MAOH23: Surprises

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 23: SURPRISES       

Zahra's POV

Napatulala ako sa kan'ya nang bawiin n'ya ang labi n'ya. Nawalan ata ako ng boses, nakaawang lang ang mga labi ko na parang may sasabihin. Malapit pa rin ang mukha n'ya sa'kin. Dahan dahang lumakbay ang malaki n'yang kamay mula sa batok ko pababa sa braso ko. Hindi nya inalis ang tingin n'ya sa'kin.

“If giving me the twins back means cutting off with me then I don't want it.” paos n'yang sabi pero klaro pa rin sa'kin 'yon. Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Naiintindihan ko ang English pero biglang hindi ko nalang naintindihan ang sinabi n'ya.

Binitawan n'ya ang mga braso ko at nakapamulsang tinalikuran ako at naglakad na papuntang labasan. Nanatili akong nakatayo at habol ang hiningang sinundan s'ya ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang naninikip 'yon sa sobrang kabog ng puso ko. Kailangan ko pang sumandal sa pader para maalalayan ang sarili ko at bawiin ang lakas na parang nawala bigla sa'kin.

Napakurap ako nang ilang beses bago tumayo nang maayos at sinundan s'ya. Nakita ko s'yang nakatayo sa gilid ng kotse n'ya. Suot n'ya pa rin ang damit ng kapatid ko. Hindi ako lumapit sa kan'ya. Nasa kabilang panig ng kalsada s'ya kung saan nakaparada ang mamahalin n'yang convertible na kotse. Napatingin s'ya sa pwesto ko. Tiningnan n'ya ako ng ilang segundo bago walang imik na pumasok sa kotse n'ya.

Pinanonood ko ang pag alis ng kotse n'ya. Napalunok ako at naglakad na pabalik sa bahay. Nagriritwal ako sa isip ko na sana wala akong kapitbahay o kamag-anak na nakakita sa paghalik sa'kin ni Aziel.

Natigilan ako nang maalala ang halik. Napahawak ako sa labi ko. Napapikit ako nang mariin.

Nyeta, ang first kiss ko! How dare him kiss me?! Bakit n'ya ba ako hinalikan?!’

Salubong ang kilay kong bumalik sa bahay at pumanhik sa taas. Napatigil ako sa harap ng kwarto ng kambal. Nawala ang pagkakunot ng noo ko at napatitig sa pinto. Naglamlam ang mata kong napatitig doon.

Walang ano ano'y pumasok ako sa loob. Nadatnan kong natutulog sa kan'ya kan'yang kama ang kambal. Napahinga ako nang malalim at kinuha ang upuan mula sa study table ni Quinn at ipinuwesto 'yon sa gitna ng kama nila. Naupo ako roon at malayang pinagmasdam ang payapang pagtulog nila.

Napangiti ako nang kaunti. Ganitong ganito rin ang pwesto namin sa hospital noon nang bisitahin ko sila matapos ko silang mailigtas mula sa sunog. Ang kaibahan ay nasa kaliwa ko noon si Quinn at sa kanan ko si Quinn. Ngayon, si Quincy ang nasa kaliwa ko at si Quinn ang nasa kanan ko. Naalala ko nang makabalik ako noon mula sa departamento ay umiiyak si Quincy, inaakalang iniwan ko na sila.

Nilibot ng paningin ko ang kwarto nila. Iba iba ang mga design sa may head board nila. Mayroon silang bookshelf dito sa kwarto na pinacustomize ko para sa kanila. Lahat nang natanggap at biniling libro ay doon nila nilalagay. At alam kong tapos na nilang basahin lahat 'yon.

