Kabanata 4

Background color
Font
Font size
Line height

Angkinin

"Angel, okay kalang?" Tinabihan ako nj Tita Elisa. Pareho kaming nakatingin kay lolo na hindi parin gumigising.

Napakurap kurap at napatingin sa aking tita. Nasa malalim akong pag iisip tungkol sa lalaking humalik sa akin sa loob ng elevator. Pagkatapos ng halik ang siya rin ang pag bukas ng elevator at mabilis nitonh paglabas. I can still feel how he kiss me. Ramdam ko parin ang init ng kanyang labi sa akin. Ramdam ko kung paano nito kinagat kagat at sinipsip ang aking ibabang labi. Ni hindi na ako nagprotesta pagkatapos ang ilang minuto niyang halik sa akin. Napahawak pa ako sa t shirt niya! Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko! Nababaliw na ata ako kakaisip kung sino yung first kiss ko!

"Angel?" Pukaw sa akin ulit ni tita. Nangunot ang noo. "Kanina kapa tulala ah."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi tita. Iniisip ko kasi kung kelan si lolo magigising. Tsaka, may pera paba tayo? Private itong hospital di'ba?"

Yumuko si tita at huminga ng malalim. "Plano kong isanla muna ang lupa natin." Tila nag dadalawang isip nito na sabi sa akin.

Namilog ang mata ko at umiling.

"Tita hindi! May sentimental value iyon kay lolo. Pinamana pa iyon ng ninuno niya di'ba? Tiyak hindi rin papayag si lola."

"Pumayag ang lola mo hija. Tsaka' sanla lang naman. Mababawi rin natin yun."

"Paano? Saan tayo kukuha ng malaking pera tita?"

Natahimik ito sa aking sinabi. Kita sa mukha niya ang sobrang stress. "Hindi na natin nabili yung ibang gamot ni papa Angel. Si lola ,naghanap ng mahihiraman at pumunta kay kapitan."

"Gagawa ako ng paraan tita."

Tumango ito at hinawakan ako sa pisngi. "Ang bait mo na bata." May dumaang pait sa mga mata nito. "Ang ganda at ang bait mo.Huwag mong pabayaan ang pag aaral ha? Iyan lang mabibigay namin sayo."

"Sisikapin ko tita. Magiging guro rin ako balang araw."

Kinabukasan pumasok ako sa skwelahan. Tulad ng dati nakabantay na sa akin sa gate palang si Kaira. Nauuna siya palagi dahil may traysikel sila ako naman naglalakad lang.

"Kamusta ang pagbabantay mo kay Ariana?" tanong nito at inayos ang salamin sa mata.

"M-Mabuti naman."

"O' bakit parang malungkot ka? Binigyan ka naman ni ate Celine ng pera di'ba?"

"Oo..kasi yung lolo ko e'."

Napapatingin sa amin ang mga studyante sa alley at nagbubulongan. Alam kong ayaw nila sa akin. Sa kanilang paningin palang at pakikitungo sa akin,alam ko na ayaw nila sa akin.

Lumiwanag ang mukha ni Kaira. "Bukas! Aalis ang ate Celine. Ako sana magbabantay kay Ariana kaso mas kelangan mo ang pera kaya ikaw na!"

My heart beat fast. Naalala ko yung lalaking humalik sa akin. Kung pupunta ba ulit ako doon, andoon parin kaya siya? Bakit ko naman siya hahanapin ulit? Di ko naman gusto 'yung halik. Masyado siyang magaling at masarap humalik.

Tumango ako kay Kaira. Sabay kaming pumasok sa room natin. Second floor ng BSED building. Like the old times napaka head turner namin. Ngumisi yung mga lalaki naming kaklase. Nagsikuhan ang mga ito.

"Nagsama pa patalaga silang dalawa huh?"

"Pareho kasing nerd."

"Parehong mukhang mangkukulam kamo."

"Shut up students and go back to your seats!" Ani ni prof Ruiz sa amin. Kaya natahimik sila.

"Hayaan mo na. Marami yatang nakaing ampalaya ang mga to. Ang bitter nila sa ating mga magaganda." Ngumisi pa si Kaira. Dahil magkatabi kami at sa kabilang row andoon si Seth at Karina na magkatabi.

Hinila ko ang upuan at uupo sana. Pero nang umupo na..lumagapak sa sahig yung pang upo ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang sakit sa akin pang upo. Nagtawanan ang mga ka klase namin.

