OM1

Background color
Font
Font size
Line height

Read at your own risk. This story is not perfect and unedited. You may encounter typographical and grammatical errors while reading.

CHAPTER 01

“HI ARIA!” Magiliw na bati ni Yva nang makita niya ako.

Transferee siya.

“Hi Yva! Bakit ngayon kalang?” Naitanong ko, dahil hindi siya pumasok sa first subject namin.

“Tinulungan ko kasi si mama, may inasikaso siyang mga papeles sa munisipyo.” Umupo siya sa katabing upuan ko.

Dahil transferee si Yva wala rin siyang gaanong kakilala. Maganda siya, morena at may pagkakwela. Sa lahat ng mga kaklase ko si Yva na siguro ang masasabi kong malapit sa akin. Siya lang din ang lagi kong nakakusap.

“Dito muna ako sandali ha wala panaman si sir eh, okay lang ba?” Umayos siya ng pagkakaupo. “Wala akong makausap classmates natin. Kinakausap lang ako kapag may kailagan.” Bulong niya.

I nodded and smiled. “Masanay ka na.” 

“Sanay na talaga, hindi naman nawawala ang mga ganyan.”

Tinitigan niya ako sa mukha kaya naman napahawak ako doon ng may pagtataka.

Tumingin ako kay Yva ng nagtatanong. “B-bakit?"

She shook her head. “Ang ganda mo talaga.” Puri niya sa akin. “Lalo na ang mga mata mo at kutis mayaman ka. Parang hindi naaarawan."

Bahagya akong natawa. "Hindi kaya."

"Kapag tuloy magkatabi tayo, para tayong kape at gatas."

"Bagay kaya sa 'yo ang kutis mo. I like it, you're pretty. Wala naman talaga sa kulay ng balat iyan."

She's pretty. Bagay na bagay kaya sa kaniya ang pagkamorena niya na wala ka ngang makikita ni isang peklat doon.

“Totoo naman iyan at sabi nga nila na bagay sa akin 'to.” Aniya, nagkibit balikat. "I used to hate my skin you know. Kahit anong pampaputi ang ginamit ko noon para pumuti ako. Kasi alam mo ba kahit maraming nagsasabing maganda ang kutis ko. Nabubully pa rin ako noong bata ako. Kasi para sa kanila maitim ako, negra gano'n."

"The you realize.."

"I realized na ginagawa ko iyon hindi para sa sarili ko. Minahal ko yung sarili at kulay ko. Binalik ko yung totoong ako. Saka wala namang nagbago, maputi o morena, maganda pa rim  ako, duh!"

"That's true!" Sabay kaming nagtawanan.

“Enough about me. Ikaw naman, anak mayaman ka ‘no?” Usisa niya.

“Paano mo naman nasabi ‘yan?”

“Itatanggi mo pa. Kahit hindi mo sagutin, siguradong anak mayaman ka 'no. Kilos at pananalita mo palang.  Bakit dito ka naman sa public school nag-aaral?”

“Malapit sa bahay namin.”

Hindi naman sa gusto ko talaga rito noon. Dahil sa kakahangad ko sa atensyon ng mommy ko, napadpad ako rito. Akala ko kasi noon tututol siya nang sabihin ko na gusto ko na mag-aral sa roto Pampanga kung saan nakatira ang tita ko na nasa ibang bansa naman ngayon. I just really want to get her attention that time.

But she don’t even care. Nang sabihin ko na gusto ko rito pumayag agad siya.

Ibang-iba to sa nakasanayan ko. Ibang-iba kumpara sa manila na nakasanayan ko pero unti-unti, nagustuhan ko ang lugar na ito.

Tumango-tango si Yva. “ Na-iintriga ako, curious lang ako kung anong itsura ng parents mo. Kasi ganda ng combination nila. Panigurado ang ganda at gwapo ng parents mo ‘no? Ang ganda mo kaya!”

Napangiti naman ako ng maalala siya. “Maganda kasi talaga ang mommy ko.”

Walang iyong duda. Hindi nga magkatugma ang edad niya sa itsura niya. She’s gorgeous just like a goddess.

WALA na akong makitang ibang studyante habang nalalakad. Kalalabas ko lang ng school campus namin. I stayed in a school library.

Nang may marinig akong mga yabag ng mga paa. Inilibot ko ang paningin kung saan ko iyon narinig, pagtingin ko sa kinaroroonan ng mga ingay na iyon ay may nakita akong mga kalalakihang tumatakbo.