Tumigil ang paningin ko sa night table na nakapwesto sa gitna ng kama nilang dalawa. Naroon ang moon lamp na binibili ko para sa kanila. Doon din nakapwesto ang alarm clock nila at ang dalawang picture frame. Ang isang picture frame ay kung saan nakangiti sila habang nakaakbay si Quinn kay Quincy. Ang isa naman ay kaming tatlo na magkakadikit ang mga pisnge habang nakangiti nang malapad sa camera. Pinagigitnaan nila ako at tuwang tuwa sa picture namin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kumawala mula sa mata ko. Tahimik akong humikbi habang nakatingin sa kanilang dalawa. Natigil ako sa pag iyak at walang emosyong nakatitig sa kawalan.

Dalawang oras ang nagdaan at hindi nagbago ang posisyon ko. Nakaupo lang ako habang nakahalukipkip at nakatitig sa kawalan. Hinayaan ko ang mga bagay na pumasok sa utak ko kahit nakakadrain sa pakiramdam 'yon.

“Mama?” napatingin ako kay Quincy na nakakunot ang noong kumukusot ng mata. Kumurap kurap s'ya dahil sa tinatamaan pa s'ya ng antok. Bumangon s'ya at napaupo. “What are you doing here, Mama?”

Bahagya akong ngumiti at umiling. “Nothing.” napanguso s'ya pero napangiti rin kinalaunan.

Maya maya ay naramdaman namin ang paggalaw ni Quinn indikasyon na gising na ito. Bumangon at napaupo si Quinn. Katulad ni Quincy ay napakusot s'ya ng mata at humikab. Ngumiti s'ya nang makita ako sa tabi n'ya.

“Is the merienda already served, Mama?” tipid akong ngumiti at umiling. Lumapit ako kay Quincy at binuhat s'ya. Napangiwi ako dahil mabigat na talaga s'ya, hindi katulad noon na kaya ko pa silang buhatin nang sabay. Nakangiti s'yang nagpabuhat sa'kin. Napaupo kami sa kama ni Quinn. Kusang umalis si Quincy sa pagkakabuhat ko at naupo sa tabi ni Quinn.

“What is it, Mama?”

“Is there something wrong, Mama?”

“You know how much I love you two, right?” nakangiti silang tumango nang tatlong beses sa'kin. “All I want is to make you feel safe and happy, everytime. Did I make you feel that way, kids?”

“More than that, Mama.”

“You loved us as if we came from you. You never failed to make us feel safe, happy, and loved.”

Naglamlam ang mga mata kong tiningnan sila. “Will you gonna be mad at me if I said I know who's your father and kept it for a long time now?” pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Tiningnan nila ako nang naluluha. Umiling sila.

“No, Mama.” nilapitan ako ni Quincy at pinunasan ang luhang tumutulo mula sa mata ko. Hindi ko namalayang umiyak na pala ako. Nilapitan din ako ni Quinn at hinaplos ang pisngi ko.

“Mama, we never asked or searched for our real parents because you're already enough for us— no, you're more than enough, Mama.”

“Quinn is right, Mama. For a stranger kids, you kept us, gave us a loving home, and loving people around us. You kept us with so much love, Mama. That's something I'm so grateful for, Mama. The reason why I'm never ashamed to labeled myself as an adopted child is because I got so lucky having the best foster parent.” napatigil ako at napailing sa sinabi ni Quincy.

“No. 'Di ba ang sabi ko, don't address yourself as an adopted. I don't like people to humiliate you for being an adopted.” seryoso kong sabi sa kanila. Bigla rin silang naging seryoso. Sa hindi malamang dahilan ay nakita ko bigla ang seryosong pagkatao ni Aziel sa kanila.

“That's the truth, Mama, and we are not ashamed of it. You thought us to be brave and be proud. We are proud of having you.” saad ni Quinn at pagkatapos ay dinamba n'ya ako ng yakap. Ganoon din ang ginawa ni Quincy. Niyakap nila ako nang mahigpit pareho. Napakagat nalang ako ng ibabang labi dahil sa pag iyak kong muli.

“We love you so much, Mama.”

