CHAPTER SIXTY SEVEN

Background color
Font
Font size
Line height

Mabilis na lumapit si Quincy sa kanyang ama at mahigpit itong niyakap.

"Paano kayo nakauwi Pa?" humihikbing tanong ng dalaga.

Ngumiti ang kanyang ama at dahan-dahang nilingon si Cameron dahilan para lingunin niya rin ang binata.

"That's the only way I know how to make you happy Baby." anas nito.

"Si Cameron anak ang gumawa ng paraan para makauwi ako ng maaga rito sa Pilipinas." tuwang-tuwa namang singit ng kanyang ama.

Kakaibang saya ang naramdaman ni Quincy habang pinagmamasdan ang kanyang ama. Pakiramdam niya'y hinahanap ng katawan niya ang aruga nito. Muli niya itong niyakap ng pagkahigpit-higpit bago tiningnan si Cameron.

"Thank you."

Napangiti si ang binata ng mabasa niya ang buka ng bibig ng dalaga. Lumapit siya rito at niyakap ang dalawa.

"Pwede na po ba akong pumasok sa pamilya niyo?" parang batang tanong nito sa ama ni Quincy.

"Matagal ka ng nakapasok, anak."

Mas lumaki pa ang ngiti ni Cameron ng marinig na tawagin siyang anak nito.

"Good morning Tito Efren, natatandaan niyo pa po ba ako?" tanong ni Princess habang kumakaway rito.

"Ikaw ba yung si Princess?"

"Omsim Tito. Welcome back! Alam ko po na miss na miss ka na ni Bestie." magiliw pang sagot nito habang tinutusok-tusok ang tagiliran ni Quincy.

"Natatandaan ko pa naman. Wala ka paring pinagbago, madaldal na bata ka parin."

Bahagya namang ngumuso ang dalaga dahilan para ito'y matawa. Dahan-dahang sinulyapan ni Efren sina Calvin na noon ay tahimik lamang sa kanilang kinauupuan.

"Ito na ba ang mga kaibigan mo Anak?"

Tumango-tango ang dalaga bilang sagot sa tanong ng ama.

Nauna ng tumayo si Javion para ipakilala ang sarili sa matanda.

"Good morning Sir, I'm Javion Pierce Nachreiner. Nice to meet you Sir."

Dahan-dahang nilahad ng binata ang kanyang kamay at kinuha naman iyon ni Efren.

"Kinagagalak kung makilala ka ijo."

"Dwight Dawson Ferrer Sir."

"Neil Jethro Fajardo po."

"Ang bait ni Jethro sa part na yun." bulong ni Javion sa katabing si Cameron.

"I'm Dranreb Nasir Cabrera Sir. Nice to meet you." abot tengang ngiting pakilala naman ni Dranreb.

"Matthew Nicholai Zamora, Matthew nalang po."

"Ang gwapo naman ng batang ito."

"Since birth Tito."

"Napuri lang lumaki na agad ang ulo."

"May sinasabi ka ba JP?" nanliliit na tamang tanong nito sa kaibigan.

"Wala ah."

"Inggit. Hindi ka kasi sinabihan ng gwapo."

"Hindi na kailangan sabihin, kitang-kita naman sa face." tinuro-tinuro pa nito ang kanyang mukha habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Sinaman na lamang ni Matthew ng tingin ang kaibigan at muling bumalik sa kanyang pwesto.

"I'm Brix Rowell Ybañez Sir Efren. Manang-mana po sa inyo si Quincy."

"Unica ija ko."

Mabilis na tumayo si Kyle at bahagya pang nagulat si Efren ng bigla itong tumigil sa kanyang harapan. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki habang kumakaway pa.

"Hi Tito Efren. I'm Kyle Gabriel Fernandez. Ang best na best friend ni Harley Quin."

Hindi napigilan ni Quincy na tumawa dahil sa sinabi ng binata.

"Aba, mukha ngang malapit kayo sa isat-isa nitong anak ko."

"Malapit na malapit po talaga."

"Tsk." anas ni Princess at pasimpleng sinamaan ng tingin ang kanyang kasintahan.

