MAOH19: Guidance

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 19: GUIDANCE     

Zahra's POV

Inayos ko ang buhok kong bahagyang nagulo dahil sa hangin. Napalunok ako nang mapansing maraming nakatingin sa pagdating namin.

‘Mga royalties po ang kasama ko, pasensya na.’

Napangiwi ako nang tinulungan akong makababa ni Aziel. Tinulungan n'ya rin makababa ang kambal na tuwang tuwa talaga sa sinakyan nila. Nakangiti lang si Aziel habang dinadaldal s'ya ng kambal. Sinenyasan ko si Aziel na s'ya muna ang bahala sa kambal. Napangiti ang guard nang makilala ako.

“Magandang araw, Ms. Valmorida.” ngumiti rin ako sa kan'ya. Napatingin s'ya kay Aziel na hawak hawak ang kambal.

“Magandang araw din ho.” saad ko. Tumango ako sa kan'ya at tuluyan nang pumasok. Nanatiling nakasunod sila sa'kin. Napangiti ako nang makita ang familiar na teacher na nasa registration booth.

“Hello, Ms. Valmorida!” magiliw na bati nito sa'kin.

“Good morning po, Ma'am Castro.” nakangiti kong sagot sa kan'ya. Napatingin ito sa kambal at kay Aziel. Bumalik ang tingin nito na sakin ng may pagtataka. “Sino s'ya?” sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kan'ya.

‘Oh akala n'ya jowa ko 'yan.’

“Tatay nila.” napatango tango s'ya habang nakangiti.

‘Hindi ba n'ya nagets 'yon?’

Kumuha s'ya ng isang form at ballpen at ibinigay sa'kin. Nag fill up ako at nagbayad para sa registration. Nakangiti ko sa kan'yang ibinalik ang form. Kinuha n'ya iyon at binasa. Nang mabasa ay tumayo s'ya at may kinuha sa isang box sa likod n'ya.

“Wait here for a minute, Ms.” umalis s'ya ng booth at nagpunta sa likod. Tulad nang sinabi n'ya ay naghintay ako ng ilang minuto. Pagkabalik n'ya ay ibinigay n'ya sa'kin ang apat na tshirts na kulay sky blue na iba't iba ang size. Yumuko ako nang bahagya at nagpasalamat.

“Sky blue?” nakangiwing tanong ni Quincy nang makalapit ako sa kanila. “There's no pink, Mama?” nagkibit balikat ako.

“Maybe the pink's slot is already full.” napapout s'ya.

“Sky blue is pretty too.” nakangiting saad ni Aziel.

“Don't mind the color, Quincy. It's just a color.” walang emosyon na sabi ni Quinn. Napapailing nalang ako.

“Tara, magpalit na tayo.” ibinigay ko sa kanila ang damit nila. Nagpunta kami sa Cr. Hinawakan ni Quincy ang kamay ko habang naglakad papasok sa Cr. Tinulungan ko s'ya magbihis ng damit. Nakaskirt pa s'ya na pink na lagpas tuhod. May ribbon din sa ulo n'ya. Lumabas s'ya ng cubicle at ako naman ang nagpalit. Nagpalit na rin ako ng pedal shorts na above the knee. Pagkalabas ko ay lumapad ang ngiti ni Quincy.

“We're so pretty, Mama.” napangiti ako sa sinabi n'ya.

“Of course, we are.” natatawa kong sabi. Hinawakan muli ni Quincy ang kamay ko at lumabas na rin kami ng Cr. Nakasalubong namin sina Quinn at Aziel. Napatingin ako sa surname na nakalagay sa kaliwang chest part ng damit namin na pinagawa kanina ni Ma'am Castro. Napangiti ako. Tulad nang dati ay Valmorida ang nakalagay na surname ng kambal. Napatingin ako sa surname ni Aziel na Arne ang nakalagay doon.

