EILY

Background color
Font
Font size
Line height








EILY Winrina version






_____________________________________












"Giselle please." i begged. Kanina ko pa sya sinusundan dito sa loob ng studio. Gusto kong malaman bakit ako?

Bakit ako ang kailangan nyang ipatapon?

Hinarap nya na ako ng makarating na kami sa loob ng office nya.

"Winter, consider this as your opportunity. Look, if you pull this off may promotion na naka-abang for you." sabi nya.

"But Giselle bakit kailangan sa office pa natin sa province? Hindi ba talaga pwede dito?"

Kanina pa ako nagco-complained sa kanya. Gusto ko naman yung idea eh. Ang kaso lang bakit nasa malayo?

"Winter my decision is final." mariing sabi nya.

"Giselle can you please think about it again? Ito kasi yun Gi. Ang mga shows kasi na ginagawa ko related lahat sa adventures--"

Pinutol nya naman ang explanation ko.

"Kaya nga ikaw ang kailangan ng office natin sa province. Isn't it cool na gumawa ng adventurous show sa province?" she said grinning. "Winter trust me. Mage-enjoy ka sa decision ko."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala na talaga akong laban sa decision nya.

"Now, umuwi ka na dahil bukas na bukas aalis ka na. I already informed them na darating ka bukas. May team na nag-hihintay sayo."

My eyes widen sa sinabi nya.

"Bukas agad?!" di maka-paniwalang tanong ko.

Nakangiting tumango lang sya sa'kin.

"Giselle, perhaps did you...?" tumango-tango ulit sya.

Ibig sabihin planado nya na dati pa ang pagpapadala sa'kin sa province?

Oh my god, Giselle.

I hate you!










"Welcome to San Lorenzo Ma'am. First time nyo po bang makarating sa probinsya Ma'am?" tanong ni kuyang driver na sumundo sa'kin kanina sa airport. Official driver daw sya ng SM station.

"Yes po." Magalang na sagot ko.

"Ang San Lorenzo po Mam ang number one supplier ng bigas dito sa lugar namin." pag-kwento pa ni kuya.

Tinignan ko naman ang mga dinaraanan namin. And wow, ang ganda ng paligid. It's so green. Karamihan sa makikita mo ay mga malalawak na palayan at malalaking bundok.

"Hinto ko lang muna Ma'am ah, may kakausapin lang po ako sandali."

Tumango nalang ako kay kuya.

Ibinaba ko ang bintana nitong uv at pinagmamasdang mabuti ang malawak na palayan at mga nagtataasang bundok.

This place is nice.

Napansin ko ang isang babae sa kabilang bahagi ng kalsada na hawak-hawak ang isang camera.

Paikot-ikot lang yung camera nya hanggang sa huminto ito sa mismong pwesto kong nasaan ako.

Is she taking a pictures of me?

Don't get me wrong. Hindi ako assumera. Yung camera nya kasi ay nakatutok talaga dito sa pwesto nitong uv kung saan ako nakasakay. Kumunot ang noo ko at the same time ay ibinaba nya rin ang camera nya at tinignan nya ako then yung camera nya.

Inilabas ko ang phone ko at binuksan ko yung cam. Mabilis kong zinoom para makita ko kung nakatingin ba talaga sya sa'kin.

Wow, what a beauty.

Accidentally napindot ko yung video and my phone starts recording her.

Oh no! She's coming here.

Mabilis kong in-end yung video at ibinaba ang phone ko.

"Excuse me."

Ang bilis nya namang makapunta rito.

"Kinukunan mo ba ako?" tanong nya. Mukhang annoyed pa.

"Nope." sagot ko.

Nagsalubong ang dalawang kilay nya at parang ayaw maniwala sa sagot ko.

"Patingin ng phone mo." sabi nya.

I scoffed.

"Seriously, miss? I told you na hindi kita kinukunan. There's no need to check my phone." sabi ko.

Tinignan nya naman ako ng masama.

