MAOH9: Identity

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 9: IDENTITY

Zahra's POV

“May baril ka ba d'yan?” tanong ko kay Amell.

“Nasa ilalim ng upuan.” tinanguan ko s'ya at tsaka nakayukong umalis at binuksan ang back seat ng sasakyan. Tumambad sa akin ang iba't ibang kalibre ng baril. Napangisi ako nang makita ang isa'ng mamahaling baril. Kinuha ko iyon at kumuha ng dalawa pa at itinago sa loob ng damit ko. Kinuha ko ang isa'ng matalim na kutsilyo at itinali sa hita ko. Isinara ko ang back seat at naupo ulit doon.

Rinig na rinig ko na ang sunod sunod na putok ng baril. Tumigil kami sa malayo ngunit nakikita ang mga nangyayari. Kasalukuyang nakikipaglaban sina Mr. Arne habang iniiwasan ang mga balang patungo sa kanila. Nagpapaputok din sila at tinatamaan lang sa tuhod o balikat ang kalaban.

‘They don't desire to kill anyone on them.’

“What are we gonna do?” tanong ni Amell.

“Go to that side and stay hidden,” itinuro ko sa kan'ya ang kaliwang parte ng daan. “Get the sniper in the back seat and go to that building.” turo ko sa isa'ng building kung saan alam kong makikita n'ya lahat. “Ubusin mong patumbahin ang iba'ng mga nakapalibot sa kanilang tatlo. I'll go in this side,” turo ko sa kabila. “I'll handle the men in the back.” tumango ito sa akin.

Bumaba ako at maingat na pumunta sa kabila nang hindi napapansin. Nakataas lang ang baril ko at handang iputok anytime. Nakarating ako sa likod ng isa'ng van na pinakamalapit sa amin. Nagtatago ako doon. Nilagyan ko ng silencer ang baril ko at ipinutok iyon sa binti nang pinakamalapit na goons sa akin.

“Babain na daw natin sabi ni Boss.” napatago ako nang marinig kong magsalita ang isa sa kanila. Lahat sila ay nasa loob ng van.

“Sigurado na ba 'yan? Kanina ko pa gusto bugbugin 'yang Aziel na 'yan.” natatawang saad n'ung isa. Ngumisi ako at nagtago sa ilalim ng van. Itinututok ko sa babaan ng sasakyan ang baril ko. Bumukas ang pinto ng van at may mga paa'ng bumaba galing doon. Pinaputok ko ang baril at sinakto ang tama non sa mga paa ng mga bumaba. Hindi ako nakuntento't magkabilaang mga paa ang binaril ko. Nagkagulo sila kaya mas binigyan nila ako ng maraming paa'ng babarilin.

Baka sharpshooter ng crim department 'to. Ha!

Lumabas ako sa kabilang side at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko at nakangising naglakad sa papunta sa mga kakababa lang sa sasakyan. Agad ko silang sinugod at pinatumba. Nawalan ng malay ang iba habang ang iba ay dumadaing sa sakit. Binaril ko ang dalawa'ng gulong ng sasakyan nila.

“Hoy!” napalingon ako sa likod. Napansin ata ako nang nasa kabilang van na naghihintay din sumugod. Nginisihan ko sila nang sumugod sila sa akin. Sinagang ko ang suntok ng isa at sinipa sa tyan ang isa. Umikot ako para ipilipit ang braso nang nahawakan ko. Tumalon ako at ginawang suporta ang van ang sunod sunod na sipain ang iba pang pasugod. Binitawan ko ang hawak kong braso at sinipa s'ya sa mukha papunta sa mga kasamahan nya. Umikot ako at lumuhod at binaril ang mga tuhod nila. Naubos ako ang mga nandito.

Kakarating lang na Balita; may mga pangit na hindi makakalakad bukas.

Dumadaing na sila kaya isa isa ko silang sinuntok sa ilong at nawalan ng malay. Sinipa ko ang isa sa kanila at napatingin kay Mr. Arne. Sumipol ako dahilan para mapunta ang atensyon nila sa akin. Ngumisi ako sa kanila. Nakakunot ang mga noo na tila nagtataka kung bakit ako nandito.

