MAOH7: Danger

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 7: DANGER

Zahra's POV

“He's here again.” bungad sa akin ni Edric at saka itinuro ang lalaking nasa waiting bench. Napakunot ako ng noo nang makilala iyon.

What is he doing here?

Tumango ako kay Ed at lumapit kay Mr. Arne. Napatayo naman s'ya nang makita ako. Nanatili ang wala'ng ekspresyon sa mukha nito.

“I need to talk to you.” saad nito.

“As far as I remember, we're done talking.” nakita ko sa peripheral vision ko na kumuyom ang kamay n'ya. Nagtitimping napabuntong hininga s'ya.

Maiksi ang pasensya ng ferson.

“If you want to know why I need to get my kids back, you have to listen to me.” blangko ko s'ya'ng tiningnan. Tinalikuran ko s'ya at naglakad na papasok ng opisina. Naramdaman kong nakasunod s'ya. Pagkapasok ay umupo na ako sa office chair at s'ya naman ay naupo sa upuan sa harap ko.

“Tell me.” saad ko.

“Something will gonna happen if they'll stay more with you. In order to protect them, and to protect you, and your family, you have to give them to me.” kumunot ang noo ko.

“What do you mean by protecting me? Are you some kind of a mafia and there's a lot of people haunting and wanted to kill you?” inis kong tanong sa kan'ya.

“I'm not in the mafia. I don't do shits.” inis n'ya ding sagot sa akin. Napairap ako at tiningnan s'ya nang matalim.

“Then what is it?”

“Someone want my kids dead.” napatitig ako sa kan'ya nang matagal. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa mga narinig.

“Don't tell a fucking lies to me just so I could give them to you.” galit kong sagot sa kan'ya. Nanlisik ang mata ko na tiningnan s'ya.

“Look, I'm not lying—” napatigil s'ya nang biglang tumunog ang alarm ng departamento. Napatingin ako sa kan'ya.

“Leave. I have a lot of things to do.” malamig na saad ko at lumabas ng opisina. Agad din ako'ng pumunta ng locker para magbihis na. Agad kaming sumakay sa fire truck at tuluyan nang pumunta sa pinangyayarihan ng sunog.

Habang nasa trabaho ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi n'ya. Iniisip kong mabuti kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit may gustong pumatay sa kambal.

Una, mayaman s'ya. He has competition in everything. But it doesn't make sense kung ang kambal ang sasaktan nila. Pangalawa, mafia leader s'ya and his enemies want him and his entire family dead. Pangatlo, something more is going on. But what is it?

Buong araw na kinain ang isipan ko ng mga sinabi n'ya. Nag-iisip ako ng paraan para alamin kung nagsasabi ba s'ya ng totoo. At kung totoo man ay bakit ang laging naiiwan na tanong sa akin.

Napatingin ako sa kambal na natutulog sa mga kama nila. Napabuntong hininga ako at napahilamos ng palad. Tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko. Pagkatapos ko mag asikaso ay nagpahinga na rin ako.

Kinabukasan maaga ako'ng nag asikaso. Ginising ko ang kambal upang makaasikaso na rin sa pagpasok sa school. Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam na kami na aalis na. Nagmaneho ako papuntang school.

Bago kami makarating sa entrance ng school ay napansin ko na naman ang tao'ng nakaupo sa waiting shed na animo'y naghihintay ng masasakyan. Nakatitig ulit s'ya sa kambal. Nilampasan ko s'ya at tuluyan nang nakarating sa entrance ng school. Hindi ako bumaba ng motor at lihim na binantayan s'ya sa side mirror ng motor ko.

Hindi ayos ang pakiramdam ko sa tao na 'to.

Bumaba ang kambal sa motor ko at ibinigay ang mga helmet nila sa akin. Isinabit ko iyon sa manibela ng motor ko. Napansin kong kinuha ng lalaki sa waiting shed ang cellphone n'ya at may tinawagan. Nagsalita ito habang pabalik pabalik ang tingin sa akin at sa kambal.

“Bye, Mama!”

“Bye po.” ngumiti ako sa kambal at tumango na s'ya nama'ng pagpasok ng kambal sa loob. Ang paningin ko pa rin ay nasa side mirror. Lumipat ang tingin nito. Pasimple ko s'ya'ng nilingon para tingnan kung saan s'ya nakatingin.

Sa kotse sa harap namin?

May isa'ng van sa harap namin ngunit malayo ang agwat nito. Ngayon ko lang 'to nakita. Madilim at tinted ang salamin ng sasakyan kaya hindi ko sila makilala sa loob pero alam kong higit sa isa ang tao roon.

