MAOH16: Protection

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 16: PROTECTION

Zahra's POV

“Zahra. Hoy!” agad kong pinukulan nang masasamang tingin si David. “Tulala ka habang nakangiwi d'yan.” natatawa nya'ng sabi. Napabuntong hininga nalang ako at patuloy na kumain.

“What happened? N'ung isang araw ka pa gan'yan.” tanong sa'kin ni Ed tsaka sumubo ng kinakain n'ya. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kan'ya at hindi kumibo, patuloy lang ako sa pagkain.

‘Please ayoko na maalala. Kinikilabutan ako kapag naalala ko.’

“Feeling ko,” napatingin naman ako kay David. Nakangisi s'ya sa'kin. “dahil 'yon sa naghatid sa kan'ya n'ung isa'ng araw.” nabilaukan naman ako sa sinabi n'ya at agad uminom ng tubig. Natawa naman s'ya kaya ibinato ko sa kan'ya ang bottle na pinag-inuman ko.

“Pinagsasabi mo d'yan?” inis kong sambit sa kan'ya. Si Ed ay natawa rin. Inismiran ko sila.

“Nagbibiro lang ako, triggered ka ka'gad.” natatawa pang sabi ni David. Tumayo na ako at iniwan sila.

Totoong hinatid ako dito si Aziel kinaumagahan nang gabing iyon. Ang sabi n'ya ay baka mahirapan ako sa pagmomotor dahil may sugat ako sa binti. Tinanggihan ko s'ya kaso papansin ang motor ko at naflat pa. Kaya pumayag ako na s'ya ang maghahatid sa'kin pati na rin sa kambal. Napansin n'ya rin na hindi ko pa napapalitan ang bandage sa braso. Magpepresenta sana s'ya kaso tumanggi ako at ginamot na 'yon sa harap n'ya mismo. Mabuti nalang talaga at hindi na ako nataranta. Kinakabahan pa rin ako kapag nandyan s'ya pero nakaya ko nang kumalma para hindi nya mapansin.

Pagkauwian ay nagpahatid ako kay Ed sa harap ng apartment namin at tumawag ng mekaniko para maayos na ang motor at hindi na magpahatid sa kan'ya. Pagkatapos kong sunduin ang kambal ay sa mismong bahay namin sa kabilang municipality kami umuuwi para hindi ko s'ya kailangan makaharap o makausap.

At sa tuwing naiisip ko ang reaksyon ng katawan ko sa ginawa ni Aziel ay napangiwi talaga ako. Nag iisip ako ng guidelines at paraan para wala kaming mas'yadong interaction. Hinahayaan ko nalang na nasa kan'ya muna ang kambal para mas may time na magkasama sila nang sila sila lang. Mas pabor na 'yon sa plano ko. Kaya dalawa'ng araw n'ya rin ako'ng hindi nakausap nang maayos dahil hindi ako nagrereply sa kan'ya o kaya nagdadahilan lang ako para umexit kapag s'ya ang kausap ko.

Sabado na bukas at walang pasok ang kambal. Ganon din kami. Napaupo ako sa kama at iniisip na naman ang mga bagay bagay.

May kumatok sa pinto kaya napalingon ako roon. Tumayo ako at pinagbuksan ang kumatok. Sina Quinn at Quincy na parehong nakapajamas na at may bitbit na kan'ya kan'yang unan habang yakap yakap ang mga ito. Nakangiti silang dalawa sa'kin.

“Mama, can we sleep beside you?” ngumiti ako sa kanila nang malapad.

“Sure, my love.” agad silang pumasok kaya isinara ko na ang pinto. Agad silang dumiretso sa kama ko at kumportableng nahiga roon. Natatawa naman ako'ng lumapit at naupo sa kama. “Bakit gusto n'yo matulog sa tabi ko ngayon?” tanong ko.

“'Cause we missed you, Mama.” bahagyang umalsa ang gilid ng labi ko pero pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti ko. Nakapout si Quincy sa'kin habang yakap ang unan nang sabihin n'ya iyon.

