•PROLOGUE•

Background color
Font
Font size
Line height

What's the meaning of life?

Life is to fulfill your purpose. To accomplish your goals and enjoy life. Appreciate the little things that happen in your life and look out for others and love unconditionally.

Thus, the meaning of life for Cameron Declan Nile Safstrom is that if you take a life, he will do the same thing just to call it fair. He doesn't even care who he kills as long as he kills for the death of his parent. His goal is to get victory and justice for his father and mother. Matatapos lamang ang pagpatay niya kapag mawawala na ang mga taong nambaboy at sumira ng kanilang pamilya.

Humigpit ang pagkakahawak ni Cameron sa manibela habang tinatahak ang daan papunta sa isang abandonadong gusali na kung saan ang katapat nito ang isang sikat at kilalang hotel sa buong Asia.

Pakay niya si Emilio Montes, ang isa sa mga sumira ng kanyang pamilya. Siya ang tinuturing na mastermind sa pagpatay sa mga ito kaya gano'n na lamang ang galit ng binata sa matanda.

Matalim ang kanyang tingin habang nakatingin sa kanyang dinadaanan. Kating-kati na ang kanyang mga kamay na kalabitin ang gatilyo ng kanyang baril at tuluyan ng mawala ang isa sa mga hayop na taong pumatay sa kanyang ama't ina.

"Hey, Cameron?" nawala ang pangununot ng kanyang noo ng marinig ang boses ng pinsan na nasa kabilang linya.

"Hmm?" walang ganang tugon niya rito.

"Take it easy and quickly Cameron. Wag kang palong-palong pumatay." nakangising anas nito na hindi naman kinabago ng reaksyon ng binata.

Tumigil ang kotseng kanyang sinasakyan sa madilim na parking lot ng abandonadong gusali. Maingat siyang tumingin sa paligid at pinagmasdan kung may taong pagala-gala doon. Tumingin siya sa backseat at kinuha ang kanyang gagamitin. Bumuntong-hininga na lamang siya at dahan-dahang lumabas ng kotse.

"Which floor?" mahinang tanong niya sa pinsan na nagmamasid rin sa kanyang galaw na nakaharap sa sariling monitor.

"30th floor." seryosong sagot nito.

Tumango na lamang si Cameron at nagsimula ng maglakad papasok ng gusali. Tahimik ang paligid, wala kahit anong maririnig bukod sa mga kuliglig na nasa pali-paligid. Madilim sa buong lugar pati narin sa loob nito ngunit hindi iyon ininda ni Cameron. Malinaw pa ang kanyang paningin at hindi na niya kailangan pa ng kahit anong kagamitan para mailawan ang dinadaan.

Nakatingin lamang si JP sa monitor kung saan patuloy na gumagalaw ang isang bilog na kulay berde. Hindi naalis ang tingin niya doon, kahit paano'y nakakaramdam parin siya ng takot para sa pinsan para sa kaligtasan nito. Patuloy na gumagalaw ang tracking dot at patuloy rin ang pag-akyat ni Cameron papunta sa pinakatuktok ng gusaling iyon.

"Are you there?" mabilis na tanong ni JP ng biglang tumigil ang paggalaw ng bilog na yun sa kanyang monitor.

Ngumisi si Cameron ng makita kung gaano kaganda ang pwesto niya do'n. Nakaharap mismo sa kanya ang kwarto ng taong target niya. Sa gusaling iyon ay tanging iisa lamang ang kwarto sa bawat palapag kaya hindi na siya nangangamba pa na may madadamay sa krimen na kanyang gagawin. Wala pang kahit anong nagsisilbing ilaw sa kabuohan ng kwarto dahil wala pang taong nandodoon.

"Hoy tangina mo sumagot ka!" malakas na sigaw ni JP ng wala parin siyang nakukuhang sagot galing sa kanyang pinsan.

"Potangina mo buhay pa ako!" pasigaw ngunit bulong na sagot ni Cameron sa kanya dahilan para humalakhak ang binata.

"Pasensya na akala ko naunahan ka na." tawang-tawa sagot ni JP pero tanging ngisi na lamang ang sinagot ni Cameron.

Mabilis na inayos ni Cameron ang sniper na kanyang gagamitin. Maingat niyang inilapag iyon at inasinta ang babasaging bintana. Walang kahit sinong gumagawa ng ingay sa dalawa dahil tutok ito sa kani-kanilang ginagawa.

