08

Background color
Font
Font size
Line height

"I am snowed under with work. Damn it, I have been signing and signing and signing for almost an hour now."


"Nasaan ba kasi 'yong secretary mo?" Tanong ko kay zak na kausap ko sa cellphone. Nasa U.S siya ngayon.


"He is doing other tasks. Besides, this paper has to be evaluated by me. I could ask him to send a summarized version though. But I have to be meticulous with this one."


Ganoon ang naging sitwasyon namin sa araw-araw. Tinatawagan kami ni zak para kamustahin. May mga araw na hindi siya nakakatawag pero naiintindihan ko naman dahil abala siya. Hindi naman siya nagpunta doon para mag cellphone o gumala. Nandoon siya para sa trabaho. At isa pa, si zak 'yong klase ng tao na tamad sa pag ti-text. Naranasan ko na ang mag text ng mahaba sa kanya tapos isang letra lang ang reply niya.


Kasalukuyan kong binibihisan si riu dahil katatapos ko lang siyang paliguan. Hindi naman siya nahihiya sa akin. Hindi na rin siya nahihiya mag sabi pag nag poo-poo siya. Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang kumatok si mildred.


"Madam, may tao po sa labas. Pinapatanong po ng guard kung kilala niyo daw po ba at kung papasukin po ba daw o hindi," aniya.


Napa-kunot ang noo ko. "Sino?"


"Naalala mo po 'yong nakaalitan ni sir zak sa mall?" Tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko.


"Si Andrius?!"


"May mga kasama po siyang bata ngayon."


"Paki-sabi naman sa guard na papasukin sila."


Nakakapagtaka man kung bakit sila nandito pero hindi naman dahilan 'yon para hindi ko sila tanggapin dito sa bahay. Lalo pa at kasama niya ang mga bata.


Pag-baba ko karga si riu naabutan ko sila sa sala. Pero bukod sa mag-ama may kasama pa silang dalawang lalaki na hindi ko kilala. Napatayo silang lahat nang makita na papalapit ako. Napansin ko 'yong lihim na pag-aayos ng batang lalaki sa buhok nya kaya napangiti ako. May bitbit din siyang bulaklak— hindi, lahat sila may dalang bulaklak. Bukod duon sa dalawang lalaki na hindi ko kilala.


"Sab— Cassandra," ani Andrius. Palipat-lipat ang tingin mula sa akin at kay riu.


"Hello po," napatingin ako sa batang lalaki. "bulaklak po para sa'yo. A—ako po ang pumitas po nyan," inabot niya sa akin ang bulaklak. "Ako po si arc. Arcus Gavriel po," pakilala niya. Nginitian ko siya.


"Hello po," napatingin naman ako sa batang babae. Pero noong mag tama ang tingin namin napayuko siya. Nahihiya yata, "Para sa 'yo po momm—madam. Ako din po ang pumitas niyan," inabot niya sa akin ang bulaklak. "Tapos ito din po," inabot niya rin sa akin 'yong bracelet na gawa sa beads. "Ako po ang gumawa nyan. Sorry po hindi ko kayo mabilihan ng mamahalin na alahas. Hindi pa po kasi kaya ng ipon ko," aniya. Nginitian ko siya at hinaplos sa buhok.


"Ayos lang. Hindi naman mahalaga ang presyo anak," sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at nag-liwanag ang mukha.


"Ako nga po pala si hira. Sapphira Aelin po," masayang wika niya. "Magkatunog po tayo ng pangal—" pinutol ni arc ang sasabihin ni hira kaya napayuko na lang siya. "Sorry mom— madam."


"Thank you," sabi ko sa dalawang bata bago bumaling kay andrius. Nang mag tama ang tingin namin inabot niya rin sa akin 'yong dala niyang bulaklak.


"Salamat," sabi ko. "Bakit nga pala napabisita kayo?" Tanong ko kay andrius.


