๐Ÿ“– Four ๐Ÿ“–

Background color
Font
Font size
Line height

๐Ÿฅ€ Villa Cortez ๐Ÿฅ€

Ang akalang bakasyon na malayo ay nasa kabilang Hacienda lang pala. Bigla niya tuloy naisip ang kaibigang si Kat. Naniniwala na siya na maliban sa kanila, ay may iba pang hacienda ang Sta Katalina. Sa hindi kalayuan ay natatanaw na niya ang isang malaking arko at habang papalapit ay mas nababasa na niya ang nakasulat doon.

Hacienda Cortez.

"we're almost there"ย  may kausap ang abuelo sa cellphone nito.

Binaybay ng sasakyan nila ang mahaba at napakalawak na taniman ng pinya ng mga ito. Nakakamangha itong tingnan kaya naman agad niyang kinunan ito gamit ang camera na suot-suot niya at nakasabit lang sa leeg nya kanina pa. Pagkatapos ay itinuon niya sa kaniyang abuelo na kahit sa mga oras na ito ay busy parin sa laptop. Kung titingnan, para lang talagang ordinaryong araw lang ito ng abuelo niya. Kahit sa bakasyon ay kasakasama parin nito ang trabaho. Kaya naisip niya tuloy kung makakapag bonding pa kaya silang mag lolo kung ganitong dala nito pati laptop nitoย 

"get ready" seryosong sabi ito,ย  na hindi man lang siya tiningnan.

Tumuwid siya sa pag-upo at hinanda ang sarili. At ilang sandali lang ay
naramdaman niyang tumigil ang sinasakyan nilang SUV. Napatingin siya sa unahan. Isang napakataas na steel gate ang naroon. Hindi hamak na mas mataas pa ito kaysa sa kanilang. They must've been so particular of their security, naisip niya lang. Bumukas ang mataas na steel gate at iniluwa ang isang naka itim na taong may hawak na mataas na armas. Pinasok na nila ang isang two way lane na sementong daan na napapagitnaan ng matataas na puno ng niyog. Nakahilera ito at napaka gandang tignan, hanggang sa narating na nila kalaunan ang malaking puting bahay.

Isang napaka gandang villa ang nasa harap nya ngayon. It's a combination of old and modern design. Paminsan minsan ay may nakikita syang mga nakasuot ng black suit na mga tauhan ng mga ito na umaaligid. Napaka higpit talaga ng security ng mga ito. A body inspection was done bago sila pinapasok, ngunit pagkatapos naman ay pinapasok na sila nang tuluyan.

Kung gaano kagara sa labas, ay mas triple sa loob. Hindi mo matatawaran ito. She'sย  fifteen now and she can already know how to appreciate things when she see beautiful one. Kaya napahanga naman sya talaga. She may not be able to understand how rich and power the family who owns the villa, or the whole Hacienda, pero alam niyang masyadong mataas ang estado ng mga ito sa buhay. Kita naman sa sa tahanang kinatatayuan niya ngayon. Ito yong klase ng tahanan na hindi mo gugustuhing makabasag kahit na ang pinakamaliit na figurine man lang, sa takot na baka mas mahal pa ito kaysa sa isang taong sahod ng ordinaryong empleyado. Hindi niya alam kong anong koneksyon mayroon ang Abuelo at ang may-ari ng Hacienda dahil Kung estado ang pag-uusapan ay hindi naman magpapahuli ang abuelo, but still iba ang hatak sa knya ng villa na ito.

Ang magarbong Villa ay nag susumigaw ng yaman at katanyagan ng mga ito. Ito ay nag mistulang kaharian sa gitna ng kagubatan. Mas mapapa-wow ka kapag nasa loob kana mismo. Ang unang tumawag ng pansin niya ay ang grandiyosong hagdanan, na mga ito, at nasundan ang pagmangha nya sa napakalaking portrait na nasa sentro mismo ng hagdaan

"who are they, Abuelo?" hindi nya napigilang magtanong at namamanghang hindi mahiwalay ang mga tingin sa malaking lifesize portrait na nasa harapan nila ngayon.

"the Cortezes"

The Cortezes?

Wala sa isip at parang nahipotismong hinakbang nya ang mga paa, hanggang sa paisa-isa nyang inakyat ang bawat baitang ng magarbong hagdan. At nang marating ang itaas ay sa mismong malaking portrait sya huminto at ngayon at nakatingala. Bakas sa kulay ng mata ng mga ito na may dugong banyaga ang pamilya. Lahat ay may kulay asul na mata. Pero may isang partikular na mata na parang hinihigop pati ang kaluluwa niya. He maybe void with emotion, dahil ito lang ang hindi ngumingiti at parang napipilitan pa itong napasali. Nasa likuran ito ng di katandaang lalaki. Ilang minuto din siyang nakatayo, at halos memoryado na niya ang ditalye ng mukha ng lalaking may pinaka asul na mata.

