lang mga kailangan." isa-isa nya ng nilabas yung laman ng plastic bag na dala nya.

Amused na nakatingin lang ako sa kanya. Di naman sya prepared sa lagay na yan?

"Pwedeng tumulong?" I asked habang lumalapit sa kanya.

"Sure!" she beamed. "Pwede bang hugasan mo yung mga utensils?" tumango ako at tinungo yung lababo.

"Ilang araw ka ng nandito?" tanong ko habang sinisimulang sabunin yung dalawang plato.

"Uhm...tatlong araw na." pasimpleng tinignan ko sya. Focus sya masyado sa ginagawa nya.

"Ba't ka nga pala naglasing kagabi?" di ko maiwasang itanong.

Kung titignan kasi wala talaga sa itsura nya ang umiinom and parang wala naman syang mabigat na pinagdadaanan.

Oh wait, broken ba sya?

"Ah...that,"

Natigil ako sa ginagawa ko ganun din sya.

"Medyo nalulungkot lang. Marami kasi akong iniisip kahapon and I decided to drink nalang para—sorry, parang ang drama ng dating."

"No, it's okay." agad kong sabi.

So, she has her story din pala.

"Okay lang ba?" tanong nya.

Ang alam ko ayoko sa mga madramang tao. Yung tipong lahat nalang ng bagay kailangan dramahan. Kahit hindi naman dapat.

But kay Winter, ibang-iba. There's this part of me na gustong-gusto makinig sa kung ano man ang sasabihin nya.

Fck this is not good. Kakakilala ko lang sa kanya.

Tahimik na tumango lang ako watching her carefully.

"Actually kaya ako napunta dito kasi may tinatakasan ako." simula nya. Pansin ko ang pilit na ngiti sa labi nya.

Tinatakasan?

Don't tell me isa syang kriminal?!

No. Malabo, she's too cute to be a criminal. Baka utang, may tinatakasan syang utang. Pero malabo rin eh, mukha naman syang mapera.

"Tinatakasan ko yung mga responsibilities ko. Pero hanggang dito nasusundan parin ako." tuluyan nya ng binitiwan yung measuring cups na hawak nya.

"Ano ba yan, nasira ko yung mood. Let's cook our breakfast nalang." sabi nya returning from her previous position sa harap ng table.

Tumahimik nalang din ako. Ayokong maging parang pakialamera.









"Masarap ba?" excited na tanong nya. Kanina pa sya abang na abang sa reaksyon ko sa ginawa nyang pancakes.

Pwede ko na syang ibahay. Chariz.

Pancakes palang yung ginawa nya sobrang sarap na, what more kung mag-luto pa sya ng kanin. Just kidding.

Exaggerated na binaba ko yung tinidor at pumalakpak.

"Sobrang sarap." sabi ko sabay thumbs up.

Tuwang-tuwa naman sya sa naging feedback ko.

Cute talaga.

"Gising na pala kayong dalawa." Sabay kaming napatingin kay ate Rosalie, yung nagbabantay nitong rest house.

"Magkakilala kayo?" tanong nya.

"Kagabi lang po nagkakilala." si Winter na ang sumagot.

"Mabuti yang ganyan ng di kayo mag-isang mamasyal dito. Papasyal ba kayo sa talon?"

Right, the falls.

Tinignan ako ni Winter.

"Gusto mo bang puntahan?" she asked me. Habang kumakain kasi kanina napag-usapan namin na sabay nalang naming ie-explore itong lugar. Natawa ako nung sinabi nyang hindi parin pala sya nakakapasyal dito dahil bukod sa wala syang alam eh natatakot din syang gumala mag-isa.

She's a baby.

Magiging baby ko.

Grabe ang harot ko.

"Puntahan natin mamaya." sagot ko.

Nagpaalam na kami kay ate Rosalie na mag-aayos. Nagbilin naman sya ng mga dapat naming tandaan kapag pupunta ng talon. Mag-ingat daw kami sa mga magnanakaw. May ilang kabataan daw kasi rito na nangunguha ng mga gamit ng mga bakasyonista. Mas mainam daw na wag nalang kaming magdala ng mga gadgets o pera. Libre lang naman daw kasi pumunta ng talon at walking distance lang ito mula rito.

"How about you?"

Napahinto ako sa pagsara ng backpack na dadalhin ko. Nagdecide kami na magdala lang ng pamalit Incase na matukso kaming maligo mabuti na yung may damit kaming dala at towel.

"What about me?" balik tanong ko.

Nakasandal lang sya sa may pinto habang nakatingin sa'kin. Nauna kasi syang matapos mag-ayos kesa sa'kin. She's wearing a hoodie kahit na ang init-init ngayong umaga. Tapos a loose shorts and a sneaker. Ako naman ay naka suot lang ng simple shirt at high waisted short and sandals.

"Ikaw, ba't ka napunta rito?"

Oh.

"Soul-searching." nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

Napangiti ako lalo.

"I'm searching for my soulmate." mas lalo namang na confused ang itsura nya.

My god.

I wanna pinch her cheeks.

"And I think nahanap ko na sya."




_____________________________








You are reading the story above: TeenFic.Net