•CHAPTER TWO•

Background color
Font
Font size
Line height

Napatingin ang lahat ng pumasok ng cafeteria si Cameron at nasa likuran nito ang pinsan na si JP. Kumunot ang noo ni Quincy ng makita ang itsura nito. Halatang-halata sa mukha nito na kagagaling lamang ni Cameron sa pag-iyak.

"What happened to Cameron? He looks sad." malungkot na bulong ng babaeng nasa kabilang table.

"True. I guess my baby is okay." pagsang-ayon pa ng kausap nito.

"First time ko atang nakitang ganyan ang mukha ni Fafa Cameron. What happened kaya?" nag-alalang tanong ni Princess habang nakatingin sa binata.

Kinuha nito ang sunglasses na suot-suot ni JP at isinuot niya iyon. Ultimong sina Dranreb rin ay nagtataka sa itsura nito pero mabilis na senyasan ni JP ang mga kaibigan na wag na munang magtanong-tanong. Wala ng nagawa pa ang mga ito kundi tumango na lamang.

"I really wonder why he looks like that. Sobrang imposible naman na umiyak siya dahil kay Eliana, sobrang imposible no'n. What do you think bestie?"

"Hindi ako interesado sa kanya Princess. Kung gusto mo'ng masagot tanong mo, tanong mo kay Calvin o kay Kyle." masungit na sagot ni Quincy sa kaibigan.

"Attitude ka gurl?"

Hindi na siya sumagot pa rito at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagkain.

Napatingin sina JP sa kanilang harapan ng makita si Eliana sa kanilang harapan. Bumuntong-hininga na lamang ang binata bago tingnan ang pinsan.

"Came-."

"Wag ngayon." pagpuputol ni Cameron sa pagtawag nito sa kanya.

"Gusto ko lang sabihin na sabihin sa'yo na mamaya ang check up ko." mahinang ani Eliana.

Humigpit ang pagkakahawak ni Cameron sa tinidor ng marinig ang sinabi ng dalaga. Pasimpleng tinapik ni JP ang balikat nito bago pekeng umubo.

"May practice kami mamaya, Eliana kaya mukhang hindi ka masasamahan ni Cameron."

"I'll go with you." lahat ay napatingin kay Calvin ng sabihin niya iyon.

Makahulugan siyang tiningnan ni JP at nagtataka naman tumingin sa kanya si Cameron. Hindi na lamang niya pinansin pa iyon, muli siyang tumingin kay Eliana na mukhang nagtataka rin sa sinabi nito.

"Pwede naman akong mahuli sa practice, right Captain?" makahulugang tanong nito kay Cameron pero nanatili lamang itong tahimik.

"It's okay kung makakaabala ako sa'yo, Cal. That's okay magpapasama nalang ako sa friend ko."

"No, I'll go with you. Just tell me what time is it." pagmamatigas nito sa dalaga.

Napalunok na lamang ang dalaga bago tumango. Hindi siya pinansin ni Cameron at mabilis na tumayo sa kanyang kinauupuan. Naglakad siya palabas, napatigil na lamang siya ng may humarang sa kanyang dinadaanan. Kumunot ang kanyang noo ng makita kung sino ito.

"Malawak ang daan bakit kailangan mo pang humarang?" masungit na tanong nito sa dalaga.

"Sino may sabi sa'yong nakaharang ako sa dinadaanan mo? Nagkataon lang na nagkasalubong tayo." seryosong sagot naman ni Quincy.

Dahil mas matangkad si Cameron sa dalaga. Nakatingala pa ito habang ang kanyang kamay ay bahagyang nakatakip sa kanyang mata dahil tumatama sa kanila ang ligawan na nanggaling sa araw.

Naningkit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Anong naisipan mo at gusto mo pang samahan si Eliana?" bulong ng kakambal ni Calvin sa kanya.

"Oo nga naman. Anak mo?" nang-aasar na tanong sa kanya ni JP.

"Tsk. Alam naman nating pare-pareho na hindi tayo naniniwalang anak yun ni Cameron. Magpapaka-dectective tayo." nakangising sagot ni Calvin habang ang tingin ay pasimpleng pinag-aaralan si Eliana.

"Anong klaseng pagi-imbestiga naman ang nasa isip mo huh?" sumiksik pa ng bahagya si Dranreb sa kambal dahilan para mapaggitnaan siya ng dalawa.

