MAOH11: Deciding

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 11: DECIDING

Zahra's POV

Nandito kami ngayon sa airport na mukhang pagmamay-ari ni Mr. Arne. Tinawagan n'ya kanina ang mga tao n'ya para sabihing ihanda na ang eroplanong gagamitin. Nasa loob pa rin ako ng kotse habang nasa labas s'ya at kausap ang mga tao n'ya. Nakatulog ako sa byahe kaya siguro ay iniwan n'ya muna ako dito.

Maya maya ay bumalik na s'ya sa kotse. Binuksan n'ya ang passenger seat kaya nagtaka ako.

“Let's go. You said you still have to go to your work.” malamig na saad n'ya habang hindi nakatingin sa akin. Wala'ng ekspresyon ang mukha n'ya habang nakatingin sa harap n'ya na halatang iniiwasan ako'ng tingnan.

Napa-tsk naman ako at lumabas ng kotse. Nakita kong nakahanda na para umakyat sa eroplano kaya wala'ng alinlangan ako'ng dumiretso doon. Naramdaman kong nakasunod si Mr. Arne.

Pagkaakyat at pagkapasok ay agad ako'ng dumiretso sa loob at doon nahiga sa dati kong hinigian dito. Pagkatapos i-airplane mode ang cellphone ko ay nahiga ako nang maayos. At dahil inaantok na ako ay itinuloy ko ang tulog ko.

Lampake kung mag feel at airplane-kasi hindi ito bahay kaya hindi ko masabi na home- ako, kailangan ko ng pahinga.

Naramdaman kong may yumugyog sa akin kaya med'yo naalimpungatan ako.

“Wake up. We're here.” naimulat ko ang mata ko at tumambad si Mr. Arne sa harap ko. Nag iwas s'ya ng tingin at lumayo na sa akin. Inirapan ko s'ya at bumangon para maupo. Umubo s'ya nang kaunti tsaka lumabas na. Itinali ko ng bun ang buhok kaso nga lang ay basta basta ang pagtali ko kaya magulo ito tingnan at may mga naiwan pang hibla ng buhok. Sumunod ako sa kan'ya at bumaba na rin ng eroplano. May mga tauhan na naman sa baba. Lumapit ako kay Mr. Arne.

“Ihatid mo ako.” saad ko sa kan'ya.

“That's my plan actually.” malamig na saad n'ya. Blangko ko rin s'ya'ng tiningnan.

“Dapat lang. Nasa compartment ng motor ko ang wallet ko, kinidnap n'yo ako kaya wala akong pera ngayon.” pagtataray ko sa kan'ya. “Teka, nasan pala ang motor ko?”

“It's in the parking lot of your station.” hindi ko s'ya kinibo pa. Nag usap pa sila ng mga tauhan n'ya bago n'ya ako sinenyasang sumunod sa kan'ya. Tahimik ako'ng sumunod sa kan'ya hanggang marating namin ang isa'ng mamahaling kotse ulit.

Napakarami ang kotse ng ferson.

May tao sa driver seat at mukhang s'ya ang magiging driver namin. Sumakay si Mr. Arne sa back seat. Agad naman ako'ng sumakay sa passenger seat at kumportableng sumandal.

“What are you doing there?” nagtataka kong nilingon si Mr. Arne sa likod kung ako ba ang kausap n'ya. Nakatingin s'ya sa'kin habang nakakunot ang noo.

“What do you mean?” nagtataka ko ring tanong sa kan'ya. Napabuntong hininga naman s'ya.

“Seat here.” mas lalong napakunot ang noo ko. Nanlalaki ang mata n'ya na parang minamadali ako'ng lumipat sa kan'ya.

“At bakit ako tatabi sa'yo?” inis at nagtataray kong sagot sa kan'ya. Bigla nama'ng natawa ang driver na halatang pinipigilan talaga. Inis din ako'ng tumingin sa kan'ya kaya napatigil s'ya.

“You're not my employee to seat there.” tugon n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay habang pekeng ngumiti.

“Mr. Arne, ang passenger seat ay hindi pang employee. Kahit sino pwede umupo dito.” kumunot ang noo nito.

“Stop calling me, Mr. Arne, again, you're not my employee.” kinuyom ko ang kamao ko at ikinalma ang sarili ko na hindi masakal ang lalaking 'to.

“As if nama'ng mag aapply ako sa'yo, ayoko ng siraulong amo, and you're the one who said I should call you Mr. Arne.” inirapan ko s'ya at sumandal ulit sa upuan at hinintay na paandarin ng driver ang sasakyan. Tiningnan ko ang driver. Ngumingisi ito at natatawa habang pipindutin na sana ang engine nang magsalita ulit si Mr. Arne.