Itinuro ko ang papasugod sa kanila kaya napabalik ang atensyon nila doon. Tumakbo ako at ginawang suporta ang ilang mga nakahandusay para tumalon. Habang nasa ere ay binaril ko ang iba'ng papalapit. Mataas ang talon ko kaya nakapagpaputok ako ng iilang tao. Umikot ako nang muntikan na taaman ng suntok ng isa. Hinarap ko s'ya sa'kin at tinuhod ang mukha. Hinawakan ko ang kwelyo n'ya at sinipa s'ya papunta sa mga kasama n'ya. Sinagang ko gamit ang palad ko ang isa'ng suntok na papalapit sa akin. Pinilipit ko ang braso n'ya papunta sa likod at ginawa s'ya'ng harang sa mga paparating na bala sa akin.

Tuloy ang pagsagang at pagsugod ko hanggang sa makarating ako sa pwesto nila Mr. Arne. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa akin. Nakangisi ako sa kan'ya at binaril ang nagtatangkang barilin sila.

“What are you doing here? Where's Amell?” nagkibit balikat ako at nagpaputok ulit. Nararamdaman kong nanatili ang tingin n'ya sa akin. Wala'ng emosyon ako'ng sumugod ako pinatulog ang iba pang paparating.

Ang dami a. Prepared yarn?

Gumulong ako at napatago sa van ni Mr. Arne na sira sira na sa labas dahil sa mga tama ng bala. Napagtanto kong bulletproof pala ang sasakyan. Nireload ko ang baril ko at tsaka nagmadaling lumabas at itaas ito para umasinta sa mga kalaban sa loob ng van sa kabilang panig.

Grabe. Pinalibutan talaga nila si Mr. Arne pero hanggang ngayon, buhay pa rin ang target nila.

Ngunit nakakapagtakang wala'ng pulis ang dumarating sa kabila ng putukan.

Tumingila ako para hanapin si Amell. Mukhang nahihirapan s'ya dahil iilan pala'ng naassisst n'ya sa amin.

Hindi n'ya specialty ang magsniper.

Napatutok sa akin ang sniper kaya sinenyasan ko s'ya na alalayan ako sa mga kalaban. Hindi ko nakita ang response nito pero alam kong um-oo ito. Lumabas ako pinagtataguan ko at confident na umasinta ng mga nasa harap ko.

“Zahra! The fuck—” sigaw ni Mr. Arne at hinila ako papalapit sa kan'ya. Napakalapit ng mukha namin kaya nakikita kong nang klaro ang magkasalubong n'yang kilay.

At magagandang mata n'ya.

Tinulak ko s'ya. “Anong problema mo?”

“Don't be so reckless.” inirapan ko s'ya.

“Don't underestimate me.” lumayo ako sa kan'ya nang tuluyan. Napatigil ang barilan sa kabila kaya nagtataka ako'ng sumilip. May isa'ng mamahaling itim na sasakyan ang tumigil sa kabila. Bumaba ang isa'ng lalaking nasa mid40's siguro ang edad. Nakasalamin ito at nakikita kong napakastrikto. Dumapo ang paningin n'ya sa van ni Mr. Arne kung saan kami nagtatago.

“Shit. He's here.” napakunot ang noo ko at napatingin kay Mr. Arne.

“Sino ba 'yan?” sinenyasan ako ng mga bodyguard n'ya na manahimik muna. Ibinalik ko ang tingin ko doon. Kinakausap n'ya ang iba pang natitirang tauhan n'ya. Malayo s'ya kaya hindi namin marinig ang mga sinasabi nito.

“Aziel!” biglang sigaw nito. “Aziel! I know you're in there. We need to talk!” narinig ko ang matunog na pagngisi ni Mr. Arne sa gilid ko. “We have somethings to work on.” hindi nagdalawang isip na tumayo si Mr. Arne tuluyan nang lumabas. Sinundan ko s'ya ng tingin. Kasama ang dalawa n'ya'ng bodyguard ay naglakad sila papalapit sa lalaking iyon. Ngumisi ang lalaking iyon at nilibot ng paningin ang paligid. “Ngunit nasaan ang babaeng kasama mo?”

