MAOH2: Quinn and Quincy

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 2: QUINN AND QUINCY

Zahra's POV

“Ms?” napalingon ako sa gilid nang may kumalabit sa akin. “Pwede ba ta'yo mag-usap saglit?” tanong ng matanda na tinawag na Inang ng mga bata kanina. Tumango ako at sumunod sa kan'ya nang magsimula s'ya maglakad. Nakalayo layo kami nang kaunti sa emergency room nang humarap s'ya sa akin.

“Salamat sa pagligtas ninyo sa mga bata kanina.” mangiyak ngiyak na sabi nang hawakan ang mga braso ko. “Lalo na sina Quinn at Quincy.”

“Napapansin ko pong may separation anxiety sila. Ano ho bang nangyari sa kanila?” iniakay n'ya ako paupo sa mga waiting bench ng ospital.

“Napakahirap ng mga pinagdaanan ng dalawa'ng iyon. Nakakalungkot na narasan nila iyon sa murang edad.” bumuntong hininga ito. “Pangalawa na nilang ampunan ito. Tumakas daw sila sa unang nag-ampon sa kanila noong sila'y limang tao'ng gulang lang dahil muntik na daw sila ibenta n'on. Naging palaboy silang dalawa. Mabuti nalang nakita sila ng isa sa mga kasamahan namin sa ampunan at kinuha at dinala na dito.”

Wtf?

“May balita ho ba kayo sa biological parents nila?” umiling ito.

“Kinontak din namin noon ang dati nilang ampunan para alamin ngunit ang sabi ay mag-iisang taong gulang na daw nang iniwan sila sa tapat ng ampunan. May name tag din sila kung saan nakasulat ang pagkakakilanlan nila.” napakagat ako ng labi sa mga narinig. Ako ang nasasaktan sa mga karanasan ng kambal.

“Pagkarating din ba dito ay wala na sa kanilang nagbalak na ampunin sila?”

“Mayroon, n'ung nakaraang taon. Inampon nila ang kambal ngunit pagkaraan ng dalawa'ng linggo ay ibinalik dahil nabuntis ang babae.” kinuyom ko ang kamao ko.

I want to punch someone right now.

“Hindi dapat nangyayari ang ganoon sa mga bata. Kaya nagpapasalamat ako na nailigtas mo sila.” tumulo ang luha nito. Halata sa kan'ya na ayaw n'ya din mapahamak ang dalawa. Kahit ako naman, hindi ko gugustuhin na may manakit sa kanila.

“Nag-aaral ho ba sila?” tanong ko.

“Oo. Inenroll namin sila sa isa'ng public school. Napakatalino nga nilang dalawa. Laging nangunguna sa klase.” napangiti ako at med'yo natawa.

“Halata ho. Napakagaling nila mag-english, iisipin mong anak mayaman. Magaganda at gwapo pa.” pareho kaming natawa.

Nagpaalam na s'ya sa akin na aasikasuhin pa ang iba'ng mga bata. Bumalik sa isip ko ang mga kwento n'ya. Nakakaubos ng pasensya ngunit gusto ko din maiyak sa naranasan nila.

Why did God let them experience that? Kids supposedly be having fun outside.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Bumalik ako sa pwesto nila. Nakita kong ubos na ang pagkain na ibinigay ko sa kanila. Ngumiti ako.

“Nabusog ba kayo?” ngumiti sila pareho at tumango. “Good job. You should eat more para makalabas agad kayo dito.” inasikaso ko ang mga pinaglagyan ng pagkain nila.

“Are you gonna sleep here with us tonight?” napaangat ako ng tingin kay Quincy. Nakikita ko sa kan'ya na hinihiling na sana ay samahan ko sila ngayong gabi dito. Ngumiti ako at tumango.

“Yes. Ako ang magbabantay sa inyo.” ngumiti s'ya nang malapad.

“Thank you.” napatingin ako kay Quinn na sinserong sinabi iyon.

Bakit parang matanda ang kausap ko? Hanep.