“Let's go?” tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Bahagya akong ngumiti at tumango. Nakangiti akong hinawakan muli ni Quincy samantalang nakahawak si Quinn kay Aziel.

Nagpunta kami sa school grounds kung saan naroon na ang ilang mga magulang kasama ang kan'ya kan'yang mga anak. May naghahabulan, may mga magulang na nagkukumpulan. Napatingin sa'min ang ilan lalo na kay Aziel. Natawa ako nang makarinig ng hagikhikan na tila kinikilig kay Aziel nang mapadaan kami sa kanila.

“Ang gwapo, sino 'yan?”

“Hindi ko alam. Baka asawa ni Zahra.”

‘Asawa?! Tarantadong mga marites 'to a.’

Nang makarating kami sa isang silong ay naglatag ako ng mat para doon kami maupo at maghintay na magsimula na. Marami pa ring nakatingin lalo na kay Aziel. Abala naman si Aziel at ang kambal sa pagkekwentuhan na nagtatawanan pa. Napangiti naman ako habang tinitingnan sila.

“Kamukha n'ya 'yung kambal e.”

“Gaga, paano magiging kamuha ng kambal 'yan e inabanduna nga ng mga magulang nila 'yang kambal. Kaya nga sila inampon ni Zahra.”

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang usapan ng ibang mga chismosa sa paligid na malapit lang sa'min. Nawala ang pag alala ko nang makitang hindi 'yon narinig ng kambal o ni Aziel. Naglalaro na silang tatlo. Nilingon ko ang dalawang babaeng pinag uusapan kami. Tinaasan ko sila ng kilay at matalim na tiningnan. Napaiwas sila ng tingin at umalis. Ibinalik ko ang tingin ko sa kambal at bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin sa'kin si Aziel. Napatikhim ako at hindi s'ya pinansin. Sumali ako sa laro nila habang naghihintay.

Ilang minutong paghihintay ay narinig namin ang Principal na nagsalita sa speaker.

“Dear Parents and Children, please proceed in the social hall right now. Dear Parents and Children, please proceed in the social hall right now.” napangiti kami. Tumayo ako at inalalayan tumayo si Quincy. Hinawakan n'ya ang kamay ko at naramdaman ko ang bahagyang panggigigil n'ya dahil sa excitement. Natawa nalang. Iniwan namin ang gamit namin doon sa mat at nagpunta na ng social hall.

Pagkarating ay umupo kami sa bleachers sa gilid. Ilang minuto pa ay nagsimula na sila. Napatayo kami sa national anthem at provincial hymn. Napaupo kami pagkatapos at nakinig pa sa ilang sinabi ng mc at principal para sa kan'yang opening speech. Hindi kami masyadong nakinig dahil nagkekwentuhan ang kambal at nakikisabat din ako minsan.

“Let's have fun! Let's keep this bond with our kids! Play fair and win everyone! Again, good morning!” saad ng Principal. Nagsipalakpakan kami at napatayo. Tinuro na pumunta kami sa grounds dahil magsisimula na ang palaro.

“Let's beat them, alright?” nakangiti at nanghahamon na sabi ni Quinn. Napangiti kami at napatango.

“It's either win or go home crying, and I don't want to go home feeling defeated so,” nakangisi si Quincy sabay flip hair. “I will gonna win.” nagkatinginan kami ni Aziel at natawa.

“That's spirit.” saad ni Aziel sabay high five sa dalawa. Napapailing nalang ako. Maski ako ay tinatamaan ng pagiging competitive. Nakaline kami sa sky blue team. Habang naghahantay sa lalaruin namin ay tinuruan ni Aziel ang dalawa na magstretching na animo'y sasabak talaga sa isang sport game. Napapailing nalang ako at ginaya ang ginawa dahil inaya ako ng kambal.

“Sky blue team, Team Valmorida with Arne?” napatingin sa amin ang isang faculty member habang may hawak na chart. Nagtataka itong nakatingin sa'min.