"Ako nga po pala ang boyfriend ni Princess." dagdag pa nito at kagaad namang nilingon ni Efren ang dalaga.

"Katipan mo ang gwapong batang ito?"

Tumango-tango naman si Princess kaya mas lalong napangiti si Kyle.

"Bagay na bagay kayo."

"Yiiieee talaga Tito?"

"Oo, pareho kayong maingay."

Hindi napigilan nina Quincy na tawagan ang kaibigan na pareho ng nakanguso dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Sino namang itong kamukha mo?" turo ni Efren Kay Calvin na nakatayo sa likuran ng kapatid.

Pasimpleng nagkatinginan sina Cameron at Calvin. May pagbabanta sa paraan ng tingin ni Cameron dahilan para mapangisi ang binata.

Dahan-dahang itong naglakad papalapit sa harapan ni Efren habang ang tingin ay nasa dalaga.

"Good morning Sir, I'm Calvin Amadeus Fernandez. He's my twin, I am happy to meet the giver of life to the most beautiful woman I have ever met."

"Ao." wika ni Javion at pinagmasdan ang magiging reaksyon ng pinsan sa sinabi ng kaibigan.

Bahagyang ngumiti si Quincy ng magtama ang paningin nilang dalawa ng binata.

"Kinagagalak ko ring makilala ka ijo."

"Thank you Sir."

Tumayo si Atticus mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad papalapit sa mga ito.

"It's already lunch, let's go and eat. The trip was starving." pagyaya nito at tumango naman ang lahat.

Mabilis na lumapit si Cameron sa kasintahan at mabilis na hinawakan ang kamay nito.

"Ikaw ang may birthday pero bakit ang wish ko ang tinupad mo?" masayang tanong ng dalaga ng makalabas sila sa opisina ni Dalbert.

"You fulfilled my wish Baby."

"Ano? Wala ka namang sinasabi sakin kung anong wish mo ah." nagtatakang tanong nito.

"Ang wish ko ay mapasaya kita dahil kapag masaya ka masaya narin ako."

Hindi napigilan ni Quincy na mapangiti dahil sa sinabi ni Cameron. Mabilis niya itong niyakap at hinalikan ang labi nito.

"Thank you Cameron. Sobrang saya ko dahil makakasama ko na ng matagal si Papa. Alam mo kung ilang taon kaming nawalay sa isat-isa."

"Yeah I know that."

Ngumiti ng pagkalaki-laki ang dalaga at muling niyapos ang bewang ng kasintahan.

Nang makarating sila sa parking lot, akmang sasakyan ang mga binata sa kani-kanilang sasakyan ngunit kaagad na pinigilan ang mga ito ni Atticus.

"Let's just use the van to go to Biryani's restaurant."

"Will we eat at our restaurant?" sabay na tanong ni Calvin at Kyle rito.

"Why?" nagtatakang tanong naman ni Atticus sa kambal.

"Wala-wala Kuya Atticus. Nagulat lang kami ni Brother hehe." tugon ni Kyle bago ngumiti ng paglaki-laki.

"Ayaw niyo ba kaming pakainin sa restaurant niyo?" masungit na tanong ni Cameron.

"Tsk." anas ni Calvin.

"Let's go guys, our guest is hungry. Tito Efren was also tired from the trip."

"Wag mo akong isipin Xavia, busog pa naman ako." wika ng ama ni Quincy.

"Get inside." utos ni Atticus.

Tumango ang mga ito at mabilis na pumasok sa Van. Tumabi sina Cameron at Quincy sa kanyang ama habang magkakatabi naman ang mag-asawa maging si Albert. Sina Javion naman ay naupo sa pinakadulo ng upuan at hindi na nagsalita pa.

Hindi narin nagtagal pa ang van sa eskwelahan at kaagad na tinahak ang daan patungo sa Biryani's Restaurant.

"Quinnnnn!" gulat na tawag ni Angeline ng makita ang dalaga.

"Ange! Ruby!"

Nagtatakbo ang dalawa papalapit kay Quincy para siya'y yakapin ng pagkahigpit-higpit.

"Where's Dad?" biglang tanong ni Calvin dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya.

Noon lamang rin nila napagtanto na nandodoon ang mga kaibigan nito kaya mabilis silang umayos ng postora.

