OM2

Background color
Font
Font size
Line height

Aria'

"GOOD MORNING CLASS." Bati ng adviser namin nang makapasok ito.

Hindi pa tuluyang nakakaupo nang pumasok namang dalawang gwapong lalaki sa room. Napatingin sa kanila ang lahat.

Nakatayo lang ang isa habang pasulyap-sulyap naman ang kasama nito sa katabi. He's kinda sus.

"Oh, kayo ba ang transferee?" Tanong ni Ma'am Cruz sa dalawa.

"Yes Ma'am, Sorry we're late." Sagot ng isa na pamilyar sa pandinig ko.

Tumango si Ma'am Cruz. "Okay, mind if you introduce yourselves first. Para makilala naman kayo ng bago niyong mga kaklase."

"I'm Andrei Nicolo Santiago! Eighteen! From 143. Maligalig Village!" Mahabang pagpapakilala nito na parang nasa isang. pageant.

Confirmed! He's gay.

Kung pagmamasdan mo siya hindi iyon halata. Sabagay sa tindig at pangangatawan niya ay hindi mo talaga aakalain.

"I'm Travis Brix Aragon. Nineteen." Seryoso at maiklung pakilala naman nang kasama nito.

Maikling katahimukan ang namihani sa buong klase. Nag-aabang kung may idadagdag pa siya.

"Is that all?" Tanong ni Ma'am Cruz.

"Yes, ma'am." Sagot lang niya.

"Ahh.. Okay, okay... maari na kayong maupo." Ani Ma'am Cruz. "Just choose a seat for you."

Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Can I?" He asked.

Nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko namamalayan. Ang nakakahiya pa ay alam kong nahuli niya akong nakatitig sa kaniya!

"H-huh?"

Tinuro niya ang upuan sa tabi ko. Realization hits me. Pero..

"Ah sure! Lipat nalang ako! Hihi!" Sabi ni Yva na siyang nakaupo ro'n.

"W-wait.. pero.." Sinubukan kong tawagin si Yva pero binigyan lang niya ako ng nakakalokong ngiti.

Hindi ko na siya tinignan pa hangang sa makaupo na siya. Pero muli ay napalingon ako at tinignan ang bawat anggulo ng mukha niya.

Naramdaman siguro niya ang titig ko kaya humarap siya sa akin na ikinataranta ko. Dali-daling bumaling ako sa harapan.

"Is there's something wrong?"

Lalo pa akong nataranta nang magtanong siya.

“Ah.. w-wala.” Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi naman na siya kumibo.

"Okay class, today.. we're going to vote for our class officers, pwede na siguro ang ilang araw na dumaan para makilala niyo ang mga kaklase niyo 'di ba? Sigurado naman ako na halos lahat sa inyo ay magkakakilala at magka-kaklase na last year?"

"Yes Ma'am!" Sabay-sabay naming sagot.

"Okay so let's start?" Kaya nag simula na ang voting kuno.

Mabilis lang ang naging botohan. Si Bella ang ibinoto nila bilang president ng klase at si Yva naman ang naging vice president ng klase namin.

I'm happy for her kahit na parang hindi siya happy. Tiyak naman na kakayanin niya ang responsibilidad na ibigay sa kaniya.

Pero hindi ko in-expect na masasangkot sa hotohan na iyon. Thanks to Yva!

"I'll nominate Aria to be the muse of our class ma'am!" Napukaw ang attensyon ko sa sinabi ni Yva.

"Di na siguro natin kailangan na bumoto? Aria is qualified to be our muse! Who agree with me?"

"Yes ma'am! Yes na yes!" Hiyaw ng mga kalalakihan naming kaklase.

"Hala! Ayoko!" Tutol ko.

"'Wag kang kj, Aria. Go siya ma'am!" Ani Yva.

"Ako naman escort niya ma'am! 'Wag ka ng magpaboto!"

"Ako! Ako nalang escort ni crush ma'am!" Sang-ayon din ni Anthoney.

"Hindi ka pwedeng maging escort niya Tonio." Biro ni ma'a m Cruz kay Anthony, sinabayan pa ng pag-iling.

"Para niyo namang sinabing pangit ako niyan e!" Maktol kunwari ni Anthoney.

"Wala akong sinabing ganiyan ah." Pabirong tugon ni ma'am Cruz.

Nagkatawanan naman kami.

Si Victor at ang transferee na si Travis ang pinagpilian na maging escort. Pero sa huli si Travis ang naging escort dahil lamang siya ng dalawang boto.

Mukhang ayos lang naman sa kaniya dahil hindi naman siya tumutol.

NASA cafeteria kami ni Yva para mananghalian. Dahil wala naman kaming parehong laging kasabay, kami ang laging magkasama.

"Uy ang Gwapo ng seatmate mo ah!" Tudyo ni Yva, itinaas at baba pa ang dalawang kilay.

"Ano naman kung gwapo?" Nguso ko bago sumubo.

"Tipong jowain! Jowain mo!" Tatawa-tawa niyang tudyo.

Napa-ubo ako. "Ano ba! Sira 'to. Bakit ko naman gagawin 'yon? Ikaw nalang."

Natawa siya sa reaksyon ko. "Hoy! Joke lang ito naman!" Tawa pa ni Yva. 

"Tsk ewan ko sayo.." I said to her.

"Pero ayaw mo? Ayaw mo talaga? Sure ka?" Ulit niya saka humagikgik. " Ano kasing pangalan no'n? Travis? Isa lang masaaabi ko sa kaniya, jowable!"