“Yes?” bahagyang nakangiti kong tanong. Umaliwalas ang tingin n'ya at ngumiti rin pabalik.

“First game ninyo ay Capture the Flag together with other families from sky blue team.” napatango tango kami. “The mechanics of this game is, obviously, you will gonna capture some flags from the opponent. Bantayan n'yo nang maigi ang flag na dala n'yo because the team from sky blue can steal your flag either. The equivalent points from sky blue team flag is 3 while pink has points of 5, of course, it's vice versa to the pink team. Players only have 30 minutes to take everyone's flag with only specific space, the player who have more flags will be the winner, but even if have huge count of taken flags yet your own flag got taken, still lose, so good luck.” nakangiti n'yang paliwanag. Inilahad n'ya ang flag namin. It's not actually a flag pero para s'yang bandana na itatali mo sa ulo mo. Tinanggap ko 'yon. Tinanguan n'ya kami at umalis na. Hinarap ko sila.

“Who will gonna carry this flag?” tanong ko. Agad nagtaas ng kamay ang kambal. Pero nagulat ako nang hindi sila tumaas ng kamay para mag agawan kun'di para ituro si Aziel.

“Si Papa, Mama.”

“Right. No one will gonna succeed if someone trying to steal that from him.”

Napatango naman ako. Tiningnan ko si Aziel. “You have to protect this. Kailangan natin manalo.” seryoso naman s'yang tumango.

“Okay,” saad n'ya. “Tie it.” lumapit ko sa kan'ya at nagpunta sa likod n'ya. Itinali ko ang flag sa noo n'ya. Hindi ko hinigpitan mas'yado para hindi s'ya masaktan. Nang masiguro na okay na ay humarap ako sa kan'ya ulit. May nakasulat na Team Valmorida sa flag kaya napangiti ako.

“Heto ang gagawin natin...” sinabi ko sa kanila ang plano ko. Napapatango sila habang nakikinig sa'kin. Napangiti kami na para bang napakasama nang gagawin namin. Umayos kami ng tayo.

“Let's assemble everyone!” agad kaming pumunta sa grounds kung saan nakalatag ang napakalapad na space kung saan doon lang pwede makatakbo ang mga players. Pumasok kami sa loob ng space. Naghanap kami ng pwedeng maging base. Itinuro ko sa kanila ang space sa gilid na malapit lang sa center ng buong space. Nagkatinginan kaming apat at nagkatanguan. Napangisi ako.

‘Let's show them some kills, aight.’

“Everyone is ready! Assemble yourselves and flag! Now let's start Capturing the Flags! Go!” sigaw ng operator na hawak ang isang megaphone. Agad nagkagulo sa loob ng lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Quinn habang si Quincy naman at sinampa ni Aziel sa likod n'ya. Tinanguan ko si Aziel na nakatingin sa'kin. Agad kaming tumakbo ni Quinn papunta sa kabilang dulo.

Agad kaming lumapit sa nag aagawan na ibang team sa kan'ya kan'yang flag. Hinanap ko ang may hawak ng flag at napangisi. Binitawan ko si Quinn at tinanguan. Agad akong inistretch ang kanang legs ko at umikot para patirin ang lalaking may hawak ng flag. Mabuti nalang at foam ang platform na gamit nila para hindi masakit ang bagsak. Agad akong tumayo at umikot at hinablot ang flag ng kalaban n'ya. Sinalubong ko ni Quinn na hawak na rin ang flag ng pinatid ko. Nag high five kami at napangiti.

“Let's go.” agad kong itinali ang flags sa wrist ko. Agad kaming lumapit sa ibang teams na pinoprotektahan ang kani kanilang flag. Inikot ko si Quinn at pinadulas papunta doon. Napatayo s'ya sa likod ng batang babae na s'yang may hawak ng flag nila. Kinuha n'ya ang flag na agad tumakbo papunta sa'kin. Itinali ko ulit iyon sa wrist ko.

