Kabanata 13

Background color
Font
Font size
Line height


Damdamin

Nakatatak sa isip ko ang sinabi ni Leon. Kung sino 'raw na lalaki ang lalapitan ko papatayin niya. So , paano ako makakapunta kay Seth? Si Seth na naging mabuti sa akin at nahospital nang dahil sa akin! Paano ko ipapaliwanag kay Leon na gusto kong pumunta kung nagbabanta na siya? Kaya ko napagdesisyonang umalis nang walang paalam dahil alam ko ang isang Leon Monasterio!

Hapon na at kakarating ko lang sa bahay galing eskwelahan. Wala pa si Leon kaya naisip kong hanapin si James Felix. Nakita ko itong nasa gilid nang garden nakadapa at may tinitira. Huli ko na nakitang isang baril na laruan ang hawak nito.

Alam ko ang laruan na 'yon. Minsan ko nang nakita na nilalaruan ng ibang bata. May bala iyon na matigas at marami nang nahospital nang dahil sa laruang baril. Katulad nang, aksidenteng nabaril niya sariling tainga at pumasok sa loob ang bala kaya inoperahan ang bata. Meron ring tumalasik pabalik ang bala at natamaan sa mata.

"James Felix!"Lumapit agad ako sa bata kaya napatingin ito sa akin. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Sino nagbigay nang baril sayo James?"

"Mommy Sabrina gave this." nauutal ang boses nito.

Ngumiti ako. "Alam mo bang bawal iyan? Bata kapa di'ba? Dapat 'yung laruan mo mga lego or puzzles. Puwede rin basketball."

"But I like guns." giit nito at nangunot ang noo.

"Angelica, hayaan mo na ang bata. " biglang sumulpot si Sabrina sa aking likod. Tumayo ako sa pagkakayukod.

"Pero delikado 'yan di'ba?"

Humalakhak si Sabrina. "Alam mo kilala ko na si Leon at James noon pa. Father like son nga naman kasi mahilig sa baril na laruan si James , actually, marami na siyang laruan na baril na nabigay ko. "

Natahimik ako. Parang nawalan ako nang karapatan. Shit, nahihibang na talaga ako. Wala nga pala akong karapatan at bago lang ako dito.

Ngumiti ako at tumango. Pinagmasdan sila Sabrina na naglalaro ni James Felix.

Huminga ako nang malalim at unti unti silang tinalikuran. Napagpasyahan ko nalang na magluto. Hinanda ko yung ingredients para sa tinolang manok. Kami kasi sa bahay kadalasan ang ulam ay tinolang manok, missua na may itlog, ginisa na munggo.

Habang inihahanda ko biglang dumating si Sabrina. "Anong lulutuin mo Angelica?" tanong nito.

"Uh tinolang manok."

"Wow! Gusto ko rin sanang magluto 'pwedeng paturo?"

"Oo naman!"

Nagsimula narin itong maghanda nang sarili niyang lulutuin. May mga katulong na gustong tumulong pero hindi na kami pumayag. Si James Felix nalang ang binantayan nila.

Nilagay ko ang ibang sangkap sa aking niluluto nang tinanong ako ni Sabrina.

"Angel ano nga pala 'yung uri na tomatoe sauce na magandang ilagay sa menudo? Tsaka gaano karami?"

"Sa probinsya samin kahit ketchup oks na!" humalakhak ako.

"What?!" nagimbal ito.

Tumango ako. "Yup! Pero maganda yung Del Monte Tomatoe sauce. Ibuhos mo yung kalahati at wa'g nang lagyan nang tubig para masarap ang lasa. Gisahin mo muna yung karne ha?"

Tumango ito at nagluto narin nang sarili niya.

"Ay, Angel, puwede pakikuha naman saglit nang cellphone ko sa garden? Naiwan ko yata sa bench doon.Please."

Pakiusap nito sa akin dahil malapit narin namang maluto ang tinolang manok ko.

"Sige, paki-asikaso nalang ng niluluto ko ha?"

"Salamat!"

Natapos na ang aming pagluto. Nakaligo na ako at bababa na sana nang biglang bumukas ang pinto at niluwa n'on si Leon.

Niluluwagan nito ang kurbata at nasa akin na agad ang tingin.

"Nakarating kana pala.Mag bihis kana para makakain ka."

Nilagay ko ang suklay sa tokador. Nakaupo ako sa harapan nang malaking salamin. Nakita kong naghubad ito nang polo at sinabit sa isang rack. Umupo si Leon sa kama at nagsimula nang maghumerintado ang aking puso. Si Leon habang nakaupo sa kama at nakatingin sa akin ay isang malaking hiwaga.

"I'm tired baby, give me kiss please." malumanay ang boses nito at baritono. Napalunok ako nang ilang ulit. Inayos ko ang hibla nang aking short shorts at t shirts bago tumayo.

Bawat hakbang ko parang hihimatayin ako.

Hindi pa ako nakalapit nang hilahin na ako nito sa pulso at sinalampak sa kama. Dinaganan ako nito at hinalikan.

"Leon, hmmm." I moaned between our kisses.

"I miss you," bulong nito at hinalikan ako ulit. "Parang gusto kong dalhin ka nalang sa opisina ko araw-araw." ngumisi ito sa akin at pinagmasdan ako.

"Loko ka! May klase kaya ako."

