•CHAPTER TWELVE•

Background color
Font
Font size
Line height

"Good morning Quin. Mukhang napaaga tayo ngayon." bati ni Lorenz sa dalaga ng makita itong pumasok.

Ngumiti naman pagkalaki-laki si Quincy sa kanya.

"Excited na ulit mag trabaho. Nasaan sina Angeline? Kayo-kayo palang ba?" tanong niya rito.

Ibinaba niya ang kanyang bag sa lamesa ng nasa kanilang harapan. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin saka niya pinusod ang buhok.

Maaga pa at ilan pa lamang silang nandodoon. Tahimik parin sa kabuohan ng restaurant dahil wala pang customer na pumapasok. Sa kotse naman ay busy na ang mga cook sa pagluluto ng mga pagkain. Natapos ni Quincy ang ginagawa at mabilis na kinuha ng pamunas ng lamesa. Sinimulan niyang punasan at ayusin ang bawat vase na nakapatong doon.

"Napunasan na ba ang mga glass wall?" tanong ni Quincy.

"Si Andrei na ang bahala diyan mamaya pagdating niya."

"Ako na."

Kinuha niya ang spray bottle at bagong pamunas para sa glass wall na iyon. Pinagbuksan siya ng guard at tinulungan sa dala-dala nitong upuan.

"Diyan nalang po salamat." turo niya sa kanyang tabi.

Maingat siyang tumuntong doon at sinimulan ang pagpupunas. Hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi hanggang ginagawa iyon. Sumasabay pa siya sa radio na tumutunog.

"Quin. Good morning. Good mood tayo ngayon ah."

Napatingin siya sa pintuan ng marinig ang boses ni Angeline na kakarating lamang.

"Good morning Ange. Kamusta ang trabaho kahapon?" tanong niya rito.

Mabilis niyang tinapos ang ginagawa sa bandang taas at bumaba narin siya sa pagkakatapak sa bangko.

"Always nakakapagod, habang tumatagal mas parami ng parami ang customers natin." nagtatakbo ito papalapit sa kanya kaya hindi niya maiwasang magulat ng ilapit pa nito ang kanyang mukha sa kanyang mukha. "Alam mo ba? Maraming naghahanap na customers sayo."

"Huh? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Quincy kay Ange.

"Siguro natutuwa sa service mo. Sabi nila ang ganda daw ng vibes mo kapag kinakausap mo sila kaya siguro hinahanap ka."

"Anong sagot mo sa kanila nong hinahanap ako?"

"Ayon, sabi ko tuwing Saturday and Sunday ka lang nag tra-trabaho dito at babalik nalang daw sila."

Ngumiti naman si Quincy sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang may mga customers na magugustuhan siya ng ganoon kabilis.

Natapos niya ang ginagawa kaya dali-dali narin siyang pumasok. Dumating narin ang kanilang katrabaho at nang matapos na ang kanilang ginagawa, binuksan na ang restaurant. Ilang minuto palang ang nakakaraan, sobrang dami na ng na-assist ng dalaga. Tulad ng sinabi ni Angeline, maraming bumalik na customers dito para lamang makita ang dalaga. Walang mapaglagyan ang tuwa kay Quincy, gusto niyang magtatalon sa tuwa habang nakatingin sa mga customers na masayang kumakain doon.

"Saang table ka pupunta?" tanong nito kay Lorenz ng makita ang maraming dala ng binata.

"Sa second floor."

"Samahan ng kita. Masyadong marami ang orders nila, hindi ba sila kumakain?" nagbibirong tanong ni Quincy habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan.

"Mukha namang hindi napabayaan ng mga iyon ang katawan nila saka mga mayayaman." sagot ni Lorenz.

"Tulungan na kita."

"Sige. Salamat."

Tumango siya rito saka kinuha ang isang malaking tray. Sabay silang umakyat sa second floor at hinahanap ang table ng ma-may-ari ng mga pagkain na iyon. Natigilan siya sa paglalakad ng nasa harapan na sila nito.

"Here's your order Sir." magalang na ani Lorenz bago ipatong doon ang tray.

Umawang ang kanyang bibig ng sabay-sabay itong kumaway sa kanya.

"Hi Quincy." sabay-sabay na bati nina Dranreb sa kanya.

Tiningnan niya ang mahabang table na okyupado nina Dranreb. Inikot niya ang tingin sa buong floor bago muling tiningnan ang mga ito. Wala ang magpinsan pati narin ang kambal sa table na iyon.

"Kilala mo pala mga kaibigan nina Sir Calvin at Sir Kyle?" bulong ni Lorenz sa dalaga.