Tulad ng plano ay nasa paligid kaming dalawa ni Quinn para manguha ng flag samantalang sina Aziel at Quincy ang magbabantay ng flag namin. Si Quincy ang magpoprotekta sa flag na na kay Aziel. Humanap kami nang tyempo at agad nanghablot pa ng ibang flags.

Napatingin ako sa gawi nina Aziel. Mabilis s'yang nakakaiwas sa bawat kamay na sumusubok Kunin ang flag sa kan'ya habang hawak si Quincy sa likod. Napayuko s'ya at sumalubong sa kalaban si Quincy na agad hinablot ang flag n'ya. Binelatan ni Quincy ang tatay ng kaklase n'ya. Natawa naman ako.

Agad akong napatingin sa gilid ko nang maramdamang may paparating na kamay papunta sa'kin. Agad kong hinila si Quinn at umikot kami dahilan para mawalan s'ya ng balanse at bumagsak. Napangiti ako nang makuha ni Quinn ang flag n'ya.

Nagpatuloy ang ganong plano namin. Nahahablutan ako ng flag na nakuha ko o kaya nababawi pero lamang ang rami nang nakuha ko. Nagpadulas ako para makuha ang isang flag nang lumiyad ang taong may hawak ng flag. Napatayo ako at lumapit kay Quinn na may panibagong hawak na flag.

“Good job.” nakangiti kong saad at kinuha ang mga flags na 'yon at itinali sa wrist ko. Umiiwas ako sa ibang mga gustong kumuha ng flags na nasa skin dahil wala na silang hawak maski isang flag.

“Last 5 minutes!” nagkatinginan kami ni Quinn. Tumango s'ya at naunang tumakbo papunta kina Aziel habang ako ay napagulong para iwasan ang mga nagtatangkang kunin ang mga flag sa'kin. Tumayo agad ako at tumakbo papunta sa pwesto nina Aziel. Iniwasan ko ang mga nakakasalubong ko para agad makapunta sa pwesto nina Aziel.

“Mama!” napayuko ako nang akmang yayakapin ako ng isang babae para pigilan makaalis. Lumusot ako sa pagitan ng hita n'ya at tumayo. Hinila ako ni Aziel na agad itinago ako sa likod n'ya. Hinubad n'ya ang flag at agad ibinigay sa'kin. Itinali ko iyon sa noo ko at agad pina bun ang buhok ko kasama ng excess ng tela ng flag para hindi s'ya agad makuha. Kinuha ko naman ang mga flags na nakuha ko na nakatali sa wrist ko at ibinigay 'yon kay Aziel. Agad n'ya 'yong itinali sa mga biceps n'ya.

“1 minute!”

“Let's not steal some flags anymore. We already have enough flag.” napatango sila sa'kin. Agad kong hinila papalapit sa'kin ang kambal at humarang kami sa harap. Sinenyasan ko si Aziel para gawin na ang pinakahuling plano.

‘Ang pagtakas.’

Tumakbo s'ya nang tumakbo para makatakas sa humahabol sa kan'ya. Iniwan ko pinakagilid ang kambal para hindi sila masaktan sa commotion. Agad kong sinundan si Aziel at inalalayan. Patuloy ang pagtakas namin sa mga humahabol dahil nasa amin ang pinakamaraming flags. Hinawakan ko ang kamay ni Aziel. Napatingin s'ya sa'kin. Hinila ko s'ya at pinuwesto sa harap ko at iniyuko nang muntikan nang may manghablot sa flag namin. Nadapa ang muntikan nang manghablot sa flag namin kaya natawa ako.

“10!”

Patuloy ang pag iwas at pagtakas namin sa mga humahabol.

“9!”

Nagkatinginan kami ni Aziel.

“8!”

“Tara na.” saad ko.

“7!”

Tumakbo kami papunta sa kambal.

“6!”

