MAOH24: Happy and Complete

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 24: HAPPY AND COMPLETE       

Zahra's POV

Marahan s'yang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin at napaiwas ng tingin. Napatikhim ako at iniwas din ang tingin sa kan'ya. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakangiti s'ya sa kambal habang ang kambal ay nakangisi lang sa'ming dalawa. Napatikhim ulit ako at tinapangan ang loob na tingnan s'ya.

“Paalis ka na ba?” napatingin s'ya sa'kin. Tumango s'ya bilang sagot.

“My driver is waiting in the parking lot.” saad n'ya. Napalunok ako, hindi ko na tuloy alam ang sunod na sasabihin. Pinaghandaan ko pa naman ang mga sasabihin sa kan'ya.

“M-Magbobook nalang siguro kami ng flight—”

“No. Come with me.” nanuyo ang lalamunan ko sa uri ng titig na ibinibigay n'ya sa'kin.

“Let's go, Mama!”

“Right. I'm so excited.”

Napangiti nalang ako sa kambal dahil walang pagsidlan ang tuwa nila. Nakangiti sila the whole na papunta rito. Hanggat kaya ko ay ayaw ko mabura 'yon sa mga mukha nila.

Tumango ako sa kanila. “Sige, makisakay tayo sa kan'ya.” nakangiti kong sabi sa kanila. Ramdam ko ang tingin ni Aziel sa'kin pero hindi ko s'ya tiningnan.

“Just give me a sec,” napatingin ako sa kan'ya na agad tumalikod at kinuha ang phone n'ya. Nilagay n'ya sa kanang tenga n'ya ang phone indikasyon na may tinawagan s'ya. “Come up here.” malalim ang boses na utos n'ya at agad binaba ang cellphone. Nakatingin lang ako sa kan'ya hanggang sa lumingon s'ya samin at lumapit. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo sa'kin ang makinang na kayumangging mga mata n'ya.

‘Lakas nang loob magplano, naduwag naman on the spot. Nice, Zahra.’

Gusto kong tuktukan ang ulo ko dahil kahit kalmado ako sa panlabas ay tense na tense na ang mga kalamnan at lamang loob ko.

Nagkwentuhan at nagbangayan na naman ang kambal nang biglang bumukas ang elevator at iniluwa si Amell doon. Gulat ang bumalatay sa mukha n'ya nang makita kami. Agad s'yang lumapit sa tabi ni Aziel.

“Bring that,” saad ni Aziel sabay turo sa mga maleta na hawak ko. “They're coming with us.” napatango naman s'ya agad na sumunod sa utos ng amo n'ya. Nakangiti s'yang lumapit sa'kin at kinuha ang mga maleta sa'kin.

“Ako na magdadala nung akin.” nakangiti kong pigil sa kan'ya at ibinigay ang maleta ng kambal sa kan'ya.

“No, let Amell carry that.” kunot noo kong tiningnan si Aziel.

“Hirap nga akong dalhin 'yang tatlong maleta na 'yan, s'ya pa kaya? Hindi naman tatlo braso n'yan.” inis kong sabi sa kan'ya. Napaigting ang bagang n'ya at matiim na tumingin sa'kin. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay.

“I'll call another person to carry that—”

“Ikaw na.” lumapit ako sa kan'ya at inihinto ang maleta ko sa harap n'ya. Napanganga s'ya sa'kin. Ngumiti ako sa kan'ya at kinuha ko ang kamay n'ya at ipinatong sa handler ng maleta ko. Bagamat pinagsisihan ko nang kaunti ang paghawak sa kamay n'ya dahil parang kinuryente ako roon.

Walang sali salitang tinalikuran ko s'ya at inilahad ang dalawang kamay ko sa kambal. Agad nilang kinuha ang kamay ko. Tiningnan ko sila at sinenyasan na bumaba na. Nauna nang pumasok si Amell sa elevator na may nakakalokong ngiti ang naglalaro sa labi n'ya. Sumunod ako habang hawak ang kambal. Nahuli si Aziel na hila ang maleta ko.

