Kabanata 27

Background color
Font
Font size
Line height

      Sobrang sakit ng likod ang una kong naramdaman ng nagising. Mabilis kong naproseso ang mga nangyari. Nakidnap si Felix! Muntikan na siyang mabaril! Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa aking likod. Nararamdaman ko rin ang benda na nakaikot sa aking dibdib mula saking likod.

    "H'wag ka munang gumalaw Angel.." narinig ko ang boses ni ate Sabrina.

  Napatingin ako sa gilid ko kung nasaan siya. Nasa kwarto kami ng mansyon. Wala ako sa hospital.

  "Nasaan si Leon? Ang anak ko?" pag aalala ko.

  Nilapag ni ate ang sopas sa gilid ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Maayos si Felix , natutulog parin siya hanggang ngayon."

  Tumango ako pero hindi ako nakuntento, "Si Leon ,Sabrina? Saan siya?" Tinulungan niya akong umupo dahil hindi ko kaya ang sakit ng aking likod.

"Angel, dalawang araw kang walang malay..."

Dumaloy ang aking luha at kinabahan. I know my sister.

"Ate please...anong nangyari kay Leon? N-Nandoon siya diba? Nandoon siya ng mabaril ako.."

Tumango tango ito. May kung anong nililihim ang mata niya. Pumikit siya ng mariin.

"Angel, nasa hukoman si Leon ngayon..."

  "A-Anong hukom?"

  Hinawakan niya ang kamay ko, "Leon gave up his position. He gave up the mafia's organization, Angel.At ngayon, nasa hukoman siya. Lahat na susuko sa pinangakong posisyon ay dumadaan doon at mapapatawan ng dahas at latigo sa katawan.."

Nasapo ko ang bibig ko. "P-Pupuntahan k-ko siya.." sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya bigla akong nahilo.

"Angel, please...this is the best you can do. Palalalain mo lang ang lahat.."

"Pero si Leon ate! Bakit siya sumuko?"

  "Dahil mahal ka niya! Ganun ka niya ka mahal Angelica. He chose to gave up his passion for you! Kung ang pasyon niyang iyon ang dahilan kung bakit kayo nasasaktan...handa niya iyong isuko!"

"Oh my god.." umiyak ako at sinapo ang aking mukha. " But he promised to his father...na hindi niya pababayaan ang tinatag nitong organisasyon ,ate.."

Umiling si ate. "That's what love can do  ,Angelica .

  
  Lumipas ang araw at ang araw ay naging buwan ay hindi ko parin nakikita si Leon. I miss him so much. Walang gabi na hindi ako tumitingin sa buwan at inaaalala ang mga sandaling magkasama kami. Walang gabi na hindi basa ang aking unan. Palagi kong katabi si James Felix na mag tatatlong taon narin sa susunod na buwan.

  Palagi akong inaalalayan ni ate Sabrina. Araw araw ko siyang tinatanong tungkol kay Leon pero wala na raw siyang alam. Pagkatapos raw ng paghukom ay umalis raw si Leon at hindi nila iyon alam! Bakit?

  Kailangan ba na isakripisyo ang lahat para sakin ? Sa amin ng anak ko? Ayokong may mawalang bagay na nakagisnan na niya noon pa man dahil lang sa akin. Nandoon ako mismo ng namatay ang papa niya at alam kong importanteng bagay ang posisyon ni Leon. Hindi ako pabor sa desisyon niyang iyon..kung ano ang gusto niya, susuportahan ko siya.

   Nagpatuloy ako sa aking pag aaral. Marami akong nakaligtaan at huli na sa aming klase pero binigyan ako ng mga pag aaralan at nagpaturo ako sa aming guro sa oras na bakante ito. Dahil pursigido ako ay madali kong nakuha ang mga ito.

   Papatapos na ang klase at napapikit ulit ako dahil sa papel na tumama sa ulo ko. Hindi parin na wala wala ang mga naiinis sakin. Akala ko sa pag balik ko mawawala na ang inis sakin ni Karina pero hindi. Mas lalo lang itong nainis sa akin ng magtransfer si Seth sa ibang eskwelahan.

  "Pst oy! Pulutin mo ang papel. Ang bastos mo ah." si Karina. "Sabi nang linisan mo ang sahig! Ka bago bago mo dito kung sino kana ah? Sa chicmis dito sumama ka raw sa matandang lalaki at nabuntis ka?" Humalakhak ito sa pamamahiya sakin sa lahat ng ka klase namin.

Umiling iling ang mga kaklase namin na lalaki at nag irapan ang kaklase naming babae.

"Wala ka na ditong kakampi! Wala na dito si Kaira. Nakakaintriga naman, akala namin hindi kana babalik. Kung kailan patapos na ang klase ,nakahabol ka pa? Inakit mo siguro ang may ari ano?"

  Isa ulit na masigabong na tawanan ang aking natabo. Hindi ko magawang magsalita dahil umpisa palang mali mali na ang balitang nasagap niya. Mga tao nga naman ngayon.