Nawala ang atensyon ko sa kan'ya nang may dumating na nurse upang tingnan ang lagay nila. Tumabi ako pagkatapos ko ayusin ang pinagkainan nila. Pagkatapos siyasatin ng nurse ang lagay nila ay hinarap niya ako.

“Maayos na sila. Pwede na sila madischarge bukas.” nakangiting saad ng nurse. Ngumiti din ako at nagpasalamat. Umalis na s'ya at tumuloy sa iba'ng mga bata.

“Okay let's sleep. Masama ang magpuyat sa bata.” humiga naman sila nang kusa. Inayos ko ang mga kumot nila. Palipat lipat nga lang ako dahil magkaibang kama ang gamit nila ngunit magkatabi naman. Ngumiti ako sa kanila. “Good night.”

“Good night po.”

“Good night, Mama.”

Binantayan ko muna sila hanggang makatulog sila. Napatitig ako sa mukha ni Quincy. Napakaamo nito matulog. Mahahaba ang pilik mata nito. Med'yo singkit ang mga mata n'ya na mas lalong gumaganda kapag ngumingiti. Maputi din s'ya at napakakinis ng balat. Tiningnan ko si Quinn. Magkamukhang magkamukha talaga sila ni Quincy. Ngunit ang pinagkaiba nito ay mas makapal ang kilay n'ya. Gwapo din s'ya at alam kong mas gugwapo ito kapag lumaki at nagbinata na. Kung titingnang maigi ay mukhang may lahi ang isa sa mga magulang ng mga ito.

Their parents? How come their parents abandoned these innocent kid’

Napapailing ako. Umayos nalang ako nang upo. Yumuko ako at pumatong sa kama ni Quincy upang matulog.

Kinabukasan ay nagising ako habang tulog parin ang kambal. Sinabihan ko muna si Inang na uuwi muna ako para makapagbihis at babalik din agad. Tumango ito sa sinabing s'ya na muna ang magbabantay sa dalawa. Umalis ako ng ospital at umuwi muna sa apartment. Naligo at nagbihis ulit ako. Dumaan muna ako sa departamento at sinabing bibisita ulit ako ospital ngunit babalik din agad. Pagkabalik ko ng ospital ay nadatnan kong humihikbi ulit si Quincy habang sa tabi n'ya si Quinn na tila pinapatahan s'ya. Agad ako'ng lumapit sa kanila.

“What happened?” tanong ko kay Inang. Inangat ni Quincy ang ulo nang marinig ako.

“Mama!” agad sya'ng tumayo at dinamba ako ng yakap. Napakahigpit nang kapit n'ya.

“Kanina ka pa n'ya hinahanap. Umiyak nang hindi ka nakita pagkagising n'ya.” tiningnan ko si Quincy. Hinawakan ko ang magkabila nya'ng pisngi at iniangat ang mukha n'ya para tingnan ako.

“I'm sorry. Sa susunod magpapaalam na ako.” tumango tango ito at niyakap ako. Napabuntong hininga sa kaluwagan si Inang. Tiningnan n'ya ako nang pagpapasalamat. Tumango ako kaya umalis na din ito. Kumalas sa yakap si Quincy at bumalik sa tabi ng kan'yang kapatid. “Kumain na ba kayo?” tanong ko.

“Hindi pa po. Umiyak kasi si Quincy.” sagot ni Quinn sa akin. Umupo ako sa kama.

“Ang sabi ni Inang madidischarge na daw kayo ngayong umaga. Pagkadischarge ninyo ay kakain ta'yo sa labas.” nakangiti kong sabi sa kanila. Ngumiti sila nang malapad at bigla ako'ng niyakap.

“Thank you po.”

“Thank you, Mama.”

“Naexcite ba kayo?” bumungisngis si Quincy at tumango.

“Yes po.”

“No one did this us so we are excited.” sagot ni Quinn. Ngumiti ako at ginulo ang buhok n'ya.

Ang angas. Ang lalambot ng mga buhok nila.

