•CHAPTER SIX•

Background color
Font
Font size
Line height

"Mananalangin na ba ako para sa kaluluwa mo?" nang-aasar na tanong ni Javion sa pinsang si Cameron.

Nandodoon sila sa opisina ng Mr. Superior at hinihintay na lamang itong dumating. Tahimik lamang habang nakatingin si Cameron sa pintuan, hinihintay niyang bumukas iyon at pumasok ang taong hahatulan siya.

Napatingin ang dalawa ng bumukas ang pintuan at pumasok ang sampung lalaking naka-itim habang nasa likuran nito ang kanilang Mr. Superior. Mabilis na tumayo sina Cameron saka tumungo bilang paggalang rito.

"You have ten seconds to explain yourself." ma-awtoridad na anas nito dahilan para mapanganga si Cameron.

"Rap battle begins."

"I didn't want that and I'm not sure if it's really my son. Maniwala ka man o hindi--."

"Times up." itinaas nito ang isang kamay at tumingin muli ng masama sa binata.

"Five seconds lang yun ah." mahinang bulong ni Javion habang nakatingin sa kanyang relo.

"Alam kung yan lang din ang lalabas sa bibig mo. Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo? Tsk. Ang usapan natin ay mag-aaral ka, nag-aaral ka nga may anak ka naman!" inis na bulyaw nito pero nanatiling tahimik sina Cameron. "What do you think you're doing huh? Cameron, ni maghugas ng plato ay inaasa mo pa kay Javion. Paano pa ang magpalit ng lampin, magpadede at mag-alaga sa anak mo? Baka kapag nabwesit ka sa iyak no'n ay itapon mo nalang bigla."

"Sinira mo pa ang pangalan natin. Kalat na kalat na sa buong mundo ang tungkol sa batang yun. What are you going to do now?" tanong pa nito bago magsimulang maglakad papalapit sa table niya kung nasaan ang dalawang binata.

"Are you done?" tanong ni Cameron na kinakunot naman ng noo nito.

"What did you s---."

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla yumakap sa kanya si Cameron at parang batang umiiyak kahit wala namang luhang lumalabas.

"Kuya! Hindi ko nga sinasadya!"

"Ano ba Cameron?!" bwesit na bwesit na inilayo ni Atticus ang kapatid sa pagkakayakap sa kanya.

"Pagalitan mo nga yan. Masyadong malandi." pagbabatos pa ni Javion habang nakatingin sa magkapatid.

"Kuya! Ano na ngang gagawin ko kung anak ko talaga ang batang yun?" parang batang nagmamaktol na tanong ni Cameron habang pinipilit na yakapin ang kapatid.

"Ano ba dapat gawin Cameron? Katarantaduhan mo! Pakasalan mo."

"Ano?! Ayoko nga! Papayag ka bang magdusa habang-buhay ang bunso mo'ng kapatid? Maawa ka naman sakin!" nagdadabog pang sagot nito bago maupo sa sofa na nasa tapat ni Atticus.

"Dapat pa ba kitang kaawaan dahil sa bullshit-an na ginawa mo? Bakit hindi mo panindigan ang mag-ina mo? Wag mo na akong bigyan pa ng panibagong sakit sa ulo, Dekdek!" kinuha nito ang folder na nakapatong sa sariling table at mabilis na binilo para ipukpok sa ulo nito.

"Sadistang kapatid!"

"Magbihis ka na at pupunta tayo sa pamamahay ng mga Cariño."

"Ngayong gabi? Bakit hindi nalang ipagpabukas total sabado naman?" angal nito bago isiniksik ang ulo sa tiyan ni ni Atticus.

"Aasikasuhin ko pa ang kalat mo. Bilisan mo na bago pa uminit ang ulo ko, Cameron!"

Kabilang mukha ni Cameron at Eliana ang nakikita ni Quincy. Ayaw na niyang makita ang mga iyon kaya pinatay na lamang niya ang kanyang cellphone.

Maaga siyang matutulog dahil pupunta siya sa kanyang pagtra-trabauhan.

Tumigil ang sinasakyan nina Cameron sa harapan ng bahay nina Eliana. Presko silang lumabas doon. Para silang dadalo ng pormal na pagpupulong dahil sa suot nitong mga suit. Nakita na ni Cameron ang kotse ni Zanjoe sa katabi ng kanilang sasakyan. Mabilis na naglakad ang tatlo papalapit sa pintuan nito saka kumatok.

