Kabanata 24

Background color
Font
Font size
Line height

  
Humagulhol ako nang maalala ang lahat.Kaya pala 'ganon nalang ang tibok ng puso ko ng una ko siyang makita.Kaya pala may stretch marks ako.

Ang kinilala kong lolo ay siya palang tauhan ni papa na humahabol sakin. Hindi niya ako pinatay,binuhay niya ako pero hindi niya nakuha ang anak ko. Nakuha ni Leon si James Felix na mag isa sa sasakyan bago sumabog.

God!

  Inalagaan ako ni lolo na parang tunay na apo. Ang bait bait nila sakin. Alam ko na ang gusto niyang sabihin sakin sa kanyang kahuli hulihang hininga.

  Pareho kaming napasinghap ni ate nang tapunan kami ng tubig mula sa balde ng lalaking tauhan ni papa.

"Gising na! Magtatrabaho pa kayo!"

Kumikirot ng aking mga sugat. Kapwa kami nakalubid ni ate. Hinila kami ng dalawang lalaki at padaskol na sinilid sa isang kuwarto.

"Maligo kayo at may damit diyan! Magmadali!"

Kinalagan kami nito ‘tsaka lumabas at nilock ang pinto sa labas. Nagkatinginan kami ni ate.

Niyakap ko ito. "Ate, natatakot ako. Anong gagawin nila satin?" Nakita kong may nakalatag na kulay itim at pulang dress sa kama.

"Ito ang pinapagawa sakin ni papa noon, Angel. Papagamit 'nya tayo sa mga katulad niyang halang ang kaluluwa para sa mga droga."

Nasapo ko ang bibig at umiyak. "Oh my god."

Hinawakan nito ang aking pisngi.
"Ako ang bahala. Aalis tayo."

May hinagilap itong isang bagay. Tumigil ito ng makita ang isang picture frame ng bulaklak. Binasag niya ito at ang matulis na bahagi nito ay kinuha niya. Binigay nya sa akin ang isa habang sa kanya ang isa.

"Lalaban tayo Angel." pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Tumango ako at kinuha ang matulis na bahaging basag.

Natapos na kami sa dapat gawin. Naligo kami at nagbihis. Hapit na hapit ang dress na ito sa aming katawan. Malamig ang aming ekspresyon ng buksan ng tauhan ni papa ang pintuan.

Sumipol pa ang dalawang tauhan habang hinagod kami ng tingin. Nairira ako pero hinayaan ko na.

Habang naririnig ko ang yapak ng aming takong ang siya ring paglakas ng tibok ng aking puso.Malapit na kami sa isang pinto nang hampasin ng lalaki ang aking pwetan.

"Fuck!" Napamura ako. Mabilis ang aking mga galaw. Kinuha ko ang basag na bahagi ng frame sa aking hita na nakaipit sa lubid at tinusok sa dibdib ng lalaking humampas sa aking puwet.

Ganon’ rin ang ginawa ni ate. Nakita kong tinadyakan niya ang lalaking duguan rin sa dibdib at diniin ang matulis na bagay sa dibdib nito gamit ang kanyang sandal.

Tumba ang dalawang tauhan. Mabilis naming binunot ang mga baril nila na nakasabit sa kanilang gilid.

Kinasa namin iyon habang maingat na naglalakad. Habol ang aking hininga at nangangatal ang mga kamay, sinilip ko ang dulo at lumaki ang aking mga mata nang makita kami ng apat na paparating.

Binaril ni ate ang dalawa sapol ito sa binti. Gumulong ako sa kabilang bahagi at nakipagpalitan ng putok nang makapwesto,natamaan ko ang dalawa sa dibdib at ulo.

"Good job, Angel." Ate whispered.

Tumakbo kami sa pinagmumulan ng liwanag. Sinipa ni ate ang pintuan , handa na sana kaming tumakbo ng mabilis.

"Fuck! Nasa barko tayo!"  Bumungad samin ang napakalawak na karagatan.

Napasabunot nalang ako sa aking buhok at umiyak. Pareho kaming nawawalan ng pag-asa. Tatlong beses na pagpalakpak  ang nagpatingin sa amin ni ate sa kaliwa.

"Ang galing ,galing talaga ng mga anak ko. Manang mana sa ama." Si papa hawak na naman ang sigarilyo nito.

"Wala kaming ama na kasing ganid mo animal ka!" Nakita kong tumiim ang titig ni papa kay ate.

"Itali sila at dalhin sa kulungan ng mga daga!"  Hinuli kami ng dalawang nakabonit at tinalian.

"Pakawalan mo kami papa! Pakiusap a-anak niyo kami, maawa ka." Pakiusap ko.

"Wa'g mo siyang tawaging ama ,Angel. Wala tayong ama." Malamig na aniya ni ate sakin.

