Kabanata 26

Background color
Font
Font size
Line height

     Naisatupad ang plano nila Leon sa Casinong iyon. Kailangan nila maisalba ang mga kawawang kababaihan na minamaltrato at ginagawang hayop doon. Gusto ko mang tumulong pero ayaw ni Leon na masangkot pa ako.

   "Mama, I want toys." Nakabusangot si James Felix. Tiningnan ko ang mga laruang baril niya na sobrang dami na. Nagkalat na ang mga iyon sa sahig, at kulang pa?

  Bumuntong hininga ako, "Want toys again? Ang dami na nang toys mo oh." Marahan na sabi ko.

Mas lalo itong ngumuso. "But I want another one."

"Okay, lalabas tayo. Bibilhan ka ni mama ng guns."

Ngumisi ito at yumakap sakin. Sa mga panahon na magkasama na kami sa isang bubong pakiramdam ko kulang parin ang mga pag aalaga ko at pagmamahal ko sa kanila ni Leon. Gusto ko pang itodo at gusto kong bumawi.

  Nasa misyon ngayon si Leon, maghahapon na ,medyo hindi rin ako mapakali. Pero may tiwala ako kay Leon. Sa mga nasaksihan ko ngayon sa kanya, alam kong kaya niya ang lahat, bukod doon, may mga tauhan siya at nandiyan si Marco at Diego.

 
    Kung basehan sa edad ni Felix, he does'nt look like two years old. Parang nag three na ito dahil sa malaking katawan at tangkad. Iniimagine ko palang na kasing katawan niya ang papa niya at kasing guwapo, nasstress na ako kung may dadalhin siyang babae sa bahay!

  I almost groaned. Nasa mall na kami at hawak ko ang kamay niya patungo sa mga laruan na gusto nito.

  Nasa likod ko ang dalawang body guards. Hindi kami makakalabas pag walang body guards, ang ginawa ko kanina ay sinabihan sila na huwag lang mag pahalata na sinusundan kami at huwag mag uniform. Ayokong pagtitigan kami dito sa loob ng mall.

 

 

    "Yan Felix..pumili kalang. Kakain tayo after."

  "Wow! It's so cool."

    Ngumiwi nalang ako dahil sa sobrang pagkagusto nito sa mga baril. Manang mana nga talaga sa ama.

    Masaya akong hinihintay sa pagpili si Felix nang tumunog ang cellphone ko.

  I fished it, "Hello ate Sabrina?"

  She cursed so loud, "Fuck! Umalis kayo kung saan kayo ngayon Angelica! Someone gonna shoot you!" I heard the screeching of her car. Tila nagkakarerahan ito sa daan.

  "Ano?" Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Hinanap ko si Felix at mas kinabahan ng hindi ko ito makita!

"Oh my god!" Hindi ko na pinansin ang cellphone ko. Basta ko nalang sinilid sa bag. Nanlalamig ng todo ang aking pakiramdam.

"Felix!"  I shouted.  Hanggang sa makarinig ako ng putokan sa labas lamang ng guns store kung nasaan ako.

"Ma'am! Dapa!" Sigaw ng isa kong bodyguards habang ang isa kay nagpapaputok at nakumpirma kong pinuputukan nito ang babae.Babae ang kumuha kay Felix! Walang malay si Felix! Kahit mabilis ang pang takbi nito ay kita ko iyon mismo. Imbes na dumapa ako, tumakbo ako patungo sa babae.

"Ma'am! Kami nang bahala!" sigaw ng bodyguard at may kausap sa telepono.

"Hindi! Ang anak ko!"

Hindi nila ako napigilan ng sundan ko ang babae. Kasabay ko ang isang body guard na humahabol.

"Ma'am baka masisante kami ni Ser!" sigaw ng isa habang hinahanap ng mata ko ang anak ko.