Tinambol ng kaba ang dibdib ko kaya napalunok ako.

"Aragon!" The man shouted.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko nang papalapit na ang mga ito. Parang tinubuan iyon ng ugat. What happened?

Lalo nang mahagip ng mata ko ang mukha ng lalaking hinahabol nila. Kahit nakasuot ito ng itim na hoody makikitang perpekto ang jaw line nito, pointed nose, perfectly shape lips, at ang mapupungay nitong mga mata.

Geez! Hindi ito ang oras para mamangha sa itsura niya.

Napaawang ang bibig ko habang nakatitig sa mukha ng lalaki.  Hanggang sa mabagal na pagharap niya sa akin at mas natitigan ko ang magagandang matang iyon.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bumuka ang bibig nito, may sinabi siya at sumenyas pero wala akong narinig at ginawa man lang.

"S hit!" Mura nito nang magkabunguan kami.

Naitukod ko ang siko nang matumba kami sa sahig ng kalsada. It hurts! Umayos ako ng pagkakaupo. Huminga ako ng malalim dahil sa pagkakabunsol.

"O-ouch." Napahawak ako sa siko ko nang maramdaman nang hapdi ro'n.

Daling-daling tumayo ang laaking nakabungo ko. Nakailang hakbang na ito palayo nang balikan niya ako. He quickly took me by his hand to help me stand up. Pero hindi pa ako tuluyang nakatatayo nang may biglang sumigaw dahilan para mabitawan ako.

"A-ah aray!" Angil ko.

"Aragon!" Sigaw ulit ng isang lalaking papalapit at marami ang nakasunod dito.

"S hit! f uck!" Mura ng lalaki, nilinggon pa niya ako bago tuluyang tumalikod.

Seems like today is not my lucky day.

Naramdaman ko ang mga mabibigat na yabag ng mga lalaking tumatakbo sa harapan ko. Nakaramdam ako ng takot ng makita ang mga lalaking iyon na tparang susugod sa away dahil sa mga bitbit nila.

Napalunok ako at nadagdagan ang nararamdaman kong takot nang lingunin ako ng lalaking maraming tattoo at hikaw sa mukha. Maging ang mga maata nito ay purong itim.

Walang lingom akong tumayo. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan. Nakailang hakbang na ako nang makita ang sumabit sa sapatos ko. Mabilis ko iyong dinampot bago lumayo. Nakahinga ako ng maluwag nang makalapit ako sa main gate ng school namin.

Tinignan ko ng malapitan ang ang pendant ng kwintas. May initials na nakatatak rito.

A, TB.

Lumapit ako sa may guardhouse ng school.

“Napaano ka ineng?" Tanong ng gwardya nang makita akong paika-ika. Pinaupo ako sa plastik na upuan.

"May nakabungo po kasi ako, banda doon." Turo ko sa lugar na pinangalingan.

"Ang mga kabataan talaga sa panahon ngayon, mahilig sa mga away. Siguro iyong mga kabataan na namang madalas maghanap ng away. Nagpupunta ang mga iyon dito kapag naghahanap ng gulo."

"Madalas po ba iyon nangyayari?" I asked.

Honestly, it was my first time seeing a scene like that. Sabagay ngayon lang naman ako nagtagal ng ganitog oras sa school namin.

"Nitong nakaraan eh.. hindi naman na gaano, hindi na sila nagagawi rito.. akala ko nga hindi na magagawi ang mga iyon dito." Pagkukwento niya. "Madalas kasi dati dis-oras na ng gabi sila na papagawi rito, nasanay narin ako sa kanila."

“Ngayon ko lang po naranasan iyon.”

Matapos ng kaunting kwentuhan ay umalis na rin ako dahil pagabi na.

NAGULAT si mama Celia ng makita ang sugat ko. "Oh, na paano yang siko mo't may sugat ka?"

Namunula at may bahid din ng kaunting dugo ay puti kong uniform.

Si manang Celia ang nag-alaga sa akin mula ng bata pa ako. Siya na ang kinalakihan kong kasama kaya napakalapit ko loob ko sa kaniya. Para ko na siyang totoong lola at parang tunay na apo na rin ang turing niya sa akin.

"I'm fine po, don't worry it's just a small wound." Sabi ko para hindi na siya mag-alala.

"Pumarito ka para malinis natin 'yan." Sabi pa niya, nag-aalala. "Aru.. nagkasugat ang alaga ko.." Nilapitan niya ako at tinignan ang sugat.

She looks very worried.