Nang makarating ay agad kong hinarang ang sarili ko sa mga humahabol. Napadaing ako nang may umapak sa paa ko pero buong pwersa ko silang tinulak dahilan para matumba sila.

“5!”

Natawa ako pero sinamaan ko sila ng tingin.

“Hindi n'yo makukuha 'to.” nakangising sabi ko.

“4!”

Sumama ang mga mukha nila at napatayo. Nagpapag sila nang sarili at nagkan'ya kan'yang talikod na sa'min.

“3!”

Hinarap ko ang kambal at si Aziel. Pare pareho kaming natawa.

“2!”

Tiningnan ko ang operator.

“1! The game is over!” nagkatinginan kaming apat. Naghigh five kami habang nagsisitalon naman ang kambal.

“Yey!”

“First win!” napangiti ako nang malapad dahil sa sinabi ni Quinn. Tiningnan ko si Aziel. Napatikhim ako at itinaas ang kamay ko para makipaghigh five sa kan'ya. Ngumiti naman s'ya at nakipaghigh five rin sa'kin.

May lumapit sa'ming operator at binilang ang mga nakuha naming flags.

“6 pinks, 5 sky blue, Valmorida flag.” saad n'ya at inilista sa chart n'ya. Ngumiti s'ya samin at umalis na. Patuloy ang pagbubunyi namin hanggang sa magsalita ulit ang operator.

“The winner is, from sky blue team, Team Valmorida!” announce n'ya. Napangiti kami. Sinenyasan kami ng isang staff na pumunta sa mini stage kaya nagpunta kami roon.

Nang makarating ay sinuotan nila ng medal ang kambal na nakangiting humarap sa camera. Napangiti nalang kami pagkatapos nang kuhaan ng litrato.

Matapos ang seremonyas ay bumalik kami sa pwesto kung nasaan ang mga gamit namin. Nagtatawanan kami habang nagkekwento ang kambal sa mga nakikita nilang nadadapa sa laro kanina. Naupo kami sa mat ang uminom ng tubig. Pinunasan ko ang mga pawis nila at nilagyan ng towel ang likod nila.

“Papa was laughing so hard when we saw a guy suddenly got slapped by his teammates while stealing the flag.” natatawang kwento ni Quincy.

“There's someone who tries to steal some flags from us then Mama dodge him and he suddenly fell. He got pinned down when other teams tried to attack Mama and Mama keep dodging them and they ended up falling to the ground too.” napahalakhak ako nang maalala ang ibang kaganapan kanina. Inilatag ko ang snacks na dala ko habang naghihintay ng next game namin.

“What's our next game?” tanong ni Aziel habang ngumunguya. Napaisip naman ako.

“Siguro ano, tug of war, sack race, relay race o three legged race. Hindi pa ako sigurado.” sabi ko at kinagat ang isang Snickers. Napatango tango naman s'ya.

“Let's plan immediately, Mama.” ngumiti naman ako kay Quincy at tumango. Uminom ako ng tubig at nagsimulang magplano kami ang gagawin. Tumango tango ako habang nakikinig sa kanila.

Matapos ang ilang minutong pahinga ay pinagather ang mga families mula Gr4-Mercury na s'yang section ng kambal. Inayos ko ang mga gamit at tumayo na kami. Hawak ni Quincy ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa linya ng sky blue team. Pumunta sa harap ang isang manager ng laro habang hawak ang isang chart.

“Okay 4Mercury, our next game is three-legged race.” sabi nito nang pasigaw para marinig namin. Nagkatinginan kaming apat. “We need three people in this game. One pair and one person to be the obstacle in the race. Itatali ng pares ang pareho nilang paa at magpapaunahang makabalik sa line ninyo. Kukunin ninyo ang flag na hawak ng pangatlong tao sa team na maiikutan n'yo pabalik sa line. The team who finished first will be the winner.” napatango naman ako. Hinarap ko sila.