This not feels right.

Bumaba ako upang buksan ang ilalim ng upuan ng motor ko. Tumambad sa akin ang baril na nakatago dito.

Good thing the president armed the fire fighters.

Kinuha ko ang baril at itinago sa kamay ko gamit ang panyo na nasa loob din. Ipinasok ko ito sa bulsa ko at isinara ko ang trunk ng motor. Pagkaharap ko ay nakita kong may nagsilabasan na mga lalaki mula sa loob ng sasakyan. Nasa anim ang bilang nila. Pumasok sila sa loob ng school ngunit hinarang sila ng guard.

“Anong sadya n'yo rito?” rinig kong tanong ng guard.

“Kakilala namin 'yong magkapatid na lalaki at babae na kakapasok lang. May ibibigay sana kami.” maangas na sagot ng isa sa kanila. Kumunot ang noo ko.

They're here for twins.

“Ah ganon ba? Bawal kasi pumasok kapag hindi guardian ng estudyante. Pero nandyan pa ang magulang n'ung kambal, baka gusto n'yong kausapin. ” nagkunwari ako'ng may tatawagan nang lumingon sila sa akin. “Ms. Valmorida.” tawag sa'kin n'ung guard kaya lumingon ako at pekeng ngumiti.

“Bakit ho?” tanong ko.

“Kakilala ho ng mga anak n'yo.” turo ng guard kaya tiningnan ko rin sila. Ang reaksyon naman nila ay halatang naiinis. Baka dahil tinawag ako ng guard. Lumapit ako sa kanila.

“Sino kayo?” napangisi ang nasa harapan nila. Ang iba naman ay naiinip na rin.

“Nandito kami para sa mga anak mo.” maangas na sabi n'ya sa'kin.

“What do you want from them?” kalmadong tanong ko habang inoobserbahan sila.

“Ang pera nila.” natatawa n'ya'ng sabi kaya nakitawa na rin ako. Pati ang mga kasamahan nya ay nakitawa na rin.

“Isang daan lang ang baon nila, aanhin n'yo ang isa'ng daan? Sayang naman ang pagpunta n'yo dito para sa isa'ng daan.” natatawa kong saad sa kan'ya. Sumeryoso s'ya kaya sumeryoso na din ako. Nakatitig ako ng blangko sa kanila. “Sino kayo?” bakas ang inis at pagtitimpi ng lalaking nasa harapan nila.

“Nabubwesit na ako sa'yo.” saad n'ya at humugot ng baril at itinutok sa noo ko. “Pwede bang manahimik ka? Ayaw kong manakit ng babae e.” nagkagulo ang iilang tao sa paligid pati na ang guard.

“S-ser..” nilapitan s'ya ng isa sa kanila at tinutukan din. Bored ako'ng tumingin sa tao'ng nakatutok sa akin ng baril.

“Tulad nang pagchichismis at pagiging pakialamera ay masama rin ang mangtutok ng baril,” itinagilid ko ang ulo ko pakanan upang silipin s'ya. “lalo na kung nagmamatapang ka lang dahil may baril ka.” nakangisi kong saad sa kan'ya na ikinainis naman n'ya. Tumingin s'ya sa isa sa mga kasama n'ya sa kanan n'ya.

“Kunin n'yo yung kambal. Ako ang bahala sa babaeng 'to.” tunanguan s'ya n'ung tatlo. Bago pa sila makahakbang paalis ay hinawakan ko kamay nang tao'ng nasa harap ko at tsaka umikot para malakas na sikuhin s'ya sa ilong. Hinampas ko ang kamay n'ya'ng nakahawak sa baril kaya nabitawan n'ya ito. Sinipa ko papalayo ang baril. Agad ko s'ya'ng binuhat at ibinagsak kaya napadaing s'ya. Ginawa kong suporta ang tiyan n'ya at tumalon at sinipa ang isa sa mga inutusan n'ya'ng kuhain ang kambal.

Tuluyan na ngang nagkagulo ang paligid. Sinuntok ko naman ang isa at tinuhod ang mukha n'ya. Nakita kong may mga papalapit sa akin kaya yumuko ako at ginawang harang ang sinuntok ko kanina. Sinipa ko nang malakas ang likod n'ya kaya natumba s'ya kasama ang mga dapat na lalapit sa akin. Nakita ko rin ang papalapit na suntok kaya sinagang ko ito gamit ng palad ko. Hinawakan ko iyon nang maayos at umikot para ipilipit papunta sa likod ang braso n'ya. Dumaing s'ya kaya sinipa ko din ang likod n'ya.

