MAOH18: Mama and Papa

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 18: MAMA AND PAPA     

Zahra's POV

“Did you find anything?” tumango ako sa tanong ni Ed. Nanatili akong nakangisi na ipinagtaka nilang dalawa. Napatingala ako. Matapos kong sumuri pa sa ibang gamit sa bahay ay nasiguro kong tama ang hinala ko.

“Anong nakita mo?” tanong ni David.

“I will share it later. Now let's inquire the maid's statement about the case. Kailangan natin para sa report 'yon.” napapailing silang tumango at nauna nang pumasok sa kotse. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at mas lalong lumapad ang ngisi ko nang makita s'ya.

‘Hindi man ako pulis, wala ka namang kawala sa'kin.’

Lumapit ako sa officer na kinausap ko kanina.

“Officer Lauz.” tawag ko sa kan'ya. Napalingon s'ya sa'kin at nagtatangkang tumingin sa'kin.

“Ano 'yon?”

“Pwede ba naming bisitahin ang kasambahay na nakaligtas sa pagsabog at sunog ng bahay na 'to?" kumunot ang noo n'ya.

“Bakit?”

“Kailangan namin para sa report. Kailangan namin ng statement ng witness. Kung pwede sana dalhin n'yo kami roon.” napangiwi s'ya pero napabuntong hininga rin kinalaunan. Sinenyasan n'ya ako kaya napangisi ako nang pahilim. Tumango ako at pumasok na sa kotse ni Ed. “Sundan n'yo ang police mobile.” tumango si Ed at nagsimula nang magdrive.

Nang marating namin ang hospital ay nanatili kaming nakasunod kay Officer Lauz kasama ang dalawa pa nitong kasamahang pulis. Dumaan kami sa hagdan papuntang second floor. Habang patungo sa private room ng witness ay pinagtagpi tagpi ko na sa utak ko ang lahat ng ebidensya. Wala pa akong hawak pero ang taong 'yun ang makakapagkumpirma.

Kumatok si Officer ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng kwarto. Pumasok sila at sumunod naman kami. Tumambad samin ang isang babae na tulala at maraming galos. Sinusuri s'ya ng nurse na umalis na rin nang makapasok kami. Sinundan ko ang nurse palabas.

“Nurse?” tawag ko. Humarap s'ya sa'kin. Umalsa ang kilay n'ya na parang tinatanong kung ano sadya ko. “Pwede ko ba makuha ang mga damit ng pasyente nang maidala s'ya dito sa ospital?” sandali s'yang nag isip.

“Sige. Pakilabhan na rin. Masakit sa ilong ang suot n'yang damit noon e. Baka dahil sa pagsabog.” inis nyang sabi tsaka tinalikuran ako. Bumalik ako sa loob at pinagmasdan s'ya pati na rin ang mga sugat n'ya. Marami s'yang bandage sa katawan na may mga bahagyang dugo pa mula sa sugat n'ya.

‘Grabe nakakatrauma siguro 'yung muntikan ka na mamatay.’

“Melly, kakausapin ka raw ng mga galing sa fire department ukol sa nangyaring sunog.” napatingin samin ang babaeng pangalan ay Melly. Biglang lumikot ang mga itim ng mga mata n'ya. Tiningnan ko si Ed at tinanguan. Lumapit s'ya sa biktima. Napatingin ako kay David na nakahanda na para isulat ang statement ng biktima.

“Kumusta ka na?” tanong ni Ed. Napatingin ako sa kan'ya. Napayuko s'ya at nanginginig pa ang kamay.

“N-Natatakot pa rin ako.” napatango tango naman ako habang nililibot ng tingin ang buong kwarto n'ya. Naglakad lakad ako sa palibot ng kama n'ya habang nagpapanggap na curious sa mga bagay bagay at nakikinig sa kan'ya.

