CHAPTER SIXTY TWO

Background color
Font
Font size
Line height

Paglapag na paglapag pa lamang ng private jet sa France, mabilis na nagtatakbo sina Kyle at pinagmasdan ang Eiffel tower. Unti-unting natigilan si Quincy at hindi makapaniwalang tiningnan ang bagay na iyon. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil sa wakas ay nakita na niya sa personal ang Eiffel tower.

"Bienvenue dans notre pays." nakangiting wika ni Xavia sa mga ito.

Trans: Welcome to our country.

"Let us all rest first before you enjoy the place." anas naman ni Atticus bago mag-lakad papalayo.

"Let's go Baby."

Hinawakan ni Cameron ang kamay ni Quincy at sumunod sa kanyang kapatid. Hindi parin makapaniwala ang dalaga habang silang naglalakad patungo sa kanilang pansamantalang tutuluyan.

Pinagmasdan niya ang bawat agrikultura na kanilang nadadaanan. Gandang-ganda siya doon kahit na makaluma na ang mga disenyo.

"Bon retour, Miss Xavia et Sir Atticus." bati sa kanila ng isang nasa medyo may katandaan ng lalaki.

Trans: Welcome back, Miss Xavia and Sir Atticus.

"Merci. Les chambres sont-elles prêtes pour nos visiteurs ?" tanong ni Atticus rito.

Trans: Thank you. Are the rooms ready for our visitors?

"Tout est prêt."

Trans: Everything is ready.

Bahagyang humakbang si Cameron papalapit sa kapatid dahilan para lingunin siya ng lalaki. Dahan-dahan siyang ngumiti rito bago nagsalita.

"Ravi de te revoir, Eugène."

Trans: Nice to see you again, Eugene.

Binati siya nito at niyakap pa. Matagal na magmula ng pumunta doon si Cameron at naging malapit ang loob nito kay Eugene. Bata pa ang binata kaya hindi kaagad siya nito nakilala.

"C'est toi Cameron ?" gulat na tanong pa nito at lumapit pa sa kanya.

Trans: Is that you Cameron?

Mabilis na tumango ang binata at masaya siyang niyakap. Tuwang-tuwa naman ito at tinugunan ang yakap ni Cameron.

"Cela fait un moment que je ne t'ai pas vu." masayang anito.

Trans: It's been a while since I saw you.

"Ouais.Je suis avec Javion maintenant.Mon ennemi numéro un." mabilis na hinikit ni Cameron ang pinsan at muling ngumiti sa kay Eugene.

Trans: Yeah. I am with Javion now. My number one enemy.

Sumama ang tingin ni Javion sa pinsan at pilit na ngumiti sa matanda. Tandang-tanda niya pa kung paano siya pagtulungan ng dalawa noong panahon nasa France sila.

"Comment vas-tu ?Te souviens-tu encore de moi ?Je suis le garçon que tu as toujours battu." mapaklang sambit ni Javion at tumawa-tawa naman ito.

Trans: How are you ? Do you still remember me I'm the boy you've always beaten.

"Je me souviens de toi.Tu es déjà un homme maintenant."

Trans: I remember you. You are already a man now.

Sabay na tumawa ang dalawa at tiningnan ang mga kaibigan. Pinakilala nina Cameron ang mga kaibigan sa mga ito at natigilan si Quincy ng dumapo ang mata ni Cameron sa kanya. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at muling tiningnan si Eugene.

"Je vous présente la femme que j'épouserai.C'est Quincy." matamis na anas ni Cameron.

Trans: I present to you the woman I will marry. It's Quincy.

Hindi maintindihan ni Quincy ang sinabi nito kaya pilit siyang ngumiti kay Eugene.

"Parlez anglais parce qu'elle ne semble pas comprendre ce que vous dites." bulong ni Atticus sa kanya at bahagyang lumayo muli.

Trans: Speak English because she can't seem to understand what you are saying.

"Nice to meet you Miss Quincy, I'm Eugene, the caretaker of the Villareal family." dahan-dahan nitong inilahad ang kamay at tiningnan naman iyon ng dalaga.

"Nice to meet you too." nahihiyang tugon ni Quincy matapos iaabot ang kanyang kamay rito.

"Come on, you need to rest." pagyaya ni Xavia at naunang naglakad sa mahabang hallway.

"Au revoir Eugène." kumakaway-kaway na pamamaalam ni Kyle sa matanda.