Nang bumukas ito, itsura agad ni Eliana ang nakita nila. Bahagya pa itong nagulat ng makita ang kapatid ni Cameron. Takot siya sa binata dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa mga taong hindi naman niya kaano-ano.

"Good evening." formal na bati ni Atticus sa dalaga.

"Go-od eve-ning Ku-ya Atticus." kinakabahan at hindi makatingin ng diretsong sagot ni Eliana.

Tumango na lamang ang tatlo bago sumunod papasok sa kusina kung nasaan ang mga ito. Sabay-sabay na napatingin sa kanila ang ama't ina pati narin si Zanjoe at Dean ng makita sina Cameron. Bumuntong-hininga na lamang si Javion bago tumungo sa ama bilang paggalang.

"Good evening Mr. and Mrs. Cariño. We're sorry for being late." ani Atticus.

Wala mang reaksyon ang mukha ng mga ito ngunit alam na alam na ni Cameron na galit na galit sa kanya ang magulang ng dalaga. Hindi na lamang niya iyon pinansin pa at hinayaang maupo ang kapatid bago sila sumunod ni Javion. Umupo ito sa tabi ng ama habang pinaggi-gitnaan naman ni Attitus at Zanjoe si Cameron. Sumulyap pa ito sa binata bago nilingon ang pamilya ni Eliana na nasa kanilang harapan.

"Mr Safstrom is already here. We don't have to waste any more time." paninimula ni Dean na mabilis namang tinanguan ng mga ito.

"First of all, I am the one who asked for forgiveness for what my brother did to your daughter. Ngayon lang rin nakarating ang balita sakin tungkol sa anak mo at sa kapatid ko." ani Attitus.

Wala namang nagsalita sa mga ito dahil naghihintay lamang sila ng susunod na sasabihin ng binata. Wala din namang ginawa si Cameron dahil nakatingin lamang siya kay Eliana pati narin sa mga magulang nito. Kating-kati na siyang umuwi at matulog na lamang dahil pagod na pagod siya sa araw na iyon, masakit pa ang kanyang ilong dahil sa pagsapak ni Zanjoe rito.

"Regarding all news that comes out with your child, I will take responsibility for that matter. Cameron and I also talked about it."

"I'm sorry Sir Atticus sa pagiging bastos para patigilin ka. Gusto naming marinig ang magiging plano ng kapatid mo tungkol sa kanilang dalawa ng anak ko pati narin sa batang dinadala nito." pagpuputol ni Mr. Cariño sa sinasabi ng binata.

Tumango naman ito at dahan-dahang tiningnan ang kapatid.

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron bago magsalita.

"Nasabi na lahat ng kapatid ko tungkol sa paghingi ng kapatawaran tungkol sa nangyari." nakangising aniya dahilan para lingunin siya ni Zanjoe.

"Hindi namin hahayaan na ganito na lamang ang maging kahihinatnan ng anak namin, ijo. Gusto kung panagutan mo ang anak at batang dinadala ni Eliana. Dapat na maikasal kayo sa madaling panahon."

"I will not marry your daughter Mr. Cariño. You will be angry with what I say Mr. and Mrs. Cariño but I'm not sure about the child."

"Cameron." saway ni Dean pero hindi siya pinansin nito.

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Mrs. Cariño.

Unti-unting nagbaba ng tingin si Cameron kay Zanjoe dahilan para siya'y tiningnan nito.

"Baka gusto mo'ng magsalita." nakangising aniya.

Tiningnan naman ni Eliana ang dalawang binata at mas lalo niyang naramdaman ang kaba.

Bahagya pang sumulyap si Zanjoe sa parte nina Cameron bago muling humarap sa magulang ng dalaga. Kahit kinakabahan, pinilit niyang nilabanan iyon para maipakita sa pamilya ni Eliana na hindi siya natatakot sa kung ano mang sasabihin niya.

"We have a relationship with your daughter Sir."

"Joe." napatayo si Eliana at mabilis na pinigilan ang binata.

"Let him speak Eliana." seryosong bulong ni Cameron para muli siyang mapatingin rito. "Hayaan mo namang magsalita ang lalaking 'to para ipaglaban ka sa pamilya mo."

"Is this true ija?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina at hindi naman agad siya nakasagot dito.

"Yes Mrs. Cariño. Hindi ko rin masisisi si Cameron kung sinasabi niyang hindi siya sa sigurado sa bata dahil may nangyari rin sa aming dalawa ni Eliana."

