•CHAPTER SIXTEEN•

Background color
Font
Font size
Line height

Quincy stared at herself in front of the mirror. She looks at her own face and wonders what else is missing just to make her look presentable. Simple lamang ang kanyang itsura, nakasuot ng white off shoulder at black skinny jeans habang white heels naman sa kanyang pang paa. Nakabuhaghag rin ang kanyang buhok at naglagay lamang siya ng kunting make-up para hindi siya magmukhang maputla.

It's friday night, she had to go to dinner with them.

Quincy just sighed before grabbing her shoulder bag that was on her desk. Maghihintay pa siya ng taxi papunta sa lugar kung nasaan ang mga ito. Masyado pa namang maaga kaya hindi niya kailangan magmadali. Lumabas na siya ng kanyang room at ni-lock ang pintuan.

"Mukhang may lakad ka."

"Opo Mang Toto."

"Ingat sa biyahe. Gabi na at marami ng nagkalat na masasamang loob sa tabi-tabi."

Quincy smiled before nodding to Mang Toto.

Nagpaalam na siya rito at nagtatakbo na palabas ng apartment. Unti-unti siyang natigilan ng makita ang isang lalaking nakasandal sa motor nito habang magka-krus ang braso't paa. When Cameron noticed Quincy, he slowly looked at what she was wearing before stopping at her face again.

"A-nong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Quincy ng makalapit siya sa binata.

Bumaba ang kanyang tingin sa suot-suot ni Cameron. Gaya niya, simple lang din ang suot nito. Naka black cup, white t-shirt, black jacket, black pants at white sneakers.

"Sinusundo ka."

"Bakit? Kaya ko namang pumunta don ng mag-isa."

"Tsk. Napag-utusan lang ako. Let's go. Tayo nalang ang hinihintay nila." aniya.

Mabilis itong sumakay sa kanyang motor at muling tumingin sa dalaga.

"Hindi mo na kailangan mag helmet, safe ka na sakin." nakangising dagdag pa nito at senenyasan siyang sumakay sa kanyang likuran.

Bumuntong-hininga si Quincy at maingat na umupo sa motor ni Cameron. Masyadong mataas iyon kaya kailangan niyang humawak sa balikat ng binata para makasakay siya.

"Can we leave now?"

Quincy nodded and held on behind her. Cameron saw that so he smiled at Quincy. Using his both hands, he took Quincy's hand and gently wrapped it around his waist.

"Dito ka humawak wag diyan dahil baka kung saan ka pulutin kapag umardar na tayo." nakangising bulong ni Cameron.

Sumama naman ang tingin sa kanya ng dalaga at bahagya niluwagan ang pagkakayakap niya sa bewang nito.

Hindi na sila nagtagal doon. Mabilis na pinaandar ni Cameron ang kanyang motor dahilan para humigpit ang pagkakayakap ni Quincy sa kanyang baywang.

"Cameron! Mag dahan-dahan ka naman! Paano kapag nahulog ako rito?!" inis na inis na sigaw ng dalaga.

"Eh di sasaluhin kita."

Quincy rolled her eyes before looking at the road they were on. She could feel the cold so she hugged Cameron tightly. Cameron simply smiled when he felt her tight hug.

Bilisan na lamang niya ang pagpapatakbo ng motor para makarating na sila sa restaurant kung nasaan naghihintay sa kanila ang kanyang kapatid. Cameron's motor stopped in the parking lot of the restaurant. Tinulungan niya si Quincy na bumaba bago siya sumunod.

He put his helmet in his compartment then looked at Quincy. Magulo ang buhok nito dahil bahagya itong nililipad ng hangin. He slowly moved closer to her and placed the hair behind her ear. Natigilan naman doon si Quincy at hindi makapaniwalang tiningnan si Cameron.

Cameron smiled at her.

"Let's go?" nilahad ni Cameron ang kanyang kamay sa dalaga.

"Anong gagawin ko diyan? Baka makita pa nila tayo kung ano na naman sabihin nila." taas-kilay na anas ni Quincy at akmang lalakad pero mabilis siyang napagilan ni Cameron.

"I don't care what they say Quincy." nakangising bulong nito bago pinagsakop ang kanilang mga kamay.

"Cameron teka!"

Quincy couldn't speak when Cameron started walking She tried to remove Cameron's hand that was holding her hand pero masyadong malakas ang binata sa kanya.

"Good evening Sir."