“Quinn?” lumapad ang ngiti ni Quinn nang lumingon s'ya sa'kin. Nakangiti ko s'yang tinanguan. Sa plano namin kanina, kaming dalawa ni Aziel ang gagawa ng race habang si Quinn ang iikutan namin na s'yang hahawak ng flag namin. Malayo ang distansya ng tatayuan ni Quinn kaya alam kong mahihirapan kami lalo na kung hindi magsync ang galaw namin ni Aziel.

Nakangiting lumapit sa'min ang isang manager ng laro at inabot isa isa ang itatali sa paa at flag katulad sa nilaro namin kanina. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Ibinigay ko kay Aziel ang ribbon na itatali namin sa kanang paa ko at kaliwang paa n'ya. Nakangiti kong sinenyasan si Quinn na tumalikod para itali ang flag namin sa noo n'ya.

“I'm ready.” natawa kami sa sinabi ni Quinn na pinalalim pa ang boses.

“I'm going to cheer for Mama and Papa.” nakangiting sambit ni Quincy. Nakangiti ko naman s'yang hinalikan sa pisngi.

“You should, my love.” sabi ko. Kunot noo namang tumingin sa kan'ya ang kambal n'ya.

“How about me? You should cheer for me too.” seryoso nitong tanong dahilan para matawa kami ni Aziel. Tinaasan s'ya ng kilay ni Quincy at pinagcross ang mga braso.

“Bakit? You'll just gonna stand there lang naman a.” angal n'ya sa kakambal at napahalukipkip. Sumimangot ni Quinn. Napatakip ako ng bibig para hindi nila makita ang tawa ko.   

“Common, Quincy, cheer for us and to your brother also. We need your cheer, alright?” nakangiting pangungumbinsi ni Aziel kay Quincy habang ginugulo ang buhok nito at napapailing sa pagsasagutan ng kambal. Napapout si Quincy pero agad ding ngumiti.

“Okay, I will.” sabi n'ya saka nagflip hair. Nanatiling nakasimangot si Quinn.

“Sky blue team, please fall in line ang pupuwesto roon.” saad ng operator tsaka itinuro ang dulo ng lane. Napatingin sa'min si Quinn. Nagthumbs up ako sa kan'ya.

“Go, my love.” nakangiti kong sabi. Agad s'yang lumapit sa'kin at tumingkayad pa para abutin ang mukha ko. Natatawa akong yumuko para makapantay s'ya. Hinalikan n'ya ako sa pisngi at ganon din ang ginawa kay Aziel. Nakipaghigh five s'ya kay Quincy at saka kumaway s'ya sa'min habang papunta sa nakalinya na sky blue team. Halos ang mga kasamahan nya roon ay kaklase n'ya lang din mukhang ang mga magulang nila ang gagawa ng mismong race.

“Just stay there, Quincy, okay?”

“Yes, Mama.” nakangiti n'yang sabi at umusog roon papunta sa gilid.

“We'll win this.” saad ni Aziel. Sinenyasan ko s'ya na pumunta na sa start line ng race. Pang apat kaming sasalang sa race.

“Itali mo na.” sabi ko. Agad kong idinikit ang legs ko sa legs n'ya para maitali na n'ya ang ribbon doon. Napahinga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko dahil lumalakas na naman ang kabog ng puso ko at pinagpapawisan ng malamig ang mga kamay ko. Naupo s'ya at itinali na ang ribbon. Napapikit ako nang maramdaman ang pagdami ng daliri n'ya sa legs ko na nagdala ng bolta boltaheng kuryente sa'kin.

‘Dapat hindi nalang ako nagpalit ng pantalon kanina. Tanga mode na naman si Zahra.’

Napalunok ako nang tumayo s'ya. Dikit na dikit kami sa isa't isa, bagay na ayaw ko. Napatikhim ako.

“Tulad nang sabi ko kanina, 1 2, 1 2. 1 is our legs that tied

You are reading the story above: TeenFic.Net