MAOH5: This Guy

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 5: THIS GUY

His POV

I felt a presence behind me but I ignore it. I drank the choco milkshake I am holding while staring at nothing outside the window wall at my office.

“Sir.”

“What is it?”

“The result is here, Sir.” I immediately face him with a surprise look. He showed me the brown envolope he's holding. I put down my drink and get the envelope to him. I opened it and read what's inside.

Probability of Paternity: 99.99999999% match.

I sigh out of relief while staring at the result. My gaze dropped at the photos on my table. I grabbed the photo with my right hand and stare at it. It's a photo of a two kids together with a woman, eating happily in a restaurant. The kids seems to be enjoying whenever they're with that girl.

‘They somehow looked like their mom.’

I stared at the woman in the photo. She's the one who saved my kids.

‘I'm jealous of her. She can hug and kiss my kids. Treat them. Buy toys for them.’

“We have another news, Sir.” I look at him with confusion. He cleared his throat and look at me seriously. “Zahra, the woman who saved your kids, has officially adopted Quinn and Quincy yesterday. She immediately handled everything in three days that's why.” I felt a sudden pain after hearing those. I can feel my heart beating faster. I coughed to clear my throat and remain my poker face as I look at him. “W-What will you do, Sir?”

“Nothing. Just observe for the mean time. We have a lot of things to handle than this. Make sure send some bodyguards to protect them in case something happen.” he nodded to me and left my office. I looked at the photo again.

‘This is what I can do for the mean time. Please take care of them, Zahra.

_

Two years later...

Zahra's POV

“Happy 11th birthday, Quinn and Quincy!” bati ng lahat ng mga umattend ng birthday ng kambal pagkatapos kantahin ang birthday song. Ngumiti ang kambal at hinipan ang mga kandila sa mga cake nila. Pumalakpak kami pagkatapos mapatay ang lahat na kandila. Umalis sila sa harap at tumakbo papunta sa akin. Sinenyasan ko sina Mama na pwede na kumain ang mga bisita. Tiningnan ko naman silang dalawa na umupo sa mga hita ko.

“Do you want to eat?” tanong ko sa kanila. Umiling si Quincy at nagpout.

“I want to open those gifts. Ninong Ed gave me something big earlier. I'm excited to open it.” nakangiting sabi n'ya habang humahagikgik.

“Don't be so stubborn, Quincy. You can open that later. Let's eat first. Mama will get mad if you skip your meals.” kalmadong pinagsabihan ni Quinn ang kapatid. Lihim ako'ng napangiti sa kan'ya.

“Your brother is right. You should eat first then we'll open the gifts later together with my gift.”

“Really?” nakangiti ako'ng tumango sa kan'ya. Pero agad din sumeryoso.

“What did Lolo say about the communication we use?” napout si Quincy na halatang ayaw pa rin sa patakaran na iyon.

“Tagalog ang dapat na gamitin para ipakita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino.” sabay na saad nila sa akin habang nakangiwi. Itinikom ko ang bibig ko upang hindi matawa. Tumikhim ako upang hindi mahalata na natatawa ako. Hindi maipagkakaila na napakagaling din nila magtagalog ngunit dahil sa mas lamang ang itinuturong English sa Pinas at mahilig sila magbasa ng mga librong English ang medium ay nasanay na talaga sila sa English. Pero si Papa ay gusto silang mas lalong masanay sa Tagalog dahil hindi lahat ng tao ay marunong mag-English.

“Sit here first. I'm going to get you some foods.” agad naman nila ako'ng sinunod at umupo sa mga katabi kong upuan. Agad ko sila pinagkuha ng pagkain at inihain sa kanila.

Maraming nagbago sa kambal pagkatapos ng dalawa'ng taon. Naging close nila ang mga pinsan nila na kapitbahay lang namin. Panay ang laro at madungis ang mga mukha na uuwi sa bahay.

‘Para'ng ako lang dati.’

Pero kahit ganon ay hindi non napigil ang pangunguna ng dalawa sa klase. Silang dalawa ang nagpapalitan sa top one at top two. Nakakaproud bilang magulang ngunit mas nakakaproud na unti-unti silang naging maayos. Nawala ang trauma nila kinuhaan ko sila ng child psychologist. Mas naging vocal sila sa akin tulad nang itinuro ko sa kanila. Unti unti na din nawawala ang separation anxiety nila dahil malayo ang pinagtatrabahuhan ko at weekends lang ako nakakauwi at naiintindihan naman nila iyon.

Pagkatapos ng celebration ay excited na pumasok sa kwarto nila ang kambal para buksan ang mga regalong natanggap nila mula sa trenta nilang mga ninong at ninang. Ang daming nagvolunteer maging godparents nila dahil napakagwapo at maganda daw sina Quinn at Quincy.

‘Well, it's true though. Mana sa akin.’

Umupo sila sa lapag at agad na binasa kung kanino galing ang regalo na 'yon. Pagkatapos basahin ay agad na nilang binuksan. Bumakas ang pagkaexcite at tuwa nang makita ang laman ng regalo. Iyon ang libro nilang gustong gusto na mabasa. Nakangiti ko lang silang tinitingnan habang nakaupo sa kama ni Quinn.