"Gusto ka kasing makita ng mga bata," aniya. Nilingon ko 'yong mga bata. Naabutan ko silang nakatitig sa akin pero yumuko din noong mag-tama ang tingin namin. Nahihiya yata talaga sila sa akin.


Nginitian ko sila at ibinaba si riu, "Riu anak, meet ate hira ang kuya arc," kumaway sa kanila si riu. Palipat-lipat ang tingin nila mula sa akin tapos kay riu.


"B—baby mo po siya?" Tanong ni arc.


"Yes. He's my baby. 3 years old pa lang siya."


"Madam," nilingon ko 'yong isang lalaking kasama nila. "Ako po si Lucifer."


"Ako naman po si Pedrino. Driver mo po— este driver po kami nila sir andrius," pakilala nung isa.


"Madam, handa na po yung mga gagamitin mo sa pagluluto," ani mildred. Nagkatinginan sila ni pedrino.


"Kumain na ba kayo?" Tanong ko kay andrius na nakatitig sa akin.


Ayan na naman siya.


"Hindi pa," aniya.


"Kung ganoon, dito muna kayo. Magluluto ako ng tanghalian natin."


Iniwan ko muna sa kanila si riu para may kalaro siya habang nagluluto ako. Nandoon din naman si mildred para umalalay.


Kasalukuyan akong nag ma-marinate ng manok nang pumasok si hira.


"Hello po," bati niya.


"Hi," nginitian ko siya.


"Kailangan mo po ng tulong? I can help po," mukha siyang nag aalangan at nahihiya. Ayoko namang matakot siya sa akin kaya pinagbigyan ko na.


"Halika," kinuha ko 'yong isang apron tapos sinuot sa kaniya. "Marunong ka ba mag marinate ng chicken?"


"Opo!" Masayang sagot niya. "We use— I mean, me and my mommy used to bake together po. Palagi po kaming nag be-bake. Tapos po minsan sumasali sila kuya at daddy kaya maingay po kami lagi sa kitchen," aniya.


Napansin ko ang pamamasa ng gilid ng mata niya kaya niyakap ko siya.


Bata pa si hira. Kaya naiintindihan ko na sensitibo siya sa mga ganitong klase ng usapan.


"Is there anything you want to say to your mom? You can say it to me. Imagine that she was me. That could help you ease the pain, baby," I said. She hugged me back.


"Mommy, namimiss na po kita. Pag may uma-away sa akin wala na po nagtatanggol sa akin. Hindi ko po sila pinapatulan kasi ayun po 'yong turo mo sa amin. Na di bale na ang naapi keysa nang-aapi. Palagi po akong umiiyak pag may sakit ako. Namimiss ko na po kasi 'yong kumportableng init ng katawan mo pag niyayakap mo 'ko tuwing may lagnat ako. Mommy, balik ka na po sa amin. Uwi na po tayo. Sorry po naging bad girl ako dati. Sorry po kasi dati nag maldita ako pag pinapagalitan mo 'ko. Pero mommy noong iniwan mo po kami narealize ko na ang swerte ko po pala kasi may mommy ako na pinagsasabihan ako. Namimiss ko na po 'yong pinapagalitan mo 'ko. Namimiss ko na po 'yong tuwing nagigising ako may mommy ako na nag aasikaso ng breakfast ko. Namimiss ko na rin po 'yong may mommy ako na nagagalit kapag magulo ang damitan ko. Miss na miss na po kita."


Sa bawat salitang binibitawan niya pakiramdam ko para sa akin talaga 'yon. Bumibigat ang dibdib ko dahil nasasaktan ako. Pero alam kong 'yong sakit na nararamdaman ko ay kulang pa sa sakit na nararamdaman ni hira. Iyong maisip ko lang siya na umiiyak habang mataas ang lagnat tapos hinahanap 'yong yakap ng mommy niya nasasaktan na ako.