"Where's Safstrom's table?" mabilis na tanong nito habang iniikot ang paningin sa buong lugar.

"This way Sir."

"Cameron! Bitawan mo na ang kamay ko! Magagalit na ako." inis na inis na bulong ni Quincy at muli niyang sinubukang tanggalin ang kamay nito.

"Tsk." Cameron grinned and slowly let go of her hand.

"Finally you're here." Atticus said to his brother.

"Good evening Miss Constantino."

"Good evening Sir Atticus." bahagya pa siyang tumungo rito.

"My baby!" Xavia hugged her and she kissed her on her cheek

Nahihiya siyang ngumiti rito bago tiningnan ang lahat ng taong nasa table na iyon. Kumpleto ang magkakaibigan, nandodoon din ang kanyang kaibigan si Princess pati narin si Eliana na masama na naman tingin sa kanya.

Senenyasan ni Atticus ang kaibigan na pa-upuin na si Cameron sa pagitan nilang dalawa ni Calvin. Tumango naman si Quincy at tumingin sa binata ng makaupo ito.

"You're so beautiful Quin." nakangiting bulong ni Calvin sa dalaga.

"T-hank you. Kanina pa kayo?" mahinang tanong niya habang nakatingin sa kaibigan.

"Hindi naman."

"Good evening Harley Quinn. Ganda talaga nito no?" parang batang wika ni Kyle at labas na labas pa ang lahat ng ngipin niya.

Natawa naman ang dalaga bago pinagbabati ang mga ito.

"Can we eat now? Kumakaway na sakin yung karne oh. Nagmamakaawa ng kainin ko siya." nakangusong ani Javion habang nakaturo sa pagkaing nasa harapan niya.

"Tsk. Patay gutom!" nakangising bulong ni Cameron.

"Gago ka ba?"

"Yes Javion Pierce. I am." Cameron replied proudly to him.

"Hey Don't be rude in front of foods. Eat now if you are hungry." seryosong utos ni Atticus.

"Talaga! Kakain ako!" masungit na sagot nito saka kumuha ng sariling pagkain.

Tumawa naman si Xavia bago tiningnan si Quincy.

Cameron looked at Eliana who remained silent in her seat, Cameron sighed before glancing at the food. He took his own fork and spoon and put some foods on Eliana's plate. Bahagya nagulat ang dalaga dahil sa ginawa ni Cameron.

"Eat it." walang ganang utos niya rito.

He didn't expect Eliana to come to their dinner. He didn't want to see her, Cameron didn't pick her up at their house so he was shocked why she was here now. Lumingon si Cameron sa kapatid at makahulugan itong tiningnan.

"How's your practice Dekdek? tomorrow is our ball, are you ready?" Atticus asked.

"Ano namang meron at kailan ko pang maging handa? May nangyayari ba? Sasabugan ba ako ng bomba? Babarilin ba ako? Mamamatay ba ako bukas?" pabalang na pagbabalik tanong ni Cameron sa kaibigan.

His eyes glazed over at his brother. Cameron shrugged and looked at him teasingly.

"You know what Atticus? Hindi ko maisip kung kanino nagmana ang kapatid mo. Wala naman sa pamilya natin ang masama ang ugali." nakangising singit ni Javion habang ngumunguya pa.

"Sinong nagsabi sayong pamilya ka namin?" sabay na tanong ng magkapatid.

They looked at each other and laughed out loud. Natawa rin ang mga kaibigan dahil sa sinabi nina Cameron. Dahan-dahang ngumuso si Javion at parang pinagbagsakan ng Lupa.

"Susumbong ko kayo sa pamilya ko!" nagmamaktol na sigaw niya.

"Bakit ba hindi mo sinama sina Tito Dalbert?" singit ni tanong ni Dranreb.

"Wala kang pakialam Dranreb Nasir Cabrera."

"Ah oh. Tinatawag ka sa buong pangalan mo Reb, suntukan yan." pambabatos pa ni Dwight sa dalawa.

"Manahimik ka nga Dwight Dawson Ferrer. Hindi ka kamukha ni Jack kaya wala kang karapatang magsalita." suway nito at pasimpleng hinikit ang buhok nito.

"Mas gwapo naman ako don." nagmamalaking wika naman nito sa kaibigan.

"Asa ka naman inutil."

"Ano to tawagan ng panga-pangalan?" nanlilisik na matang tanong ni Jethro.