Lihim akong napangiti nang tingnan ko s'ya. Kalmado lang ang mukha n'ya at maayos ang tayo habang pababa ang elevator. Nakita ko ang paghigpit nang hawak n'ya sa handler ng maleta ko. Parang wala lang din sa kan'ya na pinaghila ko s'ya ng maleta ko, nagulat siguro s'ya dahil hindi s'ya sanay sa ganon. Hindi ko nalang s'ya pinansin hanggang sa bumukas ang elevator. Agad kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan ang kotse n'ya.

Napatigil kami sa isang mamahaling kotse na kulay itim. Nakita ko ang isa pang mamahaling van na alam kong nandoon ang ibang bodyguards ni Aziel. Binuksan ni Amell ang compartment ng kotse at walang hirap na nilagay ang mga maleta namin doon.

Kumindat ako kay Quincy sanhi ng paghagikgik n'ya. Binuksan ko back seat ng kotse at unang pinapasok ang kambal. Nagstay muna ako sa labas at hinintay si Aziel na pumasok sa loob. Titingnan ko kung saan s'ya pupuwesto. Napatingin ako sa kan'ya, nakakunot ang makakapal n'yang kilay. Napakurap ako ng dalawang beses at walang ano ano'y pumasok sa back seat ng kotse. Napahawak ako sa dibdib ko at napahinga nang malalim. Hindi ko kinaya ang tingin n'ya.

“Mama? Are we leaving na?” ngumiti ako ng pilit kay Quincy at tumango. Napansin kong si Quinn ay panay sipat sa kotse at namamanghang pinag aaralan ang loob ng sasakyan.

Pumasok si Aziel at naupo sa passenger seat katabi ang driver na si Amell. Naging tahimik kaming lahat. Lalo na ako na parang sasabog na ang dibdib sa lakas ng tibok ng puso ko.

“Let's go.” malamig ang utos n'ya kay Amell. Napalunok nalang ako at binalingan ang kambal na nagbubulungan.

Umandar na ang kotse. Napatingin ako sa rearview mirror ng kotse at nagulat ako nang magtama ang paningin namin ni Aziel doon. Tulad kanina ay kakaiba na naman ang dulot sa'kin ng mga tingin n'ya. Napakalalim na parang hinahagod ako hanggang kaluluwa. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Sa labas ko itinutok ang paningin ko.

Lumipas ang mahigit isang oras na byahe ay nakarating na kami sa airport. Tahimik lang ako sa byahe kanina. Hindi na rin ako nag abalang tumingin pa sa harap, ayokong magtagpo muli ang tingin namin, hindi kinakaya ng puso ko.

Nang makababa kami ay inalalayan ko ang kambal na hindi magkamayaw sa excitement. Nagbabayangan pa sila kanila pero ngayon ay magkasundong magkasundo na. Nakahawak lang sila sa kamay ko. Hinintay namin si Aziel at iba n'yang bodyguards.

Nagsibaba mula sa van ang mga bodyguards n'ya na naka all black suit at makikitang bigating tao ang amo nila. Namamanghang tiningnan sila ng kambal nang pumila sila sa harap namin nang makalabas kami mula sa kotse.

“Who are they, Mama?” tanong sa'kin ni Quincy.

“Your father's friends.” napa 'o' naman ang bibig nila sa pagkamangha. Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung pababa na ba si Aziel. Nagsisi naman ako kinalaunan nang sa paglingon ko ay saktong papalabas s'ya at sa'kin lang tumingin ang makinang n'yang mata. Sa paghakbang n'ya papalapit sa'min ay s'ya namang paglakas ng tibok ng puso ko.

‘Pero hindi talaga s'ya tumigil sa malakas na pintig! Huhuhuhu abnormal na puso!’

