Reply 1998

Background color
Font
Font size
Line height



Ito pa (≧▽≦) ang dami ko palang drafts.







___________________________








"Oh, aga aga nalugi ka?"

Halata siguro masyado sa mukha kong naiinis ako dahil di pa man ako nakaka-upo sa usual seat ko eh yan na agad ang bungad ng best friend kong si Ningning.

"Yung babaeng yun na naman kasi." inis kong sabi. Naupo na ako sa katabing upuan ni Ning.

"Nag-away na naman parents mo?" mas lalo akong nayamot sa tanong ni Ning.

"Anong away? Baka maghiwalay na nga! Bwisit kasing babae yan. Wala na akong ibang naririnig sa away nila kundi yung Karina. Dahil kay Karina, kasi si Karina, yung Karina. Bwisit na bwisit na ako!" mabuti nalang at maaga pa kaya onti palang tao sa room. Napasigaw na kasi ako at nahampas ko pa itong mesa ko.

"Halata nga Win. Anyways..parang ang laking factor talaga ng babaeng yan to the point na yan nalang lagi pinag-aawayan ng nanay at tatay mo."

"Sinabi mo pa. Kapag talaga nakita ko ang babaeng yan, nako! Sasabunutan ko talaga." naiinis talaga ako.

Lagi nalang kasing nag-aaway sila Papa at Mama..at ang dahilan? Yang bwisit na babae ni Papa. Pangalan palang eh naririndi at nanggi-gigil na ako.

Ano bang naisip ni Papa at nagagawa nyang gaguhin si Mama?

"Oh, awat na muna bes. May assignment ka pala? Hehehe pakopya."

Tinignan ko naman ng masama si Ning.

"Dali na bes! Libre kita ng lunch."

Bwisit to! Alam na alam weakness ko.

"Oo na, basta wag kopyahin lahat ah, paraphrase mo ganun." paalala ko sabay abot nung gawa ko.

"Thank you bes!"

"Anong thank you? Lunch ko mamaya ikaw bahala."

"Ako bahala."

----

Ning Herrera!

Isa kang dakilang scammer!!

Kinopyahan lang ako ng gaga. May pa ako bahala ka pang nalalaman, bwisit ka.

Bukod sa ako ang bumili ng sarili kong lunch eh ako lang rin kakain mag-isa. Makakatikim ka talaga sa'kin ng matinding hampas Ning.

Biglang busy amputa.

Pinapatawag raw sya sa faculty para sa ilang papers raw na kailangan i-submitt before mag end ang month na ito. Para yata sa gaganaping event ngayong nalalapit na foundation ng school. Secretary ng ssc ang bruha. Ewan ko ba ba't nya naisipang mag ganyan eh sa klase nga tamad tamad magsulat tapos biglang secretary sa ssc? Sinabihan ko sya nyan one time tapos ang sagot ni gaga eh, yung sa ssc raw ay with keyboards and all kaya pano raw sya tatamarin. Jusko Ning.

"Mag-isa tayo ngayon ah?"

Naangat naman ako ng tingin ng may nagsalita sa harap ko.

Si Ryujin lang pala.

"Busy busyhan si Ning eh. Hanggang anong oras klase mo?"

Naupo naman sya sa bakanteng chair sa harap ko.

"First time... narealize mo na bang gusto mo rin pala ako maka-date?" tumaas baba pa ang kilay ng gaga.

"Di ka talaga matinong kausap." inirapan ko na lang sya.

"Easy, nagj-joke lang eh." natatawang depensa nya.

"Di nakakatawa." seryoso kong sabi.

Alam nya namang ayokong nagbibiro sya pagdating sa ganyan.

Umamin kasi sya sa'kin last month about her feelings kuno.

Happy crush nya raw ako.

Maniwala ako.

Kitang-kita ko kaya sa mukha nya kung gaano sya nasaktan ng sinabi kong tigilan nya na yung happy crush na nararamdaman nya. Sinabi nyang okay lang daw, di ko naman daw kailangan sukilan feelings nya, sinabi nya lang naman daw. Maniniwala na sana ako nun kaso nabalitaan ko nalang from Ning na biglaang napainom ang gaga sa bar. Kaya ayokong nagbibiro sya ng ganyan kasi kaibigan ko parin sya at ayokong nasasaktam sya ng dahil lang sa di ko kayang ibalik kung ano mang feelings meron sya.

"Okay, okay...hanggang 5 pa klase ko, bakit ba?"

"Yayain sana kitang tumambay sa mall, busy si Ning eh. 2 pm kasi wala na akong class."

Parang ayoko na ring pumunta ng mall. Wala rin naman pala akong maisasama.

"Pwede naman akong mag-cut." pinitik ko naman agad noo nya.

"Baliw ka! Wag na, nawalan na rin naman ako ng gana. Uwi nalang ako."

Kita ko naman ang pagbuntong hininga nya.

"Sure ka?" paninigurado nya.

"Sigurado, wag ka ng mag-alala dyan." sabi ko bago ako mabilis na lumabas ng canteen.












Sobrang boring talaga ni prof Lee magturo.

Kinalikot ko nalang phone ko at todo scroll lang ako sa twitter.

Grabe daming ganap sa mundo ngayon. May bagong model na naman ng iPhone, sana bilhan ulit ako ni Lola (≧▽≦) abuso na ako masyado sa lolo at lola ko.

