5 The Serial Case

Background color
Font
Font size
Line height

"Hello good afternoon!! I'm officer Demonteverde at your service!"

"Late ka, di ba ikaw yung taga Patel? "

"Ho, opo ako po yun."

"Being just on time means your late . You should be 10-30 minutes earlier to be on time. "

"Sorry po, kanina ko lang po nalaman

"Anyways may mas pasaway pa sayo. At sya na lang ang hinihintay natin."

Sino ba tong mayabang na to? Sya ba ang leader ng unit na to.
At agad namang nasagot ang tanong ko.

"Tigilan mo nga yan Jude, muka kang Ewan, tinatakot mo naman sya. Hi ! I'm officer Jade Ledano, pagpasensyahan mo na yang kakambal ko, madalas malakas lang din talaga trip nyan. Wag ka mag alala hindi sya ang boss. Wala pa si boss. "

Buti naman. Nakahinga ako ng maluwag don.

"Kayo palang Narito? ."

"Nope, nandito din ako.. "
Nagulat ako ng biglang may humawak sa likod ko. Boses ito ng isang lalaki, out of instinct, naibalikwas ko sya sa sahig.

"Araaaaayyyy!!!!!

Napatawa naman si Jade at Jude.

"Ayan ang napapala ng loko loko, yan pala si Greg. Isa syang homicide detective kaya bigla bigla yan pasulpot sulpot. Ingat ka dyan medyo may topak yan, feeling gwapo. "

"Grabe ka sakin , ano nga ulit pangalan mo?

"Oo nga, di ko pa alam pangalan mo? " Tanong ni Jade

"KN Demonteverde. Pasensya na di lang talaga ako sanay ng may biglang humahawak sa likod ko. "

"Okay lang, kung hindi ka lang talaga maganda eh. Greg Montillan nga pala. "
Inabot nya ang kanyang kamay para makipag shakehands, sinupalpal ko ang kamay nya.

"Ay iba, pakipot to, sayang type pa naman sana kita.

Inirapan ko sya ,grabe ang kapal talaga ng mukha.

"Ano palang pagmeemeetingan? "

"Hindi mo pa pala alam? Nabasa mo na ba yung files? " tanong ni Jade.

"Basa basa din pag may time baby.. "pang aasar ni Greg

Biglang tumunog ang telepono sa loob ng opisina. At si Jade ang sumagot nito.

"Sad to say guys, di makakapunta ang pinakaleader ng team. Nagbilin ang secretary nya na pag aralan muna natin ang kaso.

Nagmadali pa ko, eh wala naman pala dito ang bago kong boss, wow ha first day na first day.

"Tungkol san ba yung kaso at bakit binuo yung team natin? "

"Tungkol sa isang Note Writing Serial Killer."

"Note? So madali lang pala lutasin, edi icompare yung mga handwriting sa mga possible suspects."

"Hindi sya ang sumusulat, kundi ang biktima nya. "

"Ano!? "

"Yes, tingnan mo pa sa mga evidences, lahat ng notes ay isinulat ng biktima gamit ang sarili nyang dugo bago sya mamatay. "

"Weird. Tungkol saan naman ang note?"

" Confession na makasalanan sya at deserve nya ang hell. Somewhat like that. Iba iba ang mensahe ng sulat pero tungkol palagi sa rules, as if they broke a rule or what. "

Tiningnan ni KN ang file.
Anong klaseng krimen to?😵🤔

"Nga pala guys, FYI lang ha, hawak to dati ng NBI, kaso dahil mas marami pang kaso ang hawak nila, napagpasyahan na bumuo ng special unit at tayo yun. Hindi lahat ng kasama natin ay pulis. Kagaya ko at ni Jude.

"Hindi kayo pulis or detective?

"Nag aral ako ng Criminology, nagserve din ako before pero, isa na akong lawyer ngayon. " Sagot ni Jude

"I see."

"Police lawyer pala si Mr. Sungit na akala mo Kung sino magdemand ng oras." patutsada ni Greg.

"Time is a very important aspect of your proffesionalism Mr. Montillan. "

"Yes po your honor."

"Tumigil na nga kayo." saway ni Jade

"And ako naman ay isang profilist. Ako ang tumitingin at nagbabackground check ng mga witness at suspects. "

"And ako naman ang trumatrabaho madalas sa field, to look for evidences , I'm a homicide detective. " salaysay ni Greg.

"Ikaw pala KN? " tanong ni Jade

Ako?
Isa lang naman akong hamak na police detective officer. Na tumatanggap ng daily records ng mga nagrereport at nagpapablotter sa Patel Station. Until one day, nameet ko si David at tanging ako lang ang nakipag tulungan sa kanya para maungkat at malutas ang Alva Tragedy Incident.

"Ahhhh, ehhh...."

"Pamilyar ka sakin, ikaw ba yung detective na nakalutas ng misteryo ng Alva Tragedy? At nakapag pakulong Kay Senator Mariano Domingo? " Salaysay ni Jude.

"Aaah ako nga. "

"Woaaaahhh, ang lupit mo grabe, pano mo yun nagawa, buti di ka natakot, bigatin yung kinalaban nyo eh. "Pagkamangha ni Jade.

"Nakakatakot din, kasi muntik na kaming mamatay nun. Yung isa ko ngang kasama dun namatay sa car accident pero, duda talaga ko. Kasi right after ng hearing nangyari yun. " sagot ko

"Medyo thrilling nga yun diba?" Tanong ni Jude.

"At least ngayun , wala ka na sa daily routine mo na pagsagot ng tawag at pagfile ng report sa police station! Welcome to SCI FI!!" pag mamalaki ni Greg.

"Kahit papano may tama kang sinabi Greg Montillan. "

"So crush mo na ko sa lagay na yan?"

"Ulol. "🙄

Mas maigi pa si Aesop kesa dito eh.😩 Napabuntong hininga na lang ako.

You are reading the story above: TeenFic.Net