MAOH10: Right

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 10: RIGHT

Zahra's POV

“Y-You're President Saavedra's son?” tumango ito samantalang gulat pa rin ako'ng nakatitig sa kan'ya. Nanood naman ako ng inauguration ng president last year dahil binoto ko s'ya. Ngunit wala ako'ng natatandaang nandoon s'ya dahil usually present ang buong pamilya ng bagong halal na pangulo sa inagurasyon n'ya.

“Hindi makakapunta ang kaisa isa'ng anak ng President dahil nasa iba'ng bansa ito ngayon at may sariling schedule.”

Naalala ko na. Narinig kong sabi ng anchor noon kaso nga lang nakalimutan ko at hindi ko na inalam kung sino ang anak n'ya.

Gulat at kaba pa rin ang namayani sa akin.

“Now you know I'm not a mafia leader. I'm just a young CEO fulfilling my father's obligation on his businesses.” inirapan ko s'ya.

“Malay ko bang anak ka ng Presidente.” saad ko at tumalikod. Naglakad ako papunta sa sofa at doon naupo. Nakasunod naman s'ya at naupo sa single sofa sa malapit sa'kin. Med'yo malayo layo ang agwat ng mga sofa at iba'ng klase talaga ang lambot nito kumpara sa mga normal sa sofa sa normal na bahay. Napakaraming decorations at may grand piano din sa gilid malapit sa electric fireplace. Mayroon ding chandelier dito pero mas maliit sa chandelier na bubungad sa'yo pagkapasok mo ng mansion na ito.

“You know there's a lot of people want my mom dead since she won the election last year.” napatango ako. “Her competitors and some officials are mad at her since she removed all the corrupt politicians with evidences. The Senate President wants my mom to just resign and get back to her life as my father's wife and he's been convincing her after the inauguration.” matunog ako'ng napangisi.

“The misogyny in that damn court.” napapailing kong saad. Tumango naman s'ya na tila sumasang-ayon.

“And there's worst cases. The Senate President been planning to make my mom failed her position as the president. He's doing illegal activities too that's why he see my mom as hindrance.” napabuntong hininga ako. Napatitig ako sa kan'ya at halatang nag-alala s'ya sa ina n'ya dahil marami talaga'ng nagbabanta sa buhay nito. Sumeryoso ako ng tingin sa kan'ya at nagsalita.

“I know hindi pa ito ang ‘everything’ na sinasabi mo pero, sa tingin mo ba sapat na 'to para ibigay ko ang mga anak ko sa'yo?” seryoso kong tanong sa kan'ya. Tiningnan n'ya din ako ng seryoso.

“I've been searching them for six years. Two years ago, my investigator found them. That's the time where the news came to me that you saved them since the center where they live burnt.” bahagya ako'ng nagulat ngunit pinanatili kong kalmado ang sarili ko. “I'm still not sure about it but I can see the resemblance of my wife to them. My investigators found a way to get their DNA and we proceed to the test. And it was positive.” unti unti na ngang nabubuo ang takot sa puso ko.

‘Hindi ko kayang mawala sila sa akin.’

“I didn't go near to them even if wanted too. I'm longing for my kids.” nararamdaman ko ang sakit sa tono n'ya. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ang selfish ko dahil hindi nya malapitan manlang ang mga anak n'ya. “I watched everything. I sent some people to monitor them and didn't expect you'll become close to them. I let it happen since my kids are smiling when they're with you.” bumuntong hininga ito at napapikit. Minulat ulit nito ang mga mata n'ya at tumitig sa akin. Sa pagkakataong ito ay may kakaiba sa mga mata n'ya.

‘Pain?’

“I'll be honest.” dagdag n'ya pa. “I envy you for being parent to my kids. Because of my situation and enemies monitoring me, I can't be close to them. I didn't abandon them. I hid them from the possible danger they might experience if they grew up under my care.” naikuyom ko ang kamao ko at nag iwas ng tingin. “I found out what happened to them before they ended up on that orphanage. I told my men to search that people and make them pay. I was happy for them when the news came to me that you adopted them. I'm thinking of their safety and I think you can protect them and you proved that you can protect them. I felt at ease because of it.” tumango kahit hindi nakatingin sa kan'ya. Hindi ko s'ya magawang tingnan.

“I am their parent, it's my job to protect them.” saad ko.

“But the enemies found out about them. They're the one who burned that orphanage.” napatingin ulit ako sa kan'ya. “I found who's behind that and immediately fixed it. I made sure no one knew about the twins yet. That's why I still monitored everything about the twins,” huminga s'ya nang malalim. “and about you.” kumunot ang noo ko.

‘Ako?’

“I showed up myself since a lot of people are now trying to harm my kids, and you, and your family. I also wanted to protect my kids that why I want them back. I don't want an innocent people got involved here like you.” tinaasan ko s'ya ng kilay.