“Milo, don't start the car until Zahra seats here beside me.” halatang inuutusan n'ya ang driver. Napatingin ang driver na tinawag nya'ng Milo sa salamin para silipin si Mr. Arne sa likod. Nakangisi pa rin ito.

“Yes, sir.” mas lalong tumindi ang inis ko.

Nyeta naman.

“Edi magpaabot ta'yo ng alas sais ng hapon dito. Hindi naman oras ko ang masasayang dahil tutulugan ko lang kayo.” inis na saad ko at umayos ng upo. Nakita ko sa rearview mirror na napahawak s'ya sa sintido at tila kinakalma ang sarili. Lihim ako'ng napangisi.

Pacold cold ka pa sa'kin kanina a. 'Yan ang ganti ko.

Natatawa naman ang nasa gilid ko.

Siraulo din ata ang mga tauhan n'ya.

“Just go, Milo.” tinanguan s'ya ng tauhan n'ya kaya nakaalis na rin kami.

Milo? He's the one who supposed to track those drones that's following us last night. Nagawa n'ya kaya?

Ipinikit ko ang mata ko. Mag-aalasais na nang umaga kaya kailangan ko na ring makauwi, kaso malayo pa ang airport na 'to sa departamento namin dahil malayong municipality iyon. Gusto ko rin naman matulog pa ulit kaya natulog nalang ako. Bahala muna sila d'yan.

Nagulat ako'ng nagising dahil sa isa'ng busina. Napabangon ako bigla dahilan para mauntog ang noo ko sa board.

Ang noo kong may sugat, kingina naman.

“Aray!” daing ko.

“Hala.” narinig kong bulong ng driver. Ibinaba ako ang isa'ng salamin sa harap ng passenger seat para tingnan ang sugat ko. Napakagat ako ng labi ng makitang dumugo s'ya at may dumaloy na pababa sa pisngi ko. Inis at masama ko sya'ng tiningnan.

“Bakit ka ba bumisina bigla?!” nagulat s'ya at bahagyang natakot.

“May reckless driver sa harap e. Binusinahan ko.” saad n'ya. Ngayon ko lang napansin na red light pala kaya nakahinto kami. Malapit na rin kami sa departamento namin. Napabuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa. Tiningnan ko ulit ang sugat ko sa salamin at tinanggal ang gauze.

“Let's stop by on a pharmacy store first.” narinig kong saad ni Mr. Arne.

“Huwag na. Doon nalang sa departamento ko 'to gagamutin.” tumango si Milo at agad pinaharurot ang kotse papunta sa departamento namin pagkagreen ng traffic light.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba. Hindi pa ako umalis at sinenyasan ko si Mr. Arne na lumabas muna ng kotse n'ya. Kumunot ang noo nito habang pinandidilatan ko s'ya ng mata. Sumunod naman s'ya at lumabas ng kotse.

“Sumunod ka sa'kin.” saad ko at agad tumalikod para pumasok sa loob. Nagulat naman ang lahat ng kasamahan ko. Lumapit sa'kin si Edric at David.

“Chief, akala ko nakaleave ka ngayon.” tanong ni David sa'kin.

“Napano 'yang sugat mo?” tanong naman ni Ed.

“'Yan ang sugat ko kahapon, nauntog lang ako ngayong umaga kaya nagdurugo s'ya.” saad ko. Agad namang napalitan ng pagtataka ang ekspresyon nila habang nakatingin sa likod ko. Tiningnan ko si Mr. Arne at ibinalik ang tingin sa kanila. “We're gonna talk about something here.” tiningnan ko naman si David. “Dave, pasuyo naman ng first aid kit.” tumango ito at sumulyap muna kay Mr. Arne bago umalis. Tiningnan ko si Mr. Arne. “Wait me in my office, please.” blangko ang mukha nitong tumango at pumunta na roon. Tiningnan ko si Ed na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

“Who's that?” seryosong tanong n'ya.

“Siraulong ferson.” sagot ko. Ngumiwi s'ya sa pagtataka.

“Ha?” natawa naman ako kasi naalala ko na pinalitan ko ang pangalan ni Mr. Arne sa contacts ko kagabi ng Siraulong ferson pagkatapos makausap si Mama at ang kambal.

“Tsaka ko na ikekwento, may mga gagawin lang ako.” seryoso naman sya'ng tumango. “May ipapasuyo din sana ako sa'yo.” nakangiti kong sabi sa kan'ya kaya ngumiti din s'ya. Sinabi ko sa kan'ya ang ipapasuyo ko. Pagkatapos ay tumango s'ya at umalis na. Kinuha ko rin ang phone ko at may tinext doon. Pagkatapos ay pumunta ako sa loob ng opisina. Nadatnan kong parang naiinis ang mukha ni Mr. Arne. Hindi ko na s'ya pinansin pa at naupo.

