Kabanata 16

Background color
Font
Font size
Line height



Leon Monasterio ay pumapangalawa bilang isang makapangyarihang Mafia sa buong bansa. Bawat Mafia ay may kanya kanyang trono. Ang trono na binabase sa kayamanan ng isang Mafia.

Sa bawat araw na lumipas ay may nalaman ako. Alam kong wala pa ito sa kalahati pero namamangha na ako.

Si Marco Mondragon ang Hari ng mga Mafia. Nagsimula ito sa mga ninuno ng mga Mondragon hanggang nagkaroon ng sangay at nagbunga ng isang pagkakaibigan nang iba't ibang angkan. Hanggang ngayon matalik at magkadikit parin na magkaibigan ang mga Monasterio at Mondragon.

Kasalukuyan kaming nasa isang shooting range/ fire shooting. Isa sa mga pag aari ng mga Mafia at isa na rito si Leon. Walang wakas na pagkamangha ang aking nararamdaman.

The shooting range operated by Trio M. Monasterio , Mondragon na kinabibilangan ni Marco at Maxima na kailanman hindi ko pa nakitaan ng mukha.

Trio M are responsible for ensuring that all weapon safety rules and relevant Mafia regulations are followed at all times.

Hawak ni Leon ang isang baril at naka ear piece ito ganon rin ako.Pinasuot niya ito sa akin kanina bago siya pumwesto at sunod sunod na pinutok ang baril. Umawang ang labi ko nang tumalsik ang limang lata na nakatayo.

Nilagyan niya ulit ng bala ang baril at kinasa bago sunod sunod na pinaputok ito. Sa pagkakataong ito anim na lata ang natumba.

"Shit." Nausal ko sa sobrang mangha.

Nakaupo ako sa isang couch habang nasa harapan ko si Leon nang may mga yapak kaming narinig. Nilingon iyon ni Leon kaya ganun rin ang ginawa ko ng kumunot ang noo nito.

"What's brought you here Diego?" Leon asked.

Stubbles, perfect brows , at makisig na pangangatawan ang lalaking bagong dating. Nasa bulsa nito ang dalawang kamay at nakatingin sa mga latang natumba. This man is dangerous and deadly gorgeous.

Kung ibang babae lang siguro ay luluhod na sa harapan nito para lang maikama. Ang lalaking ito ay nagsusumigaw ng sex appeal.

"Your woman's staring too much Leon." Even his voice is so damn attractive.

Leon cleared his throat at hinila ako paharap sa lalaking ito. Tila pinoprotektahan ako. Nakaramdam ako ng kaba ng madilim ako nitong tiningnan.

"Hindi mo alam ang ginagawa mo Leon." Naguguluhan kong tiningnan si Leon. Leon smirked.

"I know what I am doin' Diego Maxima." Ang tingin ng Diego na ito ay naghahalugad sa aking pagkatao.

"You're risking the organization again Leon. She's-"

"Shut up." Malamig na putol ni Leon. Ang kamay nito ay nagpipigil narin ng galit. Binalot ang ere namin ng kadiliman.

"L-Leon tama n-na.Tayo na." Sabi ko bago pa lumala ang nasa pagitan nila.

Diego sneered.

"Bago mo'ko pagsabihan ayusin mo muna ang buhay mo Diego. Your sister is not your damn pet."

Oh damn it. Parang ayokong marinig ang mga to.

"Leon tayo na!" Hinihila ko na ang manggas ng polo ni Leon.

They staring coldly with each other pero iba ang dating sa paligid. Masyadong mainit kapag magkabangga ang dalawang makapangyarihang tao.

Ngayon nakita ko na ang mukha ng isang Maxima. Same aura with Marco and Leon but I think Diego is worst. Hindi ako mangmang para hindi makuha ang mga sinabi ni Leon na "Your sister is not your damn pet." Ano yon? Incest?

Lulan kami ng sasakyan at pauwi na. Kakatapos lang namin kumain sa isang restaurant.

Nakahilig ako sa mainit na dibdib nito habang hinihimas ang aking buhok.

"Malapit na ang birthday mo." Leon whispered.