Dahan-dahan siyang tumango at ibinaba na ang hawak na tray. Muli niyang tiningnan ang mga ito at pilit na ngumiti.

"Bagay pala sayo uniform nila. Para ka ng manager." nakangiting ani Jethro.

Hindi naman niya alam ang isasagot rito kaya muli siyang ngumiti sa binata.

"Mauuna na ako, marami pang customers sa baba. Kung may kailangan kayo, tawagin niyo lang si Lorenz." mabilis siyang tumalikod sa mga ito at nagtatakbo papalayo.

"Ang cute niya no?" tawang-tawa tanong ni Matthew.

Tumango naman ang mga kaibigan bilang pagsang-ayon.

Hinihintay ng mga ito ang kambal at sila rin ang nag presentang doon naman sa kanilang restaurant maghintay bago sila magdiretso sa kanilang pupuntahan.

"Anong nangyari?"

"Wala. Kaunting usap lang. Hindi ko siya ganon ka-close at medyo hindi rin ako kumportableng manatili sa harapan nila." sagot ni Quincy bago buksan ang pintuan ng makita ang papalapit na customer.

"Good morning Sir. Welcome to Biryani's Restaurant." magiliw na bati niya rito.

"Good morning. A table for one person please."

"Alright. This way Sir." naglakad ang dalaga papunta sa pinakadulo.

Sinundan siya nito at tumigil ng marating na nila ang magiging table ng customer. Nakangiti niyang inabot ang menu at nakangiti naman iyong kinuha ng lalaki.

"You are Quincy?" biglang tanong nito habang ang tingin ay nasa menu.

"Yes Sir."

"Ikaw pala ang babaeng tinutukoy ng anak ko. Maganda raw kumain rito lalo na kapag daw ikaw ang mag assist. Is that true?"

Nabigla si Quincy sa tanong nito. Parang umatras ang kanyang dila at hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.

Sabay na tinanggal nina Calvin at Kyle ang suot-suot nilang sunglasses ng makapasok doon. Bahagyang tumungo sina Ruby rito ng madaanan sila ng dalawa. Inikot agad ni Calvin ang kanyang paningin sa lugar para hanapin agad si Quincy. Tumigil ang kanyang mata ng makita ang dalagang kausap ng hindi ganoong katandaan. Nakikita niya na nakangiti ito at parang tuwang-tuwa sa sinasabi sa kanya ng kausap.

"Mamaya muna kausapin si Harley Quinn kambal." bulong ni Kyle at nauna ng umakyat sa taas.

Tumango naman siya rito at mabilis pa ulit na sinulyapan ang dalaga.

"Bakit ang tagal niyo? Ano kayo gold?" taas-kilay na tanong ni Dwight ng makarating ang kambal sa kanilang table.

"Mas magandang paghintayin ang mukhang kargador kesa paghintayin ang mukhang boss." nakangising sagot ni Calvin ng makaupo siya sa harapan nito.

"Sinong mukhang kargador aber? Hindi mo nakikita kung gaano ako ka-pogi ngayon?" tumayo pa ito at parang tangang model na itinaas ang kanyang suot-suot na polo dahilan para lumabas ang tiyan nito.

"Ibaba mo yan. Baka masuka ang mga customers kapag nakita yan." asar pa nito.

Ngumuso naman si Dwight at nagdadabog na umupo.

"Where's Cameron at JP? Hindi ba daw sila sasama satin kambal?" ngumunguyang tanong ni Kyle.

"Sinabi na nilang may lakad sila ngayong araw. Pipilitin pa ba natin?" seryosong tanong nito.

"Sabagay. Inggitin natin sa Lunes. Mag picture tayo kasama ang sandamakmak na babae tapos walang damit dapat." sa sobrang pagkakabungisngis ni Race, halos lumabas na ang lahat ng ngipin niya.

"Quin!" tawag ni Calvin ng makita ang dalaga sa kalayuan.

"Thank you Sir." tumango siya sa customer at kinuha ang bayad nito.

Hinihintay niya pang makaalis bago mag-lakad papunta sa table ng magkakaibigan. Senenyasan niya pa si Andrei na linisin na ang table kung saan siya nagmula. Kumindat naman ang binata sa kanya at dali-daling nilapitan iyon para linisin.

Pormal siyang tumigil sa harapan ng mga ito. Ngumiti ng makitang umangat ang kamay ni Kyle para makipag-apir sa kanya. Tinugunan niya iyon bago tiningnan ang kakambal nito.