Trans: Goodbye Eugene.

Kumaway rin ang matanda sa kanila hanggang sa mawala ito sa paningin nila. Pinagmasdan ni Quincy ang paligid, pakiramdam niya ay nasa mundo siya ng mga mythical creatures dahil sa disenyo ng lugar. May sobrang laking fountain sa gitna ng mansion na iyon habang pinapaligiran ng sobrang ga-gandang halaman. Umakyat sila sa second floor kung nasaan ang mga kwarto.

"This room is for you two." nakangiting inabot ni Xavia ang susi kina Calvin at Kyle.

"Thank you." pasasalamat ni Calvin.

"Magpahinga muna kayo okay?"

Tumango-tango ang dalawa at tiningnan ni Kyle ang kasintahang si Princess.

"Saan ang room mo Babe?"

"Si Ate Xavia ang bahala don." masungit na sagot naman nito sa kanya.

"Bawal ba tayong magtabi?"

"Bawal!" singit agad ni Calvin sa kanya. "Baka magkaroon agad ako ng pamangkin."

"Sa labas ko naman ipuput-." hindi na natapos ni Kyle ang kanyang sasabihin ng bigla siyang hilahin ng kapatid papasok sa kanilang kwarto.

"ARAAAAY!"

Umiling-iling na lamang sina Dranreb bago tumawa ng tumawa.

"This room is huge so I think kasya kayong tatlo dito." turo ni Xavia kina Brix, Race, at Jethro.

"Nice thank you thank you. Ang ganda ng spot rito." masayang ani Race habang pinagmamasdan ang loob ng kwarto.

"Ang kwarto naman na ito ay para sa inyong tatlo." inabot ni Xavia ang susi ng kwarto kina Dranreb,Dwight at Matthew.

"Saan ako Ate Xavia?" ungot ni Javion habang nakasandal pa sa pader.

"Matulog ka kasama ang magulang mo." nang-aasar na ngumiti si Xavia dahilan para bahagyang bumuka ang bibig ng binata.

"Ano?! Ate Xavia naman eh, alam mo naman ayaw ko ng kasama sina Mom at Dad sa iisang kwarto. Ibe-baby na naman ako ng mga yun." nagmamaktol na sigaw nito at nginisian naman siya ng magkapatid na sina Cameron at Atticus.

"Family bonding Javion Pierce."

Ngumuso na lamang ito dahil iyon na lamang ang magagawa niya.

"Here's your room Baby Princess."

Binuksan ng dalaga ang kwarto at hindi napigilan ni Princess na mamangha sa loob ng kwarto na iyon. Sobrang aesthetic ng lugar at sobrang ganda ng view.

"Oh my god! This room is so  beautiful Ate Xavia." masayang wika nito.

"I hope you like it."

"I love it."

"Take a rest now."

Tumango si Princess at mabilis na nilapitan si Quincy para ito'y yakapin.

"See yah later Bestie."

"Hmm, sige na magpahinga ka na."

Nang maisara ng dalaga ang kanyang pintuan, sabay na tiningnan ni Xavia at Atticus sina Cameron at Quincy.

"You already know your room here Dekdek. This is the key." inabot ng dalaga ang susi na mabilis namang kinuha ni Cameron.

"Enjoy Baby Quincy." bulong ni Xavia bago kumaway-kaway sa kanila.

Naglakad ang dalawa patungo sa pinakadulo ng hallway sa kabilang side ng mansion. Kaagad na binuksan ni Cameron ang pintuan at pumasok silang dalawa doon.

Mabilis na inikot ni Quincy ang kanyang paningin sa buong lugar at muli siyang mamangha kung gaano kaganda mata ang lahat ng nandodoon. Pastel ang kulay ng pader at sobrang aesthetic ng mga gamit. Tiningnan niya rin ang king size bed na halos walang kagusot-gusot ang bed sheet.

"Best spot Baby." nakangiting sabi ni Cameron at binuksan ang bintana.

Kitang-kita mula sa kama ang Eiffel tower.

Umupo si Cameron sa single sofa na nasa tabi ng kama at senenyasan si Quincy na lumapit sa kanya. Pinaupo niya ito sa kanyang kandungan at niyakap niya ang bewang nito.

"So relaxing."

"Kwarto mo to?"

"Hmm, ang ganda diba? Si Ate Xavia ang nag-design ng lahat ng nakikita mo." proud pang tugon nito.