"Good morning Sir Calvin, Sir Kyle." magalang na pagbati ng dalawa.

"Where's Dad?" muling tanong ng binata.

"Nasa opisina niya Sir Calvin."

Tumango-tango ang binata saka tiningnan ang ka-kambal. Mabilis na nakuha ang paraan ng pagtingin ng kapatid kaya mabilis itong naglakad sa harapan nila.

"Let's go."

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Quincy ng makitang nanatiling nakatayo si Calvin.

"I'm just going to Dad." nakangiting sagot nito sa kanya.

"Sige."

"Anak, halika na." pagyaya ni Efren ng mapansing hindi niya kasunod ang anak.

"Opo."

Pinagmasdan na lamang ni Calvin ang dalaga na nagtatakbo papalapit sa ama.

"Sino yun Sir Calvin?"

"Her father." aniya kay Ruby.

"Talaga? Ang gwapo pala ng father ni Quin." anas naman ni Angeline.

"I'll just talk to Dad. Follow us to our table."

"Yes Sir Calvin."

Sabay-sabay na naupo sa mahabang table ang magkakaibigan. Senenyasan narin ni Kyle sina Ruby na ihanda ang kanilang makakakain.

"I didn't expect you to come Kuya." nakangiting sabi ni Cameron habang nakasandal ang ulo sa dibdib ng kapatid.

"When did I miss your special day Dekdek?" tanong nito sa kapatid.

"Kaya sayo ako eh."

"Kamusta naman ang buhay OFW Tito Efren?" tanong ni Javion dahilan para mapatingin ang lahat sa ama ni Quincy.

"Natural naman siguro para sa inyo ang sagot na mahirap. Bukod sa malayo ka sa pamilya mo, sarili mo lang rin ang maaasahan mo sa lahat. Nagpapasalamat ako dahil ang swerte ko naging amo ko. Wala akong naging problema sa kanya. Sa katunayan nga, binibigyan niya pa ako ng puhunan para makapagpatayo ng negasyo para sa nag-iisang prinsesa ko." tugon ko bago nilingon si Quincy na ngiting-ngiti sa kanya.

"Ang saya ng pamilya niyo Tito Efren. Kahit kayo nalang ni Bestie, nakikita ko parin na masaya parin kayong pamilya."

"Hmm, Wala namang kaming magagawa ng anak ko kundi magpatuloy sa buhay Princess. Alam ko na masaya narin naman ang Ina niya sa bago niyang pamilya."

Pinagmasdan ni Quincy ang kanyang ama na abala sa pagkwe-kwento sa naging Buhay nito sa ibang bansa. Hindi niya maiwasang malungkot sa tuwing ikini-kwento nito kung gaano kalungkot mawalay sa pamilya. Nanatili namang tahimik si Cameron habang pasimpleng tiningnan ang reaksyon ng mukha ng kanyang kasintahan.

Habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan, dumating narin si Calvin kasama ang kanyang ama.

"Happy birthday Ijo." bukod agad nito kay Cameron.

Tinapik-tapik pa niya ang balikat ng binata bago sulyapan si Quincy.

"Thank you Tito Fernan."

"Good afternoon Tito Fernan." bati nina Javion sa matanda.

"Good afternoon." masayang tugon nito sa mga binata.

"Tsk same old Fernandez."

"You're here Dalbert, nakakita na naman ako ng hambog na tao." pang-aasar nito dahilan para sumama ang tingin ng ama ni Javion.

"Shut up Fernandez."

"Hindi ako papayag non Dad. Kung ako yun, mag 1v1 kami sa basketball non tas ang mananalo bibigyan ng bagong house and lot."

"Shut up Javion Pierce." pagpapatigil ni Calvin sa kaibigan.

"Take a sit Tito Fernan." nakangiting tinuro ni Atticus ang bangkong nasa kanyang harapan.

Mabilis na tumayo si Quincy at dahan-dahang ngumiti sa matanda. Tiningnan siyang muli niyo bago magbaba ng tingin kay Efren.

"Sir Fernan, tatay ko po."

"Ikaw pala ang ama ng mabuting batang ito."