“Mga gago, sugurin n'yo 'yan!” Nang natumba s'ya ay ginawa kong suporta ang likod n'ya at tumalon para sipain ulit ang kakatayo pala'ng na tao'ng nanutok sa akin kanina. Sinipa ko sa mukha ang papalapit sa akin at ginamit ang pagkakataon na tumalon at umikot papunta sa lalaking nanutok sa akin kanina. Hinila ko ang blazer na suot n'ya ngunit hindi ko inalis sa mga kamay n'ya at itinali iyon sa leeg n'ya nang mahigpit. Sinipa ko ang mga binti n'ya sa likod kaya napaluhod s'ya. Hinigpitan ko lalo ang pagtatali kaya bumakas sa mukha n'ya ang hirap sa paghinga. Tinungtungan ko ang mga binti n'ya'ng nakaluhod at napatingin sa harap.

“Malapit na ata mamatay 'tong kasama n'yo.” nakangisi kong saad at diniinan lalo ang pagkakatungtong. Dumaing s'ya lalo. Nagkatingin sila at sumugod ulit sila sa akin. Sinipa ko sa likod ang lalaking nanutok sa akin at sumugod din pabalik sa lima pa. Natamaan ako kaya napabagsak ako ngunit agad ako'ng tumayo at sinuntok ang isa. Inuntog ko ang ulo n'ya sa isa pang kasama n'ya at sinipa sa tiyan kaya napatumba sila.

Napapikit ako nang maramdaman kong humampas sa akin sa ulo gamit ang baril. Agad kong naramdaman ang dugo ko na umagos mula doon. Agad kong sinugod ang humampas sa'kin ang sinuntok sa panga. Pagkatumba n'ya ay agad ko s'ya'ng itinayo at sinikmuran at hinampas ang likod n'ya.

Napatigil sa pag atake ang anim nang marinig namin ang tunog ng sirena ng police mobile. Ngumisi ako sa kanila. Nataranta sila at akmang tatakbo pabalik sa sasakyan nila nang kuhain ko ang baril ko at pinapaputukan ang dalawa'ng gulong sa harapan ng sasakyan upang hindi sila makatakas.

Nakarating ang mga pulis kaya agad ko silang hinarap at itinuro ang mga lalaking patakbo na at tatakas. Lumapit sa akin ang iba'ng pulis at inakay ako papunta sa police mobile. Sinalubong ako ng kaibigan ko mula sa departamento ng kapulisan.

“Ano'ng nangyari?” tanong ni Amara habang nakakunot ang noo. Napabuntong hininga ako.

“They're trying to kidnap my kids and trying to ask to compensation.” mukhang nagets n'ya naman ang sinabi ko. Tumango ito sa akin.

“We'll take care of it.” saad nito kaya tumango ako bilang sagot. Lumapit ako sa lalaking nasa waiting shed na nakakapagtakang hindi pa rin umaalis ngunit kabado ang pagmumukha. Nanatili ang wala'ng ekspresyon sa mukha ko.

“Tell to Mr. Arne to come at my office and talk to me. He need to clear things out and explain everything to me. Everything is what I want.” tumango tango ito at umalis na.

He's too easy to read. I know he's one of Arne's men.’

Bumalik ako sa pinangyarihan. Nahuli na nila ang lahat na nabugbog ako pati na rin ang mga natirang mga tao sa loob ng van. Lumapit sa guard ng school.

“Ito ho ang number ko. Tawagan n'yo ako kapag may magtangkang kumuha ulit sa mga anak ko.” tumango ito at saka tinanggap ang calling card na binigay ko. “Please make sure they're safe inside this school.”

“Huwag ho kayong mag alala, sisiguraduhin ko 'yan.” nakangiting sabi. Ngumiti ako nang tipid at napatingin sa building ng school.

“Pakisabi po sa head master na huwag nang ipaalam sa kambal na muntikan na silang makidnap at nasaktan at nasugatan ako.” saad ko habang nakatingin sa room ng kambal.

“Sige ho.” tumango ako at saka bumalik sa police mobile.

“Kailangan mong pumunta sa precinct para makuha ang statement mo.” tumango ako kay Amara. Binalikan ko ang motor ko at sumakay. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Edric na may aasikasuhin ako. Pagkatapos at tumuloy na rin ako sa presinto.

Pagkarating ko ay nasa loob na ng kulungan ang mga tao'ng nabugbog ko. Maga ang iba'ng parte ng mukha nila. Ang iba ay dumadaing. Masasama ko silang tiningnan.

“Halatang galit ka.” napatingin ako kay Amara.

“You know me, when it comes to my kids, I can be a terrible person.”