Umiling ako habang may luha ang aking mata. Kinabahan ako ng umalis ang isang sasakyan na nakapark sa labas. Hindi na ako nagsalita at hinablot ko nalang ang baril ng isa.

"Tawagan niyo si Leon! Ako na dito! Baka mapaano ang anak ko!"

  Tumakbo ako sa sasakyan namin at pumwesto sa driver seat. Tangkang pipigilan ako ng mga ito nang tutukan ko sila ng baril.

"Do your job!" Sigaw ko sa kanila. Agad sila tumalima at nawala nalang basta. I know any minute from now, darating si Leon. Sa ngayon, kailangan kong huliin ang babaeng kumuha sa anak ko! She will taste what the hell is!

   Nanginginig akong hinanapa ang van na itim. Kahit mabilis ang pagtakbo nito kanina hindi nakaligtaan ng mata ko ang itsura nito at plate number nito.

   "Diyosko, huwag ang anak ko." Iyak ko. Nagdarasal sa kapakanan ng anak. Ito ang kinatatakutan ko na madamay ang aming anak. Walang ka muwang na bata ay hindi dapat idamay sa ganito!Hinampas ko ang manibela at binilisan pa ang takbo ng kotse.

Kahit anong sasakyan nag overtake ako at halos sigawan ako ng busina ng mga ito.

  Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang van na itim. Lumiko ito sa isang crossing. Ang lugar na nilikuan nito ay puro na palayan at dayami sa gilid.

 
  Binuksan ko ang bintana sa banda ko at inasinta ang gulong nito. Unang putok, gumewang lang ito at hindi ko na tamaan.

  Napatili ako ng gumanti ang babae sakin ng putok at basag agad ang salamin sa harapan ko.

"Fuck you!!" Sigaw ko at mas binilisan pa ang takbo ng sasakyan. Paliko liko ang daan at walang kabahayan.   I heard my cellphone keep ringing.

 
   Tiningnan ko ng mabuti ang daan at sinaktong lumiko ito tsaka ko inasinta ang ulit ang gulong at...bulls eye. Natamaan ko ito at gumewang ito at nabangga sa puno!

Fuck!

  Malakas ang impak ng pagkakasalpok nito at nakita kong umusok ang unahan ng van.

 
  Mabilis kong pinark ang sasakyan sa gilid at tinakbo ang kanilang kinaroroonan.

  Bago ko pa iyon mabuksan ay bumukas na iyon...at.. "Wag kang lalapit!" Sigaw ni Camilla!

  "Camilla!?" Gulantang ako sa aking nakita. Bakit siya? Di'ba tauhan siya ni Leon...at...may gusto siya kay Leon.

  
  "Camilla pag usapan natin to’" Pagsumamo ko nang makitang sinakal nito si James Felix na nanghihina at may galos. Halos mapunit ang puso ko sa aking nakita.

"Pag usapan? Bakit? Dinaan mo ba ako noon sa usapan nang binaril mo'ko?"

  Fuck.Isa siya sa mga babae noon n Leon na pinagselosan at binaril ko.

  "Camilla tauhan ka ni Leon! Bakit mo'to ginagawa dahil lamang sa ganon-"

  "I am no longer part of the organization Angelica!" She shouted. Tinututukan nito ng baril ang anak ko. Hindi ko magawang lumapit.Natatakot akong mabaril nito ang anak ko.

  "Dahil lang nang sinaktan kita noon sa pagpunta mo sa hide out nagalit si Leon sakin! After those years na naging tapat ako sa organisasyon dahil lang sa tulad mong anak ng traidor ay tinapon niya nalang ako ng basta basta! Hindi niya lang ako tinapon! Sinaktan niya ako!"

  "Camilla..please pag usapan natin to. Give me your gun.." pakiusap ko.

  Tumawa ito ng pagak at mas lumayo pa sakin. Lumilibot na kami at dahan dahan ang bawat hakbang ko palapit sa kanya pero siya naman ay atras ng atras.