“Aziel is your real father. He proved to me that he's your biological father.” kumalas ako sa yakap nila at hinarap sila. “I'm not gonna stop you kung gusto n'yong sumama sa kan'ya, okay? Just tell me.” sabay ulit ang pag iling nila.

“No, Mama.” sabay nilang sabi.

“Papa Aziel is a good guy. I can feel that he really love us too. But I don't want to go with him and leave the person who saved us in everyway.” seryosong saad ni Quincy.

“I will choose you to be my real mother if I'm given a chance, Mama.” napapikit nalang ako nang mariin. Naramdaman ko ang pagyakap nila nang mahigpit sa'kin.

“But please, don't hate Aziel, okay? Ask about what happened to him first before getting mad.” naramdaman ko ang sabay nilang pagtango.

“We are not mad.” napangiti ako sa sagot nila at niyakap ko sila nang mahigpit. Pakiramdam ko ay biglang lumuwag ang paghinga ko at nakahinga ako nang maayos.

Nakapagdesisyon na ako.’

Kinabukasan, nang sumapit ang hapon ay maaga akong nag asikaso para sa pagkikita naming lima. Naligo ako at nagbihis. Nagpaalam ako kina Mama na aalis muna. Kaninang umaga ay may inasikaso rin ako kaya mabuti nalang alas singko ang napili kong oras.

Nang makasakay sa motor ay agad kong pinatakbo 'yon papuntang hideout namin. Habang nasa daan ay wala akong ibang inisip kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko.

Hindi rin mawala sa isip ko ang seryosong reaksyon ni Aziel bago s'ya nakaalis kahapon nang umaga. Hindi ko masyadong maintindihan kung bakit ganon ang reaksyon n'ya samantalang ako ang hinalikan n'ya.

Biglang nag init ang mukha ko nang maalala na naman ang halik n'ya. Napapikit ako nang mariin at nagpantay ang mga labi ko dahil sa tensyon ng katawan ko.

Umiling ako at pinaharurot ang motor para makarating agad nang maaga sa hideout.

Nang makarating ay agad akong pumasok. Ako na naman ang nauna kaya ako inassemble ko ang ibang gamit dito. Napatingin ako sa wall clock malapit sa'kin. Alas kwatro na. Nahiga ako sa sofa at napatitig sa dingding.

Sa ilang minutong pagkakahiga ay napaupo ako at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan n'ya sa contacts ko. Tinap ko 'yon para tawagan s'ya. Ilang segundo pa ay nagring na ang tawag. Nilagay ko sa kanang tenga ko ang cellphone ko at hinintay na sagutin n'ya ang tawag ko. Ilang segundo pa ay sinagot na nga n'ya ang tawag.

“Hi.” napatikhim ako nang marahan para maklaro ang boses ko.

“Anong oras ang alis mo bukas?” tanong ko. Ramdam kong natahimik s'ya sa kabilang linya.

“10 am.” napatango tango ako.

“Okay,” napatayo ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. “San ka? Nasa apartment mo ka ba hanggang makaalis ka?” walang sabi ay tinungga ko ang tubig dahil pakiramdam ko nauuhaw ako sa pag uusap naming dalawa.

“Yes.” sagot n'ya. Napatango tango ako.

“Sige.” basta ko nalang pinatay ang tawag at bumalik sa sofa. Napasalampak ako roon at napapikit. Nabawasan na ang pag iisip ko sa ibang mga bagay kaya med'yo panatag na ang isip ko ngayon. Napahinga ako nang malalim at tuluyan nang nakatulog.

Naalimpungatan ako sa tunog ng kotse sa labas. Napabangon ako at napainat. Naupo ako nang maayos sa sofa habang nakahalukipkip. Nag aasaran sila nang makapasok sila. Napatigil sila nang makita ako.

“Aga mo, Chief a.” tipid akong ngumiti kay David. Agad na naupo sa tabi ko si Ed at nakakunot ang noong tiningnan ako.