"What?" hindi mapaniwalaang tiningnan ng mga ito ang anak na natigilan sa sinabi ni Zanjoe.

Unti-unting bumuhos ang kanyang luha dahil sa samo't saring emosyon. Ngumisi na lamang sina Cameron bago sumimsim ng wine na nasa kanyang baso.

"I'm sorry Mr. and Mrs. Cariño pero hindi ko din ako papayag na maikasal ang anak niyo sa lalaking 'to." turo pa nito kay Cameron. "Ipaglalaban ko kung anong dapat ay nasa sa akin."

Napatingin sina Zanjoe ng marinig ang palakpakan mula kay Cameron at Javion. Nakakainsulto itong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Did you hear it Mr. and Mrs. Cariño? So tell me? Do I have to marry your daughter if we are not sure now that I am the father of her child?"

Unti-unting nilingon ng mga magulang si Eliana. Ang kaninang kaba lamang na nararamdaman niya ay napalitan na ng takot. Kitang-kita sa mga mata nito ang galit sa kanya.

"What is the meaning of this Eliana ?! Is it true that you have a relationship with Zanjoe ?!" malakas na sigaw ng kanyang ama dahilan para mapaatras siya.

"D-ad. Let me explain." umiiyak na lumapit ito sa ama pero mabilis siyang nakalayo.

"Is that true Eliana?" unti-unting bumuhos ang luha sa mga mata ng ina niya.

"I'm sorry Dad and Mom. But I'm really sure that Cameron is the father of my child. Trust me." pagpapaliwanag nito.

Unti-unting ngumiti si Cameron habang tinitingnan niya ang dalaga. Hindi niya alam kung kakaawaan niya ba ito o pagtatawanan. Pasimple pa nitong sinulyapan si Javion na akala mo'y nanunuod ng drama sa sinehan. Nakangisi habang umiinom ng wine.

"I think this problem is already closed. We will wait for the DNA test result to come out and if it is positive." seryosong wika ni Atticus. "Papakasalan ng kapatid ko ang anak niyo sa ayaw niya man o gusto."

Umawang ang labi ni Cameron dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Gusto niyang mag protesta ngunit sa paraan pa lamang ng pagtingin nito ay sinasabi ng manahimik na siya.

"Darating ba sina Cameron?" tanong ni Dranreb ng makaupo sa sofa.

Nasa tambayan nila ang mga ito at naghihintay na lamang na dumating ang dalawa. Sabado kinabukasan kaya walang problema sa kanila kung mag-iinom sila magdamag.

"We don't know. Ang balita ko'y namamanhikan ang mga yun." tawang-tawa sagot ni Race.

"Kung mangyayari man yun, sa panaginip lang." ani Dwight.

Tumango-tango naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sa sinabi ni Dwight.

"Hoy! Kambal tuko!" tawag ni Brix ng may maalaala ito.

Napatingin naman ang kambal na busy sa pag-inom ng alak.

"Anong problem natin?" nakangusong tanong ni Kyle rito.

"Malapit na birthday niyo di'ba? Saan gaganapin ang party?" tanong nito habang nagtataas-baba pa ang kanyang kilay.

"Hindi ko knows. Si Calvin ang tanungin mo hehehe."

Ngumisi na lamang ito bago tiningnan si Calvin. Pinag-aralan niya ang itsura nito bago tapikin ang kaliwang braso.

"Anong plano mo sa birthday niyo?"

"Same old."

"Pool party parin?" at tumango naman ito.

"Papupuntahin mo si Quincy?" mabilis na tumabi si Dranreb sa mga ito matapos lumagok ng alak.

"Kung gusto niya bakit hindi."

"Iba na talaga ang ngiting yan Calvin. Hindi na ako magtataka kung pagdating ng araw, girlfriend mo na yun." si Jethro.

"Tsk. Hindi mangyayari yun. Masaya na kami sa kung anong kami ngayon. I can't see myself living in a house with her." prankang sagot nito pero mukhang hindi naniwala sina Race sa kanyang sinabi.

"Kakainin mo rin ang sinabi mo Calvin Amadeus."

"Kahit magpatayan pa tayo rito Dranreb. Kung ayaw niyong maniwala, hindi ko na problema yan." nakangising sagot pa ni Calvin saka ininom ang alak na nasa basong kanyang hawak-hawak.