Ay hinahanap ako ni madam.

“Leave her alone.” maawtoridad na saad ni Mr. Arne.

“'Yung Zahra ba? Nakakatawang iniwan n'ya ang kambal doon without knowing something might happen to them just to help you here.” nayukom ko ang kamao ko at napalabas. Wala'ng alingan ako'ng naglakad papunta sa kan'ya. Nilagpasan ko sina Mr. Arne at dumiretso sa kan'ya Tumawa ito nang makita ako. “There she is—” hindi nya naituloy ang sasabihin n'ya nang sinakal ko s'ya. Diniin ko ang kuko ko sa leeg n'ya. Tumalon ako at umikot sa ere para makapunta sa likod n'ya. Sinipa ko ang mga binti n'ya dahilan para mapaluhod s'ya. Bumalik ako sa harap n'ya at itinututok ang baril ko sa noo n'ya habang nakaluhod s'ya. Nagpupumiglas ito at hirap na hirap huminga.

“Ikaw ba ang sumubok kunin ang mga anak ko?” galit ngunit kalmado kong tanong.

“T-They're n-not y-your k-kids—” hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kan'ya. Naramdaman ko ang mumunting daloy ng isa'ng likido mula sa kuko ko. Napansin kong nagdugo na ang leeg n'ya sa pagkakasakal ko.

“It's not him. Although he wants them too but it's not him.” napatingin ako kay Mr. Arne na nagsalita. Mukhang nagsasabi naman s'ya ng totoo. Tiningnan ko ulit ang sinasakal ko at inilapit ko sa kan'ya ang mukha ko.

“Don't touch my kids or else you'll die trying to do so.” binitawan ko s'ya at sinipa sa dibdib. Wala'ng emosyon ako'ng naglakad papunta kina Mr. Arne. Hindi makatingin sa akin ang dalawa n'ya'ng bodyguard.

Napatingin ako sa umuubo ubo na lalaking sinakal ko. Tumingin ito nang masama sa akin.

“You don't know what you're doing.” nahihirapan man ay naging klaro na ang mga sinasabi nito. “You're sacrificing your life for some strangers—”

“Ang ingay mo. Marunong ka pa sa'kin e buhay ko 'to.” saad ko matapos barilin ang balikat n'ya na dahilan para matumba s'ya. Inis kong nilingon si Mr. Arne. “Sino ba 'yan?” napapalunok ito at hindi rin makatingin sa akin.

Problema nito?

“As I've said earlier, I'll tell you everything later.” inirapan ko s'ya.

Maya maya ay may mga itim ulit na sasakyan ang nagsidatingan. Agad silang bumaba.

Grupo ng task force?

Nagsenyasan at tuluyang pinalibot ang buong paligid para icheck. Mukhang sila ang back up ni Mr. Arne. Lumapit ang Major nila sa amin.

“Okay lang ba kayo, Mr. Arne?” nilibot ko ang paningin ko at nakita kong papalapit sa amin si Amell.

“Yeah. I'll go ahead.” malamig na saad n'ya at nagsimula nang maglakad paalis.

“Pakiayos ito at hulihin n'yo lahat. You know his mom.” tumango ang Major ng task force sa sinabi ng isa sa mga bodyguard ni Mr. Arne, Lucas ang tawag n'ya dito kanina. Sumabay ako sa kanila sa paglakad. Sumakay sila sa isa'ng van din. Doon din ako sumakay. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan nang umandar na ito paalis. Nasa kaliwang parte ako ng van kabaliktaran sa pwesto ko sa van ni Mr. Arne kanina. S'ya naman ngayon ang nasa kanan habang ang dalawa'ng bodyguards n'ya at si Amell ay nasa likod.

Isinandal ko ang ulo ko sa salamin at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ako napagod sa laban kanina, kung tutuusin ay hindi pa iyon ang buo kong potensyal. Hindi lang mawala sa isip ko ang lalaking iyon at ang sinabi ni Mr. Arne na isa s'ya sa may balak ngunit hindi s'ya ang nagtangkang kunin ang mga anak ko.

Napagod ang utak ko kakaisip at hindi ko namalayan na nakatulog ako.

