•CHAPTER TWENTY FOUR•

Background color
Font
Font size
Line height

Umupo si Cameron sa bench na hinihingal, kakatapos lamang ng training nila at pagod na pagod ang binata. Tumabi sa kanya si Javion, binigyan niya ito ng tubig na mabilis naman nitong inabot.

"Pupuntahan ka ba ni Quincy?" tanong nito sa binata.

"I don't know." walang ganang sagot ni Cameron.

Buong araw siyang hindi pinansin ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit at wala naman siyang natandaan na may nagawa siyang mali rito kahapon. Ultimong sina Calvin ay hindi din siya masagot.

Bumuntong-hininga na lamang siya bago magpatuloy sa pag-inom ng tubig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Calvin.

Tumabi ito sa binata at tinapik-tapik ang balikat nito.

"Intindihin mo nalang. Marami kaming activities at projects ngayon kaya siguro ganon si Quin ngayon." pinipilit na pagaanin ni Calvin pakiramdam ni Cameron.

"Hmm. Pwede na bang umuwi Coach?" matamlay na tanong nito ng makalapit sa kanila ang kanilang coach.

"Pwede na."

Pagsagot na pagsagot pa lamang nito ay tumayo na si Cameron. Hinubad niya ang kanyang pantaas at kinuha ang kanyang t-shirt sa bag. Latang-lata siya na hindi niya mawari, parang kaunti na lamang ay babagsak na ang kanyang katawan sa sobrang pagod.

"Wag mo muna kasing isipin si Quincy, malay mo bukas ok na kayo." wika ni Dranreb ng makalapit sila sa tayo ng binata.

"Pagod ako Reb. Mauuna na ako sa inyo." sinakbat ni Cameron ang kanyang bag sa kabilang balikat at akmang lalakad ngunit unti-unti itong natigilan ng makita kung sinong pumasok sa entrance.

Diretsong-diretso ang tingin ni Quincy sa binata, hindi niya manlang magawang kumarap habang nilalabanan ang tingin ng binata. Nako-konsensya siya sa inasal niya kaninang umaga kay Cameron. Iniisip niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Cameron kaya ganoon ang kinilos ng dalaga kaninang umaga.

Tumigil si Quincy sa harapan ni Cameron. Kitang-kita niya ang halo-halong emosyon sa mata ng binata.

Quincy smiled at him.

"Tapos na practice niyo?"

"Hmm." malungkot na sagot ni Cameron sa kanya.

"Bakit ang tamlay mo?" nakangiting tanong ni Quincy sa kanya.

Pinag-aralan niya ang mukha ni Cameron, kinuha niya ang panyo na nasa bulsa ng kanyang coat at pinunasan ang pawis sa noo ni Cameron.

"See you tomorrow. Una na ako."

Natigilan ang binata at hindi makapaniwalang tiningnan si Quincy. Nagulat ito ng dahan-dahang tumingkayad ang dalaga at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Namula si Cameron oh!" natatawang bulong ni Matthew.

"Dapat magtampo pa siya para makarami siya ng halik kay Quincy." wika naman ni Jethro.

"Sorry. Alam kung ako ang dahilan kung bakit ka ganyan." malambing na bulong ng dalaga.

Dahan-dahang ngumuti si Cameron at mabilis na niyakap si Quincy. Hinalik-halikan niya pa ang balikat nito bago isiniksik ang mukha sa leeg ng dalaga. 

"Don't do it again Quincy."

Dahan-dahan namang tumango ang dalaga. Tinugunan niya ang yakap nito saka tiningnan sina Calvin. Lumipas ang ilang segundo na ganoon ang kanilang posisyon hanggang si Cameron na mismo ang bumitaw sa yakap na iyon.

"Kamusta ang practice? Mukhang pagod na pagod kayo." nakangiting ani Quincy ng makalapit siya sa magkakaibigan.

"Kaya pa naman. Kamusta ang klase? Dami bang pinagawa ng mga professor natin?" nakangiting tanong ni Calvin.

"Hmm. Marami pa sa marami. Pauwi na ba kayo?"

"Pauwi na."

"Ihahatid moko?" pabulong na tanong ni Quincy kay Cameron.

"Ofcourse."

Tumango-tango na lamang ang dalaga at hinintay ang mga itong magligpit ng gamit nila. Ngiting tagumpay naman na tumabi Cameron rito at kaagad na niyapos ang bewang. Ngumisi na lamang si Quincy at hinayaan ang binata.