"Pwede naman Neil Jethro Fajardo."

"Papansin naman tong si Matthew Nicholai Zamora."

Biglang tumayo si Matthew at mabilis na hinila ang buhok ng kaibigan. Natawa naman sina Xavia kung paanong parang batang nagsasagutan ang mga ito. Dahil masyado silang maingay, napapatingin sa kanila ang mga taong malapit sa kanilang table. Bago pa maupo ang dalawa, they both raised their middle fingers.

"Tulungan niyo naman ako Race Pablo Molina, Brix Rowell Ybañez, Calvin Amadeus Fernandez at Kyle Gabriel Fernandez. Parang mga hindi kayo kaibigan eh." inirapan pa ni Matthew ang kaibigan kaya tumaas ang kilay ng dalawa.

"Bakit kami? Nanahimik kami rito. Nandiyan naman si Cameron Declan Nile Safstrom, bakit hindi ka sa kanya magpatulong inutil."

"Oo nga. Dadamay mo pa kami. Hiyang-hiya na kami ni kambal dahil sa ginagawa niyo." si Kyle.

"Tsk." ani Calvin.

Sinamaan ng tingin ng binata si Brix bago lumingon kay Cameron. Hindi ito nakatingin sa kanila dahil nasa sariling plato ang tingin nito.

"Lutang ang isang Safstrom." ani Javion.

"Oh siya tama na ang asaran. You are Princess right? From tourism department." pag-iiba sa usapan ni Xavia.

"Yes po Miss Xavia." magiliw na sagot ni Princess matapos siyang uminom ng wine.

"Bagay na bagay sayo ang kursong napili mo. You're so beautiful Princess." papuri ng dalaga sa kanya.

"Yiiiee thank you Miss Xavia."

"Gusto mo pa ba?" mahinang tanong ni Calvin ng makitang wala ng pagkain ang plato ni Quincy.

Bahagya namang tumango ang dalaga at bahagyang nginuso ang pagkaing nasa bandang kanan ng binata. Ngumiti si Calvin sa kanya bago iyon kinuha. Maingat niyang nilagyan ang plato ng dalaga bago lagyan ang sariling plato.

"Are you guys dating?" Xavia quickly asked Calvin and Quincy.

"We're just friendss Ate Xavia." nakangiting sagot ni Calvin at tiningnan ang dalaga.

"Totoo po yun Miss Xavia." pagsang-ayon naman niya rito.

"Friends nga talaga mga Pre. Wag na tayong umasa." nakangiwing anas ni Javion habang tumatango-tango pa.

"Friends nga." singit naman ni Race.

"You seem to be telling the truth Calvin. Isn't anyone courting with you baby Quincy?"

Natigilan si Quincy sa tanong nito sa kanya. Para siyang naubusan ng hininga na hindi maintindihan dahilan para siya'y hindi makapagsalita.

"Wala pong nanliligaw sakin." nahihiyang sagot ni Quincy.

Ngumisi naman si Cameron ng marinig ang sagot ng dalaga. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan bago pinagkrus ang mga kamay.

"Bakit wala? You are beautiful Quincy, kind, smart. Why is no one planning to date with you?" inosenteng tanong muli nito matapos uminom ng wine.

Eliana tightened her grip on her own spoon and fork. She could feel the annoyance every time Quincy spoke. Ayaw na ayaw niyang marinig ang boses ng dalaga. Kung pwede niya lamang itong sampalin ay ginawa na niya ng paulit-ulit hanggang sa magsawa siya.

"Mas priority ko ang pag-aaral Miss Xavia. Isa sa mga scholars niyo at gusto kung makita lalo na ni Sir Atticus na deserve ko kung ano yung nakuha ko." nakatungong sagot ni Quincy.

Napangiti naman ang dalawa nina Atticus at Xavia sa sinabi ng dalaga. Hindi sila nagkamali na bigyan ito ng scholarship.

"That's okay baby Quincy. The right man will come for you."

"How about you Cameron?"

Ibinaba ni Atticus ang hawak-hawak na baso. Pinatong niya ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa saka pinagdikit ang mga daliri. Dahan-dahan siyang ngumiti sa kapatid na kunot na kunot ang noo sa kanya.

"May nagugustuhan ka na bang babae?" nang-aasar na tono ng pagtatanong nito sa kanya.

"Hotseat." rinig niyang bulong ng mga kaibigan.

