6 KILLER'S POV

Background color
Font
Font size
Line height

I know you are so curious to know me.
Alam kong nagtatanong ka din, sino ba talaga ako?
At Bakit ko ginagawa ang mga bagay na iyon.
Gusto mo malaman ang totoo?
Bakit Hindi mo sa kanila itanong.

Si Annia?
Bat ko sya pinatay?
Nagkakamali ka, pinatay nya ang sarili nya.

Nagsimula ang lahat dahil sa sarili nyang kasalanan, kinikitil lang sya ng kunsiyensya niya. Naging mayabang at mapagmataas sya.

Akala mo kung sinong mayaman at maganda, gusto mo malaman yung totoo? Yung sekreto nya?

Marami syang niloko na tao. Nagbebenta ng produktong pagkamahal mahal. Ginamit daw nya,proud user saw sya, pero ang totoo Hindi lang yun ang produktong gamit nya.

Plastic sya, mabait at mabuti sa mga taong papakinabangan nya.

At alam mo kung ano pang kasalanan nya?
Malandi sya.

Mang aagaw, maninira ng relasyon at pamilya.

Nung nalaman nya na alam ko ang sekreto nya, na maaring makasira sa public figure nya. Nagbanta syang magpapakamatay .
At gumawa pa sya ng sulat.

Nasaksihan ko ang lahat, naawa ako sa Kanya, ginusto ko syang tulungan, pero ng maalala ko lahat ng ginawa nya, may kasiyahan akong nadarama, sinisingil sya ng sarili nyang kunsensya.

Gamit ang gitarang punot dulo ng lahat, habang tumutugtog ang malungkot na musika. Lumuha ako habang unti unti nauubusan sya ng dugo. Di sya namatay dahil pinatay ko sya. Namatay sya dahil sa sarili nya.

Kung iniisip nyang mababaon ng kamatayan nya ang lihim na yun, nagkakamali sya.

Dahil unti unti alam kong malalaman din ng lahat ang totoo at mabubunyag sa lahat ang tunay na may sala.

You are reading the story above: TeenFic.Net