Kabanata 23

Background color
Font
Font size
Line height

   Hindi ko pinagsisihan ang aking mga ginawa. Hindi ko kailanman pagsisihan ang pagmamahal ko kay Leon. Pero kakayanin ko ba ito? Natatakot akong harapin ang mga iba pang mangyayari. Natatakot ako na baka may panganib na namang mangyayari.

  "Paano na ang pag-aaral ko?" Malungkot na tanong ko kay Leon habang nakaupo ako sa kandungan niya.

Hinalikan nito ang aking pisngi at hinimas ang aking tiyan. "Dito kana mag aaral. May magtuturo sayo dito."

"Talaga?"

Tumango ito bago ako pinatakan ng halik sa labi. Pinutol ko agad ang aming halikan. "Leon pero, ang bata ko pa." Napakagat labi nalang ako ng ngumisi na naman ito. Tinampal ko ang balikat niya.

"Ang bata mo pa nga pero ang ganda ganda mo na. I can't resist you sweerheart."

"Masakit ‘raw ang manganak Leon! Oh my god." Nasapo ko nalang ang aking mukha.

"You're brave Angelica." Huminga nalang ako ng malalim at tumango. Tinuruan ako noon ni Leon gumamit ng baril at ilang self defense.

 
Hindi na ako masyadong gumagala dahil walang kasiguraduhan ang aking kaligtasan. Labas pasok si Leon sa bansa kasama ang kanyang mga kapwa mafia.

Puro masustansiya at magulay ang palaging kinakain ko. Wala parin namang nagbago kahit na medyo halata na ang aking tiyan.

Nilapag ni ate ang niluto niyang dalawang klase ng ulam. Tinolang manok at gulay na may kalabasa.

"Ano ito ate?" tanong ko. Marami nang naituro sa akin si ate na iba't ibang uri ng ulam at masasabi kong magaling na ako magluto.

"Tinolang manok ‘yan.Maganda yan sa buntis kasi nagpaarami yan ng gatas para naman pag nanganak ka may sisipsiping gatas diyan sa suso mo." Namula ang aking pisngi.

"Ito naman laswa. May okra , kalabasa at iba pang gulay na masustansya. Maganda rin sa buntis."

"Ang hirap talaga mabuntis. Gusto ko nalang matulog ng matulog tsaka sa klase wala akong nagagawa ate kundi ang kumain."

Tumawa si ate sa sinabi ko. "Ganyan talaga e. Dalawa na kasi kayo diyan sa katawan mo kaya iingatan morin sarili mo."

"Tsaka napakaselosa ko talaga."

"Siguro ‘ yang anak mo Angel seloso ‘o selosa rin. God, kapag si Leon ang kamukha niyan luluhod ang mga tala." Ngumisi ako at inimagine ang magiging anak namin ni Leon.

"Ayokong madawit sa kahit anong gulo ang anak namin kung maaari. Hindi ko naman maihihiling kay Leon na umalis kasi alam kong binilin ng ama niya sa kanya ang organisasyon."

"May partnerships kasi ang mga parents nila ,Angel. Ang papa ni Marco at ni Diego ang ka sosyo ni Don Mariano. Malawak narin kasi ang narating ng organisasyon nila at malaking tulong sa bansa. At kahit presidente walang magagawa kapag ang MTrion na ang gagawa ng hakbang. Angel, the M-Trion is tripple times powerful than our president. O baka hindi triple ,baka sobra pa."

Nangalumbaba ako at napakunot noo. "Bakit marami kang alam ate?"

Ngumiti siya at kinagat ang ibabang labi. "Crush ko si Diego Maxima , Angel."

"Oh. . .I see. But he's too rude ate."

"Yes, pero crush ko siya. Minsan na kami nagkita sa bar and damn Angel...we fuck once."

Halos pamulahan ako ng pisngi. "What ate? What?"

Humalakhak siya. "Pa virgin to." Bigla siyang nagseryoso. "Malaki ‘rin ang tinulong sakin ni Diego. Tinuruan niya ako kung paano bumaril. Tinuruan niya rin ako magkasa ng baril lalong lalo  na magkasa nang baril niya sa ibaba."

Binatukan ko na si ate sa mga pinagsasabi niya. "Umayos ka ate! Ewan ko sayo!"

