Kabanata 12

Background color
Font
Font size
Line height


Chapter 12
Warning


Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib, maging sa aking pagkatao. Parang nabibitin ako sa ere. 'Yung panaginip ko at ang mga nangyayari parang nasa ere at hindi ko maapuhap kung ano ito.

Nagising akong mag-isa. Ilang sandali ako nakatunganga at iniisip ang mga unang gagawin. Nagiging bahay tao pa ako ngayon lalo na't hindi ako sanay sa ganito. Malambot na kutson, marmol na sahig at may aircon. Malaki rin ang kanilang bathroom. Ibang-iba sa nakasanayan ko.

Nang maisip ko ang bathroom naexcite ako bigla. Kagat kagat labi kong binuksan ang aparador at pumili nang mga damit. Pikit mata ko itong kinuha.Ayaw kong tingnan ang mga presyo nito. Alam ko kasing mamahalin kahit simpleng t shirts lang ito.

Papasok na sana ako sa banyo nang may kumatok sa pinto.

"Ma'am Angelica! Ako na po ang magpapaligo sa inyo." biglang bungad nang isang katulong sa akin na ikinamulagat ko.

"Ha? Wa'g na po! Malaki na ako!" Natatawa akong kinamot ang buhok.

"Pero ang sabi ni Ser Leon po-"

"Sabihin mo bababa na'ko pagkatapos kong maligo." hindi ko naito binigyan nang pagkakataong sumagot pinagsarhan ko na siya nang pinto.

Nagbabad ako sa bath tub at binuhos ang lavender moisturizer sa aking katawan. Napangisi ako. Maganda rin pala ang ganito, nakakaexcite gumamit nang gamit pang mayaman.

Tinanggal ko ang salamin sa aking mata kaya hindi malinaw ang aking bisyon. Pero hindi iyon naging hadlang para mag enjoy ako sa mainit na tubig sa bath tub.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Leon na nakakunot ang noo. Nilubog ko ang katawan sa tubig at pilit inabot ang aking salamin.

Narinig kong bumagsak iyon sa baldosa na sahig at ang siyang paglapat nang pinto. Lumapit si Leon sa akin at yumukod para mapulot ang salamin.

Marahan niyang nilagay iyon sa aking mata. Pakiramdam ko nagpipisikan ang mga bulate ko sa aking tiyan.

Ngumiti ako sa kanya na hindi niya sinuklian. Kunot noo itong nakatingin sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"Kailan kalang nagsalamin?" tanong nito.

"Nakasanayan ko nato' noon pa."

Tumango ito. Kinuha nito ang tuwalya at pinatayo ako. Awkward ang aking nararamdaman habang nandiyan siya na naghihintay sa akin matapos ang pagbibihis.

Sa hapag kainan hindi ko matanggal ang mata sa kanyang anak. Walang tapon. Magkamukhang magkamukha sila. Ni hindi rin marunong ngumiti itong batang 'to.

"Daddy I want a gun."

Tumango si Leon at ngumisi. "Yes big boy kung malaki kana, I'll teach you how to handle it."

Hindi ako pabor sa sinabi ni Leon pero nanatili akong tahimik. Nasa harapan ko silang dalawa kaya malaya ko silang natitingnan.

May nararamdaman akong alapaap pero hindi ko mapoint out kung ano.

"Good morning!" bati ni Sabrina na may dalang isang box na laruan.

"Wow! Astrauboy!" si Felix at dinamba ng yakap si Sabrina. Nawala yung alaapap na aking nararamdaman at natunaw ang aking ngiti. Hindi ko matanggal ang aking mata habang magkayakap si Sabrina at Felix.

"Baby. . ." Hinawakan ni Leon ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. May kung ano sa mata nito na hindi ko maintindihan. Tila nangungusap, maraming salita sa mga mata nito at hindi ko iyon malaman kung ano.

Ngumiti ako at inayos ang aking salamin. "P-Puwede ba kitang makausap na tayo lang?"

Napabaling sa amin sina Sabrina. Nananantiya ang mga tingin ni Leon sa akin at kalauna'y tumango. I excused myself and sashayed my way on the library. Sa malawak na sala ay may pinto patungong library ni Leon. Pumasok ako doon at hinintay siya. Hindi siya nagtagal at sumunod ito.