“Maaari mo bang ikwento ang nangyari bago ang pagsabog at pagkasunog ng bahay ni Vice Mayor?” tanong ni Ed. Napatigil ako sa gilid n'ya sa kanan at tumingin sa kan'ya nang seryoso. Napaiwas s'ya ng tingin kay Ed at dumapo sa'kin iyon. Pero agad n'ya ring iniwas ang tingin sa'kin.

“H-Hindi ko na maalala mas'yado. N-Natatakot ako.” nagpamulsa ako habang inililibot ulit ang tingin sa buong kwarto.

“Kung ano nalang ang naalala mo.” sabi ni Ed. Sinilip ko si Melly sa peripheral vision ko at nakita kong napatango s'ya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

“Kasalukuyan ako noong naglilinis ng bakuran kasama si Kol Ted. Tinutulungan ko s'yang maglagay ng mga basura sa lalagyan para mapadali. Tapos na ako noon maglinis sa itaas na bahagi ng bahay kaya bumaba ako at dumaan sa kusina na s'ya namang nakasalubong ko si Kol Ted kaya napagpasyahan ko na tulungan s'ya.” nagsimula na s'yang maiyak habang kinukwento. Napatakip s'ya ng mukha. “Nasa main door na ako noon papalabas ng bahay ng biglang may sumabog sa kusina at huli ko na napansing nasunog na ang buong bahay. H-Hindi ako makalabas at... at nadaganan pa ako ng ilang tipak ng malalaking bato.” hagulgol n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Inabutan s'ya ng tubig at tissue ni Ed. Ininom n'ya ang tubig at pinunas sa luha n'ya ang tissue.

“Sa tingin n'yo ba ay si Kol Ted ang may gawa?” agad na tumango si Melly sa tanong ni Ed. “Paano?”

“Nang pababa ako ay nakasalubong ko nga s'ya sa kusina kung saan walang tao dahil abala ang lahat sa paglilinis. Nakita ko s'yang may nilagay na puting pulbura non sa ilang mga kalan. Akala ko pangpalinis ng kalan 'yon.” napakunot naman ng noo sa pagtataka ang lahat nang nandito.

“Puting pulbura?” takang tanong ni David. Tumango tango s'ya habang kumukurap ng ilang beses.

“Nang dumating ang ibang kasambahay para magluto na ay biglang sumabog ang mga kalan nang buksan ito.” saad n'ya. Napayuko ulit s'ya. Seryoso ko s'yang pinapakinggan dahil ang statement n'ya ang makakapagpatunay at makakapagturo ng totoong salarin sa pagsabog at pagkasunog ng bahay ng Vice Mayor.

“Anong paglilinis ang ginawa mo?” tanong ko sa kan'ya. Napaangat s'ya ng tingin sa'kin. Nagtataka naman nila akong tiningnan. Nanlalaki ang mata ko tsaka nagkibit balikat. “Curious ako.” tumango nalang sila at napatingin kay Melly na inaantay ang sagot nito.

“Kumukuskos ako ng sahig non gamit ang mop. Nasa second floor ako bago bumaba para tulungan si Kol Ted nang makasalubong ko sya.” napatango tango naman ako.

“Nakakatakot 'no?” napatingin s'ya sa'kin. Tiningnan ko s'ya at ilang segundo pa ay tumango tango s'ya at nagsimulang maghagulgol. Bahagyang nataranta sina Ed pero tinaasan ko lang sila ng isa'ng kilay. “Ako kahit bumbero, natatakot pa rin sa mga pagsabog.” umarte pa akong naiiyak na mas lalo n'ya ikinahagulgol.

“S-Sobra.. Nang makalabas ako sa main door at n-nadaganan ng bato ay pakiramdam ko katapusan ko na.” naiiyak nya pang sabi tinakpan ang mukha n'ya dahil sa pag iyak. Sumilay ang isang ngisi sa labi ko. Tiningnan ako nina Ed at David. Ramdam ko rin ang nagtatakang tingin sa'kin ng tatlong pulis.

