CHAPTER 12

Background color
Font
Font size
Line height


Chapter 12: nine rodriges / mall

ZENDAYA POV


Araw ng linggo at walang pasok ngayun. Nakakatuwa dahil hindi ko makikita ang mukha ng mga tarantadong kumag na yun... Lalo na si aliparot nicholas at red head kole.

Nakakainis, ng matapos kami kasi kumain ay half day lang pala kami... Ang mga kumag ay mabilis na umalis at naiwan ako para mag linis.

Nandito ako ngayun sa MOA  para pumunta sa national book store dahil nalaman ko na madaming bagong published na wattpad book doon... Baka maubusan ako mahirap na.
Idol na idol ko pa nmn si april avery yung author ng charm academy at titan academy. Yun kasi ang pinakaunang nabasa ko sa wattpad ko.

11:21 palang ng tanghali at sobrang daming tao na dito... Yung kotse ko ang sinakyan ko kasi ayos na yung kay kuya. Hindi nmn kalayuan kaya hindi ako napagod pa. Nakasuot lang ako ng simpleng damit na tackin sa maong kong short. Nakalugay rin ang buhok ko, naisipan kong suutin yung Snicker na sapatos na iniregalo saakin ni kuya noong 16 th birthday ko. Chuperrrnganda kasii.

So yun na nga,,, nandito ako ngayun sa national book store at nag iikot sa malalaking bookshelf na puno ng libro. Bitbit ang basket na nilalagyan ko ng libro habang nag lalakd kung saan tutungo. 

Teen clash, hell university, chasing hell,anti hero, he's dating the campus nerd, project loki, detective files.

Halos kahit nabasa kona sa cellphone ko ang iba ay kinukuha ko parin, siguro dahil sa gulo ng utak ko.

"Zen" isang boses ng lalaki ang narinig ko sa aking likod kaya nmn napatingin ako dito.... Nakasuot ng panglakad at napaka tangkad ng isang to. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Teka kaklase ko to ahh, sino nga ba too?  None? Nene? Nini?.... Nine?
HA oo nine ang pangalan ng isang to.

"Nine? Anong ginagawa ko dito?"
Tanong ko sa kanya, nakita ko na may dala din syang basket na puno ng libro katulad ng akin.

"Wala, nag hahanap lang ako ng librong babasahin" sabi nya sabay taas ng basket na dala nya. Napatingin din sya sa dala ko. "Nag babasa ka din, siguro adik na adik ka dyan no" sabi nya kaya napangiti ako.

Adik na adik talaga hahahaa.

"Teka, ikaw lang mag isa?"
Tanong ko sa kanya, nakikita ko kasi na lagi silang mag kasama ng mga kumag pag lalabas o kaya pag may pupunta sila.

"Oo, mas masaya kasi pag mag isa eheh" sabay kamot batok nyang sabi, mukha nmn syang mabait hindi tulad ng ibang kumag sa section A. Sya yung nakikita kong kasama ni milan minsan pag bibili sa cafeteria.

"Ahh ganun ba.... O sya sige mauna nako baka naistorbo kita" sabi ko sa kanya, ayaw nya may kasama baka sabihin nya sinusundan ko sya... Akmang aalis nako ng hawakan nya ang braso ko kaya nmn napatingin ako sa kanya.

"Ok lang.. nagugutom kaba tara kain tayo" yaya nya saakin, wala nakong magawa kaya pumayag nmn ako. Gusto ko rin ng mga kaibigan sa kanila para makilala ko sila ng husto.

Ng pumayag ako ay biniyaran muna namin ang mga binili namin. Nakakaloka ang isang to. Akala ko isang basket lang ang dala yun pala tatlong punong puno ng libro.  Ako nmn iisa lang dahil hindi ko kayang mag dala.   

Ganun ba sya kalupit

"13,780 po lahat sir" sabi nung cashier sa counter, halos malalaglag ang panga ko sa total ng binili nya.... Napatingin ako sa wallet ko at nasa 10,000 lang ang dala ko. Well may card nmn ako hehehe.