Iniwas ko ulit ang tingin sa kan'ya at blankong napatingin sa harap ko. Tumigil s'ya sa tabi ko sanhi nang paghigit ko ng hininga.

“Is everything ready?” napangiti ang isa sa mga bodyguard n'yang babae, si Vivian, para sumagot.

“Yes, Mr. Arne.” hindi ko inabalang lingunin ang reaksyon ni Aziel pero alam kong tumango s'ya.

“Let's go, kids.” napalunok ako nang naglakad s'ya at tumigil sa harap ko. Agad binitawan ng kambal ang kamay ko at excited na humawak sa kamay ni Aziel. Nakangiting tinanggap ni Aziel ang kamay nila. Nag angat s'ya ng tingin sa'kin, nagtagal 'yon ng ilang segundo bago n'ya binawi at tumalikod na hawak hawak ang kambal.

Napapikit ako nang mariin at sumunod sa kanila. Pumasok kami ng airport habang nanatili ako sa likod nila at pinagmamasdan sila. Lutang akong nakasunod sa kanila hanggang sa hindi ko na namalayan na malapit na kami sa private plane n'ya.

“Wow, you own that, Papa?” napabalik ako sa wisyo nang marinig si Quinn na manghang mangha sa eroplanong nakikita. Nakangiting tumango sa kan'ya si Aziel.

“My papa is rich?” napatakip ng bibig sa gulat si Quincy habang nagniningning ang mga mata na nakatingin kay Aziel. Matutuwa talaga s'ya, marami s'yang mga bagay na gusto kaya hindi malabong hilingin n'ya 'yon kay Aziel.

Nanatili ako rito sa likod nila at bahagyang malayo na sa kanila. Sumasabay ako sa mga bodyguards n'ya sa paglalakad. Besides, gusto ko lumayo nang bahagya kay Aziel para tingnan ang epekto n'ya sa'kin.

‘Pero putcha, tuwing maglalapat ang mga tingin naming dalawa ay nagwawala na ang sistema ko. Presensya palang ng ferson na 'to, para na akong binombahan.’

“Lucas, let's go.” maawtoridad na saad ni Aziel. Sumunod si Lucas at pumasok na sa loob ng private plane ni Aziel. Naalala ko, s'ya pala ang piloto n'ya. Tumingin sa'kin si Aziel na dahilan nang kaba ng puso ko. “Let's go.” hindi ko s'ya sinagot at tumango nalang. Sumunod ako sa kanila.

Nakasunod lang ako hanggang sa makapasok kami.

“Wow!”

“Omg! This is so amazing.”

Nakatayo lang ako at pinagmasdan ang kambal na wala atang ibang naramdaman mula kanina kun'di paghanga. Napangiti ako nang tipid.

“Sit here, Quincy.” saad ni Aziel sabay turo sa airplane seat malapit sa kan'ya. Agad na sumunod si Quincy at naupo sa tabi ng bintana. “Sit beside her, Quinn.” tulad ni Quincy ay agad din s'yang sumunod na para bang ramdam n'ya ang awtoridad ng ama. Nagulat ako nang bigla n'yang hulihin ang palapulsuhan ko at pinaupo sa isang seat malapit sa bintana, sa tapat ni Quincy. Walang sali salitang naupo s'ya sa tabi ko.

“Magsabi ka next time.” sarkastiko kong sabi at tinaliman ang tingin sa kan'ya. Parang balewala lang sa kan'ya 'yon.

“It's already lunch time, let's eat.” tutal ay para kaming nasa restaurant dahil sa lamesa na pumapagitna sa'ming apat ay pwede na nga sigurong kumain. May pinindot si Aziel na remote at bumukas ang pinto sa harap namin. Iniluwa non ang ibang bodyguards n'ya na may dalang pagkain. Napalunok ako.

‘Ramdam na ramdam ko na ang yaman ng hinayupak na 'to.’