"Kakarating niyo lang?"

"Hmm yeah. May kausap ka kanina kaya hindi ko na ng magawang bumati sayo." nakangiting ani Calvin. "Good morning." dagdag pa nito.

"Good morning. Gusto mo bang kumain? Bababa lang ako saglit dahil may ibibigay ako kay Ruby."

"I'm not hungry."

"Harley Quinn. Pwede pasabi kay Ruby, ihanda yung paborito kung pagkain." singit ni Kyle kaya tiningnan siya ng dalawa.

"Sige. Baba muna ako Cal." pamamaalam niya.

"Sobrang sipag niya Calvin. Pakasalan mo na."

Bahagyang nagulat si Calvin ng nilapit ni Dranreb ang mukha niya sa kanya. Naramdaman niya pa ang pagdidikit ng kanilang balat kaya mabilis siyang umiwas dito.

"Wala akong pakialaman sa nararamdaman mo."

"Damn! Sino bang nanakit sayo ngayong araw Fernandez?" kunot-noong tanong nito pero hindi niya na sinagot.

"Pagpasensyahan niyo na si kambal. May regla." tatawa-tawa pang ani Kyle at tumawa din naman ang mga kaibigan.

"Ruby, pinapasabi ni Kyle yung paborito daw niyang pagkain, paki-prepare naman. Thank you." anas agad ni Quincy ng makababa siya.

"Kayo muna bahala rito. Tataas lang ulit ako." bulong ng dalaga ng makalapit kina Andrei.

Parang batang tumigil si Javion sa harapan ng pintuan ni Cameron. Kumatok siya ng tatlong beses bago magsalita.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Cameron!" pataas na boses na pagtawag nito sa pinsan.

"GUSTO MO BA MAY IKAMA
TARA NA SA CLUB AT HUMANAP KA ILABAS MO NA KALIBUGAN MO NAHIYA KA PA PWAKANANGINA KA" malakas na kanta nito.

Ginagaya niya pa ang tono ng do you wanna build a snowman sa Disney movie na frozen.

Unti-unting bumukas ang mata ni Cameron ng marinig ang kumakantang si Javion. Kumunot ang kanyang noo na tumingin sa pintuan. Tumayo siya sa pagkakahiga habang nakabalot ang puting kumot sa kanyang katawan dahil wala siyang suot-suot na kahit ano.

Inis na inis niyang binuksan ang pintuan at nakita niya ang pinsan.

"Kung ikaw ang magiging Anna ng buhay ko, magpapakamatay nalang ako. Walang kapatid si Elsa na boses aso!" sigaw niya at halos mapapikit si Javion sa sobrang lakas ng pagbagsak ng pintuan nito.

Bwesit na bwesit na binuksan ni Javion ang pintuan at sinundan ang pinsan sa banyo.

"Kung iniisip mong ikaw si Kristoff, pwes nagkakamali ka! Ikaw yung reindeer inutil!" malakas na sigaw niya kay Cameron.

"Inutil ka rin! May lawit ba yung reindeer?"

"Lalaki naman si Sven!"

"Hindi ka sure." nang-aasar na sagot ni Cameron.

Natapos ang kanyang paliligo ng hindi manlang siya nilubuyan ng pinsan. Sabay silang lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo sa opisina ni Atticus. Humihikab pa ang binata ng maupo sa couch. Tiningnan niya ang kapatid na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa hawak-hawak nitong map ng hideout ng susunod nilang pakay.

"Kuya? Kaya mo pa ba? Kung hindi mo na kaya pwede namang magpahinga." nakangising aniya rito.

Umangat ang tingin ni Atticus sa dalawa. Bumuntong-hininga muna ito bago tumayo sa swivel chair na inuupuan niya. Naglakad ito papalapit kina Cameron. Senenyasan niya ang mga lalaking naka-itim na lumapit sa kinatatayuan nila.

Patapon niyang ibinaba ang map at napatingin naman doon sina Cameron. Binuksan nila ito at doon nakita ang kabuohan ng hideout ni Samuel. Ito ay isa sa mga most wanted person sa buong mundo, kilala ito sa pagbebenta ng mga iligal na armas pati narin ang pagpatay sa mga taong makikita niya.

"What's the plan?" seryosong tanong ni Cameron sa kanyang kapatid.

"Napag-aralan ko na ang buong lugar. Nasabi rin ni Alfred na marami ang nagbabantay sa lugar na iyon loob man o labas. There is cctv in every corner of the hideouts so it will be a bit difficult for us to get in." panimula ni Atticus at hindi naman umimik ang dalawa. "Para mapasok tayo sa lugar na iyan, we need to get to the security room near the lounge area."