Isn't she lovely
Isn't she wonderful
Isn't she precious

"Ano na kayang nangyayari kina Cameron? Umuwi narin ang kapatid niya di'ba? Sigurado akong binabalatan na yun ng buhay." pagbubukas ng usapan ni Matthew tungkol sa binata.

"Malamang sa malamang. Kilala niyo naman si Attitus, kahit tayo ay tumitiklop kapag nakakaharap natin siya. Anak ata yun ni kamatayan. Ang lakas maka-agaw hininga." biro ni Kyle at nagkatawanan naman ang mga ito.

Napatingin ang walo ng makita ang pagpasok ng itim na kotse sa kanilang tambayan. Sabay-sabay na tumayo ang mga ito para tiningnan ang paparating na sina Cameron. Presko itong nag park at lumabas ang magpinsan. Tumingala sila at doon nila nakita ang kumakaway na kaibigan.

Matapos ang pag-uusap ng mga ito, hinatid ni Javion ang sariling ama sa kanilang pamamahay bago dumiretso sa bahay ng magkapatid. Mainit ang ulo ni Cameron dahil sa sinabi ng kanyang kuya kaya kailangan na kailangan ng alak para kahit papaano'y mailabas niya ang nararamdaman niya. Agad narin silang pumasok para makaakyat sa rooftop. Dumiretso agad ang dalawa sa table kung nasaan nakapatong ang kanilang iinumin. Nagsalin ang mga ito sa baso bago maupo sa tabi ng mga kaibigan.

"Mukhang bad mood tayo ah."

"Sinong hindi maba-bad mood? Ipapakasal ka taong hindi mo naman gusto ano nga Cameron?" nakangising tanong ni Javion.

"Ang sakit no'n pre. Pumayag ka?" nang-aasar pang tanong ni Race.

"Malamang hindi. Kahit magkamatayan na hindi ako magpapakasal kay Eliana."

"Hindi pa naman tayo sigurado na ikakasal ka sa kanta timang! Ang usapan kapag napatunayan ng DNA test result na anak mo ang bata, sa ayaw mo man o gusto papakasalan mo." pagtatama ni JP at lalo namang nanakit ang ulo ni Cameron.

"Wag na nga nating pag-usapan ang tungkol diyan!" bwesit na bwesit na sigaw nito kaya tumahimik na lamang ang kanyang mga kaibigan.

"Cal." biglang tawag ni Dranreb sa binata.

Dahan-dahan naman siyang nilingon nito na may pagtaas pa ng kilay.

"Natanong mo na ba si Quincy kung may naging boyfriend siya?"

Natigilan si Cameron ng marinig nito ang pangalan ng dalaga. Dahan-dahan siyang lumingon kay Dranreb na halata sa mukha ang pagiging interesado sa dalaga.

"I don't know, hindi ko tinatanong ang tungkol sa personal niyang buhay."

"Wala pa daw. Nakwento ni Princess sakin na marami daw ang nanligaw pero walang nagustuhan si Harley Quinn. Study first daw muna." mabilis na singit ni Kyle para mapatingin ang lahat sa kanya.

"Sobrang chismoso talaga ng kambal mo, Cal. Daig pa ang babae." ani Matthew.

"Bakit hindi mo ligawan Cal?"

"Nagsisimula ka na naman Race."

"Seryoso ako tanga! Maganda naman talaga si Quincy, sayo narin nanggaling na mabait, matalino, magaling makisama. Ano pang hinihintay mo? Arat na." nagtawanan ang mga ito maliban kina Calvin at Cameron.

Naniningkit ang mata ni Cameron habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Naiinis siya sa tuwing inaasar ng mga ito si Calvin tungkol sa dalaga. Parang hindi kakayanin ng tenga niya na makarinig ng gano'n. Hindi din naman nakikisali si Calvin sa mga ito dahil wala na siyang sasabihin pa tungkol kay Quincy.

"Hindi ko parin makalimutan yung nangyari no'ng palabas siya ng cafeteria. Para siyang model na rumarampa no'n." ani Dwight habang inaalala pa ang nangyari.

"Tsk. Wag mong sabihin na pinapantasya mo si Quincy?" pinagkrus ni Kyle ang mga braso bago tiningnan si Dwight. Nakataas pa ang mga kilay nito na parang isang babae.

"Gago hindi! Sinabi ko lang naman kung anong tingin ko!"