“Di ba ang sabi mo nasa main door ka pa lang at hindi ka makalabas dahil nadagan ka?” kunwaring nag aalalang sambit ko at lumapit sa kan'ya. Gulat naman s'yang napatingin sa'kin at napansin ko ang biglang pamumutla n'ya. “Sobrang masakit talaga siguro ang madaganan lalo na kung huli kang nakalabas at late ang bilang mo sa oras.” napapout pa ako na tila binibigyan s'ya ng simpatya.

“Anong ginagawa mo?” hindi ko pinansin si Officer Lauz.

“Pi...pinagbibintangan mo ba ako?” tila nasasaktan n'yang tanong. Agad akong napatayo at umiling habang iniwawasiwas ang dalawang kamay ko.

“Hindi. Hindi. Wala naman akong sinabing ganon a.” natawa naman ako. “Bakit kita pagbibintangan? Biktima ka rin.”

‘Nang sarili mong katangahan.’

“Pwede mo bang ikwento ulit pero backwards na? Para sure na nasulat ng kasama ko ang statement mo.” ngumiti ako ng peke. Nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa inis.

“Tama na 'yan.” saway ni Officer Lauz. Umiling ako at nanatiling nakatingin sa kan'ya ngunit sa pagkakataong 'to ay seryoso na. Nanlalaki ang pupils ng mata n'ya at bahagyang nanginginig ang mga kamay n'ya. Napalunok s'ya.

“Hindi bat pagmamay ari mo 'to?” inilapag ko sa kan'ya ang nakita ko kanina. Kinuha ko ang isang brown envelope na nadumihan na dahil naapakan ko kanina sa bulsa ng uniporme ko. Isa 'yung maliit na sachet na may puting pulbura sa loob. “Nakalagay sa envelope na 'yan ang pangalan mo at address ng Vice Mayor kung saan ka nagtatrabaho.” gulat s'yang nakatingin nang ilabas ko ang sinasabi n'yang puting pulbura kanina. Kinuha ni Officer Lauz ang envelope at tiningnan. Napalayo naman sa kan'ya si Ed at seryoso na ring pinagmamasdan si Melly.

“Ipaliwanag mo ito ngayon na.” maawtoridad na sabi ni Officer Lauz. Bumilis ang paghinga n'ya at halata na ang kaba n'ya. Nagpunta ako sa paanan ng hospital bed at tinukod ang dalawa kong kamay para matingnan s'ya nang maigi.

“Isa 'yang mercury fulmite na binili mo sa scientist na nasa labas ng bahay nang mangyari ang pagsabog. Yannie Sison ang pangalan n'ya. Sya ang scientist na nadeclined ang permit dahil hindi pinayagan ni Mayor ang mga experiments n'ya dahil delikado.” nakangisi kong sabi sa kan'ya. Napakagat s'ya ng ibabang labi habang tumutulo ang luha sa mga mata n'ya. “Alam na alam n'ya ang explosive na ibibigay sa'yo dahil s'ya ang may gawa ng pagsabog at pagkasunog sa isang bahay sa capital.”

“Wa...w-wala akong alam.”

“Galingan mo naman ang magsinungaling. Mas'yado pang weak e.” nakangiwi kong sabi habang napapailing. Napayuko ako at natawa. Inangat ko ulit ang tingin ko sa kan'ya. “Ikaw rin nagkalat ng gasoline sa buong bahay. Iyon ang ginamit mong tubig habang ikinakalat iyon gamit ang mop. Nang sumabog at sumiglab ay kumalat kaagad ang apoy dahil sa gasolinang ikinalat mo.” napatayo ako nang maayos.

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!” napatingin ako kay Officer Lauz.

“Nasa backyard ang mop na ginamit n'ya. Naroon pa ang ibang gasoline jugs na ginamit n'ya.” bahagya s'yang lumingon sa mga tao n'ya sa likod.