Umupo ako sa sofa at tiningala siya.

"Gusto kong umuwi sa bahay. Puwede ko bang makita sila lola? Tsaka, si lolo gusto kong kamustahin."

Kumalabog ang puso ko nang umupo ito sa aking tabi. "Sasamahan kita." bulong nito sa akin.

Tiningnan ko ang mga kuko ko at bumuntong hininga.

Hindi ko maisa-isa ang mga nangyari sa akin at kung paano ako narito sa ganitong sitwasyon. Hindi ko ikakaila na gusto ko siya. Misteryoso, walang pagtitimpi at arogante pero gusto ko siya. Di ko inisip kung ano ang magiging bunga nang pagsama at pagsunod ko sa aking puso basta't kasama ko siya. Nagpatianod ako sa ilog nang damdamin at patuloy akong aanurin.

"Gusto kong mag aral sa paaralan na nakasanayan ko.Gusto kong malaya kong mapupuntahan sila lola, puwede ba 'yon?"

Binalik ko ang tingin sa kanya at nabigla sa sobrang lapit namin. Wala nang espasyo,konting push nalang lalapat na ang labi ko sa kanya. Ang lapit niya sakin parang pinakiraramdaman ang aking init sa katawan. Naliliyo ko siyang tiningnan.

"As long as you're mine, walang problema Angelica."

Napapikit ako nang sambitin nito ang aking pangalan. Kumibot ng husto ang aking puso.

"Angelica. . ." napamulat ako ulit nang sambitin nito ang pangalan ko ulit. Ngumingisi na ito.

"Bakit maganda sa pandinig ko?"

"Gustong gusto mong maririnig ang pangalan mo mula sakin. . ."

Umawang ang labi ko. Bago ako makapagsalita pinatakan na ako nito ng halik sa labi habang hawak ang aking baba.

"You will know everything Angelica. One step at a time, you'll know. . ." Bulong nito.

Tinupad ni Leon ang sinabi niya. Pupunta kami sa bahay nila lolo sa weekend. Ngayon nasa paaralan ako at tinatanaw ang likod nang kotse na papalayo. Napahawak nalang ako sa labing kakahalik lang ni Leon.

Hinatid niya ako dito. Alam kong may mga nakabantay sa akin pero di ko alam kung nasaan.

Marami ang napapatingin sa akin. Hindi ko nalang inintindi ang mga bulong bulongan nila.

Papasok palang ako nang dinamba na ako ng yakap ni Kaira. "Angel, nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Seth?"

Huminga ako ng malalim at tumango. Umupo kaming dalawa.

"Pinagkalat 'nong kailan ni Karina na ikaw raw ang may kasalanan. Hinatid ka 'raw ni Seth kaya napagtripan siya."

Nagiguilty ako nang sobra.

"Kaira hinatid ako ni Seth noong araw na 'yun.H-Hindi ko alam na 'ganun ang mangyayari-"

"Malala si Seth ngayon Angel."Gusto kong magmura.

Nagsimula ang aming klase. Normal na araw ito para sa iba pero ako, hindi ko maipalagay ang isip. Marami akong iniisip. Nakita ko si Karina na tahimik ang halata ang pamumugto nang mata.

Kasalanan ko ang nangyari kay Seth. Hindi ko kayang dalhin ang ganitong bigat sa dibdib.

Nang mag lunch time sabay kami ni Kaira na lumabas nasa pintuan na kami nang humarang si Karina.

Naging mas klaro ang mugto nang kanyang mata. "Puwede ba kitang makausap?"

Napalunok ako. Tiningnan ko ni Kaira at unti unti siyang umalis.

"Gusto kang makausap ni Seth."

"Okay na ba siya? Kamusta siya?" Nagulat ako sa balitang sinabi niya. Huminga ito nang malalim.

"H-Hindi siya masyadong makapagsalita pero pangalan mo ang sinasambit n-niya." pumiyok ang boses ni Karina.

"Please, hindi m-man kaibigan ang turingan natin pero sana para kay Seth gawin m-mo."