“What happened?” iniwas kong tingin ko sa kan'ya at napabuntong hininga. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang seryoso nilang mga tingin. Naupo sila sa sofa, at singe sofa sa paligid ng center table.

“Sinabi ko na kina Quinn at Quincy na tatay nila si Aziel.” seryosong sambit ko.

“Okay lang.” kunot noo akong napatingin kay David na nakaupo sa single sofa sa kaliwa ko. Nakangiti s'ya sa'kin. “Kaya nga tayo nandito, protektado pa rin natin sila.”

“Walang pwedeng manakit sa inaanak ko, okay?” saad ni Aiden.

“Kaya nga. Kung nag aalala ka, huwag.” sinamaan ko ng tingin si Amara na natatawa sa sinabi n'ya.

“Does he want to have the kids back?” napatingin ako kay Ed na seryoso pa ring nakatingin sa'kin. Marahan akong ngumiti sa kan'ya at napailing. Marahan din s'yang napatango. “Good.” napansandal s'ya sa sofa.

“Ano bang iniisip mo? Alam kong overthinker ka kaya ilabas mo na 'yan dito.” saad ni David. Napabuntong hininga ako at napalunok. Napayuko ako.

“Pakiramdam ko hinahadlangan ko ang kambal na makasama ang totoo nilang magulang. Nakakaguilty.” napalunok ako at napakagat ng ibabang labi.

“Ay siraulo. Hindi ganon 'yun girl. Pustahan tayo ikaw pinili nila.” napatingin ako kay Amara. Napabuntong hininga rin s'ya at seryosong tumingin sa'kin. “Bakit sa tuwing nag ooverthink ka, bigla mo nalang nakakalimutan na kilala mo 'yung taong 'yon? Kilala mo ang kambal. Mas mahal ka nila kahit sa ano mang bagay na meron sila. Ikaw ang pinakaunang mahalagang tao sa buhay nila. You're the first person they had in their life.”

“Totoo 'yon. At kahit sumama sila sa tatay nila, babalik at babalikan ka nila dahil Mama na ang turing nila sa'yo.” segunda sa kan'ya ni Aiden. Napahinga ako nang malalim at napailing sa kanila.

“You know what? Forget about this shit. Meron tayong dapat pagplanuhan.” sinubukan kong maging casual at tinago ang emosyon sa kalmadong boses ko. Napabuntong hininga nalang sila at hinayaan ako. “Babalik ng Manila bukas si Aziel.”

“Sinabi samin ni Prof 'yan.” napakunot ang noo ko sa sinabi ni David. “Actually, sa'kin lang n'ya sinabi tas chinismis ko sa iba.”

“Prof want us to follow Aziel in Manila.” hindi nawala ang pagkakunot ng noo ko pero naiintindihan ko ang mga sinabi nila.

“We are his head of security. And following him is a must in order to protect him.” saad ni Amara. Napalabi ako at napasandal ulit sa sofa.

Nyeta, may plano pa naman ako. Mukhang madagdagan.’

“Ano bang gagawin?” tanong ko habang hinihilot ang sentido ko.

“Iimbetigahan natin ang Chief ng PNP. Patatalsikin natin s'ya at makukulong.” napaayos ako nang upo at napatingin ako kay Aiden.

“Protektado s'ya ng ranggo n'ya, paano?” kabadong tanong ko. Napangisi si Aiden sa'kin.

“Naku, Zahra. Baka nakakalimutan mo kung ano talaga ang trabaho ni Prof. S'ya ang bahala roon. Ang gagawin lang natin ay ilaglag lahat nang nagtangka sa buhay ng Presidente.” seryoso ko silang tiningnan.

“So, kailangan nating sumunod kay Aziel sa Manila?”