"Hoy! Bakit mo 'yun ginawa?!'' Sigaw ni Kaira sa lalaking humila ng upuan ko sa likod.

"Hindi ako ang humila ha!"

Ramdam ko ang pag iinit ng aking katawan sa galit. Tumayo ako ng dahan dahan at inayos ang palda ng aking uniform.

"Oy! Makinis ang legs! Kulay pink ang panty pre!" Nagtawanan yung iba. Pumikit ako ng mariin at nilingon ang lalaking gumawa nun sakin. Walang sabing sinuntok ko siya sa ilong. Umagos agad ang dugo mula roon. Nakita kong namutla ito at napahawak sa kanyang ilong.

"Magsitigil kayo!" Hinuli ni miss Ruiz ang aking siko.

"Hindi porke' lalaki ka hindi kita papatulan!" My tears rolled down.

"Kapal talaga n-ng apog mong mangkukulam k-ka!" Nagngingitngit sa galit ang ka klase ko sa akin at papatulan sana ako pero pinigilan iyon ni Seth.

"Nakita kita..ikaw ang humila ng upuan." Anito sa akin at tinignan ako ng may pag aalala.

"Seth! Huwag kanang sumali diyan!" Karina hissed.

Nasapo ni Miss Ruiz ang noo tila problemado. "Hindi ko hahayaang magtolerate ng ganyang pag aasal sa eskwelahang ito. Two of you! Pumunta kayo ng principal's office!"

Dahil sa nagawa wala kahit isa sa amin ni Barcelona ang nakaligtas sa parusa. Mamayang gabi raw may programa ang skwelahan. Lahat ng sponsors ,teachers,at principals ng iba't ibang skwelahan ang dadalo. Kaya pala busy ang ibang teachers sa pag aayos ng gym namin kanina.

Napatawan kami ng parusa na mag seserve ng inumin at pagkain sa gym mamaya para narin raw makabawi. Dagdag points narin daw kami kapag babalik kami mamaya.

"Dapat kinakasuhan na iyong mga bully dito sa school e." Maktol ni Kaira pagkatapos kaming mag-ayos para makauwi na.

"Kaya nga dapat makapagtapos tayo bilang guro. Turuan natin ng magandang asal yung mga bata. Ayokong matulad ang mga susunod na henerasyon sa henerasyon natin ngayon. Maraming currupt at mapaglinlang na mga tao. Kaya habang nagtuturo tayo paintindi na natin ang mali at tama."

"Wow! Very well said Ma'am Batungbakal!" humalakhak ito. "Grabe ang ganda mo pero 'yung apelyido mo ang bansot e!"

Napatawa nalang ako sa kanyang sinabi. "Ikaw naman ang ganda ng pangalan mo pero ang pangit mo!" Maarte akong tumawa ang siyang pagtahimik niya at pagsabunot sa akin.

"Aray!"

"Ikaw ha! Di kana mabiro!"

Nag peace sign ako sa kanya. "De joke lang rin 'yun!"

"Alam ko!"

Papalubog na ang araw. May mga pumapasok sa gate na mga kotse na sa tingin ko ay ang mga bigateng sponsor ng school namin. May mga participants rin na pumapasok tingin ko ay may sayaw ang mga ito mamaya.

Naghiwalay kami ng destinasyon ni Kaira ng umuwi na dahil hindi tugma ang rota ng aming bahay.

"Babalik ka sa eskwelahan? Bakit?"

Nakabihis na ako ng makita ni tita Elisa. Nag aayos ito ng prutas at pagkain na dadalhin kay lolo sa ospital.

Tumango ako at inayos ang bestida kong kulay abo. Sa sobrang luma pate kulay ay nagbago. "May programa po kasi."

"O sige,mag-ingat ka ha. Tsaka' yung bestida mo masyadong mahaba." Tinuro ni lola ang aking tuhod kung saan banda ang palda nito.

"Ayos na po ito. Mag seserve po raw kami doon e. Tsaka' sandali lang po ako roon."

"Pero gabi na at madilim sa daan." May pag aalala sa boses nito. "Sumabay kana sa akin sa traysikel. Hatid kita sa eskwelahan."

"Salamat tita."

Alas otso ang dating ko sa eskwelahan. Sa faculty palang nagka banggaan na kami ni Miss Ruiz.