"Sorry," kusang lumabas 'yon sa bibig ko. Hindi na rin mapigilan ng mga luha kong dumaloy mula sa mata ko.


Ilang sandali ko siyang pinakalma bago namin itinuloy ang pag-luluto. Pati ako kasi kailangan ko pang pakalmahin ang sarili ko.


Tinitignan ko siya habang nag-luluto ako.


Matatag na bata si hira. Kahit anong sigla ng boses niya alam kong nasasaktan pa rin ang kalooban niya. Matatag siya dahil nakakaya niyang itago 'yon at gumalaw na parang ayos lang ang lahat.


Tama yan, anak. Maging matatag ka. Worth it naman sa huli pag napagtagumpayan mo ang sakit. At sa buhay, kailangan mo talagang masaktan para maging masaya ka. Dahil hindi mo masasabing masaya ka kung hindi mo pa nararanasan masaktan at lumuha.


Napangiti ako dahil nag ha-humming siya habang nag ma-marinate ng manok. Hindi ko na napigilan kaya sinabayan ko siya.


"Kakain na!" Sigaw ko para marinig nila mula sa sala. Tinulungan din akong mag hain ni hira.


"Wow!" Si arc ang unang pumasok. "Namiss ko po 'yong mga luto mo mommy," aniya. Natigilan ako doon.


"Daddy, halika po! Tumulong ako mag marinate niyan," hinihila ni hira si andrius pero nasa akin ang atensyon niya. Inirapan ko siya.


Kinuha ko si riu kay mildred para maiupo siya sa baby chair niya. Napalingon ulit ako kay mildred dahil natalisod siya. Tatama ang ulo niya sa dulo ng mesa kung walang naka-salo sa kaniya.


"Kerful..." si Pedrino.


Inaasikaso na 'yong pagkain ni riu pero nagulat ako dahil nang lumingon ako sa gilid ko nakatayo mula roon si andrius.


"Hindi ka mabubusog kung panoorin mo lang ako," sabi ko habang hinihimay ang manok ni riu. "Kumain kana, andrius," utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.


Masunurin.


"Wife," ani Andrius. Hindi ko alam kung sinong wife 'yong tinutukoy niya.


"Sab," hindi pa rin ako lumilingon.


"Cass— Cassandra," nilingon ko sya.


"What?"


"Look at this fish," tinuro ang galunggong.


"What about it?"


"It looks like zak," halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Namutawi naman ang halakhak nila mildred sa buong lugar.


"Are you serious? You are comparing my husband to a fish?" I scoffed.


"I'm not lying. Look," tinuro niya ulit ang inosenteng isda.


"Sira ulo," Inirapan ko na lang sya.


Bakit pakiramdam ko sanay na sanay siyang inisin si zak? Para bang gawain niya talaga 'yon.


Ipinilig ko ang ulo ko at nag banyo muna. Kaya lang, pakiramdam ko may nakabuntot sa akin.


Hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ko sumusunod sa akin si andrius. Yumuko siya nang mag tama ang tingin namin.


"Ang ganda ng tiles niyo. Saan nyo 'to binili?"


"Bumalik ka nga doon! Bantayan mo 'yong mga bata!" Napakamot siya sa batok niya pero sinunod naman ang utos ko.


Alangan namang isama ko pa siya sa banyo.


Pag balik ko sa kusina naabutan ko silang nanonood ng TV habang kumakain. Hindi muna ako nagpakita para matitigan ko sila isa-isa. Si hira, arc at andrius halos hindi nagkakalayo ang mga itsura. Pare-pareho pa silang asul ang mga mata.


Inaalala ko muna ang itsura ni zak bago tumingin kay riu. Ang layo talaga ng itsura niya kay zak. Kahit sa akin. Sa kulay pa lang ng mata malayo na e. Pero pamilyar na pamilyar pa rin talaga ang itsura nya. Parang nakita ko na 'yon noon.