“I can protect myself and even my kids.” bahagya sya'ng natawa kaya kumunot lalo ang noo ko.

“I already expected you won't give them easily to me.” natatawa nya'ng saad.

“Eh ba't mo pa ako pinilipit? Siraulo ka.” umiling ito at tumayo.

“Let's go, I'll show you something.”

‘Ang dami namang destinasyon, kainis. Inaantok na ako e.’

Wala ako'ng ganang tumayo at sinundan s'ya. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa main door. Kumunot ang noo ko. Hinila n'ya ang main door at tuluyan kaming lumabas ng mansion nila. Gabing gabi na.

“Saan ba ta'yo pupunta?” takang tanong ko sa kan'ya. Hindi nya ako sinagot at naglakad papalapit sa isa'ng mamahaling kotse. Hindi ko s'ya sinundan dahil sa inis. Pinaandar n'ya ang kotseng iyon at tumigil sa harap ko. “Kingina alam mo ba kung ano'ng oras na? Lagpas alas dose na.” inis na sagot ko.

“I know. Just hop in.”

“Maaga pa ako bukas kaya dapat maaga mo ako'ng ihatid bukas dahil may trabaho ako.” mataray kong sabi sa kan'ya. Bumuntong hininga naman s'ya.

“I already left a form on your desk saying you'll have a one day leave tomorrow.” nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.

“Siraulo ka talaga. Wala'ng day off sa pagiging bumbero.” inis na saad ko at naglakad papunta sa passenger seat ng sasakyan n'ya. Inis ko sya'ng hinarap. “Ipakita mo na ang lahat ng gusto mong ipakita at ihatid mo ako pagkatapos. Papasok ako sa trabaho kaya tigilan mo 'ko.” naiinis na sabi ko tsaka inis na sumandal sa upuan at inayos ang seat belt.

Umandar ang sasakyan n'ya at nagsimula na s'yang magdrive paalis. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Nakasandal lang ako sa upuan at nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang dinadaanan namin. Nakikita kong napakalawak talaga ng mismong lugar nila.

Nakita ko sa harap ang isa'ng malaking gate na bumukas kahit pa nasa malayo kami. May mga guards doon. Nang dumaan kami sa harap nila ay yumuko ang mga guards. Nakalabas na kami ng gate at nakita ko sa side mirror na may isa'ng nakasulat sa taas ng gate. Kumunot ang noo ko.

‘Mukhang Italian ang sulat, ewan. Bukod sa Math ay mga ganitong bagay din ang nagpapasakit sa ulo ko.’

Napansin kong may madadaanan ka pa pala'ng parang gubat para makapasok. Halatang napakalayo ang pinakamalapit na bahay dito. Palayo kami nang palayo habang sa unti unting nawala ang mga puno at napapalitan ng mga sibilisadong buildings.

‘Nasa Maynila ba talaga kami?’

“Nasaan ta'yo?” tanong ko nang hindi lumilingon sa kan'ya.

“Baguio.” nanlalaki ang mata ko nang mapalingon sa kan'ya. Wala s'ya'ng reaksyon at nakatutok lang sa pagdadrive. Hindi pa naman ako nakakapunta ng Baguio dahil hindi ako pala-labas ng probinsya namin.

‘Kaya pala med'yo chill sa pakiramdam ang paligid kanina pagkalabas ko ng van. Akala ko nirentahan nila ang mga puno para sa aircon.’

Bumalik ako sa dating pwesto ko at nakabantay ulit sa dinadaanan namin. Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.

“Why you didn't ask about the twins’ mother?” med'yo nagitla ako sa tanong n'ya pero hindi ako nagpahalata.

“Wala ako sa posisyon magtanong. Private life n'yo 'yan, wala ako'ng karapatan manghimasok d'yan.” sagot ko nang hindi s'ya tinitingnan.

“But you're the legal parent of her kids now.” napakunot ang noo ko at napatingin ulit sa kan'ya.

“That doesn't mean I should interfere with your private lives. I don't care because I don't know you or her in the first place.” kalmado kong sagot kahit nainis ako sa sagot n'ya.

‘Malay ko ba kung may problema kayong mag-asawa at gusto n'yo mangialam ako. Hindi ako marites, kingina. Hindi ganon kaboring ang buhay ko.’

Napatango tango s'ya at bahagyang ngumiti. Kumunot lalo ang noo ko sa inasal n'ya ngunit hindi ko na pinakialaman pa.

Pawala na ulit ang mga building at med'yo may mga puno ulit ako'ng nakikita. Hindi ko pa rin alam kung saan pupunta.

Maya maya ay may nakita na ako'ng signage.

Cemetery

‘Ano'ng gagawin namin dito?— ay magpapaparty, self. Malamang bibisita ng patay.’