“Pumunta ka roon ngayon na at tingnan kung nagsasabi ng totoo ang bumberong 'to.” agad tumango ang nasa likod n'ya at umalis. Sakto namang papasok ang nurse na hawak ang nakaplastic na damit n'ya.

“Heto na ang kailangan mo. Matapang pa rin ang amoy ng gas sa damit n'ya.” ngumiti ako sa kan'ya nang malapad. Kinuha iyon ni Ed at umalis na s'ya. Sinenyasan ko si Ed na ibigay 'yon sa Pulis na s'ya namang tinanggap ni Officer Lauz. Samantalang napalingon ako sa kay Melly na umiiyak ngayon at gulat pa ring nakatingin sa'kin.

“Dapat kasama mong isusunog ang mop kaso nataranta ka kasi napaaga ang pag asikaso ng ibang kasambahay para magluto. Dapat itatapon mo na rin sana ang envelope na 'yan kasama sa mga basurang itatapon pero nakita ni Ted Corpus 'yon at inakalang naihulog mo lang kaya naiwan n'ya iyon sa backyard.” ngumisi ako sa kan'ya. “Totoo ngang nasa main door ka pero hindi ka nakaligtas sa pagsabog na ginawa mo.”

“T-Tama na!” ilang beses s'yang umiling na tila ayaw nang makinig sa mga susunod kong sasabihin. Matalim ko s'yang tiningnan.

“Maraming namatay sa ginawa mo.” napatingin s'ya sa'kin na bakas na ang galit sa mukha. Matalas n'ya rin akong tiningnan.

“Kasalanan nila 'yon! Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero lagi nila akong pinagkakaisahan.” galit na bulalas n'ya habang tumutulo ang luha nito. “Masyado silang mapintas at pakialamera sa buhay ko na para bang kilala na nila ako.” napayuko s'ya at napahagulgol.

“Pero hindi tama ang ibigay mo ang bintang sa taong wala namang kasalanan.” seryoso kong sabi. Hindi nya ako sinagot.

“Inaamin mo nga na ikaw ang may gawa non?” seryosong tanong ni Officer Lauz. Napatingin si Melly sa kan'ya.

“Oo. At hindi ako nagsisisi doon.” nakangisi n'yang sabi.

“Kung ganon. Ikaw ay inaaresto sa salang pagpatay o murder. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan.” maayos ang tindig ang seryosong sabi ni Officer Lauz nang sinimulan n'yang banggitin ang Miranda Rights.

“Mas dapat mamatay ang mga taong masasama ang budhi.” napatango tango naman ako sa sinabi n'ya.

“Tama naman 'yon.” sabi ko. Narinig ko ang pigil na tawa ni David. Napangisi nalang ako nang napatingin sila sa'kin. Nagkibit balikat nalang ako. Napahinga ako nang malalim. “Nasa brief case ni Yannie Sison ang evidence laban sa kan'ya.” seryoso kong sabi kay Officer Lauz. 

“Ikaw ang ituturo ko kapag mali ang mga impormasyong binigay mo.” napangisi naman ako.

“Ikaw rin naman ang makikinabang kapag tama ako.” napapailing nalang ako habang nakangisi sa kan'ya habang s'ya ay seryoso namang nakatingin sa'kin. “Oh s'ya aalis na kami.” nilingon ko si David. “Najot down mo ba lahat?” napatango tango s'ya habang nakangising nakatingin sa'kin.

“Angas mo naman, Chief.” natatawa n'yang sabi. Napairap nalang ako habang natatawa. Napatingin ako kay Melly.

“Slayyy!” natatawa kong sabi sa kan'ya. Nagsalubong ang mga kilay n'ya sa pagtataka.

“Gago.” pabiro akong itinulak ni David kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Inambahan ko s'ya ng suntok.

“Aalis na kami, Officer.” seryoso kong sabi sa kan'ya. Tumango naman s'ya. Tiningnan ko ulit si Melly at tinanguan rin. Nagthumbs up pa ako sa kan'ya at sinenyasan na sina Ed at David na lumabas na.