"May nararamdaman ako."

"Gago ang aga para magka-multo. Aray!" sigaw ni JP ng tumama sa kanyang mukha ang bote ng tubig.

"Ang tino mo'ng kausap animal!" malakas na sigaw ni Calvin kaya hindi naiwasang ng mga istudyanteng tumingin sa kanila.

"Magsi-upo nga kayo mga animal!" hinikit ni Matthew ang dalawa at pinagbabatukan.

"Ang liit-liit na problema, pinapalaki niyong dalawa." dagdag pa nito dahilan para samaan siya ng tingin ng dalawa.

"Maiba nalang tayo, mabuti pa. Ang pangit niyong ka-bonding." pag-iiba sa usapan ni Race. "Ano nga bang nangyari do'n kay Cameron?"

"Wala namang ibang iniiyakan yun kundi ang magulang niya." nakangiwing sagot ni JP.

"Aww." ani ng mga ito.

Alam na alam ng mga ito na kapag usapang pamilya, ayaw na ayaw na maririnig ni Cameron kaya hindi narin nagawa pang pag-usapan ang bagay na iyon sa harap ng magulang.

"Anong trip ng dalawang yun?" nginuso ni Kyle ang labas ng cafeteria ng makita sina Cameron at Quincy na nakatayo lamang at nagtititigan.

"Cameron's new doll." tatawa-tawang ani Dwight at Brix.

"Hanggang ngayon ay big deal parin sa'yong sinabihan kita ng tanga kahapon?" sumandal si Cameron sa glass window saka pinagkrus ang paa't braso.

"Bobo ka ba? Ang kapal ng mukha mo'ng sabihan ako ng tanga. Kilala ba kita? Close ba tayo?" naiinis na tanong ni Quincy na halatang nagpipigil na sampalin ang kausap.

"Anong magagawa mo kung yun naman talaga ang tingin ko sa'yo? Tsk." umayos ng tayo si Cameron at dahan-dahang naglakad papalapit sa tayo ni Quincy dahilan para mapaatras ito. "Hindi ka ba natutuwa na alam mo ng tanga ka? Atleast mababago mo na."

"Mas tanga ka." akmang tatalikod si Quincy pero mabilis na nahawakan ni Cameron ang kamay nito.

Nanlaki ang mata nina JP habang nakatingin sa dalawa na halos magsanib pwersa na para maging isa. Hindi rin sila ang nakakita no'n kaya unti-unting nagkaroon ng ingay sa labas at loob ng cafeteria.

"OMG! Cameron's new doll." ani ng mga spoiled brat na istudyante.

Kumuyom ang kamao ni Eliana habang pinagmamasdan ang dalawa na gano'n parin ang tayo. Sumasakit kanyang dibdib dahil nasasaktan siya sa kanyang nakikita.

"You're still in-love with Cameron, don't you?" gulat siyang napatingin sa kanyang tabi ng marinig ang boses ni Zanjoe.

"It's not your business, Joe."

"Nandidito ako pero sa kanya parin ang bagsak mo." nakangiti ngunit bakas na bakas ang galit sa tono ng pananalita nito.

"Stop making scene here, Joe. I'll go now."

"We need to talk, Eliana." mabilis na hinawakan ni Zanjoe ang kamay ng dalaga at mabilis na naglakad papalayo sa cafeteria.

"Layo na Insan." hinikit ni JP ang pinsan dahilan para maglayo ang dalawa.

Parang mawawalan ng hininga si Quincy ng mga oras na iyon at laking pagpapasalamat niya kay JP. Lumapit sa kanya ang kambal pati narin ang kaibigang si Princess.

"Are you okay? Ayos lang you?" tanong sa kanya ni Kyle na mabilis naman niyang tinanguan.

"Bestie." tiningnan niya si Princess bago muling humarap kay Cameron na pangisi-ngisi na ngayon.

"Wag kang gano'n, Buddy. Wag ng pormahan ang pagmamay-ari na ni Calvin."

"Manahimik ka Brix!" sigaw ni Calvin pero tanging tawa lamang ang sinagot sa kanya ng kaibigan.

"Ok lang ako, Cal. Pasok na ako." mabilis na hinatak ni Quincy ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Calvin sa kanya.

