06

Background color
Font
Font size
Line height

"Mommy...."


My hands began trembling and tears began to cloud my sight. I can barely see the face of the girl in front of me.


"What are you doing here, mommy?"


"But we're okay now, mommy. Right, Daddy? Kuya?"


I closed my eyes. I am hearing those voices again. Stop! Somebody, please make it stop.


"Hira!" A voice behind the little girl shouted. It is a boy. I think it was her brother. He stopped when he saw me.


"Hira! Arc!" A voice then shouted behind me. I think he was referring to the kids.


"Daddy!" Sigaw ng dalawang bata.


Daddy? Anak niya ang mga batang 'to?


"Sab," hinarap ko siya nang hawakan niya ako sa braso. Malamlam ang kaniyang mga mata habang ang sa akin naman ay puno ng luha.


"Mommy," tumakbo ang dalawang bata para yumakap sa akin. Lahat sila yumakap na sa akin. Sa harap ang mga bata sa likod naman ang lalaki. Sa lapad ng katawan niya nasasakop kaming tatlo ng yakap niya.


"Bitawan nyo 'ko," pinipilit kong kalasin ang yakap nila sa akin pero masyado 'yong mahigpit. Nagsimula nang umiyak ang mga bata.


"Mommy," tawag sa akin ng batang lalaki habang umiiyak.


"Mommy ko. I miss you po. Uwi na po tayo," pagmamakaawa ng batang babae.


"Wife."


"Bitaw sabi eh! Ano ba!" Sigaw ko at buong lakas na kinalas ang pagkakayakap nila sa akin. Lalapit sana ulit yung batang babae sa akin pero lumayo ako.


"Wag niyo 'kong lapitan. Hindi ko nga kayo kilala sabi eh!"


"Wife, please. Hayaan mo namang makausap ka ng mga anak natin," pagmamakaawa ng daddy nila. Hahawakan sana niya ulit ako sa braso pero umilag ako.


"Wife? Mga anak? How many times do I have to tell you that I don't know you?!" Pinakita ko sa kanya ang singsing na sinuot sa akin ni zak kanina. "I am married! We have a son! They are my family!" Tinignan ko isa-isa ang luhaan nilang mga mukha.


"Mommy ko."


"Stop calling me mommy!" I shouted and pointed at their father. "And stop calling me your wife! Hindi ka ba nahihiya?! Asawa ako ng kaibigan mo!"


"We are your family!"


Aalis na sana ako pero niyakap ulit nila ako para pigilan. Yumakap ang batang babae sa tiyan ko at ang batang lalaki naman lumuhod para mayakap ako sa binti, pinipigilan ang paghakbang ko. Ang daddy nila niyakap rin ako mula sa likuran.


"Wife please," he is sobbing. "It's okay if you don't remember us, just go home to us. I'm begging you."


Kinalas ko ulit ang pagkakayakap nila sa akin. Hindi ko na sila pinapansin at nag madali na lang umalis doon para makabalik na sa pamilya ko. Mabuti na lang din at hindi na nila ako pinigilan o sinundan. Ang bigat lang ng bawat hakbang ko dahil naririnig ko ang pag tangis nila. Tinatawag nila ako. Pero hindi ko na sila nilingon ulit.


"What took you so long?" Tanong ni Zak pagbalik ko. Tinignan ko si riu na abala sa nilalaro nyang kutsara habang nasa kandungan ng daddy nya.


"Sorry. Marami kasi akong nakasabay sa banyo kaya natagalan. Akin na si riu," kinuha ko siya pero naagaw ang atensyon ko ng mga kadarating lang.


It's them. Umupo sila sa hindi kalayuan sa table namin. Pag upo nila nahanap agad nila ang tingin ko. Hindi ko alam kung napansin ba sila ni zak dahil kinakausap niya yung matanda na kasama namin dito sa table. Umiling ako at inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aasikaso kay riu. May inaabot siya sa mesa... 'yong lumpia.


"Ang anak ko," pinupog ko siya ng halik sa pisngi at kiniliti.


"Mommy, it tap," aniya habang tumatawa.


"Stop 'yon anak not it tap."


"Op-po," tawa ako ng tawa dahil sa bulol na pananalita ni riu. Umayos siya ng upo sa hita ko para mayakap ako at ihilig ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na siguro.