Nang makalabas ay agad akong pabirong sinagi ni David. Napapagitnaan ako nilang dalawa habang naglalakad. “Sabi na may paextra scene ka na naman.” ngumisi lang ako sa kan'ya.

“You did great, Chief.” napatingin ako kay Ed na nakangiti ngayon sa'kin. “As expected to Zahra.” lumapad ang ngisi ko at inakbayan silang dalawa.

“Ilibre n'yo ko.”

“Ayoko nga, mamumulubi ako say—” inakbayan ko s'ya sa leeg. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko kay Ed at kinulong si David sa braso ko.

“Ililibre mo ako o kay Ed ako magpapalibre. Magdedate kami.”

“A-aray! Oo na!” pagmumumiglas n'ya habang hinahampas ang braso at balikat ko. Napangiti ako at tinanggal ko ang pagkakasakal ko sa kan'ya. Tiningnan n'ya ako ng masama pero tinaasan ko lang s'ya ng kilay. “'Wag kang lalapit kay Ed.” banta n'ya sa'kin tsaka lumapit kay Ed at kinuha ang isang kamay nito. Gulat namang napatingin si Ed pero napapansin ko ang pagpigil n'ya ng ngiti. Napairap nalang ako at napailing habang nakangiwi.

”Oh e 'di kayo.” inis kong sabi.

“Kami naman talaga.” nagpanggap ako na naduduwal sa sinabi ni David. Napatingin sila sa isa't isa at napangiti.

“Tigilan n'yo nga 'yan. Baka may kasama kayo.” sarkastiko kong sabi.

“Kasalanan ba naming single ka?” inambahan ko si David ng suntok. Yumuko s'ya at napatago sa likod ni Ed. Napangisi ako nang makaisip ng pangrebutt.

“Hindi pa kasi ako nakakamove on kay Ed.” tumawa si Ed samantalang masama ang timpla ng mukha ni David. Matalim n'ya akong tiningnan at napairap. Napahalakhak naman ako at hinampas s'ya sa balikat. “Kahit sabihin ko namang hindi pa ako nakamove on d'yan, sa'yo lang naman uuwi 'yan. Si Edric pa.” napapailing kong sabi. Napansin kong malapit na pala kami sa main entrance ng hospital.

“Let's eat lunch first before heading back to department.” napatango kaming dalawa ni David. Nang makalabas ng hospital ay dumiretso kami sa isang kainan sa malapit at doon na nananghalian. Pagkatapos nga ay tumuloy na kami pauwi.

Gusto ko sanang matulog muna saglit kasi inaantok ako pero may gagawin muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at notes para magjot down. Sinearch ko ang nangyaring ambush at nagbasa basa ng articles at nanood ng interviews ng Chief ng PNP. Seryoso kong pinanood ang lahat para mahanapan ng butas.

“Ano na ang hakbang na gagawin mo ngayon, Chief Valdez?”

Ramdam kong napatingin sina Ed at David sa'kin pero hindi ko sila pinansin.

Kasalukuyan pa ring tinutunton ng ating kapulisan ang ambush na naganap, kaya huwag kayong mag-alala. Dadakpin ko ang taong nasa likod ng pag ambush sa ating Presidente. I will make sure they'll be sent in jail.”

Matapang na sabi n'ya at tila hinahamon ang mga taong umambush sa Pangulo gamit ang national telecast. Itinigil ko na ang panonood non at napunta pa sa ilang clips. Random clips ng ilang interviews. Merong umiinom s'ya ng tsaa habang sumasagot sa interview. Napapansin ko rin na panay ang kamot n'ya sa ulo.

‘May galaxy kaya s'ya don?’

Napatigil ako at nagfocus sa pagkakamot n'ya sa ulo. May kakaiba sa buhok n'ya.

‘Parang bagong dye.’