Mabilis namang sumunod sa kanya si Princess.

"Anong ginagawa mo? Ang daming nakakita tanga." bulong ni JP sa pinsan.

"Tsk."

Napatingin ang sampu sa kanilang likuran at doon nila nakita ang nakatayong matanda. Nasa likuran nito ang dalawang kamay at seryosong nakatingin kina JP at Cameron.

"Dean."

"Dad este Dean." ani JP.

Sabay-sabay na tumungo ang mga istudyante biglang paggalang sa kanilang Dean.

"Anong atin diyan?" masayang tanong ng anak pero senyasan lamang siya ng amang manahimik.

Ngumuso na lamang ito bago umatras ng bahagya.

"Hinihintay ka na ng kapatid mo sa opisina." mahinang bulong nito kay Cameron.

"Nakakakilig yun Bestie!" halos maihiwalay ang braso ni Quincy dahil sa paghigit-higit sa kanya nito.

"Tumigil ka nga! Nasasaktan ako! Pwede namang kiligin ng hindi nananakit!"

"Ano bang nakita mo sa lalaking yun? Gano'n tao ba ang gusto mo'ng iharap sa pamilya mo?!" napatigil ang dalawa sa paglalakad ng marinig ang sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki.

"Si Zonjoe ba yun?"

"Mahal ko siya Zanjoe! Mahal na mahal."

"Mahal ka ba?" inis na tanong agad ng binata. Natigilan si Eliana sa tanong na iyon dahil alam niyang masakit ang kasagutan sa bagay na iyon. "Alam mo'ng hindi ka niya mahal, Eliana. Kahit kailan hindi ka niya mamahalin. Isa ka lang laruan para sa kanya."

Natakpan ng dalawa ang kani-kanilang bibig ng marinig nila ang tunog ng malakas na sampal. Unti-unting bumuhos ang luha ng dalaga habang nakikipagtitigan sa binata.

"Tara na."

"Pero-." hindi na natapos ni
Princess ang kanyang sasabihin ng hinikit na siya ni Quincy papalayo sa hagdanan na iyon.

"Buntis ako, Joe." mariing bulong ni Eliana.

Unti-unting natigilan ang binata sa kanyang narinig. Halos ilang minuto siyang gano'n bago gumawa ng isang reaksyon. Dahan-dahan siyang ngumiti sa dalaga bago nagbaba ng tingin sa tiyan ni Eliana.

"Magiging tatay na ako, Eliana?"

"You're not the father, Joe. Sigurado akong si Cameron ang ama ng batang dinadala ko."

"What?" unti-unting nanakip ang kanyang dibdib dahil sa sakit na narinig mula sa dalaga. "Paanong sa kanya Eliana kung may nangyari sa'ting dalawa?"

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa prof natin." tumango na lamang si Cameron sa pinsan bago sumugod kay Dean.

"You looks so sad, Ijo. May problema ba?" paninimula nito sa usapan nila.

"Alam mo na ang sagot diyan Tito."

"Tomorrow is their death anniversary. Are you going to cemetery to visit them? Sigurado akong miss na miss mo na ang magulang mo, Anak." nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa boses nito.

"Yeah, as always Tito."

Tinapik-tapik nito ang kanyang likuran para pagaanin ang pakiramdam ng binata. Panay naman ang buntong-hininga niya, madalas siyang magsabi ng problema sa ama ni JP at gustong-gusto niyang sabihin rito ang tungkol sa kanila ni Eliana.

Bumuntong-hininga na lamang muli si Cameron ng makarating sila sa opisina nito. Naunang pumasok ang Dean at mabilis naman siyang sumunod. Umupo ito sa single sofa habang ang tingin ay nasa telepono kanina pa ang panay tunog.

"It's time to answer it, Cameron." utos nito ng makaupo ito sa kanyang trono.

Bumuntong-hininga muli ang binata bago pa sagutin ang tawag na iyon mula sa kanyang kapatid.

"Hmm?" mahinang bungad nito ng makalapit ang telepono sa kanyang kaliwang tenga.

Ngumisi ito ng marinig ang boses ng kapatid. Pinagkrus niya ang dalawang hita habang ang kanang kamay ay may hawak-hawak na baso na naglalaman ng alak at yelo. Pinaglalaruan niya iyon habang hindi naalis ang tingin sa mga naka-black suit na lalaki.