Tiningnan ni Cameron ang map. Nasa bandang taas iyon, dadaanan muna sila ng balcony bago makarating sa lounge area.

"How do we get there? There is no other way to get there but to the balcony. I'm sure there's a cctv there and they can see us." kunot-noong sagot ni Cameron ng hindi manlang naalis ang tingin sa map.

"Tinatanong pa ba yan Cameron?" nakangising tanong ni Atticus dahilan para lingunin siya ng kapatid.

"Imposibleng wala kang makakasaluhang nagbabantay doon. Alam mo na kung anong ibig kung sabihin."

"Buwis buhay pala ang ganap ko mamaya. Sana makalabas pa ako ng buhay." nakangising aniya.

"Once you have entered the security room, you immediately enter the Quarters." turo ni Atticus at mabilis namang iyong tinanguan ni Javion.

Pinaliwanag pa ni Atticus kina Alfred kung paano nila papalibutan ng lugar na walang nangyayaring putukan. Tahimik lang rin sina Cameron habang nakikinig sa kapatid. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa mapa. Paulit-ulit niyang pinag-aaralan ang pasikot-sikot noon pati narin ang mga daan papunta sa opisina ni Samuel. Masyadong malaki ang hideouts at iyon palang ang unang beses na pupunta sila doon kaya hindi maiwasang maligaw sila ng landas.

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron ng muling magbalik sa kanyang ala-ala ang sinapit ng kanyang pamilya.

"Kami na ang bahala sa lobby pati narin sa armory room. You have to be careful with your every move because one big mistake, pwede tayong mamamatay lahat. Marami sila kumpara sa atin at hindi natin kakayanin kung pagsasabay-sabayin natin silang tutugisin."

"Well, goodluck para buhay natin mamaya." nakangising ani Cameron.

"Una na kami. Kita nalang tayo ulit sa Lunes." bulong ni Calvin sa dalaga ng makatayo siya sa sariling kinauupuan.

"Hmm.  Magiingat kayo."

"Yeah. Magpahinga ka agad pagdating mo sa bahay. Wag mong pinapapagod ang sarili mo."

"Boyfriend na boyfriend ang galawan natin Cal. Kulang nalang kunin mo na yang si Quincy at patirahin sa bahay niyo." singit ni Brix at hindi naman siya pinansin ng binata.

"Sige na. Mukhang gusto ng umalis ng mga kaibigan mo. Ingat." nakangiting sagot ni Quincy rito.

"Okay. See you on Monday Quin."

Bahagyang napapikit si Quincy ng maramdaman ang kamay nitong ginulo ang kanyang buhok. Ngumiti na lamang siya dito bago tumungo. Napansin naman iyon nina Angeline kaya hindi maiwasang tingnan ng mga ito si Quincy.

"Goodbye Sir Calvin, Sir Kyle. Sa susunod ulit." ani Lorenz.

"Thank you. Una na kami."

Inihatid ni Quincy ang magkakaibigan gamit ang kanyang tingin. Hinintay lang ng mga ito na makaalis ang binata bago nagtatakbo papalapit kay Quincy para maki-chika.

"Ang sweet ni Sir Calvin sayo  Quin. Nililigawan ka ba ni Sir Calvin?" kinikilig na tanong ni Ruby.

"Tumigil nga kayo. Hindi ako nililigawan ni Calvin. Magkaibigan lang kami saka ganon talaga siya sakin." nahihiya pang sagot niya sa mga ito.

"Alam mo, bagay kayo ni Sir." si Andrei.

"Oo nga. Mabait talaga yan ang magkapatid na yan lalo na si Sir Calvin. Hindi ko pa ata nakikitang magalit yun."

Napangiti si Quincy sa sinabi ni Angeline. Sumasang-ayon siya sa sinabi ng dalaga tungkol sa kambal.

"Kapag niligawan ka ni Sir Calvin, magpapaligaw ka?"

"Hindi. Kuntento na ako Ruby sa kung ano kami ngayon ni Cal saka hindi ako bagay sa mga katulad niya."

"Ano ka? Nasa teleserye na bawal magustuhan ng mayayaman ang mga dukha? Sos. Wala naman pakialam si Sir Calvin kung anong istado mo sa buhay saka hindi na niya kailangan pang maghanap ng babaeng le-level sa kanya." wika ni Lorenz.

"Alam niyo. Gutom lang kayo. Kaya tara kumain tayo sa lomihan mabuti pa." pagyaya nito sa mga katrabaho.

