•CHAPTER TWENTY NINE•

Background color
Font
Font size
Line height

Masayang ipinasok ni Cameron ang kanyang kotse sa kanilang garahe. Hinatid niya ang dalaga at mabilis naring umuwi. Napatingin si Atticus rito ng makapasok sa kanilang sala.

"Mabuti nama'y umuwi ka na. Akala ko'y magtatagal ka pa don."

"Kung pwede lang, baka hindi na ako umuwi rito." nakangising sagot ni Cameron.

Itinapon niya ang sariling bag sa kung saan at nagtatakbo papunta sa kanyang kapatid. Kinuha niya ang unan saka iyon inilagay sa kandungan ng kapatid. Inihiga niya doon ang kanyang ulo at halos umabot na sa kanyang tenga ang kanyang ngiti.

"Your Ate Xavia will come home tomorrow. Invite Quincy to have dinner here." anas niya habang hinahagod ang buhok ni Cameron.

"Are you sure? Ayaw mong nagdadala ako ng babae rito hindi ba?"

"Tsk. Hindi naman siya basta babae sayo Dekdek. Mahal mo diba?"

"Mahal na mahal." bungisngis na sagot ni Cameron kay Atticus.

Ngumiti naman ang binata bago yakapin ang kanyang bewang. Umayos naman siya ng pagkakahiga para hindi na ito mahirapang yakapin siya.

"May tanong ako."

"Hmm?"

"Pwede ba siyang matulog dito? Wag kang mag-aalala, hindi kami magtatabi. Don siya sa guest room."

Unti-unting nanliit ang mata ni Atticus at sinimulang pag-aralan ang kapatid kung nagsasabi ba ito ng katotohanan. Halos lumabas na ang lahat ng ngipin ng binata sa sobrang ngiti nito sa kanya.

"I don't believe what you're saying Dekdek. Kilala kita." nakangising sagot niya.

"Tsk. May respeto ako kay Quincy, iba siya sa lahat ng babaeng nakama ko. Hindi ko hahayaang mabastos ko siya." may pagka-sinseridad aniya dahilan para matigilan si Atticus.

Hindi niya aasahan na mababago ng dalaga ang paraan ng pag-iisip ng kanyang kapatid pagdating sa bahay na iyon.

"Is that you Dekdek?" hindi makapaniwalang tanong ni Atticus habang tumatawa.

"Ofcourse." taas-noong wika nito.

"Ask her if she likes it. If she answered yes, go for it. I will not forbid you to do what you want. Besides, your Ate Xavia is there, she won't leave Quincy."

"Talaga?" mas dumoble pa ang saya ni Cameron dahil sa sagot ni Atticus.

"Yeah."

"Best brother ka talaga."

"Tsk. Best brother na kaya mong kalimutan? Tigilan mo ako Cameron Declan Nile."

Sumama ang tingin ni Cameron ngunit isang nang-aasar na ngisi ang sinagot ni Atticus sa kanya.

"Nandiyan ka na pala."

Tumingin si Cameron sa kanyang gilid at nakita niya si Javion. Kakatapos lamang nitong magluto at pwe-pwede na silang kumain ng hapunan.

"Kanina pa. Anong niluto mo?"

"Kare-kare, sinigang and chicken abodo." sagot nito.

"Let's eat. Gusto ko ng magpahinga. Susundin ko pa bukas ang Ate Xavia mo."

Tumayo si Atticus at mabilis niyang nilahad ang kamay sa harapan ng kapatid. Ngiting-ngiti naman ang binata na kinuha iyon at sabay silang nagtungo ng dining area.

Nakatingin si Quincy sa harapan ng kanyang apartment. Hinihintay niya na lamang na dumating si Cameron. Hindi mawala ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang mga ibon na nagliliparan sa kable ng kuryente, dumagdag pa ang hampas ng sariwang hangin sa kanyang katawan.

Napatingin siya sa kanyang kaliwa ng marinig na ang pamilyar na tunog ng sasakyan. Mas napangiti pa siya ng makita ang gwapong mukhang ni Cameron.

"Good morning Baby."

"Good morning."

"Kanina pa ka diyan?"

"Hindi naman."

Mabilis na lumabas ang binata para siya'y pagbuksan ng pintuan, humalik pa ito sa kanyang noo at muling pumasok sa driver seat.