"Mariella" narinig niyang tawag ng kaniyang abuelo.

"I..I'm sorry" nahiya niyang sabi at nagulat kung bakit nasa gitna na sya ng hagdanan."Abuelo, dito po ba tayo magbabakasyon?" hindi nya maitago ang excitement sa boses nya.

"nababagot kanaba?" nag alalang tanong ng Abuelo nya sa kanya " you can go outside, but don't go far" kahit seryoso ang tuno ay medyo nag alala sa kaniya ito. At para sa kanya, it's a baby step, gusto niyang magkasundo sila ng kaniyang abuelo.

"no, I'm fine" mabilis nyang sagot. "I just stay here with you" tipid syang ngumiti.

Hini na ito kumibo pa. Ilang sandali lang ay may lumapit na isang kasambahay na unipormado. May dala itong isang tray na may lamang tasa ng tea at coffee. Inilapag nito iyon at pagkatapos yumuko ng paggalang kay abuelo at umalis din agad ito.

"they're here" sabi ng lolo niya. "aherm" Abuelo cleared his throat. Which is madalas nitong ginagawaย  kapag gusto nitong makuha ang atensyon nya, o di naman kaya ay, kinakabahan ito. "prepare yourself"

Kinakabahan? Bakit naman?

Ilang saglit lang ay naramdaman niyang tumayo ang Abuelo niya. Nakapako ang tingin nito sa may grandiyosong hagdan. Isang napaka elegante at magandang babae ang bumaba mula roon. Kasunod nito ay isang matangkad na lalaki. Matamis na ngumiti ang mala reynang babae kay abuelo. Napatanga sya nang makilala ito na isa sa mga nasa malaking larawan, ngunit mas nangibabaw ang kanyang hiya dahilย  nakamamanghang ganda nito sa personal. Ang pabango nito ay pumuno sa buong malaking sala. Angย  lalaking naman na kasunod nito ay pormal ang dating at halos walang ekspresyon sa mukha nito habang akay ang magandang babae. Bakas sa aura nito ang pagiging maoturidad.

"Don Armando" minsan pang naglandas ang tingin nito sa kanya, ngunit agad namang inilipat sa abuelo nya ito." we are quite surprised that you finally decided to visit Villa Cortez" matipid itong ngumiti. " and this must be Mariella" nakaramdam sya ng kaba nang bigkasin nito ang pangalan nya at kung bakit kilala sya nito ay hindi nya alam.

" piacere di conoscerti finalmente" sabi nito sa hindi malaman kung anong linguwahi. Kaya bahagyang napatunganga sya at hindi alam kung ano ang isasagot.

"nice to finally meet you, hija" kinuha ng magandang babae ang isa nyang kamay. "that's what he's trying to say" matamis itong ngumiti.

" I'm Alejandra Cortez " hinawi nito ang takas na buhok sa noo nya, and the action makes her even more shied out "and this man right here, is Daniel Cortez" inilipat nito ang tingin sa katabi.

"introduce yourself properly" estriktong utos ng kanyang Abuelo sa kanya.

"a..ako po si Mariella Lorenzo" pilit syang ngumiti kahit nahihiya.

" she's quite a beauty, Don Armando!" hindi parin nito binibitawan ang kamay nya. " she's perfect for one of my boys--

" Tesoro Mia! " sa hindi na naman maintindihan na linguwahi, pinutol ni Mr. Cortez ang sasabihin pa sana magandang ginang.

" what?, it's been decided simula palang ng partnership na ito, mi amore "

" aherm! " nilinaw ni abuelo ang lalamunan. Parang gusto niyang awatin ang mga ito." they are still kids Alejandra, sa katunayan hindi iyan ang pakay ko sa ngayon." pormal na sabi ni abuelo." I wanted her to spend her school break here, alam mo na" parang may gustong ipahiwatig ang aking abuelo, na hindi ko mahulaan kung ano. " just to smell fresh air perhaps?" biglang kambiyo nito.

" but of course!" agad na lumiwanag ang mukha ni Mrs. Cortez, bakas panga ang excitement nito habang pinisil nito ang hawak parin nitong kamay nya."you are very much welcome here, sweetie!"

Hindi parin napalis ang ngiting iginawad ng ginang sa kaniya. May kinuha ito sa sariling leeg, at nang makalas ang gintong kwentas, ay inilahad nito iyon sa kaniya, at alangan niyang ilahad isang kamay upang ito ay tanggapin. May panaka-naka pa siyang tumingin sa abuelo niya na nooy tanging tango lang ang isinagot sa pag aalinlangan nya.