Maya maya ay pumasok si David na dala na ang first aid kit. Kinuha ko ang salamin at inilagay ko sa harap ko para makita ko ang paglalagyan ng gamot.

“What are we going to talk about?” rinig kong tanong n'ya.

“Sa tingin mo, how much can cost an album?” tanong ko sa kan'ya habang binuksan ang isa'ng likidong gamot. Kinuha ako ang cotton at inapply doon ang gamot. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo n'ya.

“What?”

“Ibebenta ko ang atay ko para makabili ng album.” sarkastiko kong saad sa kan'ya. Pinunasan ko ang dugo sa pingi pati na rin ang natuyong dugo sa paligid ng sugat ko. Tiningnan ko s'ya at parang naculture shock ang reaksyon n'ya.

“Are you serious?” natawa ako sa kan'ya at napapailing. Kumuha ako ng panibagong cotton at nagpatuloy sa paglinis sa sugat ko.

“Hindi ba obvious na sarkastiko 'yon?” natatawa kong saad sa kan'ya habang nakatutok sa paglilinis ng sugat ko. Kinuha ko ang panibagong cotton at nilagyan ng antiseptic at inapply sa sugat ko. Kinagat ko ang labi ko dahil sa hapdi. Pagkatapos ay kinuha ko ang gauze at nilagay na doon. Nilagyan ko s'ya ng tape para hindi matanggal. Tiningnan ko si Mr. Arne na napaiwas ng tingin sa akin na parang hindi mapakali.

Problema nito?

Nilagay ko sa isa'ng separated trash bag ang mga ginamit ko panglinis sa sugat at tumayo.

“Ibabalik ko lang 'to.” tumango ito nang hindi tumitingin sa akin. Hindi ko na s'ya pinansin at lumabas dala ang aid kit at ang basura. Nagpunta ako sa basurahan kung saan separated ang compostable, recyclable, residual, at special waste. Nilagay ko sa special waste ang mga gamot at pinaggamitan ko bilang basura. Pagkatapos ay bumalik ako sa loob at nilinis ang mga ginamit kong paraphernalia at ibinalik sa kung saan nakalagay ang first aid kit. Bumalik ako sa loob. “Aalis muna ako at maliligo at magbibihis. Please, maghintay ka muna dito hanggang sa makabalik ako.”

“Okay.” sagot n'ya at alam kong sinsero s'ya doon. Lumabas na ako at dumiretso sa motor ko at umuwi sa apartment ko. Kinuha ko ang folder sa likod ko na med'yo lukot na ang iba'ng parte. Ito ang ibinigay ni Mr. Arne sa akin kagabe. Itinago ko iyon sa isa'ng drawer at nilock. Pagkatapos ay naligo at nagbihis nga ako tsaka bumalik sa department. Kinausap ko muna si David na itutuloy ko nalang ang leave ko ngayong araw bago pumasok sa loob ng opisina ko.

Naabutan ko si Mr. Arne na bored na bored na. Lihim akong natawa sa itsura n'ya. Hindi s'ya nakatux pero nakapolo s'ya na nakatupi ang sleeves hanggang siko at naka unbutton ang unang butones n'ya kaya nakikita ang colar bone n'ya. Halata pa rin ang pagiging mayaman n'ya. Nakacross ang mga hita nito at nakacross arm din.

Mas maangas pa rin ako.

Umupo ako. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko. Nakita kong nagtext si Ed. Binasa ko ang text n'ya.

Nandito na ako.

Bigla ako nanlamig at kinabahan. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Tiningnan ko si Mr. Arne at ngumiti. Nagtaka naman s'ya. Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon s'ya doon.

“Mama!” sigaw ni Quincy na lalapit sana akin kaso napatigil nang makita si Mr. Arne- hindi, kailangan ko na sya'ng tawagin sa unang pangalan n'ya dahil nandito ang kambal. Ito ang pinagawa ko kay Ed kanina, ang sunduin ang kambal sa school nila para iexcuse muna para sa ngayong araw dahil bibili kami ng materials para sa gagawing painting namin mamaya. Mabuti at mabait ang principal kahit sa text lang ako magpaalam.

Tiningnan ko si Aziel at gulat na gulat ang reaksyon n'ya na tila hindi makapaniwala na nandito ang mga anak n'ya. Napatingin din s'ya sa akin na tila nagtatanong. Nagkibit balikat ako habang nakangiti sa kan'ya para itago ang kaba ko. Tumingin ako sa kambal at ngumiti nang malapad.

“That's okay. Come here.” tawag ko sa kanila. Ngumiti sila pareho at agad na tumakbo payakap sa akin. Niyakap ko din sila nang mahigpit. Kumalas sila sa akin at nagtatakang tumingin sa gauze sa noo ko.