"Wala akong tiwala sa sinabi mo. Kung hindi mo talaga ako kinunan bakit ayaw mong ipakita phone mo? You know it's rude to take pictures of others without their permission."

My god this girl.

"Eh yung camera mo? Patingin din ako. Parang ikaw nga yung kumukuha ng litrato ng walang abiso eh." naka nagising sabi ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo miss. Yung view ang kinukunan ko sadyang nandito lang yang uv mo kaya nasama ka sa picture." sagot nya.

Mas lalo akong napa ngisi sa sagot nya.

"Which view ba ang kinukunan mo? Yung palayan o mukha ko?"

Umikot naman ang mga mata nya.

"Pesteng yawa, ang kapal ng mukha."

Grabe bumulong pa sya rinig ko parin naman. Tsaka ano raw? Pesteng what?

"Look miss, admit it first na kinunan mo ako ng litrato, baka i-admit ko rin na nakunan kita ng video." nakangiting sabi ko.

Mas lalo namang sumama ang tingin nya at feeling ko ready na nya akong patayin mabuti nalang at dumating na si kuya.

"Ma'am kakilala nyo po?" Tanong ni kuya.

"Hindi po kuya. Bilisan nyo na po at umalis na tayo." sabi ko.

Mabilis kong isinara yung window at kitang kita ko yung panic sa mukha ng babae.

"Hoy buksan mo to!"  Sigaw nya sabay hampas pa sa window nitong uv.

"Kuya let's go na po." sabi ko kay kuya.

I faced the girl na hinahampas parin ang window at may sinasabing di ko naman marinig.

I playfully stick my tongue out at nginitian sya. Napaatras nalang sya ng paandarin na ni kuya yung uv.

Ngiti-ngiting tinignan ko yung phone ko.

She's cute.

"Ma'am mukhang sinusundan po tayo."

Kaagad kong ibinaba ang window sa tabi ko.

Nakasunod nga sya. Hindi ko naman napansin kanina na may motor pala sya.

"HOY!" sigaw nya.

"What?!" nakisigaw na rin ako.

I know na bawal ang ginagawa ko. Pero malawak naman ang kalsada at walang gaanong sasakyan ang dumaraan.

"Delete my video!!"

"What? I can't hear you!"

Mas lalo nya namang binilisan ang pagpapa-takbo ng motor nya.

"I'm gonna kill you!"

"I wanna see you try!"

Nakakatuwa syang asarin.

Napunta kami sa isang intersection. Lumiko ang uv na sinasakyan ko.

Napasimangot ako ng tumigil yung babae. At hindi na sya sumunod sa'min.

"Mukhang diretso gid ya sa main road yung babae Ma'am." sabi ni kuya.

Umupo nalang ulit ako ng maayos.

Why do I feel sad na hindi na sya nakasunod samin?









"Kamusta?"

Napabuntong hininga naman ako sa tanong nya.

"Okay naman." tipid na sagot ko.

"Is there something wrong? Parang ang lungkot mo." I can't see her pero I can sense na nag-aalala sya.

"Wala baby. Ikaw kamusta dyan?" there was a long pause sa line nya bago ko marinig ang pagbuntong hininga nya.

"Ayaw akong payagan ni ate Giselle na kumain ng chips." siguradong naka pout na naman sya ngayon.

I smiled at the thought of her pouting habang nagrereklamo.

"Bawal naman kasi. Ako mismo ang nagsabi kay Giselle na ilayo ka sa chips." natatawang sabi ko.

"I hate you."

"I love you." nakangiting sabi ko. Nakita ko naman si Wendy na papalapit sa table ko.

"End ko na tong call. Nandito na yung manager ko. Tawagan nalang kita ulit." mabilis na sabi ko.

"Okay. Good luck. Love you too!"

I ended the call with a smile.

"Winter Suarez?"

Tumayo naman ako at inilahad ang kamay ko na malugod nya namang tinangap.

"Yes." nakangiting sabi ko.