“You seemed busy these past few days, Mama. Did you rest well?” tanong ni Quinn.

“Yes, of course.”

“Papa was worried too since you have wounds, you still need some rest. He thinks you're just busy that's why you're not with us these past few days.” napakunot ang noo kong napatingin kay Quincy. “We are worried, Mama.” napangiti ako nang pilit.

“Yes. I have to help those people who lost their businesses and houses because of the fire.” napapout naman sila at napatango. Ngumiti ako sa kanila at niyakap sila. “Gala ta'yo bukas.”

“Really, Mama?”

“Mm.” tango ko habang nakangiti sa kanila. Naexcite naman sila kaya ginulo ko nalang ang buhok nilang dalawa. Hindi maaalis ang ngiti nila hanggang sa nahiga kaming tatlo. Hinalikan ko sila sa noo at niyakap sila. Natulog kaming yakap yakap ko sila.

Kinabukasan ay maaga kaming nag asikaso. Tinext ko na rin si Aziel na hintayin kami sa labasan.

Bago mag 9 am ay nagpaalam kami kina Mama at sa mga kapatid ko tsaka lumabas. Naglakad kami papuntang labasan at nadatnan namin doon si Aziel na nakatayo habang simpleng nakasandal sa pinto ng kotse n'ya. Napaayos s'ya nang tayo nang makita kami ng kambal. Agad na tumakbo sa kan'ya papalapit ang kambal.

“Papa!” hinalikan ng kambal si Aziel sa pisngi. Napabuntong hininga nalang ako at nag iwas ng tingin. Naglakad ako papunta sa kanila kaya nalipat ang tingin sa'kin ni Aziel na s'yang nagpakabog nang mabilis sa puso ko. Nakangiti s'ya sa'kin.

“Let's go?” tanong n'ya na animo'y alam kung saan kami pupunta pero hindi ko pa nasasabi sa kan'ya kung nasaan. Tinanguan ko s'ya at naunang pumasok sa passenger seat. Pinagbuksan n'ya ang kambal. Tiningnan ko ang kambal at sinenyasan na suotin ang seatbelt. Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi nila at excited talaga sa pag gala na gagawin namin. “Where to?”

“Sa kabilang town lang, malapit sa plaza. Ituturo ko sa'yo kung saan kaya tara na.” malamig na sagot ko. Hindi ko s'ya tiningnan pa. Naramdaman ko naman ang pag andar at umalis na. Kahit gusto ko mang tulugan s'ya ay hindi pwede dahil nandito ang kambal.

Matapos ang halos kalahating minuto ay nakarating kami sa plaza malapit sa may fire station namin. Itinuro ko sa kan'ya kung saan kami titigil.

“Mama, we're visiting Inang?” natutuwang tanong ni Quincy. Nginitian ko s'ya.

“Yes, my love.” tinanggal ko ang seatbelt ko. Napansin ko nama'ng seryoso ang tingin sa'kin ni Aziel. Hindi ko s'ya pinansin at tuluyang bumaba sa sasakyan n'ya. Pinagbuksan ko rin ang kambal na s'yang excited sa gagawin naming pagbisita sa taga pamahala ng dati nilang ampunan.

Dito malapit sa may plaza pinatayo ng LGU ang orphanage, med'yo malayo doon sa national high school na dating kinatatayuan ng orphanage. Maayos, maganda at matibay din ang pagkakagawa ng bahay na may malawak na palaruan sa harap para sa mga bata. Marami na ring nagdodonate dito dahil may mga kinontak ako para matulungan sila.

Nagdoorbell kami at hinintay na may magbukas ng gate. Maya maya ay bumukas ang gate ng orphanage at iniluwa non ang kanang kamay ni Inang sa pamamahala dito. Napangiti s'ya nang makilala ako.