"Natagalan ako, kinausap ko pa si Kuya. Susundin niya si Ate Xavia sa airport ngayon."

"Uuwi na ulit siya?" nakangiting tanong ng dalaga ng masuot niya ang seatbelt.

"Yeah. Dalawa na kaming tumatawag sayo ng baby." natatawang wika ng binata at natawa rin siya rito.

"May pupuntahan tayo pagkatapos ng klase, mag commute tayo."

"Saan naman tayo pupunta Baby? Saka commute? Matatagalan lang tayo sa biyahe."

"Tsk. Para naman ma-experience mo kung anong pakiramdam ng nag co-commute."

"Sige, kasama naman kita eh." kumindat pa si Cameron bago paharurutin ang kanyang kotse.

Hindi na nagsalita ang dalaga dahil busy na naman siya sa pagtingin sa kanilang dinadaanan. Miss na miss na niyang maglakad papasok pero dahil gusto siyang hinahatid-sundo ng binata ay hindi na iyon magawa pa.

"I'm going to invite you tonight for dinner at our house." kagat-labing pambabasag ni Cameron sa katahimikan.

"Para saan?"

"Wala. Gusto kitang dalhin sa bahay saka may isa pa akong sasabihin."

"Ano?"

Itinigil ni Cameron ang kanyang kotse sa parking. Inalis niya ang kanyang seatbelt at ngiting-ngiti humarap kay Quincy. Pinagmasdan pa nito ang reaksyon ng dalaga bago muling magsalita.

"Don ka matulog."

"Ano? Tsk. Hindi pwede Cameron. Baka kung anong sabihin nina Sir Atticus at Miss Xavia."

"Pumayag na si Kuya. Hindi naman tayo magtatabing matulog, sa guest room ka." nagpa-puppy eyes pa ito habang nakanguso.

"Hindi parin pwede."

"Please? Isang araw lang naman. Promise wala akong gagawing masama sayo Baby saka nandodoon si Ate Xavia kaya hindi mo kailangang mag-alala." pagpupumilit pa nito.

Inilapit-lapit pa ni Cameron ang kanyang pisngi sa pisngi ng dalaga.

"Pag-iisipan ko."

"Bakit kailangan mo pang pag-isipan?"

"Hindi ako sanay matulog sa ibang bahay Cameron."

"Fine. Gusto kitang makita bago ako matulog Baby. Adik na adik na ako sayo." bulong ng binata bago halikan ang noo niya.

"Tsk. Halika na."

Ngumisi si Cameron bago lumabas ng kanyang kotse. Pinagsakop ng dalawa ang kanilang kamay bago magsimulang mag-lakad.

"Sa cafeteria nalang tayo magkikita mamaya dahil sasabay daw sina Kuya sa lunch time natin." tinuon ni Cameron ang isang siko sa pintuan ng classroom ng dalaga.

"Sige."

"Pumasok ka na."

"Hmm enjoy sa practice."

"Yeah I love you."

Tumango si Quincy at pumasok na sa loob. Hindi naman maiwasang bumusangot ng binata dahil wala siyang natanggap na I love you too sa dalaga. Hindi na lamang niya pinansin iyon at nagtungo na sa court.

"Good morning sa pinakamahabang hair sa buong SEU." nakangiting bati ni Mariyah kay Quincy.

"Good morning Mariyah."

"Ang haba-haba talaga ng hair. How to be you naman po?"

"Hayst. Tama na ang pang-aasar ah." saway niya bago maupo sa sariling table.

Nakasandal sa sariling kotse habang hinihintay ni Atticus na makita ang kasintahan. Kailangan niya pang takpan ang sariling mukha para lang hindi siya makilala ng mga taong nandodoon.

"Boo!" masayang tawag ng dalaga ng makita ang binata.

Unti-unting ngumiti si Atticus, kaagad nitong ingatan ang dalawang kamay para salubungin ng yakap si Xavia.

"How was your trip my beautiful wife?" malambing na tanong nito saka halikan ang labi ng dalaga.

"Still the same. Are we going to school today?" nae-excite na tanong nito at dahan-dahang naman siyang tumango.

"I am excited to see baby Quincy and Dekdek together. I told you Boo, darating ang panahon na magugustuhan ni Dekdek si Quincy." kinikilig na wika nito.

Ngumiti na lamang ang binata sa kanya. Tinulungan siya nitong pumasok sa kotse.