"Bagay na bagay sa lugar."

"I agree."

Bumaba ng sala sina Atticus at bumungad sa kanila ang ina ni Xavia maging ang mga kaibigan nito na masayang nakikipag-usap kina Dalbert at Rosanna.

"Mom." tawag ng dalaga sa kanyang ina.

Mabilis itong nag-angat ng tingin at mabilis na siyang nginitian.

"Enfin, vous êtes ici.Comment s'est passé le voyage ?" tanong nito matapos yakapin sina Atticus at Xavia.

Trans: Finally, you are here. How was the trip ?

"Rien n'a changé." nakangiting sagot ni Atticus.

Trans: Nothing has changed.

Bahagyang sumilip si Javion sa ama't ina bago tiningnan ang dalawang dalaga na nakatingin sa kanya. Kinalabit niya si Atticus dahilan para tingnan siya nito.

"Sino sila?" bulong pa nito at bahagyang tinuro sina Fayette at Avryll.

"Don't you remember them anymore?" nakangiwing tanong ni Atticus at tumango-tango naman ito.

"They are your Ate Xavia's bestfriend."

"Ahh yung dalawang maingay tas maharot din minsan?"

Hindi napagilang humalakhak ng binata dahil sa sinabi ni Javion. Mabilis siyang nilingon ng mga ito ng may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Saktong-sakto."

"Why are you laughing Boo?" nagtatakang tanong sa kanya ng kasintahan.

"Nothing Boo."

Naglakad si Javion papalapit sa ama't ina at naupo sa arm rest ng inuupuan ni Rosanna. Kaagad niyang nilabanan ang tingin ni Fayette at Avryll bago ngumiti sa mga ito.

"Nice to meet you again."

"You're Javion right?" tanong ni Fayette at tumango-tango naman siya.

"You're more handsome now."

"Yeah I know." taas-noong sagot nito.

Kinagat ni Javion ang kanyang ibabang labi at pasimpleng itinaas ang t-shirt na suot-suot dahilan para lumabas ang bahagi ng kanyang tiyan kung saan may pandesal. Nakita niya na nagbaba ng tingin doon ang dalawa at mas lalo siyang napangisi.

"Have you seen our friends yet?"

"Not yet. Xavia told us they were still resting." ani Avryll.

"I'm sure you'll 'like' them." makahulugang tugon pa ni Javion bago magbaba ng tingin sa kanyang magulang.

Lumabas ng kwarto si Calvin para ikutin ang buong mansion ng pamilya ni Xavia. Hindi siya makatulog sa kwarto nila kaya napagdesisyunan na lamang niyang lumabas. Tahimik sa buong hallway na gustong-gusto naman ng binata, naglakad siya papunta sa fountain at bahagyang lumapit. Hindi niya inaasahang may mga bilang ng isdang nandodoon na masayang lumalangoy.

Nagliliparan rin ang ilang mga paru-paro sa mga magagandang halaman na nandodoon.

"Cal."

Dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang likuran ng makita niya si Quincy. Ngumiti siya rito hanggang sa makalapit ito sa kanya.

"Hindi ka ba magpapahinga?" tanong ng dalaga.

"No. It is better to look at this place than to sleep." nakangiting tugon niya habang pinagmamasdan ang asul na paru-paro.

"Sobrang ganda pala talaga rito. Ito ang unang bansang napuntahan ko maliban sa Pilipinas."

"Hmm, where's Cameron?"

"Nagpapahinga."

"Hindi ka ba magpapahinga?" tanong ng binata.

"Mamaya nalang siguro, malapit naring maggabi."

Tumango si Calvin at tiningnan ang tambayan na nasa tabi.

"Halika don." wika nito at tinuro pa ang upuan.

Sumunod sa kanya ang dalaga at sabay silang naupo sa magkaibang upuan. Sumandal si Calvin at ginawa niyang unang ang sariling mga braso.

"May balak ba kayong puntahan ni Kyle kinabukasan?" biglang tanong ni Quincy.

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?"

"We’ve been here a few times and we can almost memorize the whole of Paris." nakangising anito.

"Sabagay, mukhang hindi na nga nakakapanibago kung sasabihin niyong halos malibot niyo na ang buong mundo." tumatawang ani Quincy.

