CHAPTER #01

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER ONE;


SECTION A

*PEEEPPPPP!!!* ay pakshet!

"HOY BAKA GUSTO MO TUMABI"

Napatingin ako sa lalaking nag da drive ng jeep na sinisigawan ako dahil nasa halos gitna nako ng kalsada,so ano? Kasalanan kong hindi ako marung tumawid? Kasalanan ko kuya? Sumagot ka nanggigigil ako sayo!.

Pano naman kasi, hindi ako marunong tumawid tapos ang dami pang sasakyan na nadaan tapos walang hintuan. May mga natawid nga kaso hindi ako makasabay, hindi ko Kaya yung flash mode nila. Grabe!.

Nakakainis napatingin nako sa relo ko at 7:30 na ng umaga. male late nako nito, pano ba naman si kuya ace kinuha yung kotse ko sa condo dahil nasira yung kotse nya at pinapagawa pa, kaya ang loko walang paalam na kinuha yung akin na tahimik na nakaparada sa gilid.

Shit!! unang araw ko pa naman ngayon tapos eto mangyayari saakin, baka mapahiya pako nito pag dating sa room ko. Unang araw tapos late ka? Wow, good student.


(ONE HOUR LATER) ayokong sabihin na traffic kasi hindi kayo maniniwala... De joke lang, nag habol talaga ako ng jeep, ayaw ako hintuan eh!.

Hingal na hingal akong napahinto dito sa tapat ng gate ng school ko,need ko ng oxygen!.

Halos kalabanin ko pa yung driver dahil sa sobrang bagal nyang mag paandar ng jeep,Nakakainis! Mas matindi matindi pa sa pakshet!. hindi ko naman pinangarap mag commute eh. Adi sana nag balak nalang akong mag eroplano yung ganto din mangyayari sakin. Hmp!.

Nang makapag pahinga ako ay pinagpagan ko ang palda ko. O diba? Papasok pa lang ako pero ang itsura ko ay pang uwian na!. Habang inaayos ang sarili ko ay napatingin ako sa pangalan ng school.



"Bernard high university" basa ko sa nakasulat sa gate, pansin ko din ang lawak ng loob at sobrang ganda, malalaking building agad ang tatambad sayo kapag nakapunta ka sa loob.


Napatingin ako sa relo ko at ganun nalang ang takbo ko papasok sa loob ng makita ko kung anong oras na.
8:25 na ng umaga at halatang late na late nako. Gusto ko nalang maging hangin! Palipad lipad ka lang!.

Mabilis na tumakbo ako sa loob ng school sabay hablot sa papel na nasa bulsa ko. Nakikita ko ang mga taong nagugulat dahil sa pag daan ko pero wala akong pake sa kanila basta makapunta ako ng section ko.

"Section A? Kingina,mag hahanap pa ata ako nito"

Hingal na hingal kong sabi sabay basa sa papel, ang totoo nan ay hindi ko alam kung saan ako unang mag hahanap para lang dito sa section ko.
Need ko atang tawagan si Dora, kaso baka lalo lang matagalan, huwag na.

Kaliwa, kanan,kaliwa,kanan, train train, pot!pot !

Halos libutin ko na lahat ata ng building dito pero wala akong makitang panglan ng section a,
Ng malaman ko na sa kabilang building pala ito ay mabilis na tumalon ako sa kabilang terrace ng building at mabilis na tumakbo ulit.

"Uy gago tumalon"

"Hala baliw ba sya"

"Kala ko mahuhulog sya"

"i believe i can fly!"

"kapatid ata ni Dora yan!"

Yun ang huling narinig ko sa nakakita saakin, pero wala nakong pake sa kanila. Mabilis na tumakbo ako sa corridor at napatingin ako sa ibang room na nag kaklase na pala.



Section B,section D,section E, section A

Finally!!!!

BOOM PANIS! BOOM BOOM, PANIS PANIS--.

Sa wakas sa haba ng takbo at nagawa kopang mag tatalon talon sa building ay nahanap ko rin ang pisteng section nato, pa mysterious pa! Mag aaral lang naman ako, hindi mag a army!.

Napakunot nga lang ako ng noo dahil pinakadulo ito at halatang hindi masyadong napupuntahan ng mga ibang student ng university.

Napatingin ako sa pinto ng section at nakasara ito, halatang tahimik at may tao sa loob at rinig ko rin ang boses ng teacher na nag sisimula na mag turo.

Sa hindi magandang paraan, at tuwirang walang hiya ako ay walang paalam kong binuksan ang pinto dahilan para kumalabog ito. Ay.. Napalakas!.