"Oo nga e.." Malapit sa tenga ko ang labi niya kaya nakikiliti ako sa bawat kibot nito.

"Bibigyan kita nang napaka engrandeng kaarawan Angel."

Umiling ako at umahon mula sa kanyang dibdib. "Gusto ko na makita lamang sila lolo at lola Leon. Iyon lang sapat na sakin."

Sumeryoso ito at umiwas. Ilang araw na ang nagdaan pero hindi parin ako nito pinapayagan na umuwi. Napag usapan na ito namin noong kailan na gusto kong makita ang kondisyon ni lolo.

"This is not the right time Angel."

"Pero gusto ko na silang makita-"

"They are fine. Binayaran ko na ang lupa niyo at nakapangalan na iyon saiyo. Nakalabas narin ang lolo mo. Binigyan ko sila ng hanap buhay."

Namilog ang aking mata. "T-Talaga?"

"Yes.." Hinaplos nito ang aking pisngi. "Lahat gagawin ko para saiyo.."

Kinagat ko ang ibabang labi at tumingkayad para kintalan siya ng halik sa labi. Magkalapat ang aming mga noo.

"Hindi ko na alam ang gagawin kung mawawala ka sa akin Angel. I won't let that happen again."

"Hindi naman ako mawawala sayo Leon. Tanggap ko kung ano ka. Hindi ko man masabi ang mga gusto kong sabihin kasi..m-may mga bagay na hindi ko pa masyadong maklaro."

"You will find it out soon, sweetheart."

Tumango ako at hinawakan ang panga niya."Isang misteryo ka para sa akin Leon. Marami pa akong hindi alam sayo. Gusto kong malaman kung ano ang favorite color mo. Kung kailan birthday mo at kung nasaan na mga magulang mo.."

Umigting ang panga nito nang marinig ang sinabi ko. May dumaang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako ng mapalitan iyon ng kalamigan at walang emosyon.

"I'm tired Angelica." Umiwas ito at humilig sa sandalan. Naging malamig ito bigla sa akin at naging mailap.

Anong nasabi ko? Gusto ko lang naman may malaman tungkol sa kanya. Siguro hindi ko na muna siya tatanungin about doon dahil alam kong may mali.

Tuwing gabi magkasabay kaming natutulog at nagigising ako sa hating gabi na wala na siya sa aking tabi. Pag gising ko sa umaga nakaligo na ito at handa nang pumasok sa trabaho. Hindi ako kailanman nag kuwestyon dahil una palang sinabihan na niya ako na trabaho na niya iyon noon.

Matikas at gamay ni Leon ang kanyang mga galaw at halatang bihasa. Bawat galaw ko ay nalalaman niya. Bawat nasa isip ko nalalaman niya kaya minsan takot akong tumingin sa kanyang mga mata.

Isang gabi nagising ako at narinig ang isang iyak. At katulad ng dati wala si Leon sa aking tabi. Binalot ko ang sarili ng roba at tinungo ang kinaroroonan ng iyak.

Huminga ako ng malalim ng nanggaling iyon sa loob ng kuwarto ni James Felix.

Alam kong ayaw ng bata sa akin pero nanlalambot ako sa 'twing magtama ang aming mga mata. Napupunit ang puso ko na marinig ang kanyang umiiyak na boses.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa pisngi. Nananaginip siya at hilam ng luha ang mata nito. Nag init ang aking mga mata habang hinahaplos ang pisngi nito.

"Wag ka nang umiyak.Nandito na s-si mama.."

"M-mama." Sambit nito habang nakapikit at hinilig ang ulo sa aking dibdib. Napangiti ako at bumagsak ang aking luha.

Kumakabog ng husto ang aking puso.

"N-Nandito na si m-mama." Sabi ko at pinatakan siya ng halik sa noo.

Magkatabi kaming natulog sa kama. Kinabukasan maaga akong nagising habang tulog pa si James Felix. Parang napupuno ng mainit na bagay ang aking dibdib. Masaya ako sa araw na ito at may ngiti sa mga labi.

Lumabas ako sa kuwarto ni Felix. Unang naisip ko ay si Leon. Hindi ko alam kung nakabalik na ba siya o nakaalis na?