Lumipas ang ilang minuto pero nanatiling patay ang mga ilaw sa kwartong nasa sa kanyang harapan. Muli niya pang tiningnan ang kwartong nasa harapan bago magsalita sa pinsan.

"Turn it off, JP." seryosong wika nito.

"What? Ano? Why? Bakit?" nagtatakang tanong naman ni JP.

"Uuwi akong walang tama sa katawan Insan. Hindi ako makapag-focus dahil naririnig ko ang pagnguya mo."

Unti-unti tumigil sa pagnguya si JP at dahan-dahang nagbaba ng tingin sa hawak-hawak na pagkain. Parang tanga siyang tumawa ng tumawa kaya mas nabwesit ang binata.

"Magkita nalang tayo bukas."

"Ho-." hindi na natapos ni JP ang kanyang sasabihin ng putulin na ni Cameron ang koneksyon nilang dalawa.

"Ang bobo talaga ng hayop na iyon." nagmamaktol na anas ni JP ng maputol ang linya.

Unti-unti naring nawala ang berdeng bilog sa kanyang monitor dahilan para siyang napabuntong-hininga na lamang.

Halos umabot sa tenga ang ngiti ni Cameron ng biglang bumukas ang ilaw ng katapat niyang kwarto. Pumasok ang lasing na lasing na lalaking na nasa middle age na kasama ang isang babaeng halos isang yuko na lamang ay lalabas na ang maselang parte ng katawan. Napangiwi na lamang siya ng makita sa scope ang paghahalikan ng dalawang nilalang. Dahan-dahan niyang hinawakan ang gatilyo ng baril at unti-unti tinansya ang layo niya mula sa target. Patuloy na naghahalikan ang dalawa at medyo magalaw pa ang mga ito kaya nahihirapan ang binata sa maitutok sa matanda.

"Oh shit!" malutong na mura ni Cameron ng biglang humiga ang mga ito sa kama.

Muli siyang naghintay ng ilang minuto ng biglang tumayo ang dalagang kasama nito. Nakagat niya ang sariling labi ng makita ang dahan-dahan nitong paghuhubad habang sumasayaw sa harapan ni Emilio. Lalo siyang napangiti ng lumaglag ang bra nito sa sahig. Kitang-kita niya ang malusog na dibdib at napakagandang hubog ng katawan ng dalaga.

"Sayang ka." nakangising bulong ng binata bago tinanggal ang paningin sa magandang babae.

Nakaupo ang lalaki sa gilid ng kama at halatang-halata sa mukha nito ang pagnanasa habang sinasayawan ng dalaga. Unti-unting lumapit ang dalaga at marahas na hinalikan ang matanda. Hindi niya man naririnig ang ingay ng dalawa pero alam na alam niyang umuungol na ang mga ito dahil sa sensasyon na nadarama.

"Sa dinadami-dami ba naman ng pwedeng makita, bakit ganito pa kalala?" nakangiwing bulong muli ni Cameron habang pinagmamasdan ang dalawang taong pinagsasaluhan na ang init ng kalamnan.

Lumunok-lunok pa muna ito at muling tumingin sa target na nakasaluyang nakahanap na sa kanya. Nakahiga sa paanan ng kama ang dalagang halos mawala na ang eye ball sa sobrang sarap na nararamdaman. Nakahawak ito sa blanket at halos magusot na ito sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak.

"Huling ungol mo na iyan. Save the sperm for last." seryosong bulong nito at dahan-dahang itinutok ang red na dot sa noo nito at unti-unting kinalabit ang gatilyo.

Halos magulat ang dalaga ng marinig na nabasag ang salamin kasabay nito ang kanyang pagsigaw ng dahan-dahan bumagsak ang katawan ng lalaki at nagsimula dumaloy ang dugo nito sa sahig. Nagsisigaw ang dalaga at dali-daling lumabas para humingi ng tulong.

Ngumisi si Cameron at sinakbat ang gamit a sniper at Dahan-dating tumalikod.

"One down Mom and Dad. Ten more left." masayang sabi nito habang nakatingin sa pinakamaliwanag na bituin na nasa kalangitan.


You are reading the story above: TeenFic.Net