"Uy gago katakot"

"Uso kumatok"

"Baka naman gusto mo kumatok"

"Gagi babae pre"

"Muntik na kunin ni lord pinto natin"

"What the, kala ko recess na"

"kayayari lang po nan!.

" susko, ang dami na nang pinagdaan ng pinto natin. Huhu!"

Hehe,Sorry!.

Iyon ang mga narinig kong Sabi nila ng saktong pag kalabog ng pinto. Napatingin ako sa guro na gulat na gulat at nakahawak sa dibdib na nakatingin saakin. Tila nag sisink pa ang mga tinginan nilang lahat saakin at doon ko lang nalaman na nakakahiya ang ginawa ko.

Bobo zen! Kaya hindi ka pinag papapala ni lord!.^/////^

"H-hala sorry, sorry" mahinang sabi ko sa kay ma'am sabay peace sign.
Napatingin naman ako sa mga nakaupo at ganun nalang ang hiya ko dahil nakatingin silang lahat sakin.

Oh ano? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?.

"Well it's fine, by the way who are you again?"

Tanong saakin ng teacher, ay hindi pa pala ako nakakapag pakilala.
Mabilis na lumapit ako sa harap nya at ngumiti. Nakakapagod pero sige!!! Keri kong makipag usap!! Basta mabait!!!. Charot.




"Zendaya wesley, kahit zen nalang po" magalang na sabi ko sabay tungo bilang pag galang.
Si kuya kasi sa korea nag tatrabaho kaya yun nung bata kami tinuturuan nya akong mag korean or hindi kaya japanese language.


"Wesley?.... Oh transferee ka pala, im sorry at hindi agad kita nakilala..."

Alam ko na yan ma'am, kasi na distract ka sa kagandahan ko o dahil malapit nang masira yung pinto nyo? Ano ma'am? Hawak ko buhay mo.

Kahit hindi ako tumingin sa harap ko ay ramdam kong nakatingin saakin ang mga ito, bakit ganun?gutom ba sila or naninibago lang talaga.

Habang may sinasabi saakin ang teacher ko ay hindi ko maiwasan mapatingin sa mga kaklase ko na pinag bubulungan ako at ang talas ng tingin nila saakin. Wow, Lazer!.

"Dito section nya?"

"Siguro binigay na ni lord hiling ko"

"Gago hiling ka dyan, mag simba ka muna"

Iyan lang ang mga naririnig ko sa kanila.pero mas pinili kong hindi nalang pansinin iyon.

"I miss samantha reyes your health teacher, welcome to section A miss wesley"


Sabi nya sabay shake hands sa akin, syempre ako na bago palang ay tinanggap kona agad ito. Mukha syang mabait at halatang nasa 30s na sya. Ang ganda nya.. Parang ako hehe.

Napatingin kami ni ma'am sa harap ng may nag taas ng kamay at tumayo ito para makaharap namin.

"Ma'am tabi kami ha! Tabi kami! "
Tuwang tuwang sabi nung isang lalaki at nakita ko na sobrang cute at ang liit nya kumpara sa ibang nakaupo. Tumingin naman ito saakin at ngumiti kaya binawian ko din sya ng ngiti.

Sige, ok miss wesley pwede kana umupo sa tabi ni sir carlion"

Itinuro ni ma'am ang isang upuan na nasa gitna na katabi ng upuan nung carlion daw, nakita ko na madami din ang may bakanteng upuan sa loob at walang nakaupo dito. Nag lakad ako papunta sa upuan na yun at hindi ko maiwasan ang hindi mailang, nakatingin sila saakin na akala mo isa akong criminal na may ginawang masama.

Hindi ako drug lord ha!.

Pag kaupo ko ay nag simula na may lesson si miss Reyes at doon tumahimik ang paligid. Parang iba ang pakiramdam ko at nag iiba ang hangin sa loob ng room. Pansin ko rin na nalayo saakin ang mga katabi ko na akala mo ay may bacteria akong nakakahawa.


Ng matapos si ma'am reyes ay umalis na agad sya at naiwan kami, walang nakibo at halos walang mag salita saaming lahat. Tahimik lang ako dahil parang kakaiba ang nararamdaman ko sa likuran ko.

Aray ha!!

Ilang minuto ang lumipas ay ganun nalang ang hawak ko sa ulo ko ng may nag bato saakin ng kung ano.
Lumingon ako sa likod pero nakatingin lang sila saakin na akala mo ay napaka inosente nila. Wow ha!.