Nilahad ni Fernan ang kamay sa harapan nito na mabilis namang kinuha ni Efren.

"Ako nga pala si Efren. Nabanggit ka sa akin ng anak ko at nag pa-part-time siya rito sa restaurant niyo."

"Yeah wala akong masabi sa anak mo, Fernan. Sobrang bait na bata, hindi ko manlang makita ang batang yan magreklamo."

"Ganyan ako ka-swerte sa kanya Tito." pagmamalaking singit ni Cameron sa usapan.

"Papansin." nang-aasar na bulong ni Dranreb at mabilis siyang sinaman ng tingin nito.

Ngumiti naman si Quincy kay Fernan bago lingunin ang ama at ang kanyang kasintahan.

"what are your plans for your birthday? I can't believe it's so simple to celebrate your birthday."

"Ang kapatid ko lang ang makakasagot niyan Tito Fernan."

Umayos ng upo si Atticus at unti-unting humilig ang ulo patungo sa matanda.

"The place is still being prepared. We will go there after lunch."

"I'm sure Celeste and I can go."

Tumango-tango si Atticus rito.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating narin sina Ruby dala-dala ang mga pagkain na para sa kanila. Sabay-sabay na umupo ito sa harapan ng magkakaibigan at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Hi Tito, Ruby po. Friend po ako ni Quin." pagpapakilala ni Ruby sa kanyang sarili.

"Angeline naman po."

"Lorenz po Tito."

"Andrei naman po. Nice to meet you."

"Kinagagalak ko ring makilala kayo." tugon naman nito sa kanila.

"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kasi ako eh."

"Javion Pierce."

"What? Bawal bang maging honest rito?" masungit na tanong nito sa ama.

"Ikalma mo itlog mo JP, nawawala pagiging maangas mo." bulong ni Jethro sa kanya.

"Aanhin ko ang pagiging maangas ko kung nagugutom ako?"

"Kumain ka na! Ang ingay mo!" iritang asik ni Cameron sa pinsan.

Tumawa naman ang iba ng magsimula itong kumuha ng pagkain at parang walang pakialam na kumain.

"Gutom na gutom ang abunjing-abunjing."

"Kumain ka na Matthew, wag mo akong pinapakialamanan."

Nagsimulang kumain ang mga ito at muling nagkwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay.

"Pustahan tayo, ako lang ang mukhang matino at walang ginagawa sa ating masama rito."

"Ang kapal naman ng pagmumukha mong yan Brix! Mukha ka ngang fuckboy!"

"Watch your word Javion Pierce." pananaway ni Dalbert sa anak.

"Shhhh Dad, usapan ng mga Gen Z to. Hindi ka na kasali."

Tumawa naman nagpakalala-lala sina Dwight dahilan para matawa narin ang iba sa kanila.

"22 ka na Cameron. Baka naman gusto mo ng magpakasal!"

"Bakit kailangan mong pakialamanan pati ang pagpapakasal ko Race?"

"Bakit hindi? Nasa tamang edad ka na, kaya mo na bumuhay ng pamilya. Ano pang hinihintay mo? Mindset ba mindset?!" sagot naman nito habang tinuturo-turo ang kanyang sintido.

"Kahit kaya kong bumuhay ng pamilya, wala kang pakialam kung kailan ko gustong mag pamilya. Kaibigan lang kita pero hindi kita asawa."

"Owww bars two joints parang mafia." humalakhak na sigaw ni Javion at inaasar-asar pa ang kaibigan gamit ang kanyang tingin.

Panay naman ang tawa nina Quincy habang nakikinig sa biruan ng mga kaibigan. Pati narin si Efren na hindi narin mapigilang humalakhak dahil sa mga ito.

"Ikaw Race bakit hindi ka na mag-asawa mukha namang Ikaw tong gusto na ng pamilya."

"Omsim Tito Efren!" pagsang-ayon ni Dwight sa sinabi nito.

Pinalo pa nito ang lamesa bago tumayo para lamang makipag-five high sa matanda.

"Paano naman ako magkakapamilya Tito, no girlfriend since birth ako. Ganon ako kabait na lalaki."