Tumigil ang kotse sa harap ng isa'ng guardhouse. Lumabas doon ang isa'ng guard at lumapit sa amin. Ibinaba ni Mr. Arne ang bintana ng kotse n'ya. Nanlaki ang mata ng guard at agad sumaludo. Kumunot naman ang noo ko.

‘Duh dapat in-inspection 'yan kahit anak pa ng Diyos 'yan. We're equal here lang dapat.’

“Good evening Mr. Arne.” bati n'ung guard. Bahagyang ngumiti si Mr. Arne.

“Sa 'yo rin po. Bibisitahin ko lang ulit s'ya, napakabusy ko nitong mga nakaraang araw.” napanganga ako kay Mr. Arne.

“Sige po.” tumango sila sa isa't isa kaya nagpatuloy sa pagdrive si Mr. Arne habang ako gulat lang na nakatingin sa kan'ya. Napansin n'ya ata ang tingin n'ya sa akin kaya nagtataka sya'ng lumingon sa akin.

“What?”

“Nagtatagalog ka pala. Akala ko puro English lang alam mong banggitin.” kumunot naman ang noo n'ya.

“I grew up here, malamang I know how to speak Tagalog.” sagot n'ya. Kinagat ko ang labi ko para pinigilan ang tawa ngunit nabigo ako. Humagalpak ako sa tawa at hinampas s'ya sa balikat. Nanlalaki ang mata nya'ng pabalik balik sa daan at sa'kin ang paningin. “What are you doing?” natatawa pa rin ako at hinampas s'ya ulit sa balikat.

“Ang conyo pakinggan! ‘Malamang, I know how to speak Tagalog.’ Med'yo slang pa.” natatawa kong sabi sa kan'ya habang ginaya ang sinabi n'ya kanina. Tinitigan n'ya ako at bahagya na ring natawa.

“Sinabi na rin ni Mom 'yan sa akin.” natatawa nya'ng saad. Hindi man kasing lala ng tawa ko ang tawa n'ya ay alam kong natatawa s'ya.

“May pinagmanahan naman pala sina Quinn at Quincy sa pagiging conyo minsan.” natatawa kong saad at hinampas ulit s'ya. Bahagya sya'ng umatras para umiwas sa hampas ko.

“You like to murder people when you're laughing, don't you?” napatigil ako sa pagtawa at sinamaan s'ya ng tingin. Natawa s'ya sa uri ng tingin na binibigay ko sa kan'ya.

“Oo, baka unahin kita.” naiinis kong sabi at sumandal nalang ulit sa upuan. Natatawa pa rin s'ya habang nagdadrive. Umirap ako at tumingin sa labas. Hindi pa rin namin nararating ang destination namin.

“I'm happy may pinagmanahan sa akin sina Quinn at Quincy.” napatingin ako sa kan'ya. Nakangiti s'ya habang nagdadrive. Kumikinang ang mata n'ya sa pagngiti.

“Oo, kakonyohan. Sa'kin nila namana ang ganda at talino nila.” nakangisi kong sabi.

“I highly doubt that.” natatawa nya'ng sabi sa'kin.

“Ang KJ nito, siraulo ka ba?” inirapan ko s'ya. Nagkibit balikat nalang s'ya. Hindi ko akalaing mabubwesit at matatawa ako sa kan'ya at the same time.

“We're here.” tinigil n'ya ang kotse at lumabas. Lumabas na rin ako. Mayroong isa'ng med'yo malaking mausoleum sa harap namin. Inilibot ko ang paningin ko at wala ako'ng nakitang iba'ng puntod sa malapit. Sinadya talaga siguro itong ilayo sa iba.

Pumasok si Mr. Arne doon at kaya sumunod ako. Pagkapasok ay may isa'ng jar ako'ng napansin sa harap. Halatang iyon ang abo ng namatay. Med'yo malaki laki ang pinagawa nilang mausoleum ng puntod para sa iisa lang. May flag ng South Korea sa likod at may isa'ng litrato na nakasandal sa jar. Korean s'ya at halatang bata pa. Napakaganda n'ya lalo ng ngiti n'ya sa litrato. May mga napudpod na incense na itinusok sa isa'ng jar na may lupa sa ilalim ng unang jar. Maraming bulaklak sa gilid na halatang kapapalit lang.

Napansin kong may kinuhang mat sa gilid si Mr. Arne at inilagay iyon sa harap. Nanatili ako'ng nakatayo at inoobserbahan s'ya. Lumuhod ito doon at yumuko na abot hanggang mat nang ilang beses.

‘Ganito ang nakikita ko sa mga kdrama kapag may nadededs.’

Tumayo s'ya at nagsindi ng incense sa harap pagkatapos ay lumapit s'ya sa'kin. Hindi ko alam kung dapat ko rin ba gawin ang ginawa n'ya.