"She's really beautiful inside and outside." nakangiting ani Calvin at binaling naman nina Javion ang paningin dito.

Pinag-aralan nila ang itsura ko bago ngumisi ng sabay-sabay.

"Maganda pala eh bakit hindi mo ligawan?" nakangising tanong Cameron.

Ibinaba niya ang hawak-hawak na baso. Nilunok niya pa ang alak na nasa bibig saka sinulyapan si Calvin.

"Bakit hindi ikaw?"

"Baka kapag ginawa ko gumuho mundo mo."

"Ohhh fight again." batos ni Javion, tumayo pa ito at pumagitna sa dalawa.

"Tsk. Mind your own business, Cameron. Wag ang buhay ko ang pakialamanan mo." prankang sagot nito dahilan para mas lalong ngumisi si Cameron.

"Nga pala, di'ba bukas kayo magpapa-check-up ni Eliana at malalaman narin ang gender ng baby? Sunod na ba kinabukasan ang gender reveal?" pag-iiba ng topic ni Jethro.

"Yeah." maikling sagot ni Cameron.

"Pustahan ulit tayo! Babae o lalaki." mabilis na tumayo si Dranreb at dinaanan lahat ng tingin ang mga kaibigan.

"Hindi pa nga natin alam kung anak ba talaga yun ni Cameron, may panibagong pustahan na naman? Maghihirap na kami Reb." ungot ni Brix.

"Sige na! Five thousand lang naman. Baon mo lang yun ng isang araw."

"Tsk tsk sige sige."

"Game!"

Umiling-iling na lamang si Cameron bago muling uminom ng alak.

Masayang gumising si Quincy, maganda ang mood niya at hindi niya sisirain yun. Mabilis siyang bumangon sa kanyang kama saka nagtatakbo papunta sa banyo. Hindi mawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi dahil sa excitement na nararamdaman. Napapasayaw pa siya habang nagbibihis.

Simple lamang ang kanyang suot, white na polo, black na jeans at low heels para kahit paano'y magmukha siyang pormal. Inilugay niya ang mahabang buhok bago lumabas ng bahay.

"Mukhang may lakad tayo ngayon ah." nakangiting wika ni Mang Toto.

"Meron po. Pupunta ako sa pagtra-trabauhan ko ngayon." magiliw na sabog naman ni Quincy sa matanda.

"Aba mabuti yan. Ingat-ingat."

Kumaway na lamang si Quincy bago naglakad papalayo sa kanilang apartment. Tumigil siya sa kanto para maghintay ng taxi. Nang makasakay siya doon, sinabi niya ang address sa manong driver.

"Biryani's Restaurant lang po." wika nito sa driver na mabilis naman siyang tinanguan.

"Thank you po." pasasalamat niya ng sumaktong tumigil ang taxi sa harapan ng restaurant.

Nakangiti siyang lumabas ng taxi at nagsimulang maglakad papasok doon. Masyado pang maaga kaya wala pa masyadong taong nandodoon.

"Good morning Quincy." napatigil sa harapan ng babae.

Tiningnan niya ang name tag nito at doon niya nakilala na si Ruby pa ito na mag to-tour sa kanya sa kabuohan ng restaurant.

"Good morning po." magalang na tugon nito.

Napatingin ang dalawa sa pintuan ng biglang pumasok ang kambal. Dahan-dahan nanlaki ang mata ni Quincy dahil hindi niya inaasahang makikita ang dalawa ngayong araw na ito. Sabay na tinanggal ng dalawa ang suot-suot na shades saka ngumiti sa dalaga.

"Good morning Sir Calvin, Sir Kyle." tumungo si Ruby sa dalawa biglang paggalang.

"Good morning." bati rin ng dalawa saka tumingin kay Quincy.

"Mas mukha ka pang manager, Harley Quinn." bungisngis ni Kyle ng matapos niyang pag-aralan ang istura ng ng dalaga.

"Ba-kit kayo nandidito?" nauutal na tanong ni Quincy sa dalawa.

"Sasamahan ka lang namin sa pag tour sa buong restaurant." nakangiting sagot sa kanya ni Calvin.

Wala na namang nagawa pa si Quincy kundi tumango na lamang sa dalawa. Nagsimula silang mag-lakad inuna na nila ang dining area.

Napakaganda ng dining area, sobrang aesthetic ng paligid kaya kahit sinong taong

You are reading the story above: TeenFic.Net