“Paalala lang, huwag masyadong malala sa gan'yan,” turo n'ya sa mga tao'ng nabugbog ko. “Baka mapasama ka sa kanila.” ngumisi ako sa kan'ya.

“You know me. I never started a fight.” tinuro ang lalaking nanutok sa akin ng baril. “That guy pointed his gun on me. I have to defend myself, of course.” natawa naman s'ya. Tumango tango ito at bumalik sa upuan n'ya bilang lieutenant.

Pagkatapos ko magbigay ng statement ay pumunta ako sa malapit na health care center dito para magpagamot ng sugat ko sa ulo. Agad ako'ng bumalik sa trabaho ko.

Agad naman silang nagtaka sa gauze na nakadikit sa may gilid ng noo ko.

“An'yare?” tanong ni David. Ngumisi ako sa kan'ya.

“Someone wants to kidnap my kids kaya binugbog ko sila.” gulat silang napalapit sa akin.

“How's Quinn and Quincy?” tanong ni Ed. Bumuntong hininga ako.

“Fortunately, they're fine and didn't witness the fight.” bumuntong hininga din sila na parang naluwagan na ang pakiramdam. “Papasok na ako.” tumango sila at hindi na nagtanong pa kaya pumasok ako sa loob. Pagkaupo ko ay nagmessage ako kay Amara para hingin ang mga picture ng mga tao'ng nabugbog ko.

Habang naghihintay sa reply n'ya ay nagbasa basa muna ako sa trabaho ko. Maya maya ay nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Pagkabasa ko sa reply ni Amara ay si Aiden naman ang minessage ko at sinend sa kan'ya ang mga litrato.

Alamin mo kung sino sila. They're trying to harm my kids.

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa trabaho.

Dumating ang hapon at natapos na ang oras ng trabaho ko. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas. Sumakay ako ng motor ko ay nagmaneho na pauwi.

Habang nasa byahe ay panay ang tingin ko sa side mirror para imonitor ang mga kasabayan kong sasakyan upang mapakagdrive ako nang maayos. Tumigil ako nang maging pula ang traffic light. Napatingin ulit sa side mirror. Napakunot ang noo nang may mapansing kakaiba.

Kaya pala pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin. Akala ko dahil lang sa nagagandahan sila, tsk.

Agad ako'ng nagdrive nang maging berde ang traffic light. Tulad nang hinala ko ay nakasunod nga sila sa akin.

Patatagalin pa ang pag-uwi ko nito. Mga papansin.

Iniligaw ko sila. Dumaan ako sa iba't ibang daan para hindi na nila ako masundan. Mukhang napansin na nila na alam kong sinusundan nila ako kaya bumilis ang takbo nila para habulin ako.

Nang hindi na ako nasundan ay tumigil ako sa isa'ng eskinita na wala'ng tao. Tinanggal ko ang helmet ko at bumaba. Sumilip ako sa labas upang tingnan kung nandyan ba sila. Napaatras ako nang dumaan ang sasakyan na sumusunod sa akin.

Ngumisi ako at bumalik sa motor ko. Inatras ko iyon palabas ng eskinita. Nagulat ako nang makitang nasa malapit ang sasakyang sumusunod sa akin at may mga iilang tao'ng nakaitim na nakatingin sa akin habang nakasandal sa gilid ng eskinita. Akmang susugod sa akin ang isa kaya bumaba ako ng motor at inilagan s'ya. Pasugod ulit s'ya sa akin kaya yumuko ako at pinatid ang mga paa n'ya dahilan para matumba s'ya. Agad din nila ako'ng sinugod kaya napalaban na din ako.

Hanep na araw 'to. World punches day ba ngayon?

Nasagang ko ang suntok ng isa ngunit nilock n'ya ang mga braso ko gamit ang mga braso n'ya. Nanlalaki ang mata kong sinipa s'ya at hinarap ang iba. Ngunit pagkaharap ay may tumama sa akin. Hindi bagay kun'di parang tubig.

Spray?

Hindi ako handa sa ganon kaya nalanghap ko ang amoy na inispray nila sa akin. Isa'ng matamang na amoy na nakakapagpahilo sa akin. Napaluhod ako at inuubo ubo. Umiikot ang paningin ko at pakiramdam ko lumilindol.

Nahihirapan man ay tiningnan ko sila para kilalanin ang mga mukha nila. Tuluyan nang nandilim ang paningin ko. Lumapit sa akin ang isa sa kanila. Tuluyan na nga ako'ng nawalan nang malay. Ngunit narinig ko pa ang sinabi n'ya.

“You're in danger now.”








jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net