"Wendy Delfin station manager. Welcome to our province."

Sabay kaming umupo.

"Sabi ni Giselle may team na raw ako. Pwede ko na ba silang maka-usap? Gusto ko kasi agad magkaroon kami ng brainstorming para sa mga shows na pwede naming gawin."

Napangiwi naman sya.

"Akala ko nagbibiro lang si Giselle sa sinabi nya. Totoo pala talaga."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ano na naman ang sinabi ni Gi tungkol sa'kin?

"Work lang ang alam mo. How about we visit some places here muna bago tayo pumunta sa team?" suggestion nya.

"Ate Wendy, I came here for work hindi para mamasyal." sabi ko.

Umiling lang sya at nginitian ako.

"Pano ka naman magwo-work sa isang lugar na wala kang alam? Let me show you around. Mabilis lang to and I'm sure na mage-enjoy ka."

I sighed in defeat.

"Okay."











"Ito ang sikat na karenderya dito sa lugar namin. Lahat ng mga bus na lumuluwas at pumapasok sa San Lorenzo dito tumitigil para kumain." sabi nya habang papasok kami sa isang malaking kainan. Our first stop.

Sobrang dami ng tao.

"Mga tricycle driver, motorista dito rin tumitigil para kumain. Kita mo to?" Itinuro nya yung malaking portrait na nakasabit sa wall nitong kainan malapit sa entrance.

"Yan ang pamilya Sanchez. Ang may-ari ng karenderyang to."

Nakatitig lang ako sa lumang portrait. Mukhang 90's pa kinuha ang litrato. Tatlong matandang babae, isang nasa mid thirties na babae at tatlong batang babae ang nasa portrait.

Girl power.

"Wendy!"

Isang babae ang lumapit sa'min.

Tinignan kong maigi ang mukha nito at yung isang babaeng nasa portrait.

Sya nga.

"Winter sya nga pala si Tiffany anak ng may-ari nito. At sya rin ang dating tourism department head nitong San Lorenzo. Marami syang pwedeng maitulong sa show na gagawin mo." mahabang saad ni Wendy.

"Haba naman ng pagpapakilala mo Wendy. Kumain muna tayo bago pag-usapan ang bagay na yan." nakangiting sabi nung babae.

Hindi na ako nakatangi pa at nagpahatak nalang din ako kay Ate Wendy papunta sa kaninang sinasabi nila.










"Maraming magagandang lugar dito saamin. Katulad ng Santo Entierro na dinarayo ng maraming tao. Milagroso kasi ang bahay at mga santong nandoon." sabi ni Manang Rosie. Ang kapatid ng nanay ni Tiffany.

"Marami ka talagang lugar na makikita rito na hindi mo nakikita sa Manila." Dagdag pa ni aleng Tiffany.

"Mga balay didi akala mo pare-pareho lang pero once na mapasyal ka na sa bawat sitio malalaman mo yung pagkaka-iba kasi bawat lugar at bahay dito iba-iba ang storya." sabi naman ni Manang Gina ang isa pang kapatid
ng nanay ni Tiffany.

"Maganda rin pong idea sa show yan. Like yung parang vlog lang about sa history and ganda nitong province."

"Ay nako dapat yung gagawin mong host yung may alam din dito sa lugar."

"I think may nakita na po ako. Kaso hindi ko po sya kilala." sabi ko.

Inilabas ko naman yung phone ko at binuksan yung videong aksidenteng nakuha ko kanina.

"Baka po kakilala nyo ang babaeng to? O napapasyal po rito?" lumapit ako sa kanila para ipakita yung babaeng aksidenteng nakunan ko kanina.

"Si ano to diba?"

"Ay oo nga!"

"Mama andito raw po si ate Wendy at may k--IKAW?!"

"It's you! Wendy perfect sya para maging host." nakangiting sabi ko pointing at the beauty na nakita ko kanina.

"Excuse me what?" takang tanong nya.

I smiled at her.

"Please be my host."










_______________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net