‘Feeling ko tuloy ang disrespectful ko kay mareng koryana. Sorry po.’

Tumabi s'ya sa'kin kaya pareho na kaming nakatayo habang nakatingin sa harap.

“That's their mom.” napatingin ako sa kan'ya. Nakutuban ko na 'to kanina pero hindi ko aakalaing patay na pala ang biological mother ng kambal. “She died giving birth to the twins. Actually, Quincy could die that day too since she died in the middle of giving birth to her. The doctors had no choice but to do cesarean procedure.” kinabahan ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam pero nararamdaman kong namumuo ang munting luha sa mata ko. Kumurap kurap ako para mawala iyon.

‘Thank God, she survived.’

“Our marriage was arranged when I was 22 and when she was 20. My parents agreed to that arrangement since her father and mine are best friends. We're childhood friends actually. I treated her as my sister and I want to protect her too. I agreed to this arrange marriage after knowing she's very sick. Her life was complicated that's why she has no choice but to agree about this marriage too even though she doesn't want it.” tumango tango ako.

‘They're not in love but she has no choice but to marry him. And in order to protect her since she's special for him too, he agreed to marry her. Grabe, this is not a romance love story pero ang sakit. Hindi iiyak for today's video.’

Nagtaka ako nang humarap s'ya sa'kin at tiningnan ako nang mabuti.

“She put her life at stake to carry and give birth to the twins. I'm grateful the twins has you. I know she's in peace right now knowing her kids are in good hands.” nakangiti nya'ng saad. Nararamdaman kong sincere ang mga sinabi n'ya at wala'ng bahid ng inggit dahil ako ang kinikilalang magulang ng kambal. “Her life was complicated that's why Quinn and Quincy's life are in danger too.”

“What kind of life do you and she has?” seryosong tanong ko.

“I cannot tell you what it is yet but you'll eventually discover it.” sabi n'ya at ibinalik ang tingin sa harap. “I know it'll be hard for you to give them to me since they're already special for you but,” tumingin ulit s'ya sa'kin. “I need to protect you too.” sa hindi malamang dahilan ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Nakatitig s'ya sa mga mata ko habang binanggit ang mga salitang iyon. Kinabahan ako bigla. Hindi ito ang ordinaryong kaba na nararamdaman ko kapag nasa panganib ang sino man sa kaibigan o pamilya ko. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang kaba ko ngayon kahit wala nama'ng dapat ikakaba. Naikuyom ko ang kamao ko at lumunok. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

“Kaya kong protektahan ang sarili ko.” saad ko na pilit itinatago ang kaba.

“I know. You're the best in your field. But I'm afraid they might hurt you and your family. And if that happens, the twins will be sad and hurt. Besides, you can't be there for them all the time and the enemies can attack anytime—” pinutol ko na ang anumang sasabihin n'ya at hinarap s'ya.

“E sa ayoko nga ibigay e.” seryoso kong sabi. “Hindi na sila bago sa'kin. Pakiramdam ko n'ung una naawa lang ako sa kanila kasi ulila na sila pero hindi. They made me feel they need me, that I need to protect them. Ipinangako ko sa kanila 'yon. Kaya, no. I will not gonna give them to you. I will not gonna leave them. I'm gonna always be there for them, and always protect them no matter what. At ayoko rin maulit ang naranasan nila noon.” huminga ako nang malalim. “Tsaka na kapag sinabi na nilang sasama sila sa'yo. If they decided to go with you then I will let them go with you. Sa ngayon, bilang legal na magulang nila ang ipinaglalaban ko pero sila pa rin ang magdedesisyon.” bumuntong hininga naman s'ya.

“I understand.” saad n'ya.

“I know it's dangerous but don't worry. Hanggat nasa poder ko sila, no one can harm them either.  I promise that.” sinserong saad ko sa kan'ya. Hindi s'ya umimik at nanatiling nakatitig lang sa akin. “Kung wala ka nang sasabihin ay umalis na ta'yo.” sabi ko tsaka lumabas at bumalik sa loob ng kotse n'ya.

‘Am I selfish or cruel for not letting him have his kids? Hindi ko pa kayang ibigay ang kambal sa totoo nilang mga magulang. They're too precious for me.’

Naiiyak ako sa iniisip ko. Nakita ko s'yang lumabas na rin at naglalakad papunta rin dito. Pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Nagseat belt ako at sumandal. Ipinikit ko ang mata ko. Naramdaman ko ang pagpasok n'ya sa kotse. Hindi na kami nagkibuan pa at umalis na.   

‘I know it's the twins who should decide kung kanino sasama, but am I wrong for fighting my right as the parent of the kids who didn't even came out from me?’








jasv | @awesomejasvi


You are reading the story above: TeenFic.Net