"Okay lang po talaga ako. Kaya ko na po. Huwag na po kayong masyadong mag-alala, malayo naman po sa bituka." Biro ko pa.

Bumuntong hininga lang si Mama Celia at umiling dahil sa katigasan ng ulo ko. "O'siya, bilisan mo at kumain ka na."

"Okay po ma, akyat na po ako." Humalik ako sa pisngi niya bago umakyat sa kwarto ko.

Ilang minuto rin ang ginugol ko bago ako makababa.

"Wala pa po si mommy?" Tanong ko.

"Ah, nasa office niya pa mamaya na raw siya kakain madami pa raw siyang tatapusin." Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

"Hm, okay po." Nasabi ko lang at hinarap ang pagkain. "Kain na po tayo."

We ate and I went to my room after. Nagpahinga na rin si mama Celia. Tinapos ko muna ang assignment ko bago ako nahiga.

Nang maalala ko si Mommy. Mama Celia knew that I've been craving for my mom's attention. I'm longing for her love.

I remember her saying, my mom loves me the most, alam ko rin naman iyon. Who's parent wouldn't love their child, right ? She loves me. I believed that. Pero bakit hindi ko iyon maramdaman?

Maybe she was just doing her obligation as a mother to me? Kahit kailan hindi siya nagkulang sa lahat ng material kong pangangailangan lahat ng gustuhin ko nakukuha at makukuha ko.

Pero hindi lang naman iyon ang gusto ko. I want her time, her love and attention. Iyon ang hindi niya maibigay. Iyon ang kailangan ko.

TULAD ng nakasanayan ko wala si mom kinabukasan. Maaga siyang umalis para magtrabaho. I mentally sighed. Nasa iisang bubong lang kami pero madalas naman na hindi kami nagkikita at nagkakausap.

Madalang na nga kaming magkasabay sa hapag at madalas wala pa siya. Kung nadiyan naman siya parang wala rin naman siya dahil trabho pa rin ang uunahin niya.

Pagkapasok sa room nagpasa na kaagad ako ng project sa adviser namin. Puro dicussion lang ang nangyari at maikling quizzes.

"Dito na po ako." Pagod na pumasok ako. Nadatnan ko si mama Celia na nanonood ng paborito niyang teleserye.

"Mukhang pagod ka? Gusto mo bang magmiryemda? May niluto ako ginataang bilo-bilo. Kumain kana bago umakyat para tuloy-tuloy na ang pagpapahinga mo." Hinaplos niya ang ulo ko.

"Paborito ko talaga ang bilo-bilo niyo."

NANG makahiga  ako sa kama ay nagbukas  muna ako ng phone. Pagbukas ko ng messages sunod-sunod na ang notification na ang pumasok.

An old friend messaged me.

App: Messenger

Mayumi Ramos
online

It's been a while
How are you?

She's my only friend in manila. She was also our neighbor and classmate when we're still living there. She's kind. Siya ang lagi kong nakakasama noon, laging kalaro at katampuhan.

I missed her.

Binasa ko ang panghuling message niya.

Mayumi Ramos

online

I was there before.
I'll visit you! I want to meet
your new friends too!
Gotta sleep na..
goodnight bye!

WALA ako masyadong gagawin kaya naisipan kong tulungan sa gawaing bahay si Mama Celia. Ito ang madalas kong ginagawa kapag weekend.

"Good morning, ma." Bati ko kaya Celia nang maabutan siyang nagluluto.

Nilingon niya ako ng nakangiti. "Good morning, hija. Ang aga mo nagising ngayon."

"Ma naman.. you're making fun of me." Nakasimangot na angal ko. "Tanghali na kaya." Nguso ko.

Mama Celia is being sarcastic again. Iyon kasi ang lagi niyang sinasabi sa tuwing tinatanghali ako ng gising.

Tumawa lang si Mama Celia. "Hindi naman ah? Maupon kana riyan at sandali nalang 'to."

"Ano po ba yang niluluto niyo? Gusto niyo bang tulungan ko na kayo?" Alok ko sabay silip sa niluluto niya.

"Ano pa ba, ang paborito mo, saka hindi na patapos na rin naman ito." Nakangiti siyang sumulyap sa akin.

Umupo nalang ako at hinintay matapos si mama Celia. Naaamoy ko na ang almusal namin. Ang banggo!

"Sandali lang, tatawagin ko ang iyong mommy." Napatigil ako, medyo nagulat.

That's new, its been a while since we dine together.


You are reading the story above: TeenFic.Net