"Cameron." ma-awtoridad na bungad nito sa kapatid. "Nice job." anito.

Nakarating na sa kanya ang balita at walang paglagyan ang tawa sa kanyang damdamin. Kahit papaano'y nabunutan ito ng tinik sa dibdib.

Ngumisi rin si Cameron ng marinig rin ang boses ng nakakatandang kapatid.

"Kahit kailan ay hindi pa pumapalpak ang kapatid mo." bahagyang kinagat ni Cameron ang ibabang labi habang nakatingin sa malayo.

"I'm coming home."

"When?"

"Before the ball."

"Tsk. Manggugulo ka lang rito. Wag ka ng umuwi." nang-aasar na sagot nito sa kapatid.

"I'm the boss."

"I'm the law." proud na proud na anas ni Cameron dahilan para matawa ang kausap sa kabilang linya.

"You still have not changed, Dekdek."

"What the f*ck! Stop calling me in that f*cking nickname. Kaumay!" nakangusong sigaw ni Cameron kaya mas lalo pang natawa ang kausap.

"I'll be home soon. Wait for me, Cameron." huling binigkas nito bago ibinaba ang linya ng telepono.

"Masyado niyo namang na-miss ang isa't-isa." sarkastiko ngunit tumatawang ani Dean.

Tumawa na lamang si Cameron bago sumeryoso. Alam niyang hindi siya matatahimik kung hindi niya masasabi rito kung anong dinadala niyang problema.

"Tito."

"What's the problem?"

"Alam kung magagalit ka sa sasabihin ko sa'yo but I didn't expect that it will happen. Kahit ako ay nagulat rin." lumulunok na panimula nito tungkol sa kanila ni Eliana.

Tinuon nito ang dalawang siko sa kanyang lamesa bago pinagsakop ang mga daliri. Inayos pa nito ang suot-suot na salamin saka tiningnan ang seryosong mukha ni Cameron.

"What is it?"

"About Eliana."

"Who's Eliana?" kunot-noong tanong nito sa binata.

Hindi alam kung paano sisimulan ni Cameron, hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung paano magsasalita, mukhang nakalimutan na niya kung paano makipag-usap dahil sa kabang nararamdaman.

"Elia-na Cariño."

"The daughter of Francisco?" mabilis na tumango si Cameron rito. "What's wrong with her?"

"She's pregnant."

Natigilan ito sa kung anong narinig mula sa binata.

"What?"

"Geotechnical engineering is the branch of civil engineering concerned with the engineering behavior of earth materials. Geotechnical engineering is important in civil engineering, but also has applications in military, mining, petroleum and other engineering disciplines--." tahimik ang lahat habang nakikinig sa lecture ng kanilang professor.

Panay ang tingin ni JP sa labas ng bintana para tingnan kung papasok na ang pinsan. Hindi rin siya gano'ng nakikinig dahil mahilig sa salitang 'advance reading'. Wala siyang ideya sa kung anong pag-uusapan ng magkapatid kaya kating-kati na itong tanungin si Cameron.

"Soil mechanics includes the study of soil composition, strength, consolidation, and the use of hydraulic principles to deal with issues concerning sediments and other deposits." patuloy ng professor.

Magsasalita na sana ito ngunit mabilis na bumukas ang pintuan at pumasok si Cameron na wari mo'y pinagsakluban ng langit at lupa. Sabay-sabay na napatingin sina JP sa kanya pero hindi manlang nito nagawang lingunin ang mga kaibigan.

"You're late Mr. Safstorm."

"I think my cousin mentioned to you that Dean was with me." walang ganang sagot nito. "Sorry for being late. Sa uulitin." dagdag pa nito bago nagsimulang maglakad papunta sa tabi ng pinsan.

"Anong nangyari?" tanong ni Dranreb na nasa kanilang harapan.

"He already knows about us."

"Anong sabi?"

"Mamaya nalang natin pag-usapan."

Tahimik lamang ang lahat ng istudyante sa buong building dahil may exam ang iba sa ito kabilang na sina Quincy.

Bagot na bagot na siya sa tini-take nilang exam pero wala siyang magawa. Lutang na lutang siya. May gustong puntahan ang kanyang pag-iisip pero hindi niya maintindihan kung saan gusto nitong tumungo. Bumuntong-hininga na lamang siya habang hinihintay ang susunod na itatanong ng kanilang professor.

