•CHAPTER TWENTY SEVEN•

Background color
Font
Font size
Line height

"Baby." malungkot na bungad ni Cameron ng masagot ni Quincy ang kanyang tawag.

"Ano namang nangyari sayo at parang guhong-guho ang mundo mo?" natatawang tanong ng dalaga.

Nagluluto siya ng kanyang hapunan, kakatapos niya lang din maligo at maglaba ng uniporme.

"Miss na kita."

"Ilang oras palang ang nakakalipas magmula ng maghiwalay tayo Cameron. Umayos ka nga." natatawang sagot ng dalaga at mabilis na pinatay ang apoy.

"Puntahan kaya kita?"

"Ano ba? May bukas pa Cameron. Magkikita pa tayo."

"Dito ka nalang kaya matulog sa bahay?" nakangusong ani Cameron at nagpapadyak pa.

"Hindi pwede. Tumigil ka. Labing dalawang taon kang nabuhay na hindi ako kasama kaya wag mo akong artehan."

Mas humaba pa ang nguso ni Cameron sa sinabi ng dalaga. Nagdadabog siyang tumihaya saka kinuha ang kanyang unan na nasa kanyang uluhan.

"Wala naman akong gagawin sayo. Tutulog lang tayo." pagpupumilit pa nito at tanging tawa na lamang ni Quincy ang nakuha niyang sagot.

"Kumain ka na ba?"

"Kanina pa."

"Bakit hindi ka pa matulog? Anong oras na."

"I want us to sleep together."

Kulang na lamang ay umiyak na si Cameron sa kanyang kwarto habang kausap ang dalaga. Nag pa-puppy eyes pa ito habang patuloy parin ang kanyang pag-nguso.

"Kakatapos ko palang pagluto at kakain na ako kapag tapos na tayong mag-usap."

"Eh di kumain ka habang nag-uusap tayo."

"Sige."

Mabilis na ibinaba ni Quincy ang kanyang cellphone sa lamesa. Dali-dali siyang nagtatakabo sa kanyang kusina para kunin ang kanyang pagkain. Naririnig ni Cameron ang tunog ng plato sa hindi kalayuan, hinayaan niya na lamang iyon at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.

"Nandidito na ako."

Pinindot ni Quincy ang loud speaker button para marinig niya ang binata. Nagsimula siyang magsandok ng kanin at maglagay ng ulam sa sariling plato.

"Just eat Baby. Magsabi ka lang kung tapos ka na." inaantok ng bulong ni Cameron.

Nagsimula ng magpapikit-pikit ang kanyang mata ngunit pinipigilan niya iyon para lang makausap ang dalaga.

"Inaantok ka na Cameron, matulog ka na. Magkikita naman tayo bukas eh."

"I am not yet sleepy." pagsisinungaling ni Cameron sa dalaga.

"Sigurado ka ba? Pwede ka namang matulog kung hindi mo na kaya."

"Just eat Quincy." pahabol pa nito bago tumahimik.

Bumuntong-hininga na lamang si Quincy dahil alam niyang wala siyang magagawa rito. Nagsimulang kumain ang dalaga ng walang naririnig na kahit anong ingay mula sa kabilang linya. Unti-unting siyang nakaramdam ng pagkailang pero pinilit niyang maging normal. Nakapikit lamang si Cameron at pinipigilan parin ang kanyang antok, unti-unti na lamang ay bibigay niya pero pilit niya paring nilalabanan.

Gustong-gusto niyang makausap ang dalaga.

"Cameron? Nandiyan na pa ba?"

"Hmm. Are you done?" pahina ng pahina ang boses na tanong ni Cameron.

"Tapos na." humiga si Quincy sa kanyang kama matapos patayin ang ilaw. "Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka na?" nakangiting dagdag ng dalaga.

Ang kaninang pumupungay na mata ay bigla na lamang lumaki. Nagulat siya sa tanong ng dalaga sa kanya.

"Kakantahan moko?" nakakalokong tanong ni Cameron.

"Oo."

"Sige." walang pagdadalawang-isip na sagot ng binata.

Tumawa si Quincy at bahagya pang umubo-ubo. Nag-isip siya ng love songs na pwedeng kantahin kay Cameron.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Cameron ng marinig ang boses ni Quincy. Para siyang nabuhayan ng loob ng marinig iyon.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

Kagat-labing pinapakinggan iyon ni Cameron. Hinihiling niya na sana hindi na matapos ang pagkanta ni Quincy sa kanya. Gusto niyang marinig maya't-maya ang mala-anghel nitong boses.