Maingat nilang inilagay sa harap namin ang pagkain. Nang maihain ay bahagya silang nagbow at umalis. Napatingin ako kay Aziel na nakangiting binuksan ang mga takip ang harap nila. Nanlalaki ang mga mata ng kambal nang makita ang pagkain. Binuksan ko rin ang akin dahil gutom na ako. Napakunot ang noo ko sa pagkaing tumambad sa harap ko. Alam ko ang putaheng ito, isang french cuisine pero hindi ko matandaan ang pangalan.  

Napalunok nalang ako at nagsimula na kaming kumain. Sumasakit na rin ang ulo ko sa lula dahil sa mga mamahaling bagay sa paligid ko.

Nang matapos kumain ay napagdesisyunan kong matulog. Nahiga ako sa hinigaan ko noon nang kinidnap ako ni Aziel. Ibinilin ko muna ang kambal kay Aziel, bahala kamo sila sa gusto nilang gawin dahil inaantok ako.

Naalimpungatan ako sa hagikhik ni Quincy. Narinig ko ang pag shh ni Quinn animo'y pinapatahimik ang kapatid nya. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil nanlalaban ang antok sa'kin. Bahagya akong nagmulat at nakita kong nagbubulungan silang tatlo ay may pinag uusapan, may pinagpaplanuhan. Nang dahil sa antok ay nakabalik ako sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagising ako sa yugyog.

“Mama, wake up, we're here.” napaungol ako at napakurap ako ng dalawang beses at bumangon. Tumambad sa'kin ang nakangiting mukha ni Quincy. Ngumiti ako sa kan'ya at hinalikan s'ya sa noo. Nasa harapan ko rin sina Aziel at Quinn na mukhang ready na bumaba. Napatayo ako.

“Did you sleep well?” casual na tanong ni Aziel. Tinanguan ko lang s'ya at umiwas ng tingin. Napangiti ako kay Quincy nang hawakan n'ya ang kamay ko.

“Let's go, Mama.” aya ni Quinn.

Naunang lumabas sina Quinn at Aziel, kasunod kami ni Quincy. Kalmado at napakapropesyonal ang mga bodyguards ni Aziel na nakahilera sa baba. Napangiti ako at napapailing.

Napanganga ako nang tumigil kami sa isang itim na Porsche na sumisilaw sa pagiging mamahalin. Katulad kanina ay hindi naitago ng kambal ang paghanga sa mga bagay na pagmamay-ari ng ama nila.

Nakangiting pinagbuksan ni Aziel ng back seat ang kambal habang ako ay parang tuod na nakatayo pa rin. Nilingon ako ni Aziel habang salubong ang makakapal n'yang kilay. Binuksan n'ya ang passenger seat at minuwestra na pumasok ako. Tabingi ang ngiti kong pumasok sa loob.

“This is so awesome.” rinig kong saad ni Quinn na sa tingin ko ay sinisipat ng tingin ang loob ng kotse.

Wala na ulit na nagsalita nang makapasok sa driver's seat si Aziel at nagdrive na paalis. Gusto ko sanang matulog ulit pero sobra sobra na ang tulog ko, baka hindi na ako makatulog mamayang gabi. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang nakikinig sa kwentuhan ng kambal na kung minsan ay sumasagot si Aziel.

Nakikita ko na mas naging kumportable ang dalawa kay Aziel. Mas naging close sila mula nang magising ako kanina.

‘Ginayuma n'ya kaya ang mga anak ko?’

“What are you thinking?” nagulat akong napalingon kay Aziel. Saglit n'ya akong tiningnan at ibinalik ang tingin sa daan. Napalunok ako.

“Wala, gutom lang.” sagot ko at tumingin din ng diretso sa daan.

“Do you want us to stop by in a restaurant first?” napatingin ako sa kan'ya. Tulad kanina ay casual lang ang tono ng pananalita n'ya.