"Which of the following involves the coordination of daily business functions within an organization?"

Napatingin siya sa kanyang katabi ng maramdaman niyang may sumisitsit sa kanya. Nakita niya si Mariyah na mukhang nagmamakaawa ng bigyan siya ng sagot. Bumuntong-hininga na lamang siya bago magsalita.

"Directing operational activities." bulong ni Quincy rito.

Lumiwanag ang mukha nito at nag heart sign pa sa kanya bago ilagay ang sagot sa sariling papel. Umiling na lamang siya bago tingnan muli ang sariling papel.

"Which of the following functions is best described as choosing among available alternatives?" tanong muli ng professor at nagsimula itong maglakad papunta sa likuran.

Muling bumuntong-hininga si Quincy bago isulat ang sagot sa kanyang papel. Tiningnan niya ang malaking oras bago tumingin sa labas ng bintana.

"Titan Company has set various goals, and management is now taking appropriate action to ensure that the firm achieves these goals. One such action is to reduce outlays for overhead, which have exceeded budgeted amounts. Which of the following functions best describes this process?" bahagya itong tumigil bago tiningnan ang mga istudyante. "Decision making, Planning, Coordinating, Controlling or Organizing." dagdag nito at mabilis namang nagsi-sagutan ang mga kaklase ni Quincy.

Gamit ang kanyang ballpen bahagya niya iyong tinapik-tapik sa kanyang lamesa dahilan para makagawa iyon ng mahinang ingay. Mabibingi na siya sa sobrang tahimik ng kapaligiran. Parang hindi niya iyon kakayanin.

"Next! Fill-in-the-blank questions."

"Ang kinakatakutan ng lahat dahil wala ng pamimilian." tawang-tawa bulong sa sarili ni Quincy.

"Resources owned by a company (such as cash, accounts receivable, vehicles) are reported on the balance sheet and are referred to as blank." ngumisi ang professor ng makita ang ilang istudyante ay nakatulala dahil hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon. "Kung mautak kayo, mas mautak ako. Nakarating kayo fourth year na umaasa kayo sa multiple-choice questionaires. Magbago na kayo mga anak." nangangaral pang dagdag nito.

Ngumiti na lamang si Quincy bago isulat ang salitang 'assets'.

"Sir Martin parang hindi naman 'to tropa eh." nagmamaktol na anas ng isa sa mga kaklase ni Quincy.

"Javier, sayang ka otoy, ang gwapo mo pa naman tapos wala namang laman ang utak mo." prankang sagot ng Professor.

Nagtawanan naman ang ibang kaklase nito kaya wala na lamang siyang nagawa kundi tumahimik na lamang.

"Tuloy ang sagot! Wag niyo akong idaan sa paganyan-ganyan niyo. Para-."

"Parating palang kayo pabalik na ako." sabay-sabay na wika ng lahat ng istudyante niya.

Tumawa na lamang ang professor bago nagpatuloy sa pagtatanong. Sa lahat ng naging professor ni Quincy at ang professor lamang na ito ang mas mabilis niyang nakasundo. Panatag ang loob niya sa professor dahil hindi naman gano'ng kalaki ang agwat ng edad nila sa isa't-isa. Mahilig din itong maki-jamming kapag wala ng ma-discuss sa istudyante.

Lumipas pa ang ilang oras at sa wakas ay napatos na ang kanilang exam.

"Bukas niyo malalaman ang resulta ng exam niyo. Gusto kung makita na lahat kayo ay pumasa dahil kung hindi, ibabaon ko kayo ng buhay sa sariling kinatatayuan niyo." kunwaring pananakot pa nito sa mga istudyante.

Tumawa na lamang si Quincy atabolis na hinarap si Mariyah.

"Hoy, una na ako huh. Hinihintay na kasi ako ng boyfriend ko." masiglang sabi nito sa kanya.

"Ingat. Enjoy sa date." kumaway pa si Quincy bago isakbat ang kanyang bag sa kanang balikat.

"Safara." pagtawag sa kanya ng kanyang professor.

Ngumuwi siya ng marinig niya ang kanyang second. Dahan-dahan

You are reading the story above: TeenFic.Net