Pagkatapos ng isang oras na paghihintay ay sinabi na ni Inang na pwede na raw umuwi. Mabuti nalang at binigyan sila nang matutuluyan ng LGU ng probinsya na ito para may matuluyan muna sila pansamantala. Nagbigay na din ako ng pera para sa gastusin nila dito sa ospital.

“Let's go.” bumaba sa mga kama nila ang kambal. Pareho nilang inukupa ang kamay ko nang hawakan nila. Napangiti ako doon. Pagkalabas ay dinala ko agad sila sa isa'ng fast food chain. Natuwa sila dahil ngayon lang daw sila nakapunta doon.

Habang kumakain ay nagsalita ako. “Let's stay for a while in my office after this, okay? I have a job to do.”

“The place where the fire truck sleeps?” natawa ako sa tanong ni Quincy. Tumango ako.

“Yes.”

“Then let's go there!” excited na saad n'ya.

Tulad nang napag-usapan ay dumiretso kami sa departamento. Agad naman sila pinagkaguluhan doon ng mga kasamahan ko.

“'Di ba sila 'yung huling mga bata na nailigtas mo kagabi?” tumango ako nang tanungin ako ng isa sa mga kasamahan ko.

“Ang ku-cute n'yo!”

“Gusto ko sana ng bata pero mahal pala ang gatas, bigas at gasolina ngayon.” natawa ako sa sinabi ni David.

“Tsaka na kapag financially stable ka at kapag may jowa ka na.”

“Aba namemersonal ka, Chief a.” tumawa kami pareho. Ibinalik ko ang tingin ko sa kambal.

“Just stay here for a while, okay? Tapos gagala ta'yo pagkatapos ng trabaho ko.” kuminang ang mga mata nila sa excitement. “Play with them.” turo ko sa mga kasamahan ko na parang excited din makipaglaro sa mga bata. Tumango ang kambal at tumakbo papalapit sa kanila. Pumasok na ako ng opisina para mag-asikaso. Namalayan ko naman na sumunod si Edric sa akin.

“Grabe, close ka na sa kanila. Kagabi mo lang sila nakilala a.”

“Naiiyak si Quincy kapag umaalis ako sa tabi n'ya. May anxiety s'ya.” sagot ko.

“So ano'ng gagawin mo? You'll adopt them?” napatingin ako sa kan'ya.

Adopt?

“Hindi ko alam. Sa ngayon I'll be with them.” tumango tango ito.

“Here's the report about last night.” tumango ako at kinuha sa kan'ya iyon. Lumabas na s'ya kaya nagbasa na din ako.

Dumating ang hapon at tapos na din ang oras ng trabaho ko. Lumabas ako at nakita kong busy magbasa ng libro na galing sa mga shelf dito ang kambal. Lumapit ako sa kanila.

“Ano'ng binasa n'yo?”

“Here, Mama. Read it! It's interesting.” itinuro n'ya ang ibinabasa n'ya. Muntik na ako'ng mahilo nang encyclopedia pala ang binabasa n'ya.

“Wow. That's nice.” tumikhim ako kahit hindi ko naman talaga binasa.

Grabe, ano'ng klaseng utak meron ang dalawa'ng 'to.

Napapansin ko na talaga ang taglay nilang talino sa unang beses pala'ng na nagkausap kami.

Sana all.

“Tara. Gagala ta'yo.” agad nilang itiniklop ang librong hawak nila. Binalik nila ito sa pinagkuhanan. Lumabas kami sa departamento. Pagkasakay ng motor ay agad ko silang dinala sa plaza kung saan may playground. Excited silang bumaba ng motor ko at tumakbo agad papunta doon. Sumunod ako sa kanila at nakipaglaro na din. Ako ang nagtulak ng swing nila. Sila din ang nakaupo sa kabilang bahagi ng seesaw. Hindi natinag ang mga ngiti nila sa buong oras na naglalaro kami sa playground.

Tumakbo sa akin papalapit si Quincy. Hinihingal na nagsalita. “Mama, I'm tired. I'm hungry too.” ngumiti ako. Sinenyasan ko si Quinn na bumalik na din sa amin. Agad naman sya'ng tumakbo papalapit sa amin.