"Kung nakakamatay lang ang pagiging sinungaling, matagal ka na nakalibing." nakangiwing sabi ni Cameron.

"Kanina ka pa ah! Wala ka ng ginawa kundi barahin kami. Kaibigan pa ba ang tingin mo sakin?!"

"Oo nga nakakasama ka na ng loob eh!" anas naman ni Kyle.

"Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo? Bakit ayaw niyo sabihin sa harapan ng lamesang to kung gaano kayo ka-hayuk sa kabibe?"

Sabay-sabay na umawang ang labi nina Jethro habang ang kani-kanilang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa kaibigan.

"Wala ito, nilalaglag na tayo." kamot-sintidong ani Dwight bago maupo sa kanyang bangko.

"Parang others, kulang sa bakuna. Anti-tetanus." iritang bulong ni Javion.

Tawang-tawa naman ang binata dahil naasar niya ang mga kaibigan. Kaagad siyang tumingin sa kasintahan at mabilis na hinalikan ang likuran ng palad nito.

"I love you Baby."

"Tsk, kumain ka na ulit."

"Ao, naglalambing lang naman ako."

"Mamaya ka na maglambing, maaga pa."

Ngumuso ang binata dahilan para siyang matawa.

Kinuha niya ang sariling kutsara at kumuha ng pagkain na galing sa kanyang Plato Saka iyon isinubo Kay Cameron.

Napakunot ang noo ni Atticus na hindi sa inaasahan may nahagip ang kanyang paningin. May tumigil na itim na kotse sa parking lot ng Biryani's restaurant at dahan-dahang bumukas ang pintuan at bumaba ang Isang binata.

Mas natigilan pa si Atticus ng masigurdo niya kung sino iyon.

Si Victor Laurier.

"¿Está seguro de que vamos a comer aquí, Sir Victor?" bulong na tanong ni Alejandro habang iniikot ang paningin sa lugar.

Trans: Are you sure we're going to eat here, Sir Victor?

"Si. Escuché que este restaurante está siendo visitado aquí en Manila. Quiero probar la comida aquí." nakangiting sagot naman nito.

Trans: Yes. I heard that this restaurant is being visited here in Manila. I want to try the food here.

Tumango na lamang sina Alejandro at Miguel at naghanap na ng pwesto doon.

"Let's go." pagyaya ni Atticus at nauna ng tumayo sa kanila.

"Bakit? What's wrong?" nagtatakang tanong ni Cameron na mapansing di mapakali ang kanyang kapatid.

"We're not safe here."

"Wh-at? Why? There's something wrong?" biglang kinabahang tanong ni Cameron at mabilis na inikot ang paningin sa lugar.

"Javion."

"Yes Kuya Atticus?" masayang sagot pa nito.

"Wear this." mabilis na kinuha ni Atticus ang sombrero na inabot ni Alfred sa kanya.

"Why?"

"Stop asking why, just follow me!" giit naman nito.

Nagkatinginan ang magpinsan at Wala ng nagawa kundi sundin na lamang ang sinabi ni Atticus. Mabilis nilang sinuot ang sombrero na iyon at kaagad na nauna sina Alfred. Hinawakan ni Cameron ang kamay ng kasintahan dahilan para ito'y mapatingin sa kanya.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Quincy sa kanya.

"Yeah, let's go." pekeng ngumiti na lamang ang binata at sumunod sa dalawa.

"See you later."

"Thank you for the delicious food Fernan." pasasalamat ni Dalbert rito.

"Lahat naman ay masarap sayo Dalberto."

"God damnit Dalberto." iritang asik nito dahilan para tawanan siya ng kaibigan.

"Kita-kits nalang ulit sa susunod Quin. Miss ka na namin ka-bonding." nakangiting wika ni Lorenz sa dalaga.

"You can come to our house." singit ni Cameron.

"Nako, wag na Sir. Happy birthday nalang sayo." pagtanggi nito sa kanya.

"Ikaw bahala."

"Paano? Kita nalang ulit tayo sa sabado." lumapit si Ruby at Angeline sa dalaga at mahigpit siyang niyakap ng mga ito.

"Thank you rin sa inyo."

"Sa susunod

You are reading the story above: TeenFic.Net