" I'm marking you, my child, as my own now" misteryosa itong ngumiti at kahit walang naintindihan sa mga ikinikilos ni Mrs Cortez, alam niyang may ibang kahulugan ito.

"non posso crederci!" nang biglang nalang may sumigaw.

The voice echoed almost to the entire living room. At kung hindi sya nagkakamali, may bahid na galit ang boses ng nagmamay-ari nito na syang nakapagpakaba sa kanya.

Lahat nang naroon ay napatingala kung saan nanggagaling ang boses. Sa pangalawang palapag natagpuan ng mga mata nya ang pinanggalingan nito. An angry boy with a shoulder length hair standing there with no shirt on, wearing only faded ripped jeans. The boy must be on his twenties, she just presume. Hindi lang sa walang suot na shirt, o ang pagka bastos nito ang mapapansin ng kahit na sino man, kundi ang pagiging gwapo nito. Bakas din sa aura nito ang pagka segurado sa sarili, halos talunin nito ang buong hagdan, at habang papalapit na ito ay unti-unting mababanaag ang asul nitong mga mata. Napa-atras sya nang bahagya. It was the boy who had the most bluish eyes on the portrait!

Her heart beat wild and fast like it's going to jump out of my ribcage. He was nothing compared in person. At hindi nya alam kong paano mapapanatili ang puso nyang kumalma at mag relax sa harao nito. Nang bahagyang tinapunan siya nito ng tinging ay napalunok sya, boy! he's eyes was a promise to something else. And that indecent thought itself scares the hell out of her. Napakabata nya pa para sa iniisip nya. She should be ashamed to herself. Dahil dito pinatili nya ang ulong nakayuko, so scared that the boy could read her.

"Alejandro!"ย  may bahid na pagbabanta sa boses ni Mr Cortez nang tuluyan na itong makalapit. "that's not how we greet our visitors" pormal ngunit may kakabit na banta ang tuno ni Mr. Daniel.

"mio figlio!" may kakabit na maliit na tawa ang naging salubong ng ginang. Pabiro nitong ipinalapit ang lalaki " come on! don't be shy" dagdag pa ni Mrs Cortez.

Dahil sa paraan ng pakikiusap ng ina, ay para lang nadagdagan ang inis ng lalaki.ย 

"this my son, Alejandro Daniel" Mrs. Cortez introduce him.

At sa hindi malaman na dahilan hindi nya makuhang tumingin dito at tanging tango lang ang naisagot nya.

"oh come on, a shake hands will not be too much right?" sabi pa nito sa lalaki."Alley" matamis na nginitian nito ang lalaki at parang nilalambing ito, ngunit hindi parin kumikilos ang lalaki.

Gusto nyang mahiya para sa inasal ng lalaki ngayo, kaya sa kagustuhang matapos na ang introduksyong gusto ng ginang ay inilahad niya ang kanang kamay sa harap ng lalaki at nakalimutang may hawak pa itong kwentas na bigay ni Mrs. Cortez. She clumsily transferred it to her other hand at nahihiyang ngumiti.

"I'm Marie--

"you really gave her the necklace!" hindi ito makapaniwala at agad
hinarap ang ginang, leaving her shaking hand hanging. "answer me mom!, is this the girl that you are talking about?" nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. "you promised me this necklace!" despirado nitong sabi. "non posso crederci!" hindi nya alam kung bakit parang kinikiliti ang puso nya nang marinid mula sa lalaki ang banyagang linguwahi.

"this is not the time young man" sumali na sa usapan si Mr. Cortez.

"Mariella" hinila siya ng Abuelo niya at ipinatabi dito.

Her young heart felt embarrassed and humiliated in front ofย her abuelo. Hindi niya alam kung bakit galit ang lalaki.

" I'm very disappointed, Daniel ---Alejandra, paano ako magtitiwala sa ating kasunduan, kung ganito ang mangyayari--" hindi matapos-tapos ni abuelo ang sasabihin dahil sa emosyong namumuo dito. " i think this supposedly a friendly vacation for her is over, we better go"

Hindi agad nakapagsalita ang mag asawa at kahit hindi parin lubos naintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito, that includes my grandfather, ay pilitย niyang inu-unawa ang bawat side. And even if this vacation won't happen, She just want this to end peacefully.

WORD AND PHRASES MEANING:

1. piacere di conoscerti finalmente
= nice to finally meet you

2. Tesoro Mia

= My darling

3. non posso crederci
= i can't believe this

4. Mio Figlio
= My son
PL

ย  ย  ย  ย  ย  ย  ย 

๐Ÿ’‹๐Ÿ’‹Happy Reading๐Ÿ’‹๐Ÿ’‹

itutuloy....


You are reading the story above: TeenFic.Net