"See you on Monday Quin." ginulo ni Calvin ang buhok ng dalaga bago pumasok sa sariling kotse.

"Hmm. Magiingat kayo." kumakaway sa mga ito bago lingunin si Cameron.

"Una na ako Insan. Hintayin nalang kita sa bahay." tinapik-tapik ni Javion ang balikat nito saka ngumiti kay Quincy.

Tinulungan pumasok ni Cameron si Quincy sa passenger seat at umalis narin.

"Papasok ako sa trabaho bukas. Magpahinga ka." ani Quincy ng tumigil ang sinasakyan nilang dalawa sa tapat ng kanyang apartment.

"Can i pick you up tomorrow?"

"Hmm kung hindi nakakaabala sayo." kinuha niya ang bag sa gilid ni Cameron saka binuksan ang pintuan ng kotse.

"Alright."

Tumango si Quincy at lumabas na doon. Umikot siya sa tabi, bahagya pa siyang tumungo para muling makita ang binata.

"Sige na. Alam kung pagod ka at gusto mo ng magpahinga."

"Wala ulit kiss?" nakangising tanong nito dahilan para mapa-irap ang dalaga.

Mabilis niyang nilapitan ang mukha sa pisngi nito at hinalikan iyon. Napangiti muli si Cameron ng maramdaman ang malambot na labi ng dalaga.

"Sige na."

"Pumasok ka na."

Hindi na siya nagreklamo pa at sinunod na lamang ito. Pumasok na siya sa loob at nagtatakbo papunta sa kanyang kwarto. Sinulyapan pa ni Cameron ang dinaanan niya bago pahaharurutin papalayo ang kotse.

Ibinagsak niya ang sariling katawan sa kama at mabilis na tinatawagan si Princess. Nakakadalawang ring pa lamang ito ng masagot ng dalaga.

"Bestie! Ano? Ano ng nararamdaman mo? Effective ba yung plan natin?" tanong nito ng makahiga rin sa pink na kama.

"Nakonsensya ako Princess, nakita mo naman kanina kung gaano kalungkot si Cameron." mahinang sagot nito sa kanya.

"Part naman yan para malaman mo ang nararamdaman mo para sa kanya. So ano? Gusto mo na ba siya?" kinuha ni Princess ang pink na unan saka iyon niyakap.

Excited na siyang marinig ang sagot ng dalaga.

"Hindi ko parin alam pero may parte sa pagkatao ko na ayaw ko siyang makikitang malungkot." may pagka-sinseridad na wika nito.

"OMG! Confirmed! May gusto ka na talaga kay Fafa Cameron. I'm so happy for you." nagtitiling sigaw ni Princess habang nagtatalon-talon sa kanyang kama.

Ngumiti naman si Quincy bago bumangon.

"Sa tingin mo ba hahayaan ko nararamdaman ko? Paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito?"

"Shunga! Gagawin ba sayo ni fafa Cameron ang mga ganong bagay kung wala naman talaga siyang gusto sayo? Saka isa pa, hindi ka naman siguro trip-trip lang dahil hindi naman siya ganon sa ibang babae kahit kay Eliana."

"Parang ang hirap magustuhan ng lalaking yun."

Tumayo si Quincy at nagtungo sa kanyang bintana. Umupo siya doon saka pinagmasdan ang mga ibong nakadapo sa linya ng kuryente.

"Why?"

"Masyado pang kumplekado ang buhay pag-ibig ni Cameron."

"Wag mo kasing isipin yung tungkol sa kanila ni Eliana. Labas yun sa nararamdaman niyo para sa isa't-isa." giit ni Princess. "I'm so happy for you Bestie. Alam kung hindi ideal type of guy si fafa Cameron pero kahit naman paaano alam niya kung paano mag-handle ng relasyon. Nandiyan ang guide nina Sir Atticus at Miss Xavia kaya naniniwala akong may alam parin naman si Cameron pagdating sa love." paliwanag pang dagdag nito.

Huminga ng malalim ang dalaga. Alam naman niya ang bagay na iyon pero hindi niya maalis sa isip niya na isipin na baka lokohin lamang siya ng binata. Kilala niya si Cameron at alam niya rin ang mga babaeng nakakasama nito at natatakot siyang mapabilang sa mga ito.

"Bahala na. Wala namang sigurong masama kung susubukan."

"Yes! Ganyan dapat Bestie. Wag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Hindi kasalanan at ka-kwestyon-kwestyon ang pagmamahal kaya hindi mo sila kailangan pagtuonan ng pansin. What you have to understand is how you feel for him. That's it." bahagya pang pinalo ni Princess ang kanyang side table matapos sabihin iyon.