"Nag change topic. Ayaw pag-usapan. Nako! Nako! HAHAHAHA." napaigtad pa si Quincy ng tusukin ni Ruby ang kanyang tagiliran.

Lunch time nila ngayon at gusto ni Quincy na kumain sa lomihan dahil masyado na niyang nami-miss ang pagkaing na iyon. Sabay-sabay silang lumabas sa restaurant at nagtungo sa pinakamalapit na lomihan.

"Ako na o-order. Nakakahiya naman sa mga binibining kasama natin." presenta ni Andrei ng makarating sila doon.

"Ang bait talaga nitong isang to. Kunin ka na sana ni Lord." tawang-tawa asar ni Lorenz sa kaibigan.

Natawa naman ang dalaga sa dalawa. Umupo siya sa kahoy na upuan at tiningnan ang paligid ng lomihan na iyon. Marami ang nakain kay medyo mainit at masikip. Amoy na amoy rin ang usok na nanggaling sa sigarilyo ng mga nakatambay sa kabilang gilid ng kalsada. Madami ding nakikita si Quincy na nanlilimos at naglalarong bata sa harapan nila.

Tumigil ang tingin ni Quincy ng makita ang kaawa-awang batang lalaki na nakaupo sa kalsada. Hinang-hina ito at mukhang hindi pa kumakain o umiinom manlang ng tubig. Nagbaba nag tingin sa paa nito at napansin parang hindi ito okay. Nasa tabi noon ang saklay na gawa lamang sa kahoy at mukhang delikado pang gamitin.

"Quin, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Angeline.

"Pupuntahan ko lang yung bata."

Hindi na niya hinintay pang sumagot ito dahil dali-dali na siyang lumabas ng lomihan. Tiningnan niya ang kalsada kaliwa't kanang bago tumawid papalapit doon. Mas lalo pa siyang naawa ng inangat nito ang kamay sa kanya.

"Ate pahingi po ng barya. Hindi pa po ako kumakain at nauuhaw na po ako." malungkot na wika nito sa kanya.

Umupo sa tabi nito at tiningnan muli ang bata.

"Kailan ka pa hindi kumakain?" naaawang tanong ni Quincy.

"Mag-iisang linggo na po. Wala po ni piso ang nagbibigay sa akin sa mga dumadaan dito."

"Nasaan ang pamilya mo? May kapatid ka ba? Dito ka natutulog? Saka anong nangyari sa paa mo?" sunod-sunod na tanong niya sa bata.

"Hindi ko po alam kung nasaan ang pamilya ko, lumayas po kasi ako sa amin. Malupit ang bagong asawa ng ama ko at lulong sa droga. Palagi niya po akong sinasaktan lalo na po ng mamatay ang itay. Siya rin po ang may kasalanan kung bakit po napilay ang Isang paa ko. Wala po akong kapatid at kilalang kamag-anak na nandidito. Isang taon narin po akong pagala-gala sa lugar na ito para mamalimos." pagkwe-kwento niya.

Unti-unting namasa ang mata ni Quincy dahil sa narinig. Hindi niya kayang makita ng ganito kahirap na sitwasyon lalo na kung bata pa lamang ito. Pinunasan niya ang mata at ngumiti sa bata.

"Hintayin mo si Ate huh. Babalikan kita."

"Maraming salamat po Ate."

Tumango siya at mabilis na tumayo. Nagtatakbo siya sa lomihan.

"Anong sabi sayo ng bata? Matagal na yan diyan. Nakakaawa nga eh." ani Andrei sa dalaga ng malapit ito sa kanila.

Imbes na sagutin. Kinuha niya ang kanyang wallet sa kanyang bag.

"Pabantay naman ako. Pupunta lang ako sa dito sa katabing karinderya."

Tumango ang mga ito at mabilis na kinuha ni Ruby ang bag nito at tinago. Sinulyapan niya pa muli ang batang sinusundan siya ng tingin.

Mabilis siyang naglakad papunta sa karinderya.

"Ate, isang order po ng nilaga, pinakbet, isda saka po kanin. Saka po pwede po pakilagay sa styro box. Pakidagdagan narin po ng mineral water salamat po."

Mabilis naman nitong kinuha ang lahat ng kanyang order. Ilang minuto lang ang lumipas ibinigay na iyon at inabot naman niya ang bayad. Pumunta rin siya sa bilihan ng prutas para bumili ng apple para sa bata. Bumili rin siya ng mga biscuit para sa kakainin nito

You are reading the story above: TeenFic.Net