  "M-Mama..." Felix cried.

  Dumaloy na ang luha ko sa aking nakita.

  "Camilla naman...bibigay ko lahat ng gusto mo.."

  "Huwag mokong utuin! Alam na alam ko na ang mga iyan! Mga wala kayong kwenta! Hindi niyo pala kaya ang isang tulad ko?" Tumawa ito ng malakas. Hinayaan ko siya kung anuman ang gusto niyang sabihin.

  "Si Leon... kahit ilang beses ko man s kanya sabihin na mahal ko siya...patuloy niya parin akong sinasaktan. Ano bang meron sayo? Nandito lang naman ako para sa kanya! Hindi ako tulad ng mga babae niya noon na nagpapagamit pa sa iba! I reserved myself for him! Ano naman ang mapapala niya sa tulad mong bata pa...laspag na?!"

    Gusto kong umirap sa mga pinagsasabi nito sakin. She's playing stupid!

   "Gusto ko akin lang siya!" sigaw nito.

Tumango tango ako. "S-Sige..sayo lang si Leon..bigay molang anak ko. Nakikiusap ako.." Malumanay na sabi ko. Unti unti akong ngumiti sa kanya. Natuod ito sa sinabi ko hindi makapaniwala.

"T-Talaga?" May saltik talaga ang babaeng ito. Dinamay pa ang anak ko!

  Tumango ako, "Oo..ang anak ko lang importante sakin.."

  Unti unti akong lumapit, dahan dahan kong kinukuha ang baril niya.

  Huminto siya sa pag galaw at mukhang napaamo ko. Ilang babae pa ang mababaliw ng dahil kay Leon?! Shit!

  "Pangako Camilla..hahayaan ko kayo ni Leon.." Pang aalo ko dito. Unti unti kong kinukuha ang baril nito.

  Bago pa nito mabigay ang baril ay mabilis ako nitong hinila at ako ang pinalit sa pagkakagapos niya. Humalakhak ito pero naudlot dahil sa pagsiko ko sa kanyang sikmura.

  Napaatras ito ng sinipa ko siya sa sikmura. Desidido na akong babarilin siya nang tadyakan niya ang baril sa aking kamay at nahagis iyon sa malayo na parte.

  "Anak! Takbo!"

  Sigaw ko kay Felix pero pumulot pa ito ng bato at binato kay Camilla. Sapol ito sa mata na ikinahiyaw nito sa sakit.

  "You're a witch!" Felix hissed.

  Napamura nalang ako, mabilisan kong tinakbo ang baril sa malayo ng makita kong tinakbo iyon ni Camilla..fuck..

  Naunahan ako nito sa baril at walang sabi niyang pinutukan ng baril si Felix na nakahilig sa sasasakyan.

Parang nagslow motion ang lahat. Nakita kong umusok ang dulo ng baril at ang paglabas ng bala..walang pag iisip kong hinarang ang katawan ko sa direksyon ni Felix at narinig ko ang sunod sunod na pagputok.

  "Ackkkk!" dalawang sunod sunod na bala ang pinakawalan ni Camilla at bumaon sa aking likod. Ramdam ko ang bumabaon na sakit at ang mismong bala sa aking likod. It's reaaly painful and I choked my own blood. My blood dripped out from my mouth.

Huli ko na natanto na ang sunod sunod pa na pag baril kanina ay galing sa mga taong padating...

  "Mama!" Iyak ni Felix na di ko na masyadong marinig.

  Kahit ang paglagapak ko sa daan ay hindi ko na naramdaman ang tanging nakita ko sa aking huling hininga ay ang sunos sunod na pagbaril ni Leon kay Camilla.

  Tinakbo ako nito at nakita ang takot na mga mata nitong nakatingin sa akin at nagsusumamo bago ako nawalan ng hininga...
 

You are reading the story above: TeenFic.Net