Take my hand
Take my whole life too

"For I can't help falling in love with you" pagtatapos ni Cameron sa kanta nito.

Napangiti si Quincy sa ginagawa ng binata.

"I'm so inlove with you Baby. I admit that." nakangiti ngunit seryosong sambit ni Cameron sa dalaga.

"Siguro naman matutulog ka na?" natatawang tanong ni Quincy at tumango-tango naman siya kahit na hindi nito nakikita.

"See you tomorrow Baby. Goodnight."

"Goodnight."

"Turn it off." utos ni Cameron.

Muling ngumiti si Quincy saka pinatay iyon. Sabay na napatingin ang dalawa sa kani-kanilang kisame.

"Mom and Dad, your younger son is already inlove." kagat-labing aniya at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.

"Cameron."

Bumukas ang isang mata ni Cameron ng marinig ang boses ni Javion. Binuksan nito ang kanyang pintuan at ngumiti sa kanya. May dala-dala itong unan pati narin ang kumot.

"Pwede bang dito nalang ako matulog? Mamamatay na ako sa sobrang tahimik sa kwarto ko."

"Hmm."

Mabilis na tumakbo si Javion at sumampa sa kama. Inilagay niya ang unan sa tabi ni Cameron at nahiga doon.

"Nag-usap kayo ni Quincy?"

"Kakatapos lang."

"Eh di masayang-masaya ang gabi mo niyan?" nakangising tanong pa nito bago kumutan ang sarili.

"Ang sabi mo, matutulog ka lang bakit ngayon nakiki-chismis ka? Gusto mong bumalik sa kwarto mo?" pikit matang pagbabalik tanong ni Cameron.

"Sabi ko nga tatahimik na ako." inirapan ni Javion ang kaibigan at mabilis na isiniksik ang katawan sa likuran ni Cameron.

"Umusod ka don! Malaki ang kama ko, hindi natin kailangan magsiksikan sa iisang space!"

"Masyadong malamig ang kwarto mo Cameron. Ramdam na ramdam ko ang America dito."

"Eh di hinaan mo ang aircon!"

"Tinatamad na akong tumayo."

"Eh di magtiis ka potangina mo!"

"Tutulog na nga lang mamumura pa! Goodnight!" sigaw rin nito bago lumayo sa pinsan.

Hindi na nagsalita pa si Cameron, muling bumalik ang kanyang antok. Hindi na niya pinansin pa ang binata at natulog na lamang.

Ibinaba ni Quincy ang kanyang celphone sa kanyang side table ng makapag-set ng alarm. Ipinikit niya ang mga mata at hindi napigilang ngumiti ng maalala si Cameron. Hinayaan niya ito na manatili sa kanyang isipan hanggang sa makatulog siya.

Another day another kalandian!

Mabilis na bumangon si Quincy sa kanyang kama dahil ilang minuto na lamang ay mahuhuli na siya sa klase. Tiningnan niya ang cellphone at puro tawag at messages ni Cameron ang nandodoon na hindi niya lahat nasagot.

"Hayst! Bakit hindi nag-alarm?!" iritang tanong niya at nagtatakbo papuntang banyo para maligo.

Hindi niya magawa pang magluto ng almusal dahil dagdag pa iyon sa oras na masasayang. Aligaga siya habang inaayos ang sarili, napapailing na lamang siya habang napapatingin sa orasan.

"Puntahan mo na kaya kung nag-aalala ka." seryosong wika ni Calvin sa kaibigan.

Nagsimula na ang training nila na hindi mapakali si Cameron. Kanina niya pa tinatawagan ang dalaga pero hindi nito sinasagot.

"Baka late lang. Wag nga kayong praning." nakangising singit ni Javion ng makaupo ito sa tabi ng dalawa.

Bumuntong-hininga si Cameron at muling tiningnan ang cellphone. Wala paring response ang dalaga sa lahat ng messages niya. Gusto niya itong puntahan pero hindi siya pwe-pwedeng umalis.

Hinihingal na tumigil si Quincy sa harapan ng classroom niya. Mabilis siyang sumilip sa loob at nakahinga siya ng maluwag ng walang makitang professor. Binuksan niya ang pintuan at naglakad papunta sa kanyang table.