“Zahra!” agad sya'ng lumabas at sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko rin s'ya. Kumalas s'ya sa yakap at tiningnan ang kambal. “Mabuti at napadalawa kayo. Naku! Matutuwa ang Inang nito.” natutuwang sambit n'ya.

“Oo nga po e. Bago mag birthday ang kambal ang huling bisita namin dito.” nakangiti kong sabi sa kan'ya. Hinawakan n'ya naman ang kamay ko.

“Ah s'ya at tumuloy kayo. Saktong sakto ay kasalukuyang nagluluto ng tanghalian si Inang.”

“May kasama pa po ako.” agad kaming napatingin kay Aziel na nakatayo lang sa likod ako.

“Halika at pumasok ka. Magugustuhan mo rito ang mga batang mabibisita mo.” nakangiting sabi n'ya tsaka hinila na ako papasok.

Pagkapasok ay agad nagsitakbuhan ang kambal sa playground kung nasaan naglalaro ang dati nilang mga kasama sa bahay ampunan na 'to. Agad naman nilang pinagkumpulan ang kambal na tila nasabik din sa muli nilang paglalaro. Dinala kami ni Aling Thes papunta sa kusina kung saan nagluluto si Inang. Naunang naglakad si Aling Thes kaya naiwan kami sa likod ni Aziel.

Napatigil ako nang maramdaman ang brasong pumigil sa'kin sa paglalakad. Napatingin ako kay Aziel na seryosong nakatingin sa'kin.

“What are you planning on?” hinablot ko ang braso para hindi na n'ya ako mahawakan at hinarap s'ya. Napabuntong hininga ako at seryoso rin sya'ng tiningnan.

“I'm introducing you to someone who used to take care the twins.” sambit ko. Wala sya'ng reaksyon at nanatiling seryoso ang tingin sa'kin.

“Why?”

“Ano'ng why? Malamang anak mo ang kambal, kailangan mong kilalanin ang mga nag alaga sa kanila. Ano 'to? Basta basta mo lang silang kukunin? Sapukin kita d'yan e.” inis kong saad sa kan'ya at tinalikuran s'ya para sumunod kay Aling Thes.

Nang makarating kami sa kusina at agad napatingin sa'min si Inang na naghahalo ng niluluto. Isinantabi n'ya ang sandok at natutuwang lumapit sa'kin para yakapin ako.

“Zahra anak!” pinakawalan n'ya ako at malapad na ngumiti. Ngumiti rin ako sa kan'ya.

“Kumusta ho kayo?” tanong ko.

“Eto at mabuti buti na. Salamat sa tulong mo.” hinawakan n'ya ang kamay ko. “Hindi ko kailanman makakalimutan ang tulong na naibigay mo sa'kin at sa pundasyong ito para sa mga bata, Zahra.” hindi natinag ang ngiti ko dahil ramdam ko naman ang sincerity kay Inang. Parang lola na rin ang turing ko sa kan'ya. Napatingin si Inang sa likod ko kaya napalingon din ako roon. Hinarap ko ulit si Inang.

“Si Aziel nga po pala. Kaibigan ko.” tinitigan nama'ng mabuti si Inang si Aziel tsaka lumapit sa at hinawakan ang kamay n'ya.

“Ikinagagalak kitang makilala, Aziel.” nakangiti nitong sambit kay Aziel habang si Aziel naman ay bahagyang nagulat sa biglang paghawak sa kan'ya ni Inang. Kinalaunan ay nahihiya sya'ng ngumiti at tinanggap ang pagbati ni Inang.

“Ako rin po.” sagot n'ya. Binitawan ni Inang si Aziel at bumalik sa niluluto n'ya nang makitang kumukulo ulit ito.

“Maaari n'yo ba ako'ng tulungan sa pagluluto?” tanong ni Inang. Nakangiti naman ako'ng tumango at lumapit sa kan'ya para iabot ang iba'ng sangkap.