“Yes naman. Pasikreto nga lang, bawal malaman na tayo ang The Catchers.” sagot ni David sa'kin. Napatango ako sa kanila. Ang iniisip ko ang trabahong maiiwan namin dito dahil walang paniguradong araw ang pagbalik ni Aziel sa probinsya namin. Alam kong magagawan naman nila nang paraan ang tungkol sa trabaho namin. Ang inaalala ko rin ang pamilya na maiiwan ko rito. Alam kong kilala na ako ng mga kalaban ni Aziel na gusto s'yang saktan. Hindi malabong saktan nila ang pamilya ko dahil konektado sa'kin si Aziel at ang kambal.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at seryosong nakatingin sa kung saan.

“What are you thinking?” napalingon ako kay Ed na seryosong nakatingin sa'kin. “If you're worried about your family here, Prof already took care of it. Prof contacted someone to be the lookout and your family's protector while you're away.” napatitig ako kay Ed na kalmado lang at marahang nakangiti sa'kin.

Sa lahat ng taong nandito, si Ed lang ang kayang basahin ang nasa isip ko. Hindi sa literal na paraan syempre. Sa tagal naming magkakilala, naging magka-ibigan at naging magkaibigan ay alam na n'ya kung paano ako mag isip dahil sa body language ko.

“And who is it?” napaisip naman s'ya pero napakibit balikat nalang. “I don't know.” Napalunok ako at hinarap sila.

“Magplano na tayo nang gagawin.” seryoso naman silang tumingin sa'kin. Napatango sila kaya sabay sabay kaming napatayo at nagpunta sa table malapit sa mga monitors. May ibinabang white board si David mula sa taas. Isa 'yung malaking screen na napalitan ang puti at puro sulat na. Nagsimula na kaming magmeeting ng gagawin.

Pagkatapos ay bumalik agad ako bahay para asikasuhin ang dapat asikasuhin.

Natigilan ako nang makita ang isang nakaparadang kotse malapit sa may labasan namin. Hindi s'ya ganon kamahalang kotse pero alam ko kung sino ang may ari non. Agad kong pinaharurot ang motor ko papasok at basta ipinark ang motor sa garahe namin. Ibinagsak ko kung saan ang helmet at basta nalang pumasok sa loob.

Pero natigilan ako nang makilala kung sino ang nasa sala. Napakunot ang noo ko.

‘Akala ko s'ya na yung dumating— wait, what?! Ba't mo s'ya hinahanap?!’

Napaangat s'ya ng tingin at nakita ko ang paglunok n'ya nang magtama ang tingin naming dalawa. Napaiwas s'ya ng tingin na ipinagtaka ko.

“Oh Zahra.” lumapit ako kay Mama. “Mabuti't nandito ka na. Ipapakilala ko sa'yo itong binatang tumulong sa'kin sa labas. Dylan ang pangalan.” tiningnan ko s'ya at nginitian. Napakurap s'ya ng dalawang beses pagkatapos ay ngumiti rin pabalik. “Muntikan na masayang ang sako ng bigas na binili ni Papa mo. Mabuti nalang tinulungan n'ya kami.”

“Salamat a.” ngiti ko sa kan'ya. Napansin ko ang pamumula ng tenga n'ya kaya natawa ako. Sa lahat ng bodyguards ni Aziel, ito ang hindi halos makatingin sa'kin nang diretso. Ewan ko ba kung bakit. Maganda naman ako.

“You're welcome.” mahina n'yang sabi.

“Pinagpainom ko nga ng juice. Paalis na sana kaso saktong dumating ka.” hinarap ko si Mama.

“Ako na ang bahala sa kan'ya, Ma. Kaibigan ko 'yan.” nagulat si Mama sa sinabi ko. Hindi ko na s'ya pinansin at hinila si Dylan palabas ng bahay. Hawak hawak ko ang laylayan ng suot n'yang cotton shirt habang hila hila s'ya.

Wala s'yang imik hanggang sa bitawan ko na s'ya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap s'ya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Itinaas n'ya ang tingin n'ya pero hindi sa'kin ang tingin n'ya. Nasa paligid ko na para bang iniiwasan n'yang mapatingin sa'kin.