"Good morning Quin. Mukhang na-late tayo ng gising ngayon ah." lumapit sa kanya si Mariyah at hinalikan ang pisngi ng dalaga.

"Oo eh. Hindi nag alarm ang cellphone ko." hinihingal na sagot ni Quincy rito.

Kinuha niya sa kanyang bag ang panali sa buhok at pinusod iyon. Kinuha niya rin ang cellphone para tawagan ang binata.

*PHONE RINGING*

Awtomatikong napatingin doon si Cameron, kaagad siyang napangiti ng makita ang pangalan mo Quincy sa kanyang cellphone.

"Baby."

"Good morning. Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo, na-late ako ng gising dahil hindi  nag-alarm ang cellphone ko." nahihiyang wika nito.

"That's okay. Nandidito ka na ba?"

"Kakarating ko lang. Nagugutom na ako, hindi ako nakapagluto ng almusal ko." ungot ni Quincy at humawak pa sa kanyang tiyan.

"What? Tsk."

Ibinaba ni Cameron ang cellphone, tinakpan nito ang microphone para hindi siya marinig ng dalaga. Mabilis na hinahanap ng kanyang mata si Calvin na abala sa paglalaro.

"Calvin!"

"Hmm?"

"Anong next subject niyo at anong oras ang start?"

"Ano ba ngayon?" kunot-noong tanong nito at tiningnan pa ang kanyang relo. "Sales Management, 9 in the morning the class starts but it was 10 minutes before our professor entered."

"Same room?"

"Yeah. Why?"

"Thank you."

Muling ibinalik ni Cameron sa tenga ang kanyang cellphone at muling nagsalita.

"May ibibigay ako sayo mamaya pagkatapos ng first subject niyo."

"Ano naman yun?"

"Just wait for it to come Baby." nakangiting sagot ni Cameron.

Pumasok na ang professor ni Quincy kaya kailangan na niyang patayin ang tawag.

"Nandidito na si Miss. Mamaya nalang tayo ulit mag-usap. Enjoy sa training."

"Yeah study well Baby. See you later."

Nang patayin iyon ni Quincy, mabilis na tinawagan ni Cameron ang isang alipores ng kanyang kapatid at inutusan ito.

"Nakausap mo na?" tanong ni Calvin ng makalapit sa kanya si Cameron.

"Hmm."

"Anong sabi bakit daw hindi ka nasasagot?"

"Hindi daw nag-alarm cellphone niya. Masyado ata akong inisip kagabi kaya napuyat. Yung girlfriend ko pinapantasya ako."

"She's not your girlfriend yet Cameron. Wag kang atat."

"Ano hindi pa ba kami? Akala ko okay na yung ginawa ko kahapon." busangot na asik nito at nagdabog pa.

"Tsk. Hindi porke't um-oo sayo ay ibig-sabihin non ay kayo na! Binibini ang nagustuhan mo hindi lang basta babae kaya dapat lang na maghintay ka hanggang sa sabihin na sayo ni Quincy na boyfriend ka na niya."

"Ganon ba yun?" inosenteng tanong nito at mabilis namang tumango si Calvin.

"Hayst! Tagal naman! Baka agawin mo pa sakin." nanlilisik na pahabol pa ni Cameron bago kunin ang bola.

"Tsk. Seloso."

"Hindi naman kita pagseselosan kung wala akong nakikitang ikakaselos ko."

"Tsk. Lahat naman ng galaw ko kay Quincy ay napapasin mo. Hindi pagseselos tawag diyan, pagiging praning." nakangising sagot ni Calvin bago kunin sa kanya ang bola.

Nanliliit naman ang mata nina Javion habang nakatingin sa dalawang nagsasagutan dahil sa dalaga.

"Sa pula sa puti." natatawang bulong ni Dranreb.

"Darating kaya ang araw na magpapatayan ang dalawang yan dahil kay Quincy?"

"World war III daw Dwight." sagot ni Matthew sa kaibigan.

"Bahala sila sa pwakananginang buhay nila." Asik ni Javion.

"Wag kang pupunta sa kasal naming dalawa potangina mo."

"The question is, gusto ka ba niya maging asawa?" nang-aasar na tanong ni Calvin at unti-unting nanlilisik ang mata ni Cameron.

"Gusto niya akong mapangasawa. Mahal na mahal kaya ako ni Quincy."