"Isa ito sa mga lugar na gustong-gusto kung puntahan. Pagkatapos kung makapunta ng France, gusto naman pumunta ng Italy tapos kasunod naman ay sa Spain, Poland, Switzerland, Japan, South Korea at marami pang iba."

"Magaganda ang lahat ng lugar na yan. We lived in Switzerland for a few years and there I can say you will fall in love with nature. Everywhere you look the place is beautiful. Very peaceful."

"Gustong-gusto ko ang gano'n lugar Cal."

"I'm sure you can go everywhere you want to go."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. Pareho lang nilang pinagmamabilis ang magandang paligid sa kanilang harapan pati narin ang paggalaw ng mga ulap.

Bumukas ang mata ni Cameron at hindi niya nakita ang dalaga. Humihikab pa siyang bumangon at kinuha ang kanyang cellphone para tingnan ang oras. Tumayo siya sa kanilang kama at lumabas ng kanilang kwarto. Bahagya siyang naglakad at tumingin sa fountain at nakita niya ang mga kaibigan na nandoon. Mabilis na dumapo ang kanyang mata kay Quincy na panay ang tawa kina Javion.

"Ay wow! Damo ba to?" tanong ni Javion habang nakaturo sa bermuda grass.

"Gagi ang angas! Pwede palang maging fish pond ang fountain." wika naman ni Kyle habang nakatingin sa mga isdang nandodoon.

"Bugok, wishing well talaga yan!" anas naman ni Dranreb.

Dumukot ang binata sa bulsa ng kanyang pantalon para lamang maghanap ng barya. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki ng may makapang piso.

"Hindi naman wishing well yan. Ang tanga mo naman. Nakakahiya kang isama sa ibang bahay, magmumukha tayong bobo lahat." masungit na tugon ni Javion nang makalapit rin doon.

Ngumisi Cameron at mabilis na bumaba at nagtungo doon. Napansin siya ng dalaga kaya mabilis siyang sinulyapan nito. Umupo si Cameron sa tabi ni Quincy at binigyan niya ng matamis na halik sa labi ang dalaga.

"Kamusta ang tulog mo?" nakangiting tanong ni Quincy habang hinahagod-hagod ang pisngi ng kasintahan.

"Okay lang. Kanina pa kayo rito?" tanong niya habang ang tingin ay nasa kaibigan.

"Hmm, hindi naman."

Tumango-tango siya at pinagmasdan muli ang bawat kilos nina Dranreb.

"Mag wi-wish lang ako kahit isang beses lang." nakangusong ani Kyle matapos agawin ang pisong hawak ni Dranreb.

"Bakit hindi ka kumuha ng piso mo bakit piso ko pa ang gagamitin mo?" iritang tanong ni Dranreb at mabilis na kinuha ang kanyang piso sa kamay ng kaibigan.

"Wala nga akong barya!"

"Problema mo na yun!"

"Hindi nga sabi wishing well yan Dranreb! Tumigil ka nga!" pigil ni Javion at bahagya pang hinikit ang kaibigan papalayo sa fountain.

"Hindi ba kayo titigil tatlo? Ang iingay niyo! Hindi tuloy makadapo yung mga paru-paro sa bulaklak dahil sa inyo!" iritang sigaw ni Dwight.

Kanina niya pa pinagmamasdan ang asul na paru-paro na makadapo sa bulaklak na nandodoon.

"Ano namang kinalaman namin sa pagdapo ng paru-paro sa bulaklak?"

"Ang ingay ng bibig mo JP. Hindi siya makapag-concentrate." iritang tugon nito at muling tiningnan ang paru-paro. "Ayan tuloy! Umalis na!"

"Pwede kayang lutuin yang mga isdang yan? Mukhang mamahalin." nagugulumihanang ani Jethro dahilan para lingunin siya nina Race.

"Platinum arowana yun diba?" turo ni Brix sa isdang malapit sa kanila.

"Ang mahal niyan mga Pre. Yan ang number one na most expensive na isda sa buong mundo." si Matthew.

"Freshwater polka dot stingray naman ang isang yun na nagkakahalaga ng five million one hundred thousand." turo naman ni Jethro sa isa pang isda.

Lahat ng isdang doon ay hindi nakalampas sa paningin ng tatlo. Pinagmamasdan nila ang mga iyon habang sinasabi ni Jethro kung anong klaseng isda iyon.