Pagdating nila sa eskwelahan, mabilis na lumabas doon ang dalaga at masayang pinagbabati ang mga istudyanteng nakakasalubong nila.

"Where are they?"

"Nasa Cafeteria."

Nasa upo na sa kanilang table ang magkakaibigan at hinihintay na lamang na dumating ang dalawa. Panay ang ngiti ni Cameron habang tinititigan si Quincy na abala naman sa pakikipag-usap kina Calvin.

"Baby Quincy!"

Napatingin ang lahat ng marinig nila ang sigaw ng dalaga. Mabilis na tumayo ang mga istudyante nandodoon para magbigay galang sa dalawa.

"Good morning Sir Atticus Miss Xavia."

"Good morning students. Sit down, enjoy your meal." nakangiting utos ng binata na mabilis naman nitong sinunod.

"How are you baby Quincy?" masayang niyakap nito ang dalawa at nanunuksong tumingin pa. "Ikaw bata ka, pinaalis mo lang kami ng Kuya mo."

"Hindi ko rin naman inaasahan eh."

"Girlfriend mo na ba siya?"

"Not yet."

"Why? I thought you two had a relationship." nalungkot pang sagot nito.

Hindi alam ni Quincy kung anong sasabihin siya rito. Wala salitang lumalabas sa kanyang bibig. Tiningnan niya si Cameron ng maramdaman ang kamay nitong yumapos sa kanyang bewang.

"Mahalaga mahal ko siya Ate."

"Yiiiiiiiieeeeee! Let me hug you again. I'm so happy for you."

Tumawa na lamang si Cameron bago tugunan ang yakap ng dalaga. Kinindatan niya pa si Quincy bago lumayo sa mga ito. Pinagbabati rin ni Xavia sina Javion saka sila kumain.

"Ask her now Dekdek." utos ni Atticus sa kapatid.

"Ask her about what Boo?" kunot-noong tanong ni Xavia habang nagpapalit-palit ang tingin kina Atticus at Cameron.

"I already asked her Kuya."

"About what?" tanong muli ng dalaga.

"I asked her if she could sleep in our house." mahinang sagot ni Cameron dahilan para lingunin siya ng lahat ng kaibigan.

"Ano daw?" nanlalaki ang matang tanong ni Matthew.

"Bestie." hindi makapaniwalang tiningnan ni Princess ang kaibigan na ilang na ilang na sa tinginan nila.

"Oh mon Dieu!" tumitiling wika nito at mabilis pang tumayo.

Trans: Oh my god!

"Boo, relax! Sit down." mabilis na hinawakan ni Atticus ang bewang ng dalaga at mabilis na inuupo ang katipan.

"Ako ang magluluto ng dinner for tonight Boo. May special pala tayong bisita mamaya."

"H-indi pa po ako um-oo kay Cameron Miss Xavia." nahihiyang singit ni Quincy at tiningnan naman siya nito.

"Why?"

"H-indi po kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay."

"Don't worry about it Baby Quincy. I'm here, hindi kita pababayaan."

Nang magtama ang paningin ni Calvin at Cameron, makahulugan niya itong tiningnan. Ngumisi naman si Cameron saka nagkibit-balikat. Napailing rin si Javion dahil sa kanilang pinag-uusapan.

"So can you sleep at our house later?" ngiting tagumpay na tanong ni Cameron kay Quincy.

"Please say yes Baby Quincy." nagpa-puppy eyes pa si Xavia para lamang um-oo ang dalaga.

Tiningnan ni Quincy ang kaibigan na naghihintay ng kanyang sagot ganoon rin sina Calvin. Seryoso ang mukha nito ngunit hindi naman galit.

"Please Baby Quincy."

Gustong-gusto humalakhak ni Cameron dahil tinutulungan siya ni Xavia na mapa-oo ang dalaga. Tumaas-baba pa ang kanyang kilay ng dumapo na ang paningin ni Quincy sa kanya.

"S-ige po."

"Yes!" sabay na sigaw ni Cameron at Xavia.

Nagkatinginan pa ang dalawa saka tumawa ng tumawa.

"Thank you Baby. You will not regret your decision. I love you." abot tengang ngiting bulong ni Cameron ng makaupo sa kanyang tabi ito.

"Thank you Baby Quincy."

"Wa-la po-ng an-o m-an."