“What happened, Mama?” nag aalalang tanong ni Quinn.

“Nauntog ako.” sabi ko sabay nguso at umarte na tila naiiyak kahit natatawa na ako. Agad naman bumakas ang pag alala sa mukha nila.

“Mama, you should take care of yourself.” ngumiti ako kay Quincy at hinalikan s'ya sa pisnge.

“You know I'm clumsy sometimes.” saad ko sa kanila at ginulo ang buhok nila. Tumawa naman sila na tila sumasang-ayon. Napatigil sila at nilingon si Aziel na ngayon ay nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa ang reaksyon n'ya pero isa lang ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Nasisiguro kong gusto nya rin mayakap ang kambal. Napabuntong hininga ako.

“Hi!” natutuwang bati sa kan'ya ni Quincy. Ngumiti ito nang pagkalapad lapad kay Aziel. Bakas sa mukha nito na hindi alam ang gagawin.

“His name is Aziel.” nakangiti kong sabi sa kambal. “He's my friend.” nakangiting lumapit sa kan'ya si Quincy at nagwave.

“Hi, Tito Aziel. I'm Quincy, Mama Zahra's daughter.” nakangiting pakilala ni Quincy. Napangiti ako nang ilahad n'ya ang kamay n'ya sa harap ni Aziel. Napatingin sa akin si Aziel kaya pinandilatan ko s'ya para tanggapin iyon. Tumingin ulit s'ya kay Quincy at unti unting inabot ang kamay nito para nakipagshake hands. Ginamit ni Quincy ang dalawa nya'ng kamay at niyugyog iyon. Tiningnan ko si Quinn at sinenyasan na s'ya rin ay magpakilala. Lumapit s'ya kay Aziel.

“Hi, Quinn.” tipid saad nito pero nakangiting inilahad ang kamay Kay Aziel. Katulad nang kay Quincy ay unti unti n'ya ring inabot ito para makipagshake hands. Pagkatapos magshake hands ay mas lalong lumapit si Quinn kay Aziel at bumulong. “Do you like chess? Do you know how to play chess?” natawa ako sa kan'ya.

“Quinn!” saway ni Quincy sa kapatid. “Not all people knows how to play chess.” inis sya'ng tiningnan ni Quinn.

“I want someone who can defeat me. It's boring that I always won.” wala'ng bahid nang pagyayabang sa boses nito at halatang naiinis talaga s'ya sa ganon. Natatawa ako'ng tumayo at lumapit sa kanila.

“Don't worry. He knows how to play chess.” nagningning ang mga mata ni Quinn na tumingin kay Aziel at inilapit pa ang sarili sa kan'ya. Hindi pa rin makapaniwala ang reaksyon ni Aziel.

“Dito muna kayo, okay?” nakangiti kong sabi sa kambal. Agad silang tumango sa akin. Tiningnan ko nang seryoso si Aziel na seryoso ring nakatingin sa akin. “Ikaw muna ang bahala sa kanila. May kukunin lang ako sa labas. Kausapin mo sila, 'wag kang tuod d'yan.” seryoso kong sabi sa kan'ya. Kinuha ko muna ang susi ko.

“Can I sit on your lap?” narinig kong tanong ni Quincy.

“S-Sure.” hindi ko sila pinakinggan pa at lumabas na ng opisina. Napabuntong hininga ako nang malalim pagkalabas. Umiiling ako'ng lumabas ng departamento at pumunta sa motor ko. Binuksan ko ang compartment ko at kinuha ang wallet ko doon. Bumalik ako sa loob at dumiretso sa opisina ko. Halatang awkward pa rin ang mukha ni Aziel pero nakangiti na ito nang tipid sa kambal. Nakaupo ang kambal sa mga hita n'ya habang ang kambal ay dinadaldal s'ya, lalo na ni Quincy.

“Quinn, Quincy.” tawag ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin. Nakangiti ako sa kanila. “Let's go and buy some paint!” agad silang umalis sa pagkakaupo sa hita ni Aziel at lumapit sa akin.

“Let's go, Mama!” excited na sigaw ni Quincy. Ngumiti lang ako sa kanila.

“Is Tito Aziel going, Mama?” tanong ni Quinn sa akin.

“Yes.” diretso kong saad habang nakatingin sa kay Aziel. Nagulat naman s'ya sa sagot ko. Mas lalong naexcite ang dalawa at hinila patayo si Aziel. Nagpadala s'ya sa hila ng dalawa habang gulat pa rin sya'ng nakatingin sa akin. Hindi ko na s'ya pinansin pa at binuksan ang pinto ng opisina ko. Nauna silang lumabas habang hila pa rin si Aziel. Ngumisi naman ako.

I hope this way will lead them to right path of deciding.








jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net