Unti-unting lumingon si Eliana sa binata. Alam niyang masasaktan siya sa isasagot ng binata pero gusto niyang marinig mismo ng dalawang tenga niya ang sasabihin ni Cameron. Kahit na sobrang imposible, pinapanalangin niya na sana marinig niya na gusto siya ng binata.

"What kind of question is that Kuya?" nakangising tanong ni Cameron.

"I'm just asking."

Cameron imitated his brother's position. He smiled slowly before looking at Atticus again.

"How do you know if you like a woman?" nagtataas-babang kilay na tanong nito sa kanya.

"For me? You like someone when you feel like you're floating in the air, you feel a butterfly in your stomach, you want to see her every day, it's like she's the only one you see and no one else, your world stops every time you two look at each other. Something like that Dekdek." nakangiting sagot ni Atticus habang nakatingin sa kanyang iniibig.

Kinilig pa doon si Xavia kaya hinawakan niya ang kamay ng binata.

"So I'm fucking inlove?" nakangising tanong muli ni Cameron.

He remembers what happens every time he sees Quincy.

"Gago totoo?" gulat na gulat na tanong ni Javion.

Ngumisi naman si Cameron at hindi inaalis ang tingin sa kapatid. Nagkatinginan pa ang mga ito bago muling pinag-aralan ang kaibigan.

"Baka nagbibiro ka lang Cameron."

"Mukha ba akong nagbibiro Kyle?"

"Sino naman yan?" taas-kilay na tanong ni Calvin.

"Are you inlove with Eliana?" Atticus asked.

Cameron slowly turned to Eliana. Napapansin niya pang bahagya itong nanginginig kaya hindi niya maiwasang mapangisi.

"No." mabilis na sagot ni Cameron.

Unti-unting natigilan si Eliana sa narinig mula kay Cameron. Dahan-dahan sumikip ang kanyang dibdib at nararamdaman na niya ang pamamasa ng kanyang mga mata.

"WE BROKE UP A MONTH AGO YOUR FRIENDS AREN'T MINE, YOU KNOW, I KNOW YOU'VE MOVED ON, FOUND SOMEONE NEW ONE MORE GIRL WHO BRINGS OUT THE BETTER IN YOU AND I THOUGHT MY HEART WAS ATTACHED FOR ALL THE SUNLIGHT OF OUR PAST BUT SHE'S SO SWEET, SHE'S SO PRETTY DOES SHE MEAN YOU FORGOT ABOUT ME?" biglang kanta nina Javion at mabilis naman silang senenyasan ni Atticus na manahimik.

"I will not force myself to love her because we will hurt each other." mahinang dagdag pa ni Cameron.

"BUT SHE'S BEAUTIFUL, SHE LOOKS KIND, SHE PROBABLY GIVES YOU BUTTERFLIES I HOPE YOU'RE HAPPY, BUT NOT LIKE HOW YOU WERE WITH ME I'M SELFISH, I KNOW, I CAN'T LET YOU GO." nang-aasar pang kanta ni Javion.

"I said stop Javion."

Hindi maiwasang maawa ni Quincy dahil kitang-kita niya na nasasaktan si Eliana. Pinipilit lamang nitong wag umiyak sa harapan nilang lahat. Bumuntong-hininga na lamang siya at nag-angat ng tingin kay Calvin.

"Life goes on." mahinang bulong ni Calvin sa kanya.

"Nakakaawa siya Cal."

"Mas nakakaawa siya kung ipipilit niya. He's right Quin." seryosong sagot nito bago nagpatuloy sa pagkain.

Nagkatinginan naman sina Quincy at Princess. Alam niyang may gusto itong sabihin pero dahil nasa kabilang tabi ito ni Calvin hindi niya ito makausap ng maayos.

"I'm sorry for I asking that thing."

"It's OK I understand Kuya Atticus. Mas mabuti ng marinig ko mula sa kanya. I know he can't love me." nakagat ni Eliana ang sariling labi para pigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mata.

Gusto na niyang umuwi at umiyak na lamang ng umiyak sa kanyang kwarto. Para siyang binitay sa sinagot ni Cameron. Pakiramdam niyang unti-unting nabibiyak ang kanyang puso sa sobrang sakit na nararamdaman.