Nagsalubong ang dalawa kong kilay ang pinanonood s'ya sa ganoong behavior. Ilang minuto pa at mukhang tapos na ang interview pero ang clip na 'to ay patuloy pa ring kinukuhanan ng video ang Chief ng PNP. Napaspray ng pabango ang mga nasa gilid n'ya. Naitaas n'ya ang kamay n'ya para protektahan ang sarili n'yang hindi madapuan ng pabango.

Napabuntong hininga nalang ako dahil pakiramdam ko walang kwenta ang panonood ko ng mga ito. Pero pinilit ko pa rin ang sarili sa kadahilanang gusto kong tulungan sina Prof at Aziel.

‘Pero kailangan ko ba tumulong? Wala naman silang sinabi a.’

Napailing nalang ako at ibinalik ang atensyon ko sa panonood. Napansin ko ang biglang napakamot sa kamay n'ya ang Chief ng PNP. Namumula ang kamay n'yang nadapuan ng perfume kanina.

‘Allergic ba s'ya sa perfume?’

Ikinamot n'ya ulit sa ulo n'ya ang kamay n'ya at napansin ko ang lalong pagpula ng kamay n'ya. Natapos na roon ang video ay unti unting napasok sakin ang isang ideya.

‘Contact dermatitis. It's a condition where a skin becomes red, and sore after having a contact with a substance.’

Namula ang mga kamay n'ya dahil sa perfume na dumapo roon. Mukhang humawak s'ya ng isang matapang na kemikal. At hula ko, 'yun ang dye sa buhok n'ya. Hindi maayos ang pagkakadye ng itim sa buhok n'ya dahil may parte pa ng buhok na kita ang naunang kulay nito.

‘Katulad ng kulay ng taong kumausap sa Pangulo matapos pagbabarilin ang sasakyan nito.’

Magtatagal ng hanggang 48 hours ang reaction ng kamay n'ya. Pinanood ko ulit ang CCTV ng pag aambush sa Pangulo. Nakakunot ang noo ko habang seryosong nanonood. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sinubukan ko izoom ng ipause ko ito pero malabo pa rin.

“Dave, palinawin mo naman 'to.” napalingon sa'kin si David. Ibinigay ko sa kan'ya ang cellphone ko at ipinakita ang screenshot ng CCTV. Tumango s'ya sa kinuha ang laptop na dala n'ya at tumipa doon.

“Isend mo rito.” tumango ako at sinend sa laptop n'ya ang screenshot.

Naghintay ako ng ilang minuto at ibinigay na n'ya sa'kin ang laptop. “Tapos na.” kinuha ko sa kan'ya ang laptop at tiningnan iyon. Nakumpirma ang hinala ko. Akala ko kanina ay namamalikmata lang ako. Habang nanonood ako ng interview ay nakita ko na 'to kanina. Napatango tango ako. Sinend ko sa cellphone ko ang screenshot na 'yon at dinelete sa laptop. Ibinalik ko ang laptop kay David.

Napansandal ako nang maayos at inihilig ang ulo ko sa bintana. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayang makatulog.

Alas kwatro na nang makarating kami sa departamento. Maaga kong pinauwi ang lahat dahil may aasikasuhin pa ako. Agad akong umangkas sa motor ko at pinaandar 'yon papuntang hideout namin. Pumasok agad ako at binuksan ang isang computer at ginawa ang lahat.

This might help you to track those who threaten the President. I will send some pictures that can prove someone's guilt over the planned ambush.

Crescent

Agad kong ipinaliwanag sa email ang lahat pati na rin ang simpleng mga bagay na maglilead sa Chief ng PNP.

This is contact dermatitis where the skin gets irritated, red, and become sore after having a contact with a strong substance. He died his hair back into black after dyeing it with gray. In my suspicion, he used the same brand of dye that causes his nape to have rashes. It happened when he's back facing the CCTV camera and his rashes became visible. It is the same spots on this interview.

He lead the ambush, I'm certain of it. Just check it out and you'll find the evidences easily.

Nagitla ako nang

You are reading the story above: TeenFic.Net