     Huminga ako ng malalim. Hapon na at paalis na ang iba, ang iba naman naglilinis. Kumuha ako ng walis at nagsimulang magwalis. Bigla ulit dumami ang papel na lukot lukot at kung anu ano pang basura na mula sa mga barkada ni Karina.

  "Oh my god, Miss Monasterio! Put that down!" histerikal na sabi ng guro namin ng makapasok.

  "Po?" gulat ko ng kinuha nito sa kamay ko ang walis.

"Sinong nagpawalis dito kay Angelica?!" galit na wika nito sa mga ka klase ko. Sabay sabay naman na tinuro ng lahat si Karina.

  "Jusko! Pag nakita tayo ni Mr. Monasterio lahat ng guro dito mawawalan ng trabaho! Angelica Monasterio is the fiance of Leon Monasterio! The sponsor of our school!"

  Lahat ng ka klase ko ay nabigla at hindi maipinta ang kani kanilang reaksyon. Umiwas nalang ako at tumango sa guro namin na todo ang pagpasensya sa akin. Sinikop ko ang mga gamit ko at nilakad ang papuntang locker para ilagay doon ang aking mga libro.

  
   Binuksan ko ang locker ko at nabigla ng may bulaklak na rosas ang nalaglag mula doon! My favorite roses!

   Nanginginig akong pinulot yun. Sa hindi malamang dahilan ay gusto kong umiyak.

   Pinulot ko ang kumpol na rosas at binasa ang nakasulat doon. Kumirot ng sobra ang puso ko.

  You're the bullets of my guns, You're my hope  even If I am lose. You're like a bomb keep on bombing inside my heart. Your name is like a missile ,it keeps on repeating inside my mind.

The soldier of your heart, Leon....

  Nasapo ko ang bibig ko at marahas na binaling sa paligid ang mg mata. He's here!

  Sa kabila ng malakas na ulan ay tinakbo ko ang labasan ng eskwelahan. Ang bawat takbo ko ang pagrahas rin na pag tambol ng aking puso. Parang mawawalan ako ng hininga sa sobrang takbo ko. Pinagtitinginan rin ako ng ibang studyante at guro.

  Kahit umuulan hindi ako nag dalawang isip na lusungin ito at tinignan ang mga sasakyan isa isa.

"Leon!!" I cried in the middle of the rain. "Leon please! A-Alam kong nandito ka!"

  "Ma'am sumilong na po kayo, basa na kayo.." sabi sakin ng guwardiya ng eskwelahan.

  Umiling iling ako at nilibot pa ang tingin. Parang gumuho ang mundo ko. Sumasakit ang puso ko na may pagkakataon na naman akong sinayang para makita siya. Sayang. Gusto kong umiyak dito mismo at sumigaw ng todo.

  "Leon please...hirap na h-hirap na ako..." lumuhod na ako sa daan. Nanlalamig ang buong katawan. Nagbabakasakaling nakikita niya ako at maawa siya.

  Lumipas ang segundo na walang dumating. Nakayuko lang ako sa aking tuhod na nakaluhod sa sementong daan. Basang basa na ako ng ulan.

  Pinulot ko ang rosas na nabitawan ko sa daan at mapait na ngumiti. Napawi ang aking ngiti nang may dalawang pares na itim na sapatos ang huminto mismo sa aking harapan.

  Parang huminto ang pag ikot ng oras. Dahan dahan kong tinignan ang may ari ng dalawang itim na sapatos.

  "Get up.."

  I tried my best ,para makatayo. Kung walang ulan, alam kong klaro sa kanya ang mga luha ko na ayaw nang huminto. Nanginginig ang kalamnan kong makita siya. Bakas ang mga peklat sa mukha niya. Medyo sabog ang labi niya. Ang braso niya ay maraming latay ng latigo. At kahit na nakaputing t shirt siya ay bumakat ang maraming latay ng latigo sa kawatan niyang kakahilom lang!!!!

  "I-Ito ba ang dahilan k-kung bakit ayaw m-mong magpakita h-huh?" nagawa kong sabihin at umiyak.

  Basang basa narin ito ng ulan. Gumala lamang ang mata niya sa aking kabuuan. Kalaunan ay tumango siya.

"Happy birthday.." inisang hakbang lang nito ang distansya namin at niyakap ako ng mahigpit. Binaon niya ang mukha ko sa dibdib niyang matigas. "Happy birthday, baby..." he whispered and kiss my hair.

  May humintong SUV sa gilid namin at binuksan iyon ng tauhan niya.

  "You gave up your position Leon?" I asked. Hindi ito sumagot. Kinandong ako nito sa loob ng sasakyan at binalot ng tuwalya. Hindi ko naman matanggal ang titig ko sa kanya.

He looks more mature, more illegal, and raw.

  "You promised your dad Leon, you promised to protect the-"

"I promised to protect you, Angelica." putol niya sa anumang sasabihin ko. "You are my position it this fucking world...get that?"

  Napapikit ako ng halikan ako nito sa labi na siyang nagpawi ng lamig ko sa katawan.
    

You are reading the story above: TeenFic.Net