"Kumuha kaya tayo ng isa tapos prituhin natin, matikman manlang natin kung gaano kasarap ang gintong isda." ani Race at tumango-tango naman ang tatlo sa kanya.

Umiling-iling na lamang sina Cameron at Calvin habang pinapakinggan ang kalokohan ng mga kaibigan.

"Pwede bang kumuha ng mga bulaklak rito?" tanong ni Princess.

Kanina niya pa gustong pumitas ng mga bulaklak na nakikita niya.

"Yeah."

"OMG! Sigurado ka Fafa Cameron?" masayang tanong nito sa binata.

"Hmm, ano bang gusto mo diyan?"

"Sympre yung rose." mabilis na sagot nito tumango naman si Cameron.

Tumayo ang binata at nagtungo kung saan nakatanim ang mga rosas. Umupo siya doon at pinagmasdan ang pwedeng pitasin. Kinuha niya ang cutter at mabilis na pinutol ang tangkay ng magandang rosas at muling pumutol ng panibagong tangkay. Pumunta pa siya sa ibang klase ng bulaklak para ibigay kay Quincy.

"Thank you Fafa Cameron." kinikilig na kinuha ni Princess ang inaabot na mga rosas sa kanya ng binata.

Tumango lamang ito at abot ngiting tiningnan si Quincy.

"Flowers for my binibini."

Hindi ring napagilan ng dalaga na mapangiti dahil sa kilig na nararamdaman. Dahan-dahan niyang kinuha iyon at tiningnan ang mga mata ni Cameron.

"Thank you Baby."

"You're always welcome Baby."

Tumungo si Cameron para halikan ang noo ng dalaga.

"I love you."

"I love you too."

Napasinghap si Calvin at mabilis na inalis ang tingin kina Cameron at Quincy. Tiningnan niya ang mga kaibigan na nagtatakbuhan paikot ng malaking fountain na iyon.

A/N: Paano naman ako nahulog na sa iyooooo~ HAHAHAH okay lang yan Calvin Amadeus. Wait for the one for you.

"Takbo hangga't may lupa!" natatawang sigaw ni Javion habang hinahabol ang mga kaibigan.

Para mga itong mga bata na naiwan ng mga magulang sa playground.

Sabay-sabay na napahiga ang mga ito sa damo habang nagtatawanan. Mga kapwang pagod na pagod at naghahabol pa ng hininga.

"Wala pa itong si Dranreb, mahina sa takbuhan." nang-aasar pang wika ni Matthew habang nakahiga sa kaibigan.

"Kapal mo naman, hinahawakan mo lang ako kaya bumabagal ang takbo ko." angal pa nito.

Nagtawanan muli ang mga bago tiningnan ang apat na nakaupo sa bench.

"Ano kayong dalawa? Nag be-bebe time kayo habang kami rito ay naglalaro lamang na parang bata? Mali yun!" ani Javion.

"Inggit ka lang." nang-aasar na sagot naman sa kanya ni Cameron.

"Babe! Sinong nagbigay sayo ng bulaklak ah?! Nalibang lang ako pinagpapalit mo na ako."

Sumama ang tingin ni Princess sa kanyang boyfriend dahil sa sinabi nito.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo'ng sabihin sakin yan. Una sa lahat, binigay ito ni Fafa Cameron at panghuli mahiya ka! Boyfriend kita pero hindi mo manlang ako mabigyan ng ganito!"

"Ohhh foul yun ah." nang-aasar na wika naman ni Matthew at mabilis naman siyang sinamaan ng tingin ni Kyle.

"Gusto mo bigyan kita ng lupa tas ikaw na magtanim?"

"Ewan ko sayo! Hindi ko alam kung bakit pa kita sinagot! Nagsisisi na ako!"

"Hoy!" mabilis na tumayo si Kyle at lumapit sa dalaga. "Nagbibiro lang naman ako Babe eh. Sorry na."

"Umalis ka sa tabi ko at baka masampal kita at umikot yang mukha mo 360°!"

Tumawa-tawa si Quincy habang nakatingin sa dalawa.

"Nagbibiro nga lang ako, ibibili kita niyan. Wag ka na magalit." parang batang nag puppy eyes pa ang binata habang nakatingin sa kasintahan.

Sinamaan niya na lamang ng tingin si Kyle at hindi na nagsalita.

"Sad boy ka Calvin?" biglang tanong ni Cameron ng mapansin ang pananahimik ng

You are reading the story above: TeenFic.Net