“Look, Mama! Ninong Ed gave me a pretty dress!” ipinakita nito ang natanggap na regalo galing kay Ed na nakabox pa. Ngumiti ako nang itapat n'ya ang damit sa harapang bahagi ng katawan n'ya para sipatin kung bagay ba.

‘Fashionista 'to paglaki.’

“Ohh that's look so good on you Quincy. Bagay na bagay.” saad ko.

“Mama is right. It's your style. It fits on you.” ngumiti ito nang malapad sa amin.

“Go try it.” sabi ko sa kan'ya. Agad naman nya itinungo ang cr ng kwarto nila. Tiningnan ko si Quinn nang buksan n'ya din ang regalo sa kan'ya ni Ed. Gulat at hindi talaga makapaniwala ang nakabakas sa mukha n'ya nang tumingin ito sa akin.

“Ma. It's a chess board.”

“Did you request that to your ninong Ed?” umiling ito sa akin habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa regalo.

“Nasabi ko sa kan'ya na I want something like this.” ngumiti ako sa kan'ya. Madalas ay sila talaga ang magkausap ni Ed sa mga ganoong bagay dahil halos pareho sila ng hilig na dalawa. Father figure ang tingin nila kay Ed na gustong gusto naman n'ung isa.

Lumabas si Quincy mula sa Cr na suot suot na ang damit. Nakangiti itong umikot kaya natawa ako.

“You're so beautiful, my love.” humagikgik naman ito.

“Can I wear this muna, Mama?”

“Sure.” ngumiti ito sa akin at muling bumalik sa pagkakaupo upang buksan ang iba'ng regalo. “I'll go get my gift. Stay here.” naexcite naman sila kaya napangiti ako. Tumayo ako at lumabas ng kwarto nila at pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko ay agad kong kinuha ang regalo ko sa kanila at bumalik sa kwarto ng kambal. Nang makapasok ako ay agad na napatayo ang kambal. Ngumiti ako sa kanila at inilapag iyon sa kama ni Quinn.

“Can we open this already?” tumango bilang pagsang-ayon. Agad nila itong binuksan at inilabas ang laman. Gulat naman silang napatingin sa akin na parang naiiyak.

“You painted us, Mama.” naiiyak na saad ni Quinn.

“I look so beautiful here, Mama.” natawa ako kay Quincy. Umupo ako sa bakante sa gitna nila. Kinuha ko painting na ginawa ko at ipinatong iyon sa hita ko. Umusog sila papalapit sa tabi at tinitigan ang painting.

“Remember this day?” tumango tango sila. Ako naman ang naiiyak. “That's the day when we first met. When you two hugged me for the first time and making me feel you need me.” ibinaba ko ang painting at isinandal sa night stand sa tabi ng kama at tiningnan sila. “I love you.” sinsero kong sabi pagkatapos ay niyakap nila ako. Humigpit ang yakap nila sa akin.

“I love you too, Mama.”

“I love you always, Mama.”

Napangiti ako at mahigpit din silang niyakap.

‘I can't believe I became a parent by just meeting these two. But I never regret taking the responsibilities for these two. They're worth it.’

Magpatapos nila buksan lahat ng regalo ay nagpahinga na din sila at natulog. Hinalikan ko sila sa noo bago ko pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto nila. Bumaba ako at lumabas ng bahay at tumambad sa akin ang mga nag-iinoman na kamag-anak at kaibigan ko. Ngumiti ako nang nakangiting lumapit sa akin si Edric at David.

“Tulog na ba sila, Chief?” tumango ako kay David. “Ano pang hinihintay mo? Shot na, Chief! Shot puno!” tinulak nila ako papalapit doon sa table nila. Binigyan nila ako ng baso, hindi shot glass kun'di baso na puno talaga ng alak.

“Bakit puno?” reklamo ko.

“Hindi naman natuloy ang inuman natin noong napromote ka kaya shot puno!” nginiwian ko sila pero sinusulsulan nila ako na inumin na iyon. Inamoy ko iyon at mas lalong napangiwi. Amoy na amoy ang pinaghalong beer at soju. Inirapan ko sila at ininom din ang buong laman ng baso nang wala'ng hinto. Napahiyaw naman sila na parang nanalo ulit ang Brgy. Ginebra sa PBA. Nginisihan ko sila at naupo na din at sinimulang makipag-inuman sa kanila.

‘Ang tagal na simula n'ung huli naming inuman na ganito.’

Kinabukasan ay med'yo sumasakit ang ulo kong bumangon. Pagkatapos mag-asikaso sa sarili ay lumabas ako at pumasok sa kwarto ng kambal. Natutulog pa sila nang pumasok ako. Lumapit ako kay Quinn at ginising s'ya.

“Quinn, gising na. May klase pa kayo.” nag-inat naman ito ng katawan at kumukurap na tiningnan ako. Ngumiti s'ya at tumango. Lumipat naman ako sa kama ni Quincy upang s'ya naman ang gisingin. “Quincy, gising na. You have classes.” umungol ito at nagpout kahit pa pakurap kurap ang mata nito.