Tulad dati ay marami ang putaheng iniluto ni Inang habang katuwang kami ni Aziel sa kusina. Si Aziel naman ay pinoproseso pa rin ang nangyayari dahil hindi naman s'ya nagluluto. Tinuruan na rin namin s'ya ni Inang ng mga pwede nya'ng lutuin mag isa para matuto naman daw s'ya. Napapangiti nalang ako at napapailing habang tinitingnan sya'ng bakas sa mukha ang pagkalito ngunit seryoso sa ginagawa. Napapatingin s'ya sa'kin para siguraduhin ang gagawin n'ya dahil hindi n'ya raw alam kung paano ang tamang pagtatantya sa paglagay ng mga condiments.

Mag aalas dose na nang maihain ang pagkain sa hapag. Tinawag ni Aling Thes ang mga bata na agad sumunod sa kan'ya pagkarinig ng pagkain. Tulong tulong kami sa pagsasayos ng mga pinggan at nilagyan na rin ng kanin ang mga pinggan. Nagsiupo ang mga bata matapos maghugas ng pinggan. Agad kong pinaglagyan ng ulam ang kambal nang ituro nila ang ginataang kalabasa at pakbet. Tumulong ako kina Inang na maglagay ng mga ulam sa iba pang bata pa. Nagdasal muna kami sa pangunguna ni Inang tsaka nagsimula nang kumain.

“Mm ang sarap!”

“Dabest talaga!”

Napangiti ako nang marinig ang mga papuri ng iba sa niluto namin. Nagkekwentuhan lang kami sa hapag habang kumakain. Nagkakatuwaan din.

“Masarap din ang luto ni Aziel para sa tao'ng kakaaral lang magluto.” nakangiting sambit ni Inang. “Kaunting pag aaral pa at sasarap pa lalo ang luto mo. Lalo na kung ito'y iyong lulutuin nang may kasamang pagmamahal.” nakatingin ito kay Aziel habang si Aziel ay bahagyang nakangiti.

“Paglutuan mo ang babaeng iyong napupusuan. Paniguradong sya'y iibig sa'yo.” natatawang saad ni Aling Thes kaya napatawa na rin ako. Nabulunan naman si Aziel na agad uminom ng tubig. Napahagikgik ang iba'ng mga bata kasama ang kambal na nasa gitna namin ni Aziel. Napapailing nalang ako.

“Epektibo po ba 'yan?” napatingin ako kay Aziel nang sumagot ito at nakatingin kay Aling Thes. Umalsa naman ang gilid ng labi ni Aling Thes habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Aziel. Kinabahan ako sa inakto n'ya at napapangiwi nalang.

“Oo naman!” saad n'ya at humalakhak. Napatingin ako kay Aziel na nakatingin pala sa'kin pero agad sya'ng umiwas ng tingin. Napabuntong hininga nalang ako. Patuloy lang kami sa pagkekwentuhan habang kumakain.

“Quinn, Quincy.” tawag sa kanila ng kalaro na nakaupo sa harap nila. Nakangiting tumingin sa kanila si Aziel. Hindi ko sana sila papansin dahil may itatanong pa sana ako kay Inang ngunit naagaw ang atensyon ko sa sunod na mga narinig.

“Yes?”

“Siya ba ang Papa n'yo?” napatingin ako sa bata at itinuturo nito si Aziel na bahagya ring natigilan. Napatingin ako sa kambal na nakangiti sila at napatango tango naman si Quincy.

“Oo, s'ya. He's handsome right?” pagmamalaki ni Quincy. Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig at tinutusok ako ng lamig na iyon dahil sa sakit.

“He's our Papa.” proud ding saad ni Quinn.

‘Tama. Papa n'yo 'yan. Totoong tatay. Kadugo, at kalaman. Ang sperm n'ya ang dahilan kung bakit kayo nabuo. Nananalaytay ang parehong dugo at genes sa inyo. Bagay na wala naman ako dahil hindi ko naman kayo totoong anak.’