"Sige na. Maliligo na ako. May pasok ako bukas kaya gusto ko naring magpahinga."

"Oo nga pala. Okay okay. Goodnight bestie!"

Tumango na lamang siya at pinatay ang tawag na iyon.

Bumuntong-hininga si Quincy saka bumaba sa pagkakaupo sa bintana. Inalis niya ang pagkakapusod ng kanyang buhok at nagdire-diretso sa banyo para maligo.

Paglabas niya naman doon ay nagluto siya ng kanyang gabihan. Wala pang kalahating oras ay natapos niya ang pagluluto pati narin ang pagkain. Pinatay na niya ang ilaw at pabagsak na inihiga ang sarili kasama.

*Beep* *Beep*

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung sino ang nag message sa kanya.

Unknown number

Goodnight Baby.

Nahawakan ni Quincy ang sariling pisngi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa kanyang labi. Kilalang-kilala na niya agad kung kaninong number iyon.

Hindi na siya sumagot pa sa message ng binata, nilagay na lamang niya ang number ni Cameron sa kanyang contacts at saka natulog.

"Saan ka pupunta? Bakit ang aga mo?" humihikab na tanong ni Javion ng makalabas sa kanyang kwarto.

Isinuot ni Cameron ang kanyang sumbrero bago tiningnan ang bagong gising na pinsan.

"Ihahatid ko sa trabaho si Quincy."

"Iba ka Insan. Bakit hindi mo pa pakasalan? Magsama na pati kayo sa iisang bubong. Dinaig mo pa ang boyfriend sa ginagawa mo." nakangising ani Javion.

Ngumisi na lamang si Cameron at kumaway sa binata. Kinuha niya ang kanyang susi saka nagtatakabo papunta sa garahe. Pumasok siya sa kotse at pinaharurot iyon papunta sa apartment ng dalaga.

"Good morning. Where's Quincy?" pormal na tanong niya ng makita si Mang Toto sa pintuan.

"Ikaw yung kasama ni Quin nong isang araw diba? Mukhang manliligaw ka na ng batang yun ah." nakangiting bungad ng matanda.

Ngumiti naman si Cameron at tumitingin sa itaas.

Nagpaalam na ito sa matanda at nagtatakbo papunta sa kwarto ni Quincy. Ilang beses siyang kumatok doon bago pinagbuksan ng dalaga. Natigilan pa siya ng makita ang ayos ng dalaga.

"Good morning baby." matamis na bati nito bago pumasok sa loob.

"Excited?" pinagkrus ni Quincy ang kanyang braso saka tiningnan ang binata na umupo sa kanyang kama.

Masyado pang maaga at hindi pa siya nakakaligo. Mag pla-plantsa pa siya ng uniporme niya.

"Masyado ba akong napaaga?"

"Hmm. Mag pla-plantsa pa ako ng uniform ko."

"Let me."

Natigilan si Quincy at kumurap-kurap pa sa binata. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon sa sinabi nito.

Itinapon ni Cameron ang susi ng kanyang kotse sa kama at mabilis na tumayo dahilan para bahagyang mailayo ng dalaga ang kanyang mukha. Unti-unting siyang ngumiti bago halikan ang noo ni Quincy.

"Maligo ka na. Hindi ako maninira ng gamit."

"Tsk. Marunong ka bang mag plantsa ng damit?"

"Anong tingin mo sakin? Batugan?" nakangising tanong ni Cameron.

Tiningnan niya ang damit ni Quincy na handa ng plantsahin. Kaagad siyang lumapit sa bangko kung saan nakasampay at uniporme ng dalaga. Bumuntong-hininga na lamang si Quincy at pa-iling-iling na pumasok sa banyo para maligo.

Ngiting tagumpay naman ang binata habang hinahagod ang uniporme nito. Tuwang-tuwa siya at pakiramdam niya'y mag-asawa na silang dalawa.

Advance mag-isip.

"Can I?" tanong ni Cameron ng umupo si Quincy sa harapan ng salamin at akmang susuklayin ang kanyang mahabang buhok.

"Kaya ko Cameron." masungit na sagot ng dalaga.

Imbes na tumahimik, kaagad na lumipat ang binata sa kanyang likuran at inagaw ang hair brush na kanyang hawak-hawak. Bahagya pa siyang nagulat at wala naring nagawa ng simulan nitong suklayin ang kanyang buhok.