“I'm still sleepy.”

“You don't wanna be late. Get up now.” tumango din ito kaya tumayo na ako. “Mag-ready na kayo. Ako ang maghahatid sa inyo.”

“Opo.” sabay nilang sabi at kusa nang mag asikaso sa sarili. Napangiti ako sa kacutan nila at lumabas na ng kwarto nila. Bumaba ako at nadatnan ko sa kusina si Mama na nagpeprepare ng agahan at sina Papa at mga kapatid ko na kumakain na.

“Good morning.” bati nila kaya bumati din ako pabalik.

“Ang dalawa?” tanong ni Mama.

“Pababa na 'yon.” tumango ito. Kumuha ako ng tasa na pagtitimplahan ko ng kape nang may maalala ako. “Ah nga pala, Zane. Saan ka magcocollege?” nilingon ko ang bunso kong kapatid.

“Doon din sa pinag-aralan mo, Ate. Nag apply na ako for scholarship.” tumango ako sa kan'ya at ibinalik ang atensyon sa pagtitimpla ng kape. Pagkatapos ay naupo na ako. Nilagyan ko na ng pagkain ang mga pinggan ng kambal para kakain nalang sila pagkababa.

“Aalis na po kami.” paalam ng mga kapatid ko.

“Mag-aral kayo nang mabuti.” paalala ni Mama sa kanila. Lihim ako'ng napangisi dahil hindi ko naranasan kay Mama iyon.

‘At hindi na rin naman ako nag-aaral which is heaven.’

Maya maya ay bumaba na ang kambal at pumasok sa kusina. Agad silang nagmano kina Mama at Papa at agad na umupo upang makakain. Kumain na din ako.

Pagkatapos namin mag-agahan ay nagpaalam na din kami na aalis. Inayos ko ang motor ko at pagkatapos ay sumakay. Sinuot ko muna ang helmet sa kambal at pinasakay din sa motor. Agad kong pinaandar iyon papunta sa eskwelahan nila. Pagkarating ay agad naman sila bumaba at inalis ang helmet. Inalis ko din ang akin.

“Bye, Mama.”

“Babye!” hinalikan nila ako pareho sa pisngi at tumakbo na papasok. Ngumiti ako at tsaka ibinalik ang helmet sa ulo ko. Nilingon muna ako kabila at kanan para masigurong maayos ang pagtawid ko. Ngunit nahagip ng mga mata ko nasa waiting shed malapit sa school at nakatingin na naman sa mga anak ko. Sa tuwing inihahatid ko ang kambal ay nakikita ko s'ya lagi sa waiting shed at nakatingin sa kambal. Iniisip ko nalang na nagkataon lang dahil ayaw kong gawing big deal.

Napailing ako at agad din na umalis. Bumalik ako sa bahay para ibigay ang helmet ng kambal at tuluyan nang nagmaneho papuntang trabaho ko. Sa weekends na naman ako makakabalik.

Pagkarating ko ay nagtaka ako nang makitang may nakapark na mamahaling kotse na hindi pamilyar sa akin at nasisiguro kong hindi kotse ng nga kasamahan ko iyon.

‘May dumating bang highest official?’

Agad ako'ng napababa ng motor at inayos ang sarili ko. Nagmamadali ako'ng pumasok para alamin kung sino ang dumating. Sinalubong ako ni David na parang naiinis na.

“Ano'ng nangyare?” agad kong tanong sa kan'ya. Itinuro n'ya ang pinagtitinginan ng buong departamento. Napakunot ang noo. Bakas ang inis sa mukha ni Edric habang kinakausap na parang kinukumbinsi nito ang isa'ng lalaking nakasuit at nakakrus ang mga hitang nakaupo sa waiting bench ng department namin. Hindi ko makilala ang lalaking nakaupo dahil nakatalikod ito. “Sino 'yan?”

“Kanina pa 'yan dito at hinahanap ka. Ang lagi nya'ng sinasabi ay gusto ka daw n'ya makausap. Ayaw umalis at nag-insist na naghintay.” mas lalo ako'ng naguluhan.

‘Ako? Ano'ng kailangan nito sa'kin?’

Lumapit ako sa kanila. Agad na umayos nang tayo ang lahat nang makalapit ako. Unti unting tumayo ang lalaki at humarap sa akin. Nagulat ako nang bahagya.

‘He's familiar.’

Hindi ko nailis ang tingin ko sa kan'ya at siniyasat ang buong tindig at kilos n'ya.

“Finally, you arrived. I need to talk to you, Chief.”
wala'ng emosyong saad n'ya sa akin. Hindi ako nagpatinag sa intimidating na titig n'ya.

“How may I help you?” magalang na tanong ko sa kan'ya.

“We need to talk in private. Your office will do.” agad n'ya kaming tinalikuran at naglakad papunta sa opisina ko. Nainis ako sa inasta na n'ya parang inuutusan lang ako. Pipigilan sana s'ya ng mga kasamahan ko nang senyasan ko sila na huwag na. Sinundan ko s'ya papunta sa opisina ko at pumasok din.

‘There is something going on. There is something to him that made me curious. And I wanna ask, who is this guy?’





jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net