"Oh! Kanina pa kita hinahanap! Si Barcelona ni hindi man lang dumating! Ibabagsak ko iyon."

Hindi ito magkandaugaga. Pinasadahan pa ako nito ng tingin at huminga siya ng malalim. "Pumunta ka na ng gym. Umayos ka ha. Huwag ka sanang manggulo." Inayos nito ang dress niyang kulay blue.

"Yes Miss Ruiz."

Isang oras na akong tumutulong sa mga studyante rin na nagseserve doon. Nagmukha akong out of place dahil sa aking suot habang sila ay ang gagara ng suot.

"Hoy! Angelica pakilagyan mo nga ako ng juice." Nabigla ako ng marinig ang boses ni Karina. Nakaupo siya sa upuan at nakatingin sa stage kung saan may mga nagsasalita na teachers tungkol sa achievements ng eskwelahan.

Nilagyan ko iyon ng juice na hawak hawak ko.

"Damihan mo." Sabi pa nito. "Kaya dinagdagan ko. "Hay ang bagal kumilos!"

Napairap ako sa ere at umalis kung nasaan siya. Magarbo ang designs ng gym. Maraming pagkain ang masa mesa na mahaba. May mga nagseserve rin ng alak at juice. Lumapit ako sa mahabang mesa na punong puno ng pagkain. Kumuha ako sa cake na nandoon at kinain.

Wala akong pake kung may tapon ang labi ko sa pagkain. Habang nakatayo at hawak ang platito ng cake nilibot ko ang paningin. Tumama ang aking mata sa lalaking nakahalukipkip. Magara ang complete suit na suot nito. Hindi ito nakatingin sa stage kundi sa akin. Napakurap kurap ako at yumuko ng kinabahan ako bigla.

This is so foreign feeling. Parang pamilyar siya sa akin. Sobra.Binalik ko ang tingin kong nasaan siya. Nandoon parin siya at nakatingin sa akin ang madilim at misteryosong mata. He's like an illegal greek god. Parang hindi mo kakayaning tignan siya dahil napapagiliran ito ng kapangyarihan. He has a dark appeal. Sobrang gwapo niya na aakalain mo na kahit isang napakagandang babae ay hindi babagay rito. Kahit sa malayo alam ko na malaki ang pangangatawan nito.

Pero bakit ko ba siya pinagtutuonan ng pansin? Umiwas ako at binalik ang platito sa mesa. Napahawak ako sa puso ko na sobrang ang kaba. Napaka pamilyar niya. Ang katawan...ang panga.

"S-Siya kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili. Bigla itong tumayo at inayos ang coat. Halos lahat sa kanya na tumingin. Agaw pansin ito lalo na may mga kasamang apat na body guards.

Lumabas ang mga ito sa gym. Hindi ko alam pero tila may sariling pag iisip ang aking paa. Binilisan ko ang lakad at sinundan siya.

Lakad takbo ang ginawa ko sa corridor ng skwelahan kung saan huli kong nakita ang body guards niya. Madilim na ang paligid at ang ilaw lamang ay ang rooms na may umaandar na ilaw o kaya ang posteng maliit lamang.

Gusto kong malaman kung siya ang lalaking iyon. Gusto kong malaman kung bakit niya iyon ginawa? Bakit niya ako hinalikan?

Abot tahip ang pagkabog ang aking puso sa kakatakbo pero wala siya hindi kona nakita ang lalaking naglumikot sa aking puso. Pwera sa pag gambala sa aking isipan pate puso ko nagambala nito.

Umilaw ang isang idea sa aking isipan. "Oo nga!" Tumakbo ako sa parking lot ng eskwelahan.

Inisa isa kong tinignan ang tatak ng mga kotse pero wala akong natandaan e. Isa isang kong ininspeksyon ang mga iyon. Nilapitan ko ang itim na kotse. Sobrang tinted iyon at may tatak sa unahan na isang kabayo. Mamahalin.

Pero wala talaga siya dito. Bigo akong kilalanin ang lalaking unang nakahalik sa akin! Kahit pangalan niya man lang sana o mukha! Pero ewan ko ,mukhang siya talaga iyon 'e. Hindi pwede ako magkamali.

Padarag kong kinamot ang aking buhok sa inis at umikot paharap.

"Nakaka--Fuck!" napamura nalang ako ng pagharap ay siya rin pag tulak ng isang lalaki sa akin. Pininid niya ang kamay ko sa gilid. Namilog ang mata ko ng makitang ito ang lalaki na sinusundan ko!