Naputol ang pagmamasid ko sa kanila nang makita ako ni andrius at tumayo. Hindi ko sya pinansin dahil dumiretso ako sa tabi ni riu para kumain na.


Nagambala ang tahimik naming pagkain dahil kay lucifer. Ang lambot kasi ng ubo niya tapos nilunok. Hindi man lang dinura. Napangiwi ako.


"What—the—fucking—shit!" Ani Andrius.


"Putang inang kadugyutan yan Lucifer!" si Pedrino. "Alam ko mahirap ang buhay. Pero kahit gaano kahirap at wala ka na talagang makain, wag kang kakain ng plema!"


Hanggang sa natapos kami kumain puno ng tawanan at kulitan dahil kina pedrino, lucifer, at mildred tapos minsan nakikisali pa si andrius. Si berto tahimik lang.


Nag-liligpit na si mildred ng mga pinagkainan kaya tutulungan dapat sya ni pedrino pero sumingit si berto. "Tabi... ako na!"


Dumiretso naman kami sa sala. Sinalang ko 'yong mickey mouse na cd para manood ang mga bata. Kaya lang napansin kong makulimlim sa labas kaya iniwan ko muna sila para kunin ang mga sinampay.


Naramdaman kong may sumusunod na naman sa akin. Hindi ko na kailangan lingunin kung sino.


"Sab. I mean, Cassandra?" Tawag niya sakin habang kumukuha ako ng sampay.


"Why?"


"Alam mo ba marunong na ako mag luto ngayon..." masayang kwento nya. "Marunong na din ako mag plantsa... Ah, and your garden! Wife, inalagaan ko yung mga tanim mo... Marunong na din ako!" he excitedly and proudly exclaimed. "Naalala ko dati nagagalit ka kapag mali ako ng buhos ng tubig sa halaman mo kasi sabi mo nalulunod sila..." he laughed. "marunong na din ako mag tahi..." napa tigil ako sa pagkuha ng sampay at nilingon sya.


"Why are you telling me this?" Tanong ko. Nalukot bigla ang itsura nya.


"I did my best to learn everything while you were gone. Pinag-aralan ko 'yong mga gawaing bahay na hindi ko alam dati para pagbalik mo ikaw naman 'yong pagsisilbihan ko. Para wala ka nang gawin. Kahit ako na lahat," aniya.


Ipinagsawalang bahala ko 'yon at ibinaling na lang sa ibang bagay ang usapan.


"Kamusta ang mga bata?"


"They always tell me that they are fine but I know they are not," napatigil ako sa pag-kuha ng sampay. "Hira often has nightmares about her mom. That night was so traumatic for them. I often hear her saying sorry in her sleep. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon 'yong mga salitang binitawan nila nung gabing 'yon. Dahil kahit ako hindi ko mapigilan ang sarili ko. Yung mga bata, alam kong kahit kailan hindi sila nag tanim ng sama ng loob sa mommy nila. Pero nag tampo sila," aniya.


"Bakit sila nagtatampo?"


"Naging miserable ang buhay namin noong iniwan kami ng mommy nila. Si hira nabu-bully. Tapos si arc laging napapa-away dahil pinagtatanggol si hira. Hindi nila sinabi sa akin yun kaya huli na nung nalaman ko. Dahil kahit ako man nawala rin ako sa sarili," napayuko siya. "Napabayaan ko sila."


Sasagot na sana ako sa kanya pero nakarinig ako ng iyak mula sa loob ng bahay kaya nag-mamadali akong pumasok.


si riu.


"What's happening here?" Tanong ni andrius sa mga bata. May pinag-aagawan si riu at arc. Uminit bigla 'yong ulo ko dahil nakita kong umiiyak si riu. Nilapitan ko kaagad siya at kinarga.


"Mommy, wala po akong gina—" pinutol ko 'yong sasabihin ni arc at bumaling kay andrius.


"I appreciate your visit but I think you should go now."


You are reading the story above: TeenFic.Net