Busy ako sa pagtingi-tingin sa feed ko ng biglang nag-message si Mama. Umuwi raw ako ng maaga dahil wedding anniversary nila ni Papa. As if naman maaalala yan ni Papa.

As usual, kunwaring limot na naman si prof Lee sa oras. Fifteen minutes din nanakaw nya sa'min, kainis.

Nilabas ko naman yung phone ko dahil kanina pa ito nagv-vibrate. Malamang ay ang gc na naman namin to.

Da broken wans 🙂 (55 messages)

Napakunot naman noo ko sa pangalan ng gc na nangunguna sa messenger ko.

Una ko itong binuksan.

brokeNing: Pass muna ako.

broJin: Ako kahit saan, ket kailan basta makatikim lang, g na g.

Yoon: ba't parang ang bastos ng sinasabi mo Ryu??

Ang mga bonak lang pala. Pinalitan na  naman nila name ng gc. Pang sampung beses na ito, di ba sila nagsasawa?


Mindeong : Patahimikin nyo messenger ko.

                     broJin: Uy, si boss Min!

         brokeNing: Uy, si boss Min! (2)

           Yoon: Uy, si boss Min! (3)

            broJin: lodi nyo talaga ako 😀

Mindeong: Mga baliw

             broJin: sakit mo namang magsalita sa kanila Min.

Mindeong: Wag ka Ryu, ikaw yung pinaka baliw.

               brokeNing: painosente si shunga. Min, gusto mo bang mag party this Sat? Sa bahay lang naman ng pinsan ko.


Natigil naman ako at nag-isip sa tanong ni Ning. Matagal na rin simula nung last party ko... di pa maganda kinalabasan.

                   Yoon: diba biglang tigil si Min.

                    broJin: baka inaalala yung sakit ng kahapon HAHAHA.

Mindeong: potaka Ryu.

                    broJin: oh ayan, biglang balik si gaga.

Mindeong: Ewan ko sayo. Ning pass muna. Mom needs me this weekend.

                     broJin: Excuses

                     Yoon: Excuses (2)

                     brokeNing: Excuses (3)


In-off ko nalang phone ko. Aasarin na naman ako nila kapag nagtagal pa ako sa gc.

Uwing-uwi na talaga. Prof Lee! Sa susunod talaga magdadala ako ng alarm clock sa loob ng klase nya.

Kainis!








Sobrang late na kaming nakalabas. Patay malisya lang naman si Prof sa ginawa nya. Kainis talaga. Sana pala tinuloy ko nalang yung pag-puntang mall kanina.

Kinailangan ko pang sumakay ng tricycle pauwi kasi bigla bigla na namang umulan. Tatalunin yata namin yung nakaraang record ng lugar namin. Pinaka mahabang naganap na pag-ulan. 24 days yun na walang tigil. I think noong 1998 yun.

Malapit na ako sa bahay ng mapansin ko yung Jboys (Jeno, Jaemin, Jake) na laging tambay sa harap ng malaking tindahan ni Kuya Ten. Ang iingay parin ng mga gago.

Nagmadali akong nagbayad kay kuyang driver at patakbong sumilong sa loob ng bahay namin.

Pinapagpag ko yung medyo nabasa kong bag ng madako ang tingin ko sa katabi ng jboys...phone booth?

Ah, may bagyo palang paparating. Kada may bagyo naglalagay talaga sila ng phone booth dito sa harap ng 7-eleven. Minsan kasi mahirap signal dito kapag may bagyo kaya naglalagay sila nyan. Naturingan pa naman kaming nasa syudad pero yung signal bulok. Ang sabi sa balita baka mamayang gabi landfall ng bagyo kaya siguro napaaga ang paglalagay nyang phone booth.

Mabilis akong pumasok ng bahay at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng makarinig ako ng sunod sunod na ingay mula sa storage room ng bahay.

Pinakinggan ko itong mabuti. Di natigil yung ingay kaya pumasok na ako para hanapin pinagmulan nito.

Wala naman akong makitang phone o alarm clock sa loob. Lumapit ako sa sirang mesa na pinagmumulan ng tunog.

Mga lumang dyaryo, photo albums, radyo, at CD's lang naman nandito.

Wait, ano to?

Iniangat ko naman yung isang maliit na parang orasan. Nagliliwanag lang ang maliit na screen nito at may nakasulat na new messages dito.

Ano to? Cellphone? Pano naman gamitin to?

Pinindot-pindot ko yung mga buttons pero tunog ng tunog lang yung--

Shemay.

Nahulog ko pa.

Bigla kasing dumaan si Mr. Ipis kaya natakot ako ng bongga.

Akmang pupulutin ko ito ng may nakita akong maliit na notebook na talagang nakakuha ng atensyon ko.

"To my love Baekhyun from...Karina?!"

At talagang tinatago ito ni Dad?!

Sinasabi ko na nga ba kabit ni Dad yang Karinang yan.

Napahawak ako sa sintido ko dahil sa inis.

*beep!

Tumunog ulit yung parang orasan kaya pinulot ko ito.

Isang number at message ang naka display sa napakaliit na screen nito.

"091624 call me"

Ano to?

Don't tell me si Karina to?








______________________________











Nakalimutan ko title ng movie. Basta dun ko binase ang fanfic draft na to. Ang ganda kasi. Si Baifern yung bida (≧▽≦)


You are reading the story above: TeenFic.Net