"Bakit? Sinabihan ka na ba niya ng I love you?"

"H-indi." nakasimangot na sagot nito at mas lalo pang napangisi si Calvin.

"Hindi ka niya sasabihan ng ganon dahil hindi ka naman niya mahal."

"Potangina! Kanina ka pa!" bwesit na sigaw ni Cameron at mabilis na nagtatakbo papunta sa binata.

Tumakbo rin naman ito hanggang sa maghabulan na silang dalawa sa buong court.

"Sali kami!" inggit na sigaw ni Race at nagtatakbo rin ang mga ito papalapit sa kanila.

Ang dapat na training na mangyayari ay napilitan ng paglalaro ng mga ito.

"What's happening here?! Nawala lang ako ng ilang minuto, ganyan na kayo?!" sigaw ng kanilang Coach dahilan para sila'y matigil.

"Cameron! Imbes na ikaw ang mag-guide diyan sa mga kasama mo, ikaw pa ang pasimuno!"

"Si Calvin ang nauna Coach. Binu-bwesit niya ako!" paninisi ni Cameron habang nakaturo pa kay Calvin.

"Kilala mo ako Coach, hindi ako nagsisimula ng gulo rito." depensa naman ng binata.

Sinamaan siya ng tingin ni Cameron at nagdadabog na naupo sa kanilang bench!

"Walang magpapahinga ngayon! Maglaro kayo hanggang sa lunchbreak! Ang makikita kung uupo ay patatakbuhin ko sa buong campus ng sampung ulit!"

"Ano?!" sabay-sabay na sigaw nina Cameron rito.

"Aangal kayo? Gusto niyong dagdag ko pa ng sampu?! Magsimula na ulit kayo! Ang daming oras na nasasayang dahil sa katarantaduhan niyo!"

"Yes Coach!"

"Ikaw kasi pasimuno!" paninisi ni Cameron at ngumisi na lamang si Calvin.

Napatingin ang lahat sa labas ng may makitang naka-black suit na dumaan. Tumigil ang mga ito sa harapan ng classroom ni Quincy at mabilis na kumatok. Mabilis na tumayo ang kanilang president para pagbuksan ito ng pintuan.

"Miss Constantino." seryosong wika nito sa kanya.

Nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa hawak-hawak nito. Unti-unti niyang tiningnan si Quincy na nakatingin din sa kanya.

"Ikaw ang pakay Quin."

"Huh? Bakit ako?" nagtatakang tanong nito habang nakaturo pa sa sarili.

Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta doon. Mabilis namang nagsunuran sina Mariyah para maki-usyoso rito.

Natigilan ang dalaga ng makita ang dala-dala ng lalaki. Hawak nito isang paper bag na naglalaman ng pagkain habang may hawak-hawak na bouquet ang kabilang kamay.

"Miss Constantino."

"Kanino galing to?" gulat na gulat na tanong niya ng makuha ang mga bulaklak.

"From Sir Cameron."

"OMG! Kanino daw galing?"

"Kay Cameron daw. Ang bingi mo naman."

"Nililigawan na siguro talaga ni Cameron si Quin."

"Ang sweet ni Cameron."

"T-hank you pakisabi." wala sa sariling sagot ni Quincy rito.

Tumango ang mga ito at mabilis na tumalikod sa kanya. Naiwan siyang gulat na gulat at hindi alam kung paano ipapasok sa kanyang isipan ang mga bagay na iyon.

"Kayo na ni Cameron, hindi lang kayo naamin no?" nakangiting tanong ni Mariyah habang inaamoy-amoy ang mga fresh na bulaklak.

"Hindi ko pa siya boyfriend."

"Eh di nanliligaw nga siya sayo?"

Hindi alam ni Quincy ang isasagot niya sa tanong na iyon. Hindi naman siya tinanong ng binata kung pwede siyang ligawan. Hindi na niya pinansin pa iyon at muling naglakad papunta sa kanyang upo. Tiningnan niya ang loob ng paper bag kung saan nakalagay ang pagkain.

Kinuha niya ang kanyang cellphone para pasalamatan si Cameron.

Dahil nagugutom na siya, mabilis niyang kinain ang sobrang daming pagkain na nandodoon. Pakiramdam niya ay hindi na siya kakain mamayang lunch time dahil sa sobrang dami noon.

"Ano ang lasa ng pagkain na galing kay Cameron?"