“Let's eat.” tumango tango ito. Tumayo na ako naglakad papunta sa nakapark kong motor. Nagpunta kami sa isa'ng resto at doon kumain. Magana nilang nilantakan ang pagkain. Pagkatapos ay bumalik kami sa plaza ngunit hindi na naglaro pa. Kumain kami ng street foods na ibinebenta doon.

“Thank you po for bringing us here.” napatingin ako kay Quinn. Nakangiti s'ya habang kinakain ang kwek kwek na hawak n'ya.

“Thank you, Mama. This is fun!” ngumiti ako at ginulo ko pareho ang buhok nila.

“I told you, I won't leave.” ngumiti sila nang malapad na para bang naiiyak na. Mga bata man sila sa paningin ng iba ngunit iba mag-isip ang dalawa'ng ito. Madali nilang maintindihan ang mga bagay bagay.

They're matured in understanding things around them when a kid shouldn't be like that.

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na kami sa address ng tinutuluyan nila Inang. Pumasok kami sa loob at sinalubong naman kami ni Inang.

“Mabuti't nandito na kayo. Kumain muna kayo rito.” pag-aaya ni Inang.

“Naku kumain na ho kami sa labas.”

“Ah gan'on ba? Mabuti naman.”

“Kumusta ho ang lugar?” tanong ko.

“Maayos naman s'ya, sakto lahat sa amin. Maraming salamat.” ngumiti ako.

“Sabihan n'yo ho ako kapag may kailangan pa ulit kayo, ikokontak ko agad ang mga kakilala ko.”

“Naku, maraming salamat.” naiiyak na sambit ni Inang. Alam kong masakit pa rin sa kan'ya na nasunog ang ampunan nila at wala manlang silang naisalba.

“Saan ho ba ang kwarto ni Quinn at Quincy?”

“Tara, sasamahan ko kayo.” agad kami naglakad patungo doon. Pagkapasok ay agad naman humilata ang dalawa sa kama. Umalis na din agad si Inang. Umupo ako sa kama nila at inayos ang kumot nila.

“Okay na ba kayo dito?”

“We're fine, Mama.” ngumiti naman ako.

“Will you comeback tomorrow?” bahagya ako'ng nagulat kay Quinn nang tanungin n'ya iyon. Si Quincy ang nagtatanong ng mga bagay na iyon. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.

“Yes but that's after my work.”

“That's fine as long as you'll come back.” saad ni Quincy.

“Of course, I'll comeback. I love playing with you two.” saad ko at kiniliti sila. Agad naman silang nagsitawanan kaya natawa na din ako. Itinigil ko ang pagkikiliti at inayos muli ang kumot nila. “Go sleep now.” tumango sila at ipinikit na ang mga mata nila. Maya-maya ay nakatulog na din sila. Napagod din siguro sa kakalaro. Nang masiguro ko na maayos na sila ay lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Inang sa sala.

“Inang.” tawag ko.

“Tulog na ba sila?”

“Opo, mahimbing na mahimbing.”

“Mabuti naman. Salamat nga pala at ipinasyal mo sila.” ngumiti ako.

“Walang anuman ho. Nag-eenjoy ho ako kasama sila. Nakakatuwa sila.” natawa siya sa sinabi ko at tumango. “Uuwi na ho ako, may trabaho pa po ako bukas.”

“Sige sige. Mag-iingat ka.” tumango ako at tuluyan nang lumabas. Umuwi ako ng apartment at nag-asikaso sa sarili. Pagkatapos ay nahiga ako kama ko.

So ano'ng gagawin mo? You'll adopt them?

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Edric. 28 years old na ako ngunit wala pa ring balak magjowa o magpakasal. Hindi ako interesado sa ganong bagay sa ngayon. Pumasok din bigla sa isip ko ang mga kinuwento ni Inang. Ayoko ulit maranasan nila ang ganoon. Napabuntong hininga nalang ako at nahiga at ipinikit ang mga mata.

I don't know pero malakas ang epekto sa akin ng kambal na 'yon. Quinn and Quincy, should I keep you?’





jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net