Marahan akong tumango. Buong klase namin sa hapon ay hindi na ako mapalagay. Binigay sa akin ang kumpletong detalye ni Seth sa hospital. Nang mag dismissed sa hapon hindi ako dumaan sa main gate.

Bawat galaw ko ay nagtitimbang at dahan dahan. Hindi ako mapakali na baka, narito lang ang nagbabantay sa akin at malaman ni Leon. Patay ako pag nagkataon.

Nang makalampas sa backgate pumara agad ako nang trycicle at nakahinga nang maluwag nang makaalis ito.

Kinakabahan ako habang lulan nang trycicle. "Kaya ko'to! Hindi malalaman ni Leon to."

Walang sampong segundo pa nang sabihin ko iyon nang biglang pumreno ang trycicle at halos mauntog ako.

"Ma-Manong anong n-nangyayari?"

"Ateng may humarang na sasakyan e." Napakamot pa ito sa batok ,mukhang kinakabahan.

Sa siwang nang traysikel nakita ko ang itim na sasakyan.

"Oh my god!" Natutop ko ang bibig at sisilip sanang muli nang may humintong itim na sapatos sa aking gilid.

"Get out young lady.." malamig ang boses ni Leon.

Kumalabog nang husto ang puso ko. Nilunok ko ang humaharang na bato sa aking lalamunan.

Mangiyak-ngiyak akong lumabas at hinigpitan ang hawak sa aking bag.

"Leon!" Napasinghap nang kabigin ako nito at hinila papuntang kotse niya. Yumuko ang mga tauhan niya nang makalapit na kami.

"Bigyan niyo nang pera."malamig na utos nito sa tauhan at nakita kong nilapitan nito ang manong sa trycicle.

Hinagis ako ni Leon sa loob nang kotse at padaskol na sinara ang pinto. Umikot ito para makapasok narin. Nang makapasok siya kahit ang ere sa loob nang kotse ay naging intimida para sa akin.

Nikuwagan nito ang necktie at pinilo ang polo sa siko. Halos mabali ang aking kuko sa kakakurot ko sa mga ito. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa mga mata niya.

"Saan mo balak pumunta?" nanginig ang aking tuhod sa lamig nang boses niya.

Napatingin ako sa driver sa harapan na walang pake sa amin.

"Uhmm may b-bibilhin lang. ." Shit!

Kinabig ako nito sa baywang para idikit lalo sa kanya. Ang kamay niya ay pinatong sa aking hita habang ang isa ay nasa aking likod.

"Anong bibilhin mo?"

" Uh ano. . .uh ballpen." wala na talaga akong maisip. Narinig ko ang halakhak nito sa aking tainga.

"My dear Angelica, isang dosenang ballpen ang binili ko sayo mula ibang bansa hindi pa ba iyon sapat?"

Napapikit ako nang mariin. Nahuli na talaga ako.

Umawang ang labi ko nang hawakan niya ang aking baba at inangat para makatingin sa kanya.

"Take off your eye glasses." utos nito sa akin. Nanginginig kong hinubad iyon at pinatingin ako ulit sa kanya. Pinisil niya ang baba ko habang mataimtim na nakatingin sa aking mga mata.

"Sinungaling ang mga labi mo pero ang mga mata mo hindi makakapagsinungaling."

"Leon. . "

"I own your world Angelica. Simula nang angkinin kita. . .bawat galaw mo alam ko. Kahit hininga at mga balak mo alam ko ."

Humigpit ang hawak nito sa aking baywang. "Aray. . L-Leon ano ba!"

Umakyat ito sa aking batok at hinawakan ako doon nang mahigpit. Sa sobrang kaba ko gusto kong humingi nang tulong sa driver!

"Kung sino man ang lalapitan mo papatayin ko. Naiintindihan mo?"

Sunod sunod na tango ang aking naging sagot bago ako nito hinalikan nang mapusok. Napahawak ako sa braso niya nang umurong ang aking ulo at napasandal.

Napaungol at napaiyak ako nang walang habas na kinagat nito ang aking ibabang labi bago sinipsip.

Tinulak ko siya nang malakas at napahawak sa aking labing may dugo.

"I am warning you Angelica." Malamig na banta nito sa akin at umiwas nang tingin.

You are reading the story above: TeenFic.Net