Napatingin ako sa lalaking nakatingin saakin ng seryoso, may hikaw sa tenga nito na pa krus pero walang ka pares sa kabila. Naka cross arm ito at nakadekwatro pa habang masama ang tingin saakin.

Sama nang tingin!inaano ko sya?


Bumalik nalang ako sa pag ka-kaayos ng upo ko pero wala pa akong ginagawa ay may bumato na agad saakin.Gandang pa welcome naman nito, Ganto para greeting nila no? Batuhan?.

Dahil sa inis ay tumayo ako at humarap sa kanila ng masama.
Pero ganun din ang ginawa nila sakin, masama na tingin ang ginawad rin nila na para bang wala silang ginagawa.


"Sino bumato?" Mahinahon kong sabi sa kanila at doon napatingin silang lahat sa lalaking nakatingin din saakin na may hikaw sa kabilang tenga. Tila alam kona kung bakit sila nakatingin sa kanya kaya masama na tinitigan ko sya.

"What?" Tanong nya saakin sabay kunot ng noo. Naka cross arm parin ito habang nakatungo saakin. "Don't look at me like that" pagbabanta nya . Di wow.


"Ikaw ba yung bumato?" Tanong ko sa kanya at nakita ko naman syang ngumisi saakin.nakakainis ha!.

"Ako nga, Bakit? May problema ka?.." Pag hahamon nyang sabi saakin dahilan para mainis lalo ako sa kanya. Nakangisi sya saakin habang ganun parin ang upo nya. Sarap batuhin nang tinapay ang lalaking to!.

"Oo bakit gusto mo try kitang batuhin para malaman mo ginagawa mo?"

Mayabang na sabi ko sa kanya sabay taas ng usang kilay ko, nakita ko naman ang mukha nyang naging seryoso at nawala ang ngisi sa labi nya. Try ko!! Try ko lang naman. Nag hahamon eh.

Narinig ko naman na napa " ohhhh" ang mga kasama namin at tila natutuwa pa sa nangyayari. (-_-)

Masama na tumingin sya saakin pero ako na walang inaatrasan ay ganun din ang ginawa sa kanya. Debate bato?..

"Hey transferee..Ang tapang mo ah, but you can't beat me, Your just a piece of shit here"

Di wow..

Narinig ko na naman ang mga lalaking napapareact sa nangyayari pero wala akong pake kanila.

"Edi wow, tinanong ko ba?... Maka piece of shit ka ah!... Gold ka ba?"
Pag hahamon ko din sa kanya at nag cross arm na din.

"Gold kaba hahaha"

"Uy patay galit na si nicholas"

"Awatin nyo yang babae"

"Gold kaba?"

"Bakit?"

"Kasi mukhang hindi hahaha"

Iyan lamang ang naririnig kong mga salitang nalabas sa mga bunganga nila. Tila naman nainis saakin yung lalaki kaya lalong sumama ang tingin saakin. Bakit? Nauna ka tapos maiinis ka? Wala to! Bawal sa debatehan to!.


"Shut up transferre, Don't you fvcking dare to talk to me like that!" " Inis na may halong galit na sabi nya dahilan para tumahimik ang mga kumag na nag bubulungan lang kanina.


Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at nag lakad papunta sa harap ko.
Naka pamulsa pa habang ako?... Ako ok lang ako!Alam Kong tegi agad ako huhu!.

"You... Shut your mouth next time. Maybe you don't know what section you entered that's why you're so arrogant... Tsk, transferre"

Pag kasabi nya nun ay bigla nyang binunggo ang balikat ko at lagpasan ako palabas ng room. Dahil sa inis ay napabuntong hininga nalang ako.

Unang unang araw ko pero ganto ang madadatnan ko. Nakikipag away ako na baka ikagalit ni kuya kapag nalaman nya....kasalanan naman nila ah!baka bayagan ko kayo ng wala sa orasn!.

Napaupo nalang ako sa upuan ko at huminga ng malalim, sino ba kasi ang lalaking yun na akala mo kung sinong pinuno dito sa room nato at napaka yabang?Gwapo nga pero sama ng ugali! Laki ata ng sama ng loob sa mundo at pati ako nadamay...

Tsk pag sya naabutan ko ulit baka maibalibag kopa sya ng wala sa oras.
Gigisahin ko sya na parang bawang!.

At saka... Nag tataka ako dahil parang nag iisa akong babae dito?.

SUNSHINEWEB3178:)



You are reading the story above: TeenFic.Net