Papasok na sana ako sa kuwarto nang makita ko ang mayordoma.

"Magandang umaga lola.Nasaan po si Leon?"

"Magandang umaga senyorita hindi pa siya bumabalik. Baka mamaya darating na iyon."

Masyado yata akong maagang nagising?

Napagpasyahan ko nalang na magbihis para makapasok na. Hindi ko parin ginagamit ang cellphone na binigay ni Leon sa akin.

Pakiramdam ko pag hinawakan ko iyon ay meron akong malalaman na hindi ko makakaya.

Nakasakay na ako sa sasakyan at ihahatid nang driver patungong Unibersidad.

"Manong anong oras kaya babalik si Leon?" Tanong ko sa driver. Ang katabi nito ay isang body guard ko habang mag nakasunod pang isang kotse sa aming likuran.

"Baka nasa misyon pa ma'am." Sagot nito sa akin.

Huminga ako ng malalim at nabigla ng biglang pumreno ang sasakyan. Otomatiko akong hinawakan ng body guard na nasa harap. Sinisigurado nitong wala akong galos.

"Ayusin mo magmaneho baka mapatay tayo ni Boss pag nagalusan si ma'am."

"A-Anong nangyari manong?"

"May biglang tumawid na pulubi ma'am e."

"H-Ha? T-Teka-" Akmang lalabas ako ng bigla akong pinigilan ng body guard.

"Ma'am kami na. Dito kana."

"Manong ako na..pulubi iyon baka anong gagawin niyo sa kanya. Ako na ang bahala baka matakot sa inyo." Sabi ko sa kanila.

Huminto rin ang sasakyan na nakabuntot sa amin. Binuksan ko ang pinto at nilapitan ang pulubing nakasarong ang ulo at pinupulot ang mga prutas na binibenta nito.

"Pasensya na ho." Isang musmos na dalaga ang muntik na pala naming mabangga.

Huminto ito sandali at tinignan ako. Kinuha ko ang mga prutas at binalik sa basket niya.

"Pasensya na ho talaga ha?" sabi ko.

"Angelica Batungbakal." Bulong nito na ikinatindig ng balahibo ko.

Ba't niya ako kilala?Tatayo na sana ako ng hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko.

"Nasa delikado kang mga kamay Angelica. Hinahain mo ang iyong sarili sa mga taong pumatay sa mga magulang mo."

Halos sumabog ako sa mga narinig.

"A-Anong ibig mong sabihin.."

"Bawat lumalapit sa iyo ay namamatay at alam kong hindi na maoorasan ang oras ko ngayon. Leon is a monster. He killed your family Angelica. Leon killed your mother and father."

Hindi pa namiminutuhan ang mga narinig ko mula sa pulubi nang biglang tumalsik ang dugo sa aking mukha. Huli kong natanto na nawasak ang ulo ng babaeng pulubi.

Halos tumili ako sa nakita.

"Clean the mess." Narinig ko ang baritonong boses ni Leon. Halos hindi ko siya matingnan. Dahil alam kong sa oras na titingnan ko siya maraming mga tanong ang gusto kong itanong at isumbat.

Nanginginig ang kalamanan ko at unti unti siyang tinignan sa mga mata. Umihip ang malakas na hangin ng magtama ang aming mata.

"Totoo ba?" buong tapang na tanong ko.

Nanatili itong tahimik.

"Sumagot ka! Totoo ba?!"

Walang ginawa ang mga tauhan niya at nakatingin lamang.

Nang hindi siya sumagot ay sinampal ko siya ng pagkalakas lakas dahilan para tutukan ako ng baril ng isa niyang tauhan.

Mabilis ang pangyayari nang hablutin ni Leon ang baril niya at binaril ang tauhan na tumutok sa akin ng baril.
Natutop ko ang aking bibig.

"Galangin niyo ang babaeng mahal ko ,maliwanag?!" Sigaw nito sa mga tauhan. Kumikirot ang aking puso sa mga nalaman at nakita.

What are you doing Leon? Why are you like this?


You are reading the story above: TeenFic.Net