"8,330 lahat ang sa inyo ma'am" inabot ko nmn ang bayad ko, hindi ko muna gagamitin ang card ko baka kung ano pang mangyari.

"Tara, libre kita" sabi nya at mabilis nmn akong pumayag. Lumabas kaming national book store na dala dala ang mga pinamili naming dalawa.






Nandito kami ngayun sa mamahaling restaurant ngayun... Nakaupo kami sa gilid ng restaurant kung saan kita ang labas ng mall. Makikita mo pa yung malaking bola na sobrang laki.

"Bakit pala hindi mo sila kasama?"tanong ko sa kanya, may hawak kaming  menu at  napili kami ng kinakain. Pansin ko rin na meron ditong japanese food kaya hindi nako mahihirap pa pumili.

"Wala,trip kolang, saka lagi ko nmn sila kasama kaya naisipan kong mag isa muna" sabi nya sabay tawag sa waiter, hindi nako nag salita dahil nakapili narin ako nangoorderin ko.

Ilang minuto kaming nag intay at sa wakas na serve na ang order namin. Yung dala naming aklat ay nasa gilid namin baka mawala kasiii eh.

"May itatanong lang ako" sabi nya at bahagyang tumingin saakin, tumingin ako sa kanya at hihintay ang itatanong nya.

"Buti hindi ka pinapahirapan ni nicholas at kole?"

Luhh hirap na hirap na nga ako wee

"Hay nako, anong hindi halos ako nga pag linisin ng buong classroom mag hapon eh, tapos batukan pa nila ako" parang bata kong reklamo sa kanya, totoo nmn, mga aliparot nayun matapos kung mag linis sasabihin nila saakin "next time ulit"
Dibaa.. sino hindi magagalit dyan.

Napatingin nmn ako sa kanya ng marinig ko ang mahinang tawa nya habang nag tataklob ng bibig.

Professional yarn

"Ganun talaga sila, parehong mapang asar at nakakatakot,  sila laging dalawa ang mag kasama kapag wala ang ibang section A." Paliwanag nya saakin, mukha nmn nainteresado ako sa kwento nya kaya nmn hinayaan ko sya at nakinig ako habang nasubo.

"Si nicholas sya ang president ng section A, kaya kailangan namin sumunod sa mga utos o kaya gawain nya, nakakatakot sya magalit  kaya wag mona balakin punuin ang isang iyon" sabi nya sabay payo nya saakin.

Ganun naba kasama ugali ng isang yon. Akala ko aliparot lang ang isang yun. Parang ayaw kona tuloy magalit yun.

Si kole, isang japan with half Filipino blood.. parang ikaw lang zen... Tagapag mana ng takayashi company.. para syang si nicholas dahil sa parehong ugali nila..  alam mo ba walang lovelife yan since birth sabi nya sabay buntong hininga.
"Hindi kasi alam ang love" nag tsk tsk tsk pa sya sabay subo ng kinakain nya.

Nacurious tuloy ako sa dalawang yun, mayayaman pala ang mga aliparot nayun pero para silang tambay umasta. Sayang gwapo sana sila kaso mukhang ginawa sila ni luciefer dito para mang gulo ehh.

"Eh bakit nmn ganun nalang silang dalawa kalakas at katapang" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong nayun pero yun nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Alam mo zen, may kaya silang gawin na hinding hindi mo kayang magawa.... Siguro hindi mo na kailangan malaman pa ang dahilan pero sana wag ka nalang gagawa ng ikaka galit nila ng sobra"

Sumubo sya agad ng pagkain nya samantalang ako hetong iniisip pa ang sinasabi nya saakin.

Ganun naba kalakas ang mga aliparot nayun. Grabe sila mukha nmn silang tambay sa kanto namin.

Kaya nilang gawin na hindi ko kayang magawa?

Ano ang ibig sabihin nya sa part nayun? Masyadong gumulo utak ko dun ah.  Pero siguro gawin ko nalang ang sinabi nya saakin para hindi umabot sa gulo. 

Pero para sakin parang aliparot parin ang kumag nayon.






SUNSHINEWEB3178:)




You are reading the story above: TeenFic.Net