Lumipas pa ang maraming buwan na puro kasiyahan ang nangyayari sa amin. Ganon parin ako, selosa parin. Hindi lang kotse ang nababasag  ko kundi pate cellphone rin ni Leon. Hindi na yata mawala sa sistema ko ang pagiging selosa.

"Gusto ko quadroplets." Seryosong sabi ni Leon habang nakahiga ako at niyayakap niya ako mula likod.

Nakabaon ang mukha nito sa aking leeg at kumakagat kagat doon. Tumawa nalang ako. "Leon, hindi quadroplets ang baby natin. Isang lalaki lang."

"I still believe in miracle at sisipagan ko pa gabi gabi." pumilit parin nito. Pa naka nakang hinahalikan nito ang aking labi pababa sa aking dibdib.

"God Leon! I'm still sore! Baka manganak ako sa wala sa oras."

Umahon siya mula sa pagkakasipsip sa aking kaliwang dibdib. "Damn, my lips and tongue will work sweet heart. Hindi kita papagurin, pangako."

Umikot ang mata ko sa mabulaklak na bibig nito. Kung kailan nabuntis ako mas naging sweet siya sakin at teritorial.

One week nalang manganganak na ako. Handa na ang kuwarto ng baby. Kumpleto na lahat at siya nalang hinihintay namin na lumabas. Handa na kaming lahat sa paglabas ni James Felix Monasterio.

Kinahapunan , namasyal na naman kami ni ate tulad ng aming nakasanayan. Sabi niya kasi mas maganda pag nag lalakad. Maganda raw iyon sa buntis. Kaya ako, todo effort ako maglakad kahit hapong hapo na ako minsan.

"You should less your food in take Angel. Dapat hindi mataba ang baby paglabas dahil naku! Masakit ‘raw iyon!" Namimili kami sa mall ng pandagdag na damit ng pang baby.

"Ate huwag mo'kong takutin please lang!"

"Mas mabuti nang alam mo Angel dahil mas handa ka sa mangyayari."

"Kakayanin ko para kay baby."

May dalawang body guards parin ng sunod ng sunod sa amin. Namimili rin kami ng mga laruang pang lalaki n gusto kong idisplay sa kuwarto ni James Felix nang biglang may nagputokan.

"Shit! Ma'am magtago kayo!"  Sigaw ng isa sa body guard namin. Huli na namin nakitang nakahandusay na ang isang kasama nito.

Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Boss! May sniper na tumira kay trenta. Nasa mall kami. Ano boss?! Nasa airport kana?"

Nagkakagulo na ang mga tao dito sa loob ng mall. Niyakap ako ni ate ng mahigpit habang nasa loob kami cashier counter.

Mausok at sunod sunod na putukan ang aming naririnig.

"Angel...kumalma kalang. Wa'g kang matakot 'andito ako."

"A-Ate.. I can't. I can't...I'm shaking." Nangangatal ang aking pagkatao. May aftershock pa ako sa nangyari noon sa magulang ni Leon ngayon heto na naman.

"God! Please, kumalma ka. Poprotektahan  kita." May kinuha itong baril sa hita nito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyon. Bale, dalawa iyon. Binigay niya sa akin ang isa.

"You know what to do. Pag nakita mong kaaway barilin mo agad." Tumango ako at kinuha iyon. Patuloy parin sa pagpapalitang ng putokan ang isa naming body guard.

"Duguan na si Fourty five ,Angel!"

"Ma'am umalis na kayo dito! Ito ang susi!" hinagis nito kay ate ang susi.

"Fourty five! Mag ingat ka." Tumango ito sa akin.

Natatakot ako dahil konti lang kami at marami sila. Alam naming dalawa ni ate na si papa na naman ang may kagagawan nito wala ng iba.

Ang bawat madaanan namin ay nasusundan ng putok. May nakita akong sugatang mga inosente na dapat hindi dito damay.

Nakipagpalitan ng putok si ate sa taong nasa ikalawang palapag. Natumba iyon ng matamaan sa ulo.

"Bilis Angel. Kailangan mong umalis! Ako na dito." Binigay nito ng susi ng sasakyan.

"No ate! Sasama ka sakin!"