“Huwag na. Sa dinner nalang ako kakain.” sagot ko sa kan'ya. Tumango naman s'ya pero ang atensyon ay sa daan. Napalingon ulit ako sa kan'ya at nagtanong. “Saan pala ako tutuloy? Kukuha ba kami ng apartment muna para roon tumira saglit?”

“You don't have to worry about that. You're staying at my place.” nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kan'ya. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko.

“S-Sigurado ka?” mahinang tanong ko. Nakita ko ang maliit na ngiti na naglalaro sa labi n'ya.

“Yes.” napahinga ako nang malalim at umupo nang tuwid.

Sa buong byahe ay tahimik ako at panaka naka sumagot. Kabado pa rin ako at hindi ko alam kung bakit.

Tumigil ang kotse n'ya. Nauna s'yang bumaba at naunang pinagbuksan ang kambal. Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto sa tabi ko. Napatingala ako sa kan'ya at sinalubong ako ng nakangiti at gwapo n'yang mukha. Napalunok ako at kusang lumabas.

Nasa ground floor kami, sa parking lot. Minuwestra n'ya ang kamay na sundan namin s'ya. Sa pagkakataong ito ay s'ya ang may hawak sa kambal habang ako ay nakasunod lang sa kanila.

Tahimik kaming pumasok sa elevator at muntik na akong mahimatay sa dami ng numero sa gilid. Umabot 'yon ng 25th at iyon ang pinindot ni Aziel. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang pag angat ng elevator. Napahinga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Quincy na nasa tabi ko. Napatingin s'ya sakin kaya kinindatan ko s'ya.

Ilang minuto kaming nagtagal sa elevator hanggang sa tumunog ito at bumukas. Napatingin ako kay Aziel na kalmado lang ang ekspresyon nang lumabas. Sumunod kami sa kan'ya.

‘Pero 'nyeta, ang mga maleta namin?!’

Matataranta sana ako kaso naalala ko ang mga bodyguards pala ni Aziel ang may hawak non.

Hindi ko namalayang tumigil na kami sa isang pinto. Pinindot n'ya ang code roon at napansin kong birthday ng kambal ang passcode ng lock n'ya. Binuksan n'ya ang pinto pinapasok kami.

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa nadatnan ko.

“Welcome to my penthouse.” nakangiti n'yang sabi pero tutok na tutok ko sa bawat sulok ng penthouse n'ya. Alam kong mamahalin ang lahat ng gamit dito sa loob.

“Wow!”

“Omg!”

Katulad ko ay namangha rin ang kambal sa penthouse ng ama nila. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa malapad na sala kami, may hagdan sa gilid na sa tingin ko ay papunta sa mga kwarto ng penthouse na 'to. Mayroong mini bar sa gilid ng hagdan kung saan nakadisplay ang iba't ibang inumin. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko.

‘Ang cute ni Aziel, promise! Hindi alak ang nakadisplay doon kun'di mga chocolate drinks na ininuman na, mukhang kinokolekta n'ya. Hanep, may milktea pa!’

Tuluyan nang kumawala ang isang nakakalokong ngiti sa labi ko. Gustuhin ko man humagikgik ay pinigilan ko. Pasimple kong tiningnan si Aziel. Nawala ang ngiti ko nang makitang sa'kin s'ya nakatingin na para bang kanina pa pinagmamasdan ang reaksyon ko. Iniwas ko ang tingin ko.

‘Pang ilang iwas na ba 'yon?’

“Let me show you something.” kumunot ang noo ko nang lumapit si Aziel sa center table sa sala n'ya at kinuha ang isang remote. Pinindot n'ya 'yon at ganon nalang ang pagkamangha naming tatlo na ang pader sa harap namin ay biglang naging transparent at kitang kita ang malawak na syudad sa labas.

Wala sa sariling lumapit ako roon at pinagmasdan ang tila mga bituwing ilaw sa labas dahil dapit hapon na at kitang kita ang kulay kahel na langit. Napangiti ako nang malawak sa pagkamangha.