“Mr. Arne's order to check up on you and the kids.” nangunot ang noo ko.

“E ba't 'di s'ya ang pumunta? Lagi namang ganon a.” inis na sambit ko. Nagmadali pa ako kanina dahil akala ko dumating s'ya.

“He's busy packing.”

“Pwede n'ya namang ipaimpake sa iba a.” napahalukipkip ako at masama ang tingin sa kan'ya. Naramdaman n'ya at ang masamang titig ko kaya napatingin s'ya sa'kin at napalunok.

“I can call him if you want.”

“Wag na. Hustler 'yon, magnanakaw ng hal—” napalabi ako at napatingin sa kan'ya. Nagtataka ang mga titig n'ya sa'kin. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa katangahan. “Ah basta 'wag na.” inis kong sabi at nagpatuloy sa paglakad. Nanatili s'yang tahimik na nakasunod sa'kin. “Salamat sa pagtulong sa parents ko kanina.”

“It's fine.”

“Sa susunod ililibre na talaga kita. Pasensya na, busy ako.” nakangiti kong sabi sa kan'ya. Nakita ko ang munti n'yang pagngiti.

“Sure, I'll wait.” kalmanteng sabi n'ya. Napatango tango ako at napatingin ulit sa daan.

“Kasama ka ba kay Aziel na babalik sa Manila bukas?” tanong ko. Naramdaman ko ang pagsaglit n'ya ng tingin sa'kin.

“Yes. Amell, Milo, and Ned will be here to look after you and the twins.” napangiti ako sa sinabi n'ya.

Hindi na kami nag imikan pa hanggang sa marating namin ang labasan. Pinanonood ko lang ang paglapit n'ya sa kotse. Kinawayan ko s'ya at nginitian bago s'ya pumasok sa loob. Nang inistart na n'ya ang engine ng kotse ay tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay.

Nang makarating sa garahe namin ay inayos ko ang motor ko at helmet kong nagasgasan dahil sa pagkakatapon ko kanina. Pinagpagan at pinunasan ko 'yon at nilagay sa lagayan. Nilock ko ang motor ko at pumasok sa loob ng bahay habang pinaiikot ang susi ng motor ko sa kanang hintuturo ko.

Ibinulsa ko ang susi at pumasok sa kwarto ng kambal. Napangiti sila at lumapit sa'kin.

“Mama, you look scintillating with that smile.” namula ang pisngi ko sa sinabi ni Quincy. Naupo kaming tatlo sa kama ni Quinn.

“Grabe hindi naman.” nakangiting saad ko sa kanila.

“But you're smiling widely, Mama.” nakangiting puna ni Quinn sa'kin. Napangiwi tuloy ako para pigilin ang pagngiti pa nang  malapad.

“Come closer, my loves.” umusog sila papalapit sa'kin. Sinenyasan ko sila na mas ilapit pa ang mukha nila sa'kin. Nakangiti ako habang nagtataka naman silang napatingin sa'kin pero hinayaan lang nila ako. Tumikhim ako at may ibinulong.

Napalayo si Quincy sa'kin at napatakip ng bibig dahil sa gulat. Si Quinn naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.

“Really, Mama?” tanong ni Quincy, nakangisi ako sa kanila at dahan dahang tumango. Napatayo s'ya at nagtitili. Natawa ako sa reaksyon ni Quincy. “I'll get ready na!” excited n'yang sabi at inasikaso na ang sarili n'yang gamit. Napatingin ako kay Quinn.

“Are you sure about this, Mama?” marahan kong hinaplos ang pisngi n'ya at ngumiti.

“I love you and this is for you.” hinalikan ko ang noo at n'ya at tiningnan s'yang muli. “Now fix your things.” nakangiti

You are reading the story above: TeenFic.Net