Nakatingin si Quincy sa salamin, unti-unti pinag-aralan ng kanyang mata ang ginagawa ni Cameron. Hindi niya maiwasang ngumiti dahil sa ingat nito sa pagsusuklay.

Tumungo si Cameron at inabot nito ang tenga ng dalaga na. Nagkatinginan sila sa sariling repleksyon sa salamin.

"You're so beautiful Quincy. You know that?" malambing na tanong ni Cameron.

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga at nanatiling lamang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang umayos ng tayo at mabilis na hinaharap sa kanya si Quincy. Hinawakan niya pa ang bewang nito dahilan para mapatayo ito.

"Ca-meron." kinakabahan na tawag ng dalaga.

Cameron didn't answer her. He stared at her face and slowly lowered his gaze to her soft lips.

"Kailan ko ulit mararamdaman yan Quincy?" seryosong tanong nito at nanatili doon ang kanyang tingin.

"A-lin? Lu-mayo ka nga Cameron. Ay-an ka na na-man." nauutal na inalis ni Quincy ang kamay nito sa kanyang bewang ngunit mabilis iyong ibinalik ni Cameron.

Cameron just laughed and gently kissed her forehead.

"Soon." siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Sinamaan na lamang ni Quincy ng tingin ito bago muling naupo.

"Iba talaga si Quin. Hatid na naman ni Sir Calv---." hindi na natapos ni Ruby ang kanyang sasabihin ng ibang lalaki ang lumabas sa kanya.

"Hindi si Sir Calvin. Kaibigan ni Sir Calvin." wika ni Andrei.

Pinagbuksan ni Cameron ang dalaga ng pintuan at tinulungan na lumabas ang dalaga.

"May pupuntahan lang ako."

"Where?"

"May bibigyan lang akong pagkain diyan sa may karinderya."

"Sasama ako."

"Tsk."

Tumingin si Quincy sa loob ng restaurant at kumaway sa mga ka-trabaho. Alam niyang tatadtarin na naman siya ng tanong ng mga ito kaya hinahanda na niya ang sarili niya.

Nagsimula siyang maglakad at sumunod naman sa kanya ang binata. Habol tingin naman sina Lorenz sa kanila.

"Haba ng hair ni Quin." natatawang anas naman ni Angeline.

Tumigil ang dalawa sa paglalakad ng nasa tapat na sila ng karinderya. Hinawakan ni Cameron ang kamay nito bago tiningnan ang kaliwa't kanan.

"Ate Quincy." masiglang bati ni Nathaniel ng makatawid sila.

Unti-unting nanlaki ang mata ng bata ng makita kung sino ang kasama nito. Hindi pa siya makapaniwala tinuro si Cameron bago tingnan ang dalaga.

"Kuya pogi."

Kumunot ang noo ni Quincy at dahan-dahang nilingon si Cameron. Natandaan niyang mag ikwento ang bata tungkol sa lalaking tumulong sa kanya.

"Ikaw yun?"

"Ang ano?" nagtatakang tanong naman nito.

"Yung tumulong sa kanya."

"Kilala niyo po si Ate Quincy Kuya pogi?" gulat na gulat na tanong pa nito sa kanya.

"Hmm."

Hindi na lamang iyon pinansin pa ng dalaga at nakangiting inabot ang pagkain sa bata. Ginulo niya ang buhok nito bago umayos ng tayo.

"Kainin mo yan. Susubukan ni Ate Quincy na balikan ka mamaya pagkatapos ng trabaho. Magiingat ka dito."

"Maraming salamat po. Pwede ko na po bang malaman ang pangalan mo Kuya pogi?"

"Tawagin mo nalang akong si Superman." nakangising sagot nito dahilan para ngisian siya ng dalaga.

"Wag mo ng alamin Nathaniel ang pangalan ng isang yan. Masyadong mahal."

"Ganon po ba? Sige Kuya pogi nalang po ulit ang tawag ko sa inyo."

Tumango-tango na lamang si Cameron sa bata.

"Sige na mauuna na kami. Mahuhuli na sa trabaho si Ate Quincy."

Tumango-tango naman ito at kumaway sa kanila. Ngumiti si Quincy at unti-unting tinalikuran ang bata.

"Hindi ko alam na may bait ka pala sa katawan."

"Tsk. Sobrang sama ko na ba para sayo?"

"Hindi naman."

"Tinulungan ko yun dahil kailangan niya." seryosong sagot ni Cameron at tumango-tango naman siya.