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain. Alam kong kailangan mas malala pa rito ang mararanasan kong sakit once na malaman na nila na tatay nga nila ni Aziel at sumama dito.

Natapos ang kainan at tumulong naman ako magligpit. Nakangiti kong tinutulungan sina Aling Thes at Inang sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Si Aziel naman ang nag asikaso sa kambal at sa iba'ng bata. Hindi man sanay si Aziel doon pero masunurin naman lahat ng bata dito kaya hindi naman s'ya nahirapan. Pero most of the time ang kambal talaga ang priority n'ya.

Nagpunas ako ng kamay matapos namin maghugas ng pinggan.

“Mga bata. Tanghali na, oras na para magpahinga at matulog.” bilin sa kanila ni Inang. Agad nama'ng nagsisunuran ang mga bata. Lumapit sa'min ang kambal. “Doon muna kayo sa bakanteng kwarto.” nakangiti ako'ng tumango at sumunod sa kan'ya para malaman kung saan. Pumasok ang kambal at nahiga doon. Iniwan kami ni Inang. Naupo ako sa kama sa tabi ni Quincy habang si Aziel ay nakasandal lang sa pinto.

“Matulog muna a? I'll wake you up later kapag aalis na ta'yo.” tumango sila at ipinikit ang mga mata. Binantayan ko pa muna sila hanggang sa makatulog sila. Inayos ko ang kumot nila at binuksan ang ceiling fan. Hinalikan ko ang noo nila at lumabas na. Nanatiling nakasunod sa'kin si Aziel. Naglakad ako papunta sa isa'ng kwarto na nakita ko kanina. Pumasok kami sa mini library ng orphanage. May kinuha ako somewhere sa cabinets. Kinuha ko ang folder at inilahad sa kan'ya.

“That's Quinn and Quincy's record from previous orphanage.” kumuha ulit ako ng bago at binigay sa kan'ya. “Here's the files and affidavits about cases they were involved; Abduction, illegal detention, and human trafficking. 'Yan lahat ang kasong isinampa ko nang matagpuan ko ang lahat ng tao'ng nanakit noon sa kambal. In some ways, natulungan mo pala ako roon kaya napadali ang sistensya sa kanila.” nanatili sya'ng seryosong nagbabasa roon. “Nandyan din 'yung two years ago.”

“How did you find all of these people?” hindi ko s'ya tiningnan at patuloy na nagbubuklat ng iba'ng folder.

“I have connections. Hindi man kasing lakas ng sa'yo but I have few. Few people that's willing to protect your kids that I adopted.” napatingin s'ya sa'kin. Hindi ko maintindihan ang titig n'ya ngayon. Kinakabahan ako pero bahagyang may nag iba. Blangko lang ako'ng nakatingin sa kan'ya. Binawi n'ya ang tingin at nagbasa basa ulit. “How did they ended up there?” seryoso kong tanong. Napaangat ulit s'ya ng tingin at dumapo sa'kin 'yon. Napalunok s'ya at isinara ang binasa.

“My late wife's best friend hid the twins. To make the story short, she kidnap my kids and took care of them for months and gave them to the orphanage later on since she's been haunting down not only by me but also by my late wife's family.” naupo ako sa lamesa habang s'ya nakasandal sa isa'ng bookshelf na nasa dingding na. Napayuko s'ya nang bahagya. “We caught her first, and she admitted that it was my late wife's plan since she doesn't want the twins to get involved in our messy life. She didn't know my late wife would die while giving birth, she thought my late wife would make it and can still escape after giving birth. She has no choice but to follow what my late wife said to her. She did it alone. She took care of the twins but since she's haunted down, she decided to give the twins in an orphanage that no one knew where. She didn't say it even to us. That's why we can't find the twins immediately. We faked her death so she could escape. My father was furious that time too.”

‘He didn't know the twins would be taken away from him either.’

Para ako'ng nawalan ng boses sa mga narinig. Mabilis ang tibok ng puso habang nakatingin sa kan'ya at ngayon ay may bahid ng lungkot ang mga tingin sa'kin.