Nanlulumo akong sumunod sa mga humila sa amin. Apat na lalaki ang nakabantay sa amin. Wala na kaming kawala.

Isang mabaho at madilim ang aking dinaanan. Binuksan ng lalaki ang isang pintuan na may malaking kadena. Napasinghap kami ng hinawakan ng dalawang tauhan ni papa ang dalawa kasamahan nito sa ulo at ilang beses na pag ingay ng mga buto nito sa kanilang leeg nawalan ang mga ito ng buhay. Binagsak nila ang dalawang walang buhay na katawan sa sahig at inangat ang bonit.

Dinamba ako ng isang ng mahigpit na yakap at hinalikan ako ng mariin sa labi. Naramdaman ko ang malamig na dingding sa akinh likod.

"F-Fuck sweetheart. I'm sorry." paulit ulit na pag sambit ni Leon sa aking pangalan habang pinaulanan ako ng halik sa mukha.

Dumaloy ang aking luha at sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Oh Leon! L-Leon!" buong pagmamahal at pangungulila ko siyang niyakap. Nagpanggap silang tauhan ni papa! Kaya pala sila nakabonit!

"Stop that Leon, kailangan muna nating makaalis dito." sabi ni Diego habang nasa tabi ni ate.

Niyakap ako nito ng mahigpit. "Hinding hindi mo na ito mararanasan ulit. Fuck, patawarin mo'ko."

"Come on Leon! Mamaya na 'yan!" Mabilis nila kaming hinila. Iba ang daan na aming tinahak.

"Leon, paano tayo aalis dito? Nasa dagat tayo." bulong na tanong ko dito.

Hinalikan ako nito sa labi. "May nakatago kaming speedboat sa ibaba. Yun’ ang gagamitin natin."

Tumango ako. Wala nang oras para makipag usap. Tsaka na ako magtatanong kung ayos na ang lahat. Sa ngayon, kailangan na muna naming makaalis.

Nakarinig kami ng putukan ng baril.
"Fuck, anong ginagawa ni Marco? Klaro ang usapan na dapat makaalis muna tayo bago siya mag ingay!" Swabeng sabi ni Diego at hinilot ang noo.

"Siguro may naka engkwentro na siya. Alam mo ‘yun,hindi yun makatimpi, nagagalit agad." Sabi ni Leon.

Lumabas kami ,nasa likuran na bahagi na kami ng barko. May daanan pababa kung saan makakasakay sa speedboat na nandoon. Sinipat muna ni Leon ang paligid kung may nakabantay.

"Clear!"

Unang pumunta sa ilalim ay si Diego. Sumisilip kami sa kanya at nakitang sumenyas kay ate na bumaba. Sumunod si ate sa ibaba.

"L-Leon, si papa-"

"Maraming bomba sa paligid ,Angel." Hinalikan na naman ako nito.  Damn, may nerbiyos na ako sa bomba. Nakita naming tinulak na ni Diego ang speedboat sa dagat.

Sumunod kami ni Leon sa ilalim. Narinig ko agad ang gangis ng dagat. Patuloy parin ang putokan. Tumakbo kami ni Leon nang may nakita kaming anim na tauhan.

"Ayun sila!" Sigaw ng isa nang makita si Diego at ate.

Mabilis kaming nagtago sa pader at nakipagpalitan ng putok si Diego at Leon.

"Fuck you! Fuck!" Sigaw ni Diego na nakangiwi. Natamaan ito sa balikat.

"Mauna kana Sabrina! Run!" Sigaw ni Diego. Mabilis tumango si ate at tumakbo sa speedboat.

Lumagapak si ate. May bumaril sa kanya! Damn!

"Ate! Hindi!" gusto ko siyang takbuhin pero pinigilan ako ni Leon.

"Fuck!" Nakipagpalitan si Diego ng barilan. This time, hindi na ito nagtago. Harap harapan na itong nagpaputok.  Nakita kong natamaan ito sa tuhod at braso.

"Leon si Ate!"  Niyakap ako ni Leon ng mahigpit.

"Oh come on! Lumabas kayo sa lungga niyo mga sisiw!" Narinig ko ang halakhak ni papa. Nakahandusay na si Diego at ate.  Si papa ang bumaril kay ate?!

"Shhhhh." Pinatahimik ako ni Leon. Pilit pinapakinggan ang yapak ni papa.

"Naubos niyo man ang aking tauhan pero hinding hindi nyo ako mauubos." Namayani ulit ang halakhak nito.

Pumikit ako ng mariin.

"Sweetheart, listen. Ako ang haharap kay papa mo. Tumakbo ka sa speedboat. Nakaabang doon si Marco."

"Ayaw kitang i-iwan. Natatakot ako."

"Wala nang paraan! Susunod ako ,pangako." Umiling ako pero nagsimula ng magbilang si Leon.