‘Want ko 'to ipaint!’

Napatingin ako kay Aziel at ngumiti. “Angas.” iyon nalang ang nasabi ko at ibinalik ang atensyon sa tanawin sa labas.

Ilang minuto kaming nagstay doon dahil sa pagkamangha.

“Let's go to your room.” napatingin kami kay Aziel. Nakatalikod na ito samin at nauna nang pumanhik sa taas. Nakangiti kaming tatlong tumango sa isa't isa at sumunod sa kan'ya. “I only have two bedrooms since I'm the only one living here, one for my own bedroom and another guestroom. I also have a study room beside my room.”

“Eh paano 'yan? Saan ako matutulog?” nakanguso kong sabi. Napalingon sa'kin ni Aziel at ngumisi na kilinasalubong ng kilay ko. Hindi nya ako sinagot hanggang sa tumigil kami sa isang pinto. Binuksan n'ya iyon at naunang pumasok.

“This your room, Quinn and Quincy. When we have time, I'll put another bedroom for one of you.” sumunod kami papasok. Walang ano ano'y sumampa sa kama ang kambal at nagsisitalon. Napapangiti nalang ako at napapailing.

“Dito nalang ako matutulog kasama nila.”

“No.”

“Ha?” nagtataka kong tiningnan si Aziel. Salubong ang makakapal n'yang kilay tulad ng sa'kin. “At bakit?”

“You'll be sleeping in my room.”

“Ano?! Siraulo ka ba?!” hindi ko na napigilan ang bibig ko at tiningnan s'ya nang masama. Parang wala lang sa kan'ya ang reaksyon ko at parang ineexpect na na ganoon ang magiging reaksyon ko.

“I'll be sleeping in my study room, don't worry.” napalabi ako at mas lalong nangunot ang noo ko. Napalunok nalang ako at nag iwas ng tingin.

“I-Ikaw ang bahala.” nakita ko sa peripheral vision ko ang simple n'yang pagngiti.

‘Siraulo...’

“Kids, stay here. I'll bring your Mama to her room.”

“Okay!” sabay na tango ng kambal na natutuwa pa sa pakikipagharutan sa isa't isa.

Hindi ako nakapalag nang hawakan n'ya ako sa palapulsuhan at hinila nang marahan palabas. Napatingin ako sa kamay n'yang nakahawak sa palapulsuhan ko. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy mula roon at kinikiliti ako. Gusto ko mang tanggalin pero parang nawalan ako ng lakas para gawin 'yon.

Basta n'yang binuksan ang isang pinto at hinila ako papasok doon. Tumambad doon ang isang malaking kwarto na alam ko ay pag aari n'ya.

“Feel free to feel at home.” rinig kong sabi n'ya pero hindi ko s'ya nilingon. Hinila ko ang kamay ko para bitawan n'ya. Nilibot ko ang paningin sa lugar at masasabi kong masinop s'yang tao. Malinis ang kwarto n'ya at organized lahat.

Nilingon ko s'ya at nginitian. “Salamat.” natulala s'ya saglit na pinagtaka ko. Tatawagin ko na sana s'ya nang s'ya na ang kusang bumalik sa reyalidad. Ngumiti s'ya sa'kin nang malumanay.

“You're welcome.” tumango ako at akmang uupo sa kama n'ya pero may isang kamay ang pumigil sa braso ko. Napatingin ako sa kan'ya. Bahagya akong nagulat nang mapansing parang nagsusumamo ang mga mata n'ya.

“A-Ano 'yon?”

“Can we at least... Can we at least pretend as family for the twins?” natigalgal ako sa pakiusap na narinig ko sa kan'ya.

“Ha?”

“Let's pretend as their real parents,” hindi ko alam ang irereact ko sa intesidad ng tingin n'ya na ibinabato sa'kin. “You as their mother and me as their father. Happy and complete.”








jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net