“I'm sorry.” bahagya ako'ng nagulat sa sinabi n'ya. Lumapit s'ya na mas lalong nagpakabog sa puso ko. “I'm sorry for making you feel guilty and making you feel that you're a hindrance between me and the kids. I should not deny to myself that you're their parent too.” naestatwa ako nang sabihin n'ya yun habang nakatingin sa'kin ng diretso sa mata. “Yes, I do want them back but I have no longer intention of convincing you to give them to me. I'm fine being here by your side and them thinking I'm just your friend. You gave me an opportunity to meet them, to be with them. You made me so happy because of that.” napalunok ako habang s'ya ay napayuko. “I'm fine as long as you're with them.” saad nya'ng muli at tumingin sa'kin. Kumikinang ang mata n'ya na parang tinitingnan ako hanggang kaluluwa. Napahawak ako sa puso kong malakas ang kabog. Nahigit ko ang hininga ko habang nakatitig din sa kan'ya.

“W-Wala ka nang balak na k-kunin sila?” hindi ko na pinansin ang pagkautal ko at kinagat ang ibabang labi ko habang nakatingin parin sa kan'ya. Ngumiti s'ya ng bahagya at malumanay. Ngiting alam mong totoo. Umiling s'ya para sagutin ang tanong ko. “Bakit?”

“I don't want to make you cry or my kids. They love you so much, and I know they'll hate me taking them away from you.” hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mumunti kong hula. Halo halo na naman ang nararamdaman ko. Ang ideyang ilang araw ako'ng binabagabag at hindi ako pinatulog ay hindi pala mangyayari. Ilang araw ako'ng nag isip at umiyak nang palihim dahil akala ko tuluyan nya'ng kukunin ang dalawa'ng tao'ng pinakainiingat ingatan ko. Napakagat nalang ako ibaba kong labi habang umiyak at nakatingin sa kan'ya. Hindi nya alam ang gagawin at nakikita kong nasasaktan s'ya na makita ako'ng umiiyak.

‘Nag break down ako ang sa harap ng ferson.’

“I'm sorry. I actually have a plan on telling them the truth after this.” nagulat s'ya sa pag amin na ginawa ko. Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko rin maintindihan ang kabog ng puso ko. Malakas at parang mawawasak s'ya.

“Take your time. Just because they see me as their father figure doesn't mean you have to tell them the truth right away.” napatingin ulit ako sa kan'ya at napakunot ang noo.

“Ayaw mo bang malaman nila ang totoo? Hindi pwedeng hindi dahil karapatan nila 'yon.” napabuntong hininga naman s'ya.

“Kaya mo na ba?” natigilan ako.

‘Kaya ko na ba? Kaya ko na bang sabihin ang totoo?’

Iniwas kong muli ang tingin sa kan'ya. Napabuntong hininga ulit s'ya at bahagya nang umatras para lumayo nang kaunti sa'kin. 

“Honestly, I want to tell them right away either. I want them to call me Papa because they know I'm their real father.” napatingin s'ya sa'kin. Tila nanlambot ako sa uri ng tingin n'ya na ibinibigay sa'kin. “But I don't want to rush things either. I don't want to rush you.” kanina pa s'ya bumibitaw ng mga salita na nagpapawala sa mga kalamnan at puso ko.

“Tunay nga'ng ikaw ang ama nila.” nagulat kaming napatingin kay Inang na nakatayo ngayon sa nakauwang na pinto. Nakangiti ito at nakatingin kay Aziel. Pumasok ito. “Pasensya na at narinig ko ang huling bahagi ng inyong pag uusap. Kanina ko pa kasi kayo hinahanap dahil may ipapakita ako.” nakangiti nya'ng sabi. Nagkatinginan kami ni Aziel. Agad kong pinunasan ang luha ko dahil baka

You are reading the story above: TeenFic.Net