Hindi man labag sa loob niya pag oo niya pero hindi parin isang daang porsyento na gusto niyang matulog doon. Nahihiya siyang humindi kay Xavia, minsan lang ito nakiusap sa kanya.

"Yiiiiiiiieeeeee! Makakasama mo na si Fafa Cameron sa pagtulog. Kinikilig ako. Ninang ako ah." natatawang bulong ni Princess.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano ba? Wag ka ngang ganyan. Sinabi niya na sa guest room ako matutulog hindi sa tabi niya."

"Duh! Nasa iisang bahay naman kayo Bestie. Ano ka ba? Maraming nangangarap na makatabi ang isang Cameron Safstrom, ang swerte mo."

"Tsk. So pinapangarap mo na sana makatabi ka niya?" nang-aasar na tanong nito dahilan para matigilan at mamula ang kaibigan.

"H-oy! Hind-i ah. Crush ko lang siya at hanggang d-on nalang yun." nauutal na sagot nito.

Umiling-iling na lamang si Quincy bago magpatuloy sa kanyang pagkain.

Nang matapos ang kanilang tanghalian, umalis narin sina Xavia at Atticus para makapagpahinga ang dalaga. Hinatid naman nina Calvin ang dalawa bago pumunta sa court para ituloy ang training.

"Hoy! Nasa tamang katinuan ka naman at wala kang gagawin kay Harley Quinn diba?" masungit na tinuro-turo pa ni Kyle ang kaibigan.

"Ofcourse not. Sinasabi ko na sa inyo na hindi ko siya itutulad sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko. May respeto ako sa kanya." seryosong ani Cameron.

Tiningnan nito ang kanilang Coach na kakarating lang rin ng court.

"Hmm. Sana lang ay magagawa mo ang sinasabi mo Cameron." bulong ni Calvin dahilan para ito'y kanyang lingunin.

"Don't you trust me? Mga inutil!"

"Wala naman kasi sa itsura mo na mapipigilan mo kalibugan mo." nakangiwing wika ni Javion.

"Hayst! Kayong lahat, hindi porke't ganon ang pagkakakilala niyo sakin ay gagawin ko na sa lahat ng babae! Sinasabi ng malaki ang respeto ko kay Quincy at wala akong gagawin!" iritang sigaw nito.

"Sure ka na ba diyan?" nang-aasar na tanong ni Dranreb.

"Baka mamaya magbago isip mo kapag nakita mo na ah." si Jethro.

"Final na? Sure ka na diyan?" ani Matthew.

"Mamatay ka man?" sabi naman ni Race.

Pinagkrus ni Dwight ang kanyang braso at taas kilay na sinulyapan si Cameron.

"Scammer yan si Cameron."

"Balita ko rin Dwight." pagsang-ayon ni Brix sa sinabi ng kaibigan.

Napahilamos na lamang si Cameron sa sariling mukha dahil sa inis na nararamdaman. Nagdadabog siyang naglakad papalapit sa kanilang coach at umupo sa tabi nito.

"Anong tinatayo-tayo niyo pa diyan? Magsikilos na kayo!" utos nito.

Nagtatakbo ang buong team sa loob ng court saka nagpatuloy sa pagtra-training.

Nakatingin si Quincy sa sariling libro habang patuloy ang pagtuturo ni Sir Martin. Napapasin niya na hindi naalis doon ang tingin ng dalaga kaya hindi niya maiwasang lapitan at tanungin kung ayos lamang ba ito.

"Kanin ka pa nakatingin diyan sa libro mo? May problema ka bang iniisip?" nakangiting tanong niya sa dalaga.

Dahan-dahan namang umangat ang ulo ni Quincy sa kanya.

"Wala po Sir Martin. Sorry po."

"That's okay."

Tinapik-tapik ng kanyang professor ang kanyang balikat saka bumalik sa unahan.

"Marketing is the activity, set of institutions, and processes for creating, communicating, delivering, and exchanging offerings that have value for customers, clients, partners, and society at large." wika nito habang ang tingin ay nasa mga istudyante.

Bumuntong-hininga na lamang si Quincy. Isinara niya ang libro bago tiningnan ang professor. Bumalik ang kanyang isip sa pakikinig sa dini-discuss nito sa kanila.