"What are you doing here , young lady?" Halos nahulog rin ang puso ko dahil sa senswal at paos na boses nito. Ganun na ganun rin sa lalaking humalik sa akin sa elevator.

Napakurap kurap ako at hindi makalakap ng sasabihin.

"Uhh..." Napalunok ako ng mas ipitin niya pa ako sa katawan niya. Naramdaman ko ang lamig ng kotse niya sa aking likod.

"Don't make me repeat myself young lady." He warned at humigpit ang hawak nito sa aking katawan. Ramdam ko ang hampas ng hininga niya sa aking mukha.

Napapikit ako. Pinakiramdaman ang aking katawan. I like the warmth of his body. Ewan pero sobrang kabado ako pero gusto ko ang nararamdamang kaba.

"I-Ikaw b-ba iyong..." Napatigil ako ng humigpit ang hawak niya sa akin. Halos niyakap na niya ako. Napakawalan ang aking kamay. Tila may sariling pag iisip ang aking kamay at kumapit iyon sa suit nito.

Mas lumapit pa ang labi niya sa aking tenga at bumulong. "Tell me..."

Taas baba ang aking dibdib. Sobrang kaba at kakaibang sensasyon ang lumukon sa aking pagkatao.

"I-Ikaw ba....ang.."

Napakislot ako ng sumayad ang labi nito sa aking tenga. "Ang?"

Umihip ang pang gabing hangin. I shivered ng humampas sa amin ang malamig ma hangin. "Y-Yung humalik sa akin s-sa elevator?" I asked shamelessly.

He chuckled. Damn! Kahit 'yung simpleng tawa niya kakaiba. Parang...pamilyar siya sa akin.. sobra. Hindi ko maexplain ito ngayon pero nararamdaman ko e. Nararamdaman kong konektado ako sa kanya. Nararamdaman kong may karapatan siya sa akin. Simula ng makita ko siya,tila nakulam na ang aking isipan at tuluyan nag iba ang aking pang araw araw na buhay.

Bumalik sa aking alaala ang kotseng itim. Bumalik sa aking alaala ang lalaki s elevator. Ang kanyang labi at panga. Ang kotse sa likod ko ito 'yung kotse ng nakaraan. Ang lalaki sa harap ko ito yung lalaking humalik sa akin. Hindi 'pwede akong magkamali.

"Ikaw y-yun di'ba?" Sabi ko rito. Natatabunan ng dilim ang kanyang mukha pero alam kong nakatingin siya sa akin. "S-Sagutin m-mo ako."

"Paano mo nasabing ako 'yun?" mapaglarong sagot nito sa akin.

I bit my lips at tinignan ang labi niya. Napakurap kurap ako ng mas naging mapanganib ang titig niya sa akin.

"H-Halikan mo ako.." Buong tapang na sabi ko rito. Hindi ko siya nakitaan ng gulat tulad ng aking inaasahan kundi ang galit at hinagpis ang aking nakita.

"Halikan mo--"

"Kung hahalikan kita ulit ngayon hindi ko maipapangakong hindi kita madala sa aking kama at angkinin ng pa ulit ulit..."

Namilog ang aking mata sa kanyang brutal na sinabi at sa aking natanto.

"I-Ikaw-" tinulak ko siya pero tinulak niya lang ako pabalik kaya napabalik ako sa dating pwesto .Kinulong niya ako sa kanyang mga bisig.

"Hahalikan pa ba kita? Hmm..." He whispered in my ear. Tumindig ang aking balahibo.

"Huh , Angelica?" Napakagat labi ako sa isa pang nalaman. Maraming alam ang misteryosong lalaking ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko...we're connected. I can feel it.

Naliliyo akong sinubukang tignan siya. Inipon lahat ng lakas para sabihin ito. This man took my first kiss. Lubus lubusin ko na.

"P-Payag akong i-ikama m-mo. A-Angkinin ng p-paulit-ulit." I startled when his piercing eyes turned into slit. Nakarehistro sa kanyang mukha ang panganib.

"K-Kailangan k-ko ng p-pera..." Yumuko ako sa kahihiyan.

But his thumb pulled up my chin to meet his gaze. "Magbabayad ako kahit bilyon pa. Sakay na."

Kumalabog ng husto ang aking puso. Para ito kay lolo.


You are reading the story above: TeenFic.Net