Muli silang nakarating ng restaurant, tumigil ang dalawa sa harapan ng pintuan. Bahagya pang tumingala ang dalaga para pagmasdan ang mukha ng binata.

"Thank you."

"Hmm. Susundin ulit kita mamaya."

She nodded.

Humakbang si Cameron ng dalawang beses para yakapin ng mahigpit ang dalaga. Hinalik-halikan niya pa ang noo nito bago ngumiti sa kanya.

"Take care of yourself Baby." matamis na bulong ni Cameron.

"Hmm. Umalis ka na at hindi ako makaka-pagtrabaho kung nandidito ka. Magiingat ka." pigil ngiting aniya.

Binuksan ni Cameron ang pintuan at senenyasan na pumasok na siya sa loob. Mabilis namang itong lumakad at kumaway sa kanya. Hindi narin nagtagal pa doon si Cameron at dali-daling umalis ng restaurant.

Tumalikod si Quincy at doon niya inilabas ang matatamis na ngiti.

"Hoy Quin!"

Napaatras siya ng makita sina Angeline na tumatakbo papalapit sa kanya. Bahagya pang tumama ang kanyang hita sa upuan ng bigla siyang yakapin ni Ruby at Angeline.

"Si Cameron na ba ang nanliligaw sayo? Kaibigan yun ni Sir Calvin at Sir Kyle hindi ba?"

"Hindi siya nanliligaw Ruby."

"Eh? Hindi pa ba nanliligaw ang ganon?" nagtatakang tanong ni Lorenz.

Umiling-iling naman siya bago ngumiti sa binata.

"Paano na si Sir Calvin? Akala ko pa naman ay siya ang nanliligaw sayo."

"Ayan na naman tayo Drei. Magkaibigan lang talaga kami ni Cal. Tumigil na nga kayo, magtrabaho na tayo."

Nilampasan ni Quincy ang mga ito masayang sinalubong ang iba pang ka-trabaho. Pakiramdam niya'y ginanahan siyang magtrabaho para sa araw na iyon. Ibinaba niya ang kanyang bag sa lamesa at sinimulang ayusan ang sarili, hindi na niya tinali pa ang mahabang buhok.

Nang matapos ang pag-aayos ng mga lamesa at ibang gamit, binuksan na agad ang restaurant. Maaga pa lamang ay dumagsa na ang mga customer, panay ang salubong ni Quincy sa mga ito ng may ngiti sa labi. Wala yata sa katawan niya ang magtaray ngayon. Hindi siya nakakaramdam ng pagod kahit na pataas-baba sa floor.

"Good morning Sir. Welcome to Biryani's Restaurant." masiglang bati niya ng pagbuksan ang matanda ng pinsan.

"Good morning. Table for two please."

"This way Sir."

Naglakad ang dalaga sa kanang bahagi kung nasaan ang uupuan ng dalawa. Tumigil siya sa isang magandang spot at masayang tiningnan ang mag-asawa. Dahil may edad na ito, kaaagad niyang tinulungan ang matandang babae para makaupo doon.

"Thank you ija."

"You're always welcome Ma'am. Here's our menu, just call me if you have an order. Thank you." bahagya pa siyang tumango at naglakad papalayo.

Tumabi siya kay Andrei na naghihintay naman ng pagkain. Ngumiti siya rito bago pinagmamsdan ang buong floor.

"Iba talaga kapag in-love. Kahit ang toxic dahil maraming customer, nakangiti parin. Nako! Nako!" asar ni Ruby ng makalapit siya sa dalaga.

Tumawa na lamang si Quincy at nagkibit-balikat.

"Ito na ba ang order ng table 24?" turo ng dalaga sa pagkain.

Tumango naman si Ruby at mabilis naman niya iyong kinuha. Tinulungan siya ni Lorenz at nagpunta sila sa mag-asawa.

"Here are your meals. If you need anything else just ask. Have a nice meal."

"Happy anniversary my love."

Hindi napigilan ni Quincy na ngumiti sa sinabi ng matandang lalaki. Hinalikan pa niyo ang kamay ng asawa bago lumingon sa kanya.

"Thank you ija."

"You're welcome Sir. Happy anniversary to the both of you."

Ngumiti sa kanya ang mga ito at nagpasalamat pa. Dali-dali narin siyang umalis at bumalik sa kanyang pwesto. Kaagad na sumagi sa kanyang isipan ang kanyang magulang noong panahong pumupunta sila sa amusement

You are reading the story above: TeenFic.Net