Their dinner continued. Pinilit nina Xavia at Princess na mawala ang awkwardness sa pagitan nina Cameron at Eliana. Tumulong rin naman sina Kyle para mawala ang awkwardness na iyon. Cameron was silent and he couldn't even talk to Eliana. Pasimpleng tinitingnan ni Quincy si Eliana na nakatungo, hindi na nito magalaw ang sariling pagkain dahil sa kawalan ng gana. She still felt sorry for her.

When their dinner was over, they simultaneously exited the restaurant and stopped in the parking lot.

"Ihahatid na kita." ani Calvin kay Quincy.

"Ako ang maghahatid sa kanya. Lalayo ka lang. Kaya ko na Calvin." pigil ni Cameron at mabilis siyang tiningnan ng dalawa.

"Are you sure?"

Tumango na lamang si Cameron bago sumandal sa kanyang motor. Nandoon na ang sundo nina Princess at Eliana.

"Bestie. Mauna na ako sa inyo. Kita nalang tayo bukas ng hapon." pamamaalam ni Princess sa kanyang kaibigan.

"Hmm. Magiingat ka."

Yumakap siya sa dalaga bago pinapasok sa kotse nito.

"Una na po ako. Thank you Sir Atticus, Ma'am Xavia sa pag invite."

"Thank you rin Princess." ani Xavia.

"Bye guys."

Kumaway na lamang sina Javion rito bago pumasok sa sari-sariling kotse.

"Mauna na kami. Take care of her Dekdek." yumakap si Atticus sa kapatid bago tinulungang pumasok ang fiancée sa kanyang kotse.

"Take care baby Quincy."

"Ingat po kayo."

"See you tomorrow mga Pre!" sabay-sabay na sigaw ni Dranreb bago sabay-sabay na bumusina.

"Ingat kayo Cal, Kyle. JP." pilit ngiting pamamaalam ni Quincy sa mga ito.

"See you tomorrow." ani Calvin.

"Hmm."

Nang makaalis ang mga ito, sabay na tumingin sina Quincy at Cameron kay Eliana. Nakasakay na ito sa sariling kotse at nakatingin sa binata.

"Mau-una na ako. Thank you sa pag invite." mahinang anas niya.

"Hmm. Take care."

Gamit ang isang kamay ni Cameron, bahagya niyang tinapik ang windshield ng driver nito at senenyasan ng umalis sa lugar na iyon.

"Tara na."

Tinulungan ni Cameron ang dalaga na sumakay sa kanyang motor. Isinuot niya ang sariling helmet at pinaharurot ang motor papalayo sa lugar na iyon. Muling humigpit ang pagkakahawak ni Quincy sa kanyang bewang, sobrang bigat ng kanyang dibdib para sa dalaga. Ramdam na ramdam niya parin kung gaano iyon kasakit.

"Cameron."

"Hmm?"

"Aware ka namang sigurong nasaktan mo Eliana diba?" mahinang tanong ni Quincy sa kanya.

Bumuntong-hininga naman si Cameron bago tiningnan ang kanyang relo. Maaga pa naman kaya imbes na kumaliwa siya papunta sa bahay ng dalaga, mabilis siyang kumanan para puntahan ang isa mga pinagtatambayan niya.

"Saan tayo pupunta Cameron? Hindi ito ang daan papunta sa apartment." aniya at inikot pa ang paningin sa kanilang dinadaanan.

Instead of answering Quincy, he just drove faster.

Cameron's motor stopped near the sea. She went down first and Cameron followed her. Tiningnan niya ang buong paligid, payapang dalampasigan at nasa gilid noon ang night market. Dahil maaga pa, maraming tao ang nandodoon at mga namamasyal pa.

"Anong gagawin natin dito?"

Ngumiti sa kanya si Cameron at hinawakan ang kanyang kamay. Naglakad sila papalapit sa daan at umupo mahabang upuan na gawa sa bato.

"Ano nga yung tanong mo kanina?"

"Alin?"

"Kung aware ba ako na nasaktan ko si Eliana." nakangising sagot ni Cameron.

Tinuon niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran bago tumingin sa kalangitan.

"I would rather tell her the truth kesa paniwalain na may nararamdaman ako para sa kanya. Para sakin, mas masakit pa ata yun kesa sa pagpapakatotoo ko sa kanya."

"Hmm. Naiintindihan ko ang point mo Cameron pero para sa isang babae, masakit na malaman namin ang katotohanan." mahinang ng dalaga at ginaya ang pwesto ni Cameron.

"Mas pipiliin niyo na

You are reading the story above: TeenFic.Net