"Tikman mo para malaman mo."

Iimik pa sana si Mariyah pero mabilis niya itong sinubuan. Ngiting-ngiti naman siyan rito at nagpatuloy sa kanyang pagkain. Wala parin ang kanilang professor kaya may kalayaan pa sila sa kung anong gusto nilang gawin sa kani-kanilang buhay.

Nakangiting sinulyapan ng dalaga ang mga bulaklak na nakapatong sa table ni Calvin. Wala siyang ibang paglalagyan noon kaya doon na lamang niya pinatong. Nilapitan niya iyon sa kanya at isa-isang inamoy.

"Good morning Class!" bati ng kanilang professor ng makapasok.

Mabilis na napatayo si Quincy dahil sa gulat.

"Good morning Miss!"

"Good morning. Kanino naman ang mga bulaklak na yan?" nakangiting tanong nito ng mapansin iyon.

"Kay Miss Constantino Miss."

"Oh? Kanino galing?" nanunuksong tanong muli at hindi naman agad siya makasagot.

"Kay Cameron Miss."

Bahagya itong nagulat ng malaman kung kanino iyon galing. Naiilang na ngumiti na lamang si Quincy ng tiningnan siya nito.

"Sit down."

Mabilis siyang umupo doon at inaayos ang bulaklak. Tiningnan na lamanag siya ni Mariyah bago ngumuti sa kanya.

Nang matapos ang kanilang klase, dali-dali ng nagpalaam si Quincy kay Mariyah at nagtatakbo na papunta sa court. Nag text narin sa kanya ang kaibigan na nauna na ito doon. Hindi mawala sa kanya ang ngiti habang nagpapalit-palit ang tingin sa daan at bulaklak. Napapatingin naman ang mga istudyante na nadadaanan niya pero wala siyang pakialam sa mga ito.

Sabay-sabay na naupo sina Cameron sa bench, tapos na ang kanilang practice at lunch time narin. Nagpaalam pa ang mga ito sa coach bago magkwentuhan kung saan ang punta pagkatapos ng klase ng dalaga.

"Saan mo dadalhin si Quincy?" tanong ni Javion ng matapos sa pag-inom ng tubig.

"Sa sementeryo."

"Ililibing mo?"

"Ikaw ang ililibing ko total wala ka namang kwenta, dagdag ka lang sa mga walang naii-ambag sa mundo." nakangising sagot ni Cameron at sinamahan naman siya ng tingin nito.

"Ipapakilala mo na ba sa magulang mo?" inosenteng tanong naman ni Kyle.

"Hmm."

"Inlove na talaga to. May papakilala na kina Tito. What's next, are you going to take her home?"

"Oo Calvin. Yayain ko naring magpasakal para kahit landiin mo, magkikita nalang tayo sa korte. Potangina m---." hindi na natapos ni Cameron ang kanyang sasabihin ng malakas na dumapo sa kanyang ulo ang bote ng mineral water.

"Hindi mo alam na masakit?!"

"Kailngan mo yan para matauhan ka."

"Inutil!"

"Nandiyan na si Quincy." wika ni Matthew ng makitang pumasok ang dalaga sa loob ng court.

Awtomatikong napalingon si Cameron ng marinig ang pangalan nito. Nagtama ang paningin nila at sabay pa silang ngumiti sa isa't-isa.

"Baby." malambing na bungad nito at niyakap pa ang dalaga.

"Gutom lang ako Cameron. Pagkain ang kailangan ko pero bakit may ganito?" nguso niya sa bulaklak na dala-dala.

"Syempre. I want you to be happy every day Baby. Yan nalang ang maitutulong ko sayo."

Bahagyang napapikit ang dalaga ng maramdaman ang halik ni Cameron sa kanyang noo.

"Thank you ulit dito."

"May isusumbong pala ako sayo." biglang ngusong bulong nito at mabilis na tiningnan si Calvin. "Nakikita mo ang lalaking yan?"

"Sino? Si Calvin?" kunot-noong tanong ni Quincy at dahan-dahang nilingon ang binata na nakangiti sa kanya.

"Oo! Yung ideal type mo kamo, sinasaktan lang naman ako ng lalaking yan. Hindi ko naman siya inaano tapos pinukpok nalang ako ng bote ng tubig sa ulo. Papayag ka bang saktan ako ng isang yan?"

You are reading the story above: TeenFic.Net