"Ewan ko taaga sa 'yo." Kibit-balikat ko nalang. "Alam mo, kumain nalang tayo. Gutom lang iyan." Naiiling nalang sa kadaldalan nitong si Yva.

"Ayaw mo talaga?" Hirit niya pa.

Sasagutin ko sana siya nang makarinig kami ng isang matinis na boses.

"Hi!"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. "Ah hello!" Magkapanayam na bati namin ni Yva.

"Pwede bang makisabay sa inyo?"

"Syempre! Sure! Sure! Bakit ba naman hindi ot?" si Yva na itinuro pa ang upuan. "Upo ka na."

"Thank you!"

"Welcome." Sabay na sabi namin.

"Ahm, Andrei 'di ba?" Walang ano-anong tanong ni Yva.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Hindi, ako si Andrea or Nicolem Kahit ano sa dalawa." Hawi niya ng imaginary long hair niya.

Sabay-sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya. I like him already.

"Okay.. Andrea, Nicole or whatever." Tatango-tangong ani Yva."So, bakla ka talaga? Sure na yan?" 

"Ano? Hindi no! Hindi pa ba halata?" Mabilis niyang sagot.

Napakunot kami ng noo ni Yva saka nagkatinginan. "Ah? Ano? Ang gulo mo alam mo?"

"Babae ako gaga, sure na sure!" Iniirap ni Andrei or should I say Andrea?

"Murit! Pero.. hindi talaga halata, siguro ka bang bakla ka?" Pagtitiyak pa ni Yva. "Kung hindi ka kasi magsasalita hindi malalaman mahahalata."

"Oo nga," Tanggo ko. "Hindi talaga halata.''

"Oo naman, sigurodong-sigurado na akong babae ako! Sure na sure!" Hawi naman ni Andrei sa imaginary bangs niya.

Napangiwi si Yva ako naman ay natawa

"Sige babae kana kung babae, ako nga pala si Yva Leigh Lopez, Yva nalang hindi ako sanay sa Leigh eh." Pakilala ni Yva sa sarili saka nakipag-apir kay Andrei.

"Aria Rae Arillo nice to meet you!" Pakilala ko naman, inilahad ang kamay na agad naman niyang tinangap.

"Nice to meet you too, miss." Bati ni Andrei sa panglalaki niyang boses.

Amuse na nanlaki ang mata ko ng marinig ang lalaking lalaki niyang boses. Si Yva naman ay natawa.

"Ano ba yan! Natitibo ako sa 'yo Aria ah!" Biro niya ng pero sa ipit na boses na.

"True! Diba?" Sang-ayon pa ni Yva.

"Sira 'to! Ang laki ng boses mo, ulitin mo nga!" Natatawang usal ko.

"Ayaw na." Iling niya sa akin. "Sino ba naman ang 'di matitibo sa 'yo te? Sa ganda mong 'yan?" Sinipat-sipat pa nito ang bahagi ng mukha ko. "Simple but gorgeous. Kung straight na lalaki lang ako jowa na kita!"

"Sus! Bolero ka pala!"

"Medyo bolera lang!" Hinawakan niya pa ang kamay ko. "Mabitawan na nga't baka magasgasan." Eksahiradang sabi niya saka dahan-dahang ibinaba ang kamay ko.

Napapailing na natatawa ako sa kaniyam "Sira ka! Pareho kayo ni Yva."

"Bakit nadamay ako? Aber!" Agad namang nagreact itong si Yva.

May pagkapareha sila ng igali. Kaya tiyak na magugulo ang dating tahimik kong buhay.

"Ganon? Siya lang maganda rito gano'n ba?" Tila nagtatampong tanong ni Yva kay Andrei.

"Hindi naman sa gano'n, actually magamda ka rin, a morena girl," Paglalarawan niya kay Yva na napangiti sa mga sinabi niya. "Bawasan mo lang ang kadaldalan mo, dagdag ko lang din."

Nagpeace sign pa ito pagkatapos. Agad din namang nawala ang ngiti ni Yva.

"Grabe ka sa 'kin!" Irap ni Yva kay Andrei.

Natawa ako at si Andrei sa naging reaksyon ni Yva.

"Pero mas maganda ako sa inyo."

"Oo na, hindi na kami tututol." Ani Yva.

Kung naging babae lang si Andrei walang dudang maganda siya.

"Alam mo magpaka lalaki ka nalang, sayang lahi, gwapo ka pa naman." Si Yva.

"Ayoko nga! Ganito na talaga ako, wala ng magbabago." Maarteng turan niya."And about sa lahi-lahi na iyan mayroon naman akong mga kapayid kaya walang sayang na lahi."

"Ihh, sayang talaga." Nang-hinayang na sabi ni Yva.

"Why ha? Bet mo ba 'ko?" Tanong ni Andrei sa kaniya. "Sorry ka gurl. Boylet ang want ko."

Agad namang tumanggi si Yva. "Sira ulo ko naman? Eww! Kahit gwapong bakla ka hindi kita type!"

"Same here gurl yuck kaya! Ayoko ng tahong! Mas gusto ko ang longanisa at meatballs."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabulgar ni Andrei.

"Yuck ka naman bakla! Kadiri!" Umastang nasusuka. "Nakatikim kana ba?"

"Confidential." Ngisi ni Andrei.


You are reading the story above: TeenFic.Net