"Hindi Angel! Ako na ang maglilito sa kanila para makaalis ka. Hindi tayo maliligtas kung magsasama tayo."

"Oh no ate.."

"Yes Angel! Come on." Binukasan nito ang sasakyan at sinilid ako sa driver seat.

"You know how to drive alright?"

Tumango ako habang hilam ng luha ang aking mata. Sinuyod ko ng tingin ang mall na basag na at may lumalabas na usok saan mang parte nito. Maingay parin ang palitan ng putok sa loob.

Hinalikan ni ate ang aking noo. "Pabalik na ang eroplanong sinakyan ni Leon ,Angel. Hintayin mo siya. Doon kana pumunta sa airport dahil kilala ni Leon ang sasakyan mo. May tinawagan narin siyang magpoprotekta sayo papunta doon. Please be safe Angel."

Wala akong nagawa kundi ang tumango.May biglang lumabas sa mall at nakita kong binaril si ate at tinamaan ito sa balikat.

"Ate!" Napatili ako ng nabasag ang harapan ng kotse dahil sa putok ng baril.

"Umalis kana! Alis na!" Sigaw ni ate habang hawak ang balikat niyang duguan. Mabilis kong inarangkada ang sasakyan. Halos may mga muntikan na akong mabangga dahil sa sobrang bilis ng aking patakbo.

Ngayon ko lang naramdaman ang pag vibrate ng aking cellphone.

"Leon! Sinusundan nila ako!" I cried. Napatili ulit ako ng paputukan ako nito at tinamaan ang upuan sa gilid ko.

"Shit!! Shit!! Malapit na ako! Just keep safe sweet heart. Susundan kita." Alam kong natatrack ni Leon ang aking sasakyan.

Umiiyak ako at halos hindi ko na makita ang daan. Napasigaw ulit ako ng nabasag ang salamin sa likod ng kotse.

"Sweet heart. Don't turn off your phone. Susundan kita. Papatayin ko ang ama mo....sinusumpa ko."

"L-Leon! M-Manganganak na yata a-ako." Narinig ko ang pagtahimik nito habang patuloy ako sa pag iwas sa dalawang sasakyan na nagbabaril sakin.

Narinig ko ang hagulhol nito sa kabilang linya. Parang pinupunit ang puso ko. Narinig ko rin ang pag ingay ng kanyang sasakyan.

"Wa'g kang bibitaw s-sweetheart. Hindi mo na ito mararanasan ulit. H-Hindi na."

Nangangatal ang kamay kong kinasa ang baril at nilabas ang ulo sa bintana at pinutukan  ang isang kotse sa gulong. Nasapol ko iyon at nabangga iyon sa ibang sasakyan.

"Ahhh! L-Leon ang sakit!" Iyak ko at niyuko ang aking paanan na may dugo na.

Hindi ito nagsalita dahil narinig ko itong nagmumura at narinig ko rin ang palitan ng putok sa kanyang linya.
Malapit na siya. Malapit na si Leon.

"Ahh! Oh my god,Leon!" halos hindi na ako masyadong makadrive dahil sa sobrang pangangatal ng aking binti at kamay. Walang kasing sakit ang aking nararamdaman.

Kinapa ko ang aking gitna at nanlaki ang mata kong may ulo nang lumalabas. Mabilis kong inalis ang aking panty at ginawa ang mga tinuro sa akin ni ate.

"Ahhh!" Umire ako at mas lalong binilisan ang sasakyan. Narinig ko ang  ingay ng gulong ng aking sasakyan kaya gumewang gewang ito. Tumalsik ang aking cellphone. At napasigaw ako ng malapit nang bumangga ang sasakyan sa malaking puno.

"Agh!!" sa aking huling pag-ire ay lumabas ng tuluyan si James Felix. Niyakap ko siya ng mahigpit at piniling itago ito sa aking likod para ako na ang masaktan.

Tuluyan ng nabangga ang kotse at siyang pag bagok ng aking ulo sa salamin sa harapan. Sobrang sakit at ‘ramdam kong may mga bubog na nakatusok sa aking katawan.

Ang huling nakita ko ay ang pag liyab ng kotse at pagtutok sakin ng baril ng lalaking sumusunod sa akin.

"A-Anak k-ko."

You are reading the story above: TeenFic.Net