"One.." mahinang bulong nito. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Two.." hinalikan ako nito sa labi.

"Three! Go!" sabay ng aking pagtakbo ang paglabas niya at sinakal si papa sa leeg. Pilit niyang inagaw ang baril kay papa. Nakikipaglabanan na siya kay papa habang nagpalitan ng putok sa mga lalaking gustong habulin ako.

Nangangatal ang paa ko. Huminto ako at pilit hinila ang katawan ni Diego at ate.

"Angelica just go!" Diego hissed. Putlang putla na ito at hindi makatayo dahil sa mga tama nito sa paa habang si ate ay walang malay.

"Oh my g-god!Si ate!"

"Angelica! Takbo!" Sigaw ni Leon. Dahil sa kanyang pagsigaw ay natanggal ang pagkakasakal niya kay papa. Dinaganan siya ni papa at pinagsusuntok ng baril sa ulo.

Nasapo ko ang bibig. Hindi ko alam kung tatakbo ako o babalik para tulungan siya.

Nang makita kong hindi makalaban si Leon. Tumakbo ako pabalik at kinuha ang nakita kong bakal at pinalo si papa sa ulo. Duguan ang ilong at bibig ni Leon. Kinuha ko ang baril ni papa at tinutok sa kanya.

"Papatayin k-kita!" Pinunasan ko ang luha sa aking mata.

Narinig kong umiyak si papa. Humagulhol ito. "M-Magagawa mo ito sa akin anak? G-Ginagawa ko ang lahat p-para sa inyo." Nakaluhod na ito at nakataas ang dalawang kamay.

Fuck. Mas umiyak ako ng makita ang luha ni papa.

"G-ginagawa ko ito para magbagong buhay. D-Dadalhin ko k-kayo ni ate mo sa ibang b-bansa at mag bagong b-buhay."

''P-Papa."

"Patawarin mo a-ako anak.."

Sa aking pang hihina ang siyang pag agaw ni papa sa akin ng kanyang baril. Mabilis kumilos si Leon nang babarilin na  ako ni papa pero bago iyon, naunahang barilin ni Leon si papa ng dalawang beses.

Bumulwak ang dugo sa labi ni papa at natumba.Nauupos akong napaupo. Kahit ako kayang barilin ng aking ama.

Nilapitan ni Leon si papa na nakangisi sa kabila nang dugo sa labi nito at katawan. Nanginginig ang kamay ni Leon na tinutok ang baril kay papa.

"Shoot me!Gawin mo!" Humalakhak si papa. "Ako ang pumatay sa ama at ina mo! Pinasabog ko ang gusali! Tosta silang dalawa! O ano, masakit?! Bagay sayo yang walang hiya kayong mga Mafia! Dapat sa organisasyon niyo ang matumba! Ano? Baril na!"

Tinakpan ko ang dalawang tenga nang makita ko ang pagpipigil ni Leon na barilin si papa. Konting pitik nalang babarilin na niya si papa. Ang aking ama.

Hindi ko kayang makitang barilin ang aking ama sa aking harapan kaya pumikit ako ng mariin. Hahayaan ko si Leon ang magdesisyon ng lahat.

Narinig ko ang pagsigaw ni Leon. Alam kong babarilin niya na si papa.
Tumili ako at umiyak...pero wala akong narinig na putok. Nanatili akong tahimik na umiiyak.

Naramdaman ko ang yakap ni Leon sa akin at paghalik niya sa aking mga mata.

"I can't see you like this sweet heart. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan ng magulang. Ayokong maramdaman mo rin 'yon. I can't sweet heart. . .I can't." Bulong nito sa akin at malamyos na pinunasan ang aking pisngi.

Sumikdo ang aking puso. Walang kasing buti si Leon. Marami siyang pinatay pero ang aking ama na sitang puno't dulo ng lahat ay hindi niya kayang patayin dahil ama ko ito. Fuck.
Umiling ako at niyakap siya.

Ang pagyakap ko sa kanya ang siyang pagkita ko kay papa na unti unting bumangon at kinuha ang baril para barilin si Leon.

"Leon! Si p-papa!" Tinulak ko si Leon para hindi matamaan nang may ilang putok na kaming narinig. Dumami ang dugo ni papa sa katawan. Bigla itong lumagapak ulit sa sahig na wala nang buhay dahil sa walang tigil na pagbabaril ni ate Sabrina.

"Ahhhhhh!!!" Binaril niya  ito ng walang tigil kahit bumabaha na dugo ang sahig.

"That's for raping m-me!" Ate Sabrina cried at lumuhod . Nabalot kami ng tahimik na pag iyak ni ate.

Nanghihina ko siyang nilapitan at niyakap. Nagimbal ako sa aking narinig.

"T-Tapos na Angel.." Wala akong ginawa kundi yakapin siya ng mahigpit.



You are reading the story above: TeenFic.Net