"I know, I just...miss you." hindi ko alam kung anong klaseng pagkakamiss iyon dahil kung base sa boses niya ang tagal naming hindi nagkita huh?

Hinaplos ko ang panga niya. Kusa ko siyang hinalikan. "Kumain na tayo. "

Hindi pa ako nito pinakawalan sa loob nang kuwarto. Ilang minuto pa ako nitong hinalikan sa loob at inangkin ng labi nito ang itaas na bahagi ng aking katawan. Kung hindi ko pa siya pinilit hindi pa ito titigil.

Nakangiti akong pinagmamasdan si Felix at Leon na nag uusap sa aking harapan. Nasa tabi ko si Sabrina na hindi parin umuuwi hanggang ngayong gabi. Dito 'raw ito kakain. Ang alam ko kasi nang mga oras na hindi pa'ko kilala ni Leon si Sabrina ang katuwang niya sa pagpapalaki kay Felix.

"Leon pinagluto kita nang tinolang manok oh." Sinandukan ko ito at nilagay sa kanyang pinggan ang sabaw at tamang manok.

"It looks delicious." sabi nito. Nilagyan ko rin nang papaya ito.

"I want that too daddy." si Leon.

Nakamasid lang sa amin si Sabrina at panaka-nakang nag uusap sila ni Leon tungkol sa trabaho.

"Yes big boy."

Nilagyan ko rin ito sa pinggan niya.

"Shit!" biglang napamura si Leon at nilapag ang kutsara. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Oh god daddy it's creepy!" si Felix at hindi ma drawing ang mukha.

"B-Bakit?" nabigla ako sa reaksyon nila kaya tinikman ko ang aking niluto. Kahit ako nabigla sa lasa nitong sobrang pait na parang ampalaya.

"T-Teka...maayos naman 'y-yung pagluto ko nito kanina." Namumula ako sa hiya. Hindi ko alam ang aking gagawin.

"Ano ba lasa nang luto mo Angelica?" tanong ni Sabrina nakakunot noo. Umiling ako.

"Mapakla 'e. "

"That's okay baby." Si Leon at hinawakan ang kamay ko.

"Eto nalang Leon 'oh. Niluto ko yang menudo. It taste good." Iniabot nito kay Leon ang lalagyan ng menudo niya.

Nakatunganga lang ako sa kanila habang kumakain sila. Ngumingiti si Felix sa kanila. Parang isang pamilya na masaya at hindi ko alam kung ano ang rason ko sa pamilya nila. Hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang sarili ko.

Magaling akong magluto. Ngayon lang ako pumalpak. Hindi ko alam kung bakit.

"Uh excuse me." I excused myself. Tinungo ko ang swimming pool sa likod nang malaking mansyon.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak nang ganito. Naninikip ang dibdib ko. Naalala ko yung mga oras na sila lolo at lola lang ang kasama ko. Mahirap lang kami pero masaya. Hindi ako nakaramdam nang ganito ka bigat sa damdamin.

Dumaloy ang aking luha at pinunasan ko iyon. Nilapit ko ang sarili sa swimming pool. Naengganyo ako sa kinang nito.

Hinubad ko ang aking t shirt at aking short shorts. Binagsak ko iyon sa gilid. Nilagay ko rin doon ang aking salamin at binagsak ang buhok kong kulot at mahaba.

Hinayaan kong lumubog ang aking katawan sa malamig na tubig nang swimming pool. Gusto kong damhin ang lamig nito. Tinungo ko ang dulo na parte nito kung saan mas kita ko ang nagliliwanag na mga ilaw nang ka Maynilaan. Nagpapaligsahan ang bituin sa kinang n'on.

Nangalumbaba ako sa gilid nang pool at natulala doon. Biglang may humaplos na mainit na bagay sa aking baywang at magaspang na bagay sa aking balikat. Natanto kong si Leon ito. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I'm sorry."

Shit.Gusto kong umiyak pero pinatatag ko ang sarili ko.

"S-sorry saan?" Nanginginig ang aking labi.

"Alam kong magaling kang magluto. You used to create your own menu."

"T-Talaga?"Tumango ito.

"Bolero." bigla nalang iyon kumawala sa aking bibig. Tila ba nakasanayan ko na iyon sabihin. He chuckled at kinagat ang aking tainga.

"Damn." He uttered.

"Bakit?" gusto ko siyang tingnan pero hinalikhalikan na niya ang aking leeg.

"You're really my Angelica." He chuckled again. Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niyang naglilikot sa ilalim nang tubig.

Pilit nitong pinarte ang aking hita at ginilid ang aking panty.

"Leon. ." He touched my pearl.

Hinila nang isa nitong kamay pababa ang kaliwang bra ko at pinisil ang aking dibdib. Hindi kami nakikita dahil nakatalikod kami sa mansyon at malayo sa ilaw.

"You're really a good cook." He kissed my neck and pinched my down there again.

"Uhmm. ." Nangangatog na ang aking tuhod. Halos sumandal na ako sa katawan niyang makisig.

"And I'm a good eater." Humalakhak ito sa aking tainga tila may ibang ibig sabihin iyon. Nang matanto ko ang kanyang ibig sabihin ay hinampas ko ang braso niya.

"Gago!" His laughter echoed sa buong pool area.

You are reading the story above: TeenFic.Net