Hinawakan ko ang pulsuhan ni zak kung saan naroon ang relo niya. Alas onse na pala. Kaya inaantok na si riu dahil alas diyes pa lang natutulog na siya pero hindi ko muna sya hinayaan matulog para mapakain. Naagaw ang atensyon namin nang mag salita ang emcee.


"Good evening, Ladies and Gentlemen. I am thrilled to inform you that we will be having a special performer. Please allow me to introduce Engineer Alexandrius Gavril Velarde who will be singing for us tonight. Join me in welcoming him on stage," nag palakpakan ang lahat pero natigilan ako nang makita kung sino yung nasa harapan. Ganun din si zak.


"I am not a singer. I hate performing. But tonight," he glanced at me. "To my one and only. It is one of your favorite songs that I used to sing for you."


"Hindi ba patay na ang asawa ni engineer?" Bulong ng isang guest sa kausap nya. Magka-tabi kami ng table kaya naririnig ko 'yong pinag-uusapan nila.


"Ang alam ko nawawala lang. Hanggang ngayon kasi hinahanap pa rin nila," sagot nung isa. Nabalik ang tingin ko sa harap nang mag simula na siyang umawit.


And oh, my love
I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far
So, I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love
Overseas, from coast to coast
To find a place I love the most
Where the fields are green
To see you once again
My love


This is familiar. Para akong dinadala ng boses niya sa lugar na hindi ko maalala na napuntahan ko na. Ipinikit ko ang mga mata ko.


We were in a garden watching the sunset.


"I told you I can't sing," the man with a blurry face said.


"Pretty please please please," I pouted. He pinched my cheeks.


"Palibhasa alam mo na hindi kita matitiis e," aniya.


"Please, Andrius," I begged.


"Andrius," mahinang usal ko pag-mulat ko ng mga mata ko.


"Hey, are you okay?" Tanong ni zak at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.


"Yes," I replied and helped him wipe my tears.


"I think we should go."



Tumango ako bago tumingin sa harap. Tapos na siyang kumanta. Pero hindi ko inaasahan na lalapitan niya kami.


"Where are you going?" Tanong nung lalaki. Tinago ako ni zak sa likuran nya.


"It's none of your business, Andrius."


Nanlalaki ng mga matang napatingin ako kay zak at sa lalaki. Andrius is his name?


"Unfortunately, it is my business because you are taking my wife away!"


"Sinabi ko na sayo na hindi mo siya asawa, Velarde."


"Did you plan all of this, Venecio? Hide my wife from me and make my life miserable as hell? Is this why you helped me?"


"I never did," Zak answered. His cold voice surprised me. He never talked to me that way.


I looked at the man— Andrius, and saw how pain striked his features. Hindi ba talaga napansin ni zak 'yon? Akala ko ba magkaibigan sila? Kung ganon bakit sila nauwi sa ganito?


Nilingon ko si zak. Malamig ang kanyang mga mata na nakatingin kay andrius. Naaagaw na namin ang atensyon ng mga bisita kaya pinigilan ko si zak na wag na makipag sagutan para hindi na lumala pa.


"Tama na zak," hinaplos ko siya sa braso at madilim na napatingin doon 'yong andrius.


"Sab."


"I am not sab. And please let us leave peacefully. I don't want any commotion, Mr. Velarde. We are with our son," I said. He looked defeated.


"Daddy," lumapit sa kanya ang dalawa nyang anak tapos niyakap sya.


"Mommy ko," tawag sa akin nung batang babae. Malungkot ko siyang nginitian.


Naaawa ako sa mga bata. Masyado pa silang bata para maranasan ang mga 'to. Sa mga ganitong sitwasyon palaging 'yong mga bata ang dehado.


Kung totoo nga na kamukha ko ang namayapang asawa ng kaibigan ni zak, ibig sabihin nakikita nila sa akin 'yong mommy nila. Hindi ko sila masisisi. Dahil bilang mga bata natural na mangulila sila sa pagaaruga ng isang ina. Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa ginawa ko kanina. Sana pala pinagbigyan ko na lang sila na yakapin ako. Hindi man ako ang ina nila pero baka sakaling maibsan non 'yong pangungulila nila.


"You probably miss your mother that much... I understand. But I am not her. I'm not your mother."


You are reading the story above: TeenFic.Net