"Even if all five conditions are met, an exchange might not occur. People engage in marketing whether or not an exchange happens. We have five condition of exchange. What are those Miss Constantino?"

Bahagya umawang ang kanyang bibig ng tawagin ang kanyang pangalan. Mabuti na lamang ay alam niya ang sagot dahil kung hindi ay mapapahiya sa buong klase.

Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo at bahagya pang umubo-ubo.

"Ahm number one is there must be at least two parties." lumunok-lunok pa siya habang nakatingin sa mga mata ni Sir Martin. "Two, each party has something that might be of value to the other party. Three, each party is capable of communication and delivery." patuloy pa nito.

Tumango-tango naman ang kanyang professor habang nakatingin sa kanya. Alam niyang hindi siya bibiguin ng dalaga.

"Four ahm each party is free to accept or reject the exchange offer and five, each party believes it is appropriate or desirable to deal with the other party."

"Great job Miss Constantino. Sit down." senenyasan niya pa ito bago humarap sa white board at nagsulat.

Nang matapos ito sa pag di-discuss, mabilis siyang nag pa short quiz sa mga ito. Tahimik lamang si Quincy habang nakatingin sa sariling papel, hinihintay niya lamang ang sasabihin nito.

Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga kaklase pero hindi na niya pinansin pa iyon.

"An ability to determine marketing strategy to affect customer mindset is considered as?" tanong nito at mabilis niyang sinagutan.

"Marketing strategy in which a firm sells different segments and offers different product is classified as?"

"Oh my god! Nalimutan ko ang sagot." natatarantang bulong ni Mariyah at bilangin naman niya ito.

"Differentiated marketing." mahinang bulong ni Quincy.

"Thank you. Iba talaga ang matatalino." pasasalamat nito sa kanya at mabilis na sinagot iyon.

Tumango na lamang siyang muli at tumingin sa sariling papel.

"To be useful, market segments should be?"

Kumunot ang noo ni Quincy ng malimutan niya ang sagot pa sa tanong na iyon. Napabuntong-hininga siya ng hindi niya maalala ang topic na iyon.

"Anong sagot mo?"

"Based on psychographic variables ang sagot ko pero hindi ako sure."

Tumango naman siya at mabilis na iyong isinulat.

Isang katunayan na hindi lahat ng scholar alam ang sagot HAHAHAH

"Last part is for the essay." isinara ni Sir Martin ang kanyang libro at inalagay iyon sa kanyang table.

Pinagmasdan niya ang mga istudyante bago sabihin ang tanong para sa essay.

"Is the PLC concept useful in developing Marketing
strategies? Your essay is at least 500 words."

"Sir grabi naman sa 500 words." rekmalo ng isa sa mga kaklase ni Quincy na si Ronny.

"Mr. Dela Cruz, nakatungtong ka sa huling yugto ng kurso mo na nagrereklamo ka sa essay? Gusto mo bang dagdagan ko pa para sayo?" nakangising tanong nito at mabilis naman siyang umiling.

"Joke lang po yun Sir."

"Answer it, You only have fifteen minutes to answer that question."

Huminga muna ng malalim si Quincy bago nagsimulang magsagot. Napapailing na lamang siya sa tuwing mauubusan siya ng ideya na ilalagay doon. Kahit siya ay nahihirapan rin dahil sobrang haba ng essay nila pero worth it naman dahil fifty points ang katumbas noon.

Tumingin si Sir Martin sa pintuan ng marinig na may kumatok doon.

"Yes Miss Patricia?" nakangiting tanong nito ng mabuksan niya ang pintuan.

"Patapos na ang klase mo? Pumunta ka na agad sa faculty, may pahanda ako don."

"Birthday mo nga pala ano? Happy birthday. Patapos na ang klase ko, susunod ako don."

Nagulat si Quincy ng bigla siyang tingnan ng ibang kaklase. Ngiting-ngiti ang mga ito na halatang may kailangan sa kanya. Bumuntong-hininga na lamang ang dalaga at sinimulang ipaliwang sa kanila ang tanong habang busy pa ang kanilang professor sa pakikipag-usap sa kapwa professor.

"Thank you Miss Patricia."

Sinarado niya ang pintuan at mabilis na tiningnan ang mga istudyante. Para wala namang nangyaring tanungan dahil sa paraan ng kilos ng mga ito. Ngumiti na lamang si Quincy

You are reading the story above: TeenFic.Net