“Ms. Zahra, wake up.” naramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa akin. Napatingin ako sa kanan ko at nakita si Amell na nakangiti habang ginigising ako. “Nandito na ta'yo sa mansion ng mga Arne.” napakunot ang noo ko at nilibot ang paningin sa labas. Napansin kong wala na si Mr. Arne at ang dalawa nya'ng bodyguards kanina. Tumango ako kay Amell. Nauna sya'ng bumaba sa sasakyan at nahuli ako.

Pagkababa ay muntik na mahulog sa sobra'ng pagkadilat ang mga mata ko dahil sa gulat. Napanganga ako sa laki ng bahay-hindi, mansion nila ito kung tawagin. Napakaganda at halatang inihango sa Europe ang infrastructure at external design ng bahay.

Napakalawak nito. Nilingon ko ang kaliwa at kanan ko para tingnan ang dulo ng bahay nila. May isa ring napakalawak na garden sa harap na animo'y isa'ng labyrinth habang may isa'ng fountain na may statue sa gitna. Napakarami ring puno sa paligid na nagpaganda lalo ng lugar.

“Sundan n'yo ako, Ms. Zahra.” napatango ako sa kan'ya kahit pa ang atensyon ko ay sa ganda ng bahay.

Yayamanin ang mga ferson!

Sinundan ko si Amell na naglakad na rin papasok. Pagkabukas ng main door ay mas lalo ako'ng napanganga sa lawak at ganda sa loob. Tumambad sa akin ang dalawa'ng staircase pataas na katulad din nang nasa labas ngunit mas mataas na ito ngayon. Naka semi circle ang porma nito habang may napakalaking chandelier ang nasa taas. Parang sa mga pelikula lang kung saan bababa sa isa sa mga hagdan na 'yon ang bida o kontrabida dahil birthday n'ya.

Ang angas.

Wala'ng halos gamit dito sa baba. Mukhang dito talaga sadyang sinecelebrate ng mga mayayaman nang bongga ang mga okasyon nila.

“Nasa library po si Mr. Arne.” narinig kong saad ni Amell at tumungo sa kaliwang staircase. Patuloy ko s'ya'ng sinundan.

Wala bang naliligaw dito?

Nang makarating kami sa taas at lumiko s'ya sa kaliwa. Napahanga sa ako sa iba't ibang paintings at designs ng bahay na ito. Makabago pero may hint ng history.

May ilang kwarto pa kaming nadaanan bago kami tumigil sa isa'ng pinto. Binuksan n'ya ito at tumambad ang malawak na library. Napakaraming libro at halatang pang educational purposes ang lahat ng iyon.

Hindi ko pa naman bet ang mga gan'tong libro. Unless tungkol sa heavily bodies s'ya.

Nakita ko ang isa'ng shelf ng encyclopedia na sigurado ako'ng kumpleto ang volume.

Matutuwa sina Quinn at Quincy nito!

Napangiti ako nang maalala ko na ang unang librong binabasa ng kambal nang mapunta sila sa akin ay encyclopedia.

Naglakad si Amell kaya sinundan ko nalang din s'ya. Papunta kami sa dulong parte ng library kung saan may napakahabang mala-dining table na lamesa kung saan pwede ka magbasa.

Nadatnan namin ni Amell si Mr. Arne doon sa dulo. Nakatalikod ito sa amin habang may hinahalungkat sa shelf sa likod n'ya. Hindi mo mapapansin na may tao sa dulo ng lamesa kung hindi ka lalapit. Natatakpan ng mga shelf ang parte na iyon. Pwede na nga talaga gawing mini office.

“Mr. Arne.” tawag ni Amell ngunit hindi sya lumingon bagamat nagsalita.

“Leave us for a moment.” yumuko nang kaunti si Amell tsaka umalis na din. Hinila ko ang upuan na malapit sa akin at doon naupo. Humarap naman na din si Mr. Arne sa akin. Nakaeye glasses ito ngayon habang nagbabasa. Napalunok ako nang kaunti.

Okay. Bagay kung bagay.

Inalis ko sa kan'ya ang tingin ko ay napatingin sa kaliwa.

“Wala ka bang balak magsalita?” tanong ko. Nararamdaman kong nag angat sya'ng ng tingin sa akin. Narinig ko ang paghila n'ya din ng upuan kaya napabalik ang tingin ko sa kan'ya.

“Here are the files of people who want to kidnap my kids.” pinaslide n'ya papunta sa akin ang isa'ng folder. Napakunot naman ang noo ko at kinuha iyon. Med'yo makapal. Agad kong binuksan iyon at tumambad sa akin ang lalaking nag utos para i-ambush s'ya. “That's Vincent Hernandez. A mayor in the north.”

“Mayor in the north?” naguguluhan kong tanong kahit pa nakalagay ito sa files n'ya. Nakalagay din dito ang iligal na aktibidad n'ya sa pamamagitan ng politika. “Ano'ng gusto n'ya sa mga anak ko?”

“Our enemies found out my kids are alive. In order to get revenge on me and to my mother, they want my kids dead or to get kidnap and get a big compensation since the two is the heir of our businesses.” paliwanag nito. Nagbuklat pa ako ng iba'ng pages habang nagbabasa basa.

“Paano nila nalaman?” tanong ko.

“They don't believe my kids are dead. Read Oswald Lee's profile.” sinunod ko naman s'ya at hinanap ang profile ng binanggit n'ya. Nakita ko naman ito agad at binasa. Isa sya'ng korean pero lumaki na sa Pilipinas. Nasa 30 na rin ang edad n'ya. “That's Quinn and Quincy's uncle. He doesn't believe the twins are dead that's why he investigated my wife's case. And last year he found out that twins are alive under your custody. He's furiously mad at me and wanted the kids since their biological mother kept a large amount of money for the kids and they want it since they're starting to get difficulties in business.” tumango naman ako at patuloy na nagbasa para matandaan ang mga pagmumukha nila.

“Tungkol lang ba sa mother nila kaya sila hinahabol?” tanong ko sa kan'ya. Hindi nagbago ang ekspresyon nito.

“No. There's something more.”

Alam ko.

“What more?” itiniklop ko ang binabasa ko at tiningnan s'ya. Tumayo ito at tinanggal ang salamin n'ya. Sayang at bagay pa naman sa kan'ya 'yun.

“Follow me.” nagsimula na s'ya maglakad kaya tumayo na rin ako at sumama sa kan'ya. Itinago ko sa likod ang files na binigay n'ya. Lumabas kami ng library. Inililibot ko pa rin ang paningin ko dahil napakaganda talaga ng interior design ng mansion nila. Bumaba kami ng hagdan. Nakasunod pa rin ako sa kan'ya. Naglakad s'ya pakaliwa. May hallway na malapad pa kaming nadaanan bago nakarating sa isa'ng napakalawak na kwarto.

Mas malawak pa sa bahay namin pero sa tingin ko salas pa lang nila 'to.

Naglakad s'ya malapit sa may electric fireplace.

May fireplace pero everyday summer naman sa Pinas. Sabagay, ako nga nagkakape sa tanghaling tapat.

“This is our family portrait.” saad n'ya at may itinuro sa kanan ko. Hindi ko ito napansin kanina kasi hindi mo naman talaga mapapansin kapag papasok ka. Lumapit kami dito at unti unting bumakas ang gulat sa mukha ko nang makilala kung sino sino ang nasa portrait. Mag-asawang nakaupo habang si Mr. Arne ay nasa gilid ng babae. Nakangiti sila at mahahalatang masaya ang pamilya nila. Hindi maalis ang mata ko sa babae o sabihin nalang natin na mukhang nanay ni Mr. Arne.

“M-mama mo 'yan?” nauutal na tanong ko.

“Yes.” hindi ako nakatingin sa kan'ya at nanatiling gulat na nakatingin sa portrait sa harap ko. Kinakabahan ang buong pagkatao ko at unti unti kong intindihan ang dahilan kung bakit nagiging delikado ang buhay ng kambal. Hindi sila basta bastang tao.

Dahil anak ng kasalukuyang Presidente ng Pilipinas